Kabanata 44
Kabanata 44
Kaba
"Nako, mabuti nalang hindi nag-invite ng iba si Baste!" Ani Spring habang nag-aayos ng kanyang mukha.
Nandito ako sa kwarto ni Spring, nakaharap kaming dalawa sa kanyang tukador habang nag-aayos. Ngayon ang birthday ni Baste. Ang ibig sabihin ni Spring kanina ay mabuti nalang daw wala sina Jael.
Hindi ko alam pero kanina pa ako kinakabahan. Parang may mangyayari na hindi ko alam kung maganda ba o hindi. At iyon ang lalong nakakapagpakaba sa akin.
"Ang ganda mo talaga, Ianne. Kahit simpleng ayos lang, kinakabog mo!" Tumatawang sabi ni Spring, kaya natawa nalang din ako.
Maganda rin naman siya, pero mas bumagay lalo sa kanya ang nilagay niyang makapal na make-up sa kanyang mukha. Lalo na ang dark red lips na naka-apply ngayon sa labi niya. Mukha siyang bad girl na inosente.
Sinundo kami ni Vien at Wave para sabay-sabay kaming pumunta sa bahay nina Baste. Natawa ako nang makita ko si Vien dahil bihira ko lang din siya makitang nakaayos. Sinalubong niya ako.
"Tinatawanan mo nanaman ako," bulong niya sa akin.
"Hindi naman. Ang g'wapo mo nga ngayon, e. Naks naman!" Biro kong sabi sa kanya, pero iyon naman talaga ang totoo.
"Bakit kapag ikaw nagsasabing g'wapo ako, kinikilig ako?" Nakita ko pang pinipigilan niya ang ngiti niya.
Hindi ko nalang siya sinagot. Hindi ko masyadong nakita ang ganitong side ni Vien noong kami pa dahil masyado siyang seryoso sa akin at sa relasyon namin. Hindi ko nakita ang pagiging palabiro niyang ganito. Kung mayroon man ay bihira.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami kaagad sa labas ng bahay nina Baste. Sinalubong kami ng malakas na tugtog mula roon at ang iba't ibang kulay na umiikot sa buong garden ng bahay nila.
"Ang daming bisita," narinig kong sabi ni Vien.
"Oh, anong gagawin ko?" Sarkastiko kong sabi. "Hanap ka chicks."
"Chicks?" Tanong niya. "Ay, oo. Balita ko ay marami raw ang handang manok ni Baste," tumatawa niyang sabi.
Alam niya kung ano ang ibig kong sabihin pero kung ano ano ang sinabi niya. Umiling nalang ako at tumawa.
Umihip ang pang-gabing hangin. Tumabi sa akin si Spring na hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi siya mapakali dahil kasama namin si Wave. Ganyan naman siya lagi. Kahit na alam ko na kung bakit siya nagkakaganyan ay hindi ko pa rin maiwasang tanungin.
"Bakit?"
"Alam mo na." Tinuro ng mata niya si Wave.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa kanya. Alam na alam ko kung ano ang pakiramdam na ganyan at hindi ko gugustuhing maramdaman iyon ulit. Tutal ay wala rin naman dito ang dahilan kung bakit ako nababalisa, kaya wala akong dapat ikabahala.
May sarili kaming table sa loob. Hindi kami masyadong maasikaso ni Baste dahil kung saan saan siya pumupunta. Naiintindihan naman namin, kaya kami na ang nagasikaso sa sarili namin. Lalo na itong si Tick at Lucas, halos maging waiter na sila dahil taga-kuha ng inumin namin.
"Tang ina naman, nakakahalata na ako, a?" Ani Lucas habang tumatayo para kumuha ng beer.
"Nahalata mo na pala, e 'di panindigan mo na!" Kantyaw pa ng pinsan niyang si Vien.
Nagtawanan kami sa reaction ng mukha ni Lucas. Madaling nakasundo ng tropa si Lucas dahil sa ganyang ugali niya. Parehas sila ni Tick, kaya sila ang madalas magkasama. Natutuwa nga si Tick dahil sa wakas daw ay may isa pang hindi boring sa tropa at iyon ay si Lucas.
Nakakalula ang dami ng tao. Hindi ko inakala na p'wede palang mapalibutan ng maraming tao ang bahay nina Baste. Kung titignan pa ang iba ay mukhang hindi basta-basta. Hindi rin maman basta-basta sina Baste rito sa Sta. Cruz kaya hindi na ako nagulat.
"Happy birthday, man!" Bati ng mga boys kay Baste nang sa wakas ay pumunta na siya sa table namin.
"Salamat mga pare. Nakakapagod maglakad-lakad," aniya at saka umupo sa tabi ni Spring. Inabot niya ang isang beer at sunod-sunod na nilagok iyon.
"Daming chicks, ah? Pakilala mo naman kami!" Sabi ni Coups.
"Gago, mga pinsan ko iyan! Hindi ko ibibigay sa inyo. Alam ko mga ugali niyo." Tinuro-turo pa ni Baste ang mga boys.
"Paninirang puri iyan, Baste! Pare, kilala mo ako. Alam mongㅡ"
"Alam kong tatlo ang girlfriend mo ngayon," si Baste na ang nagtuloy sa dapat na sasabihin ni Gabe.
Nagtawanan nanaman sila. Mas maingay pa yata kami kaysa sa tugtog, kaya minsan ay napapatingin sa amin ang mga tao. Wala naman silang mga pakielam kaya patuloy pa rin sila sa pag-iingay.
"Kung mayroon pang isang lalaki rito na p'wede kong ireto sa mga pinsan ko, iyon ay si Vien. G'wapo, mayaman, loyal kaso manyak nga lang!"
Humagalpak nanaman sila sa tawa. Umiling nalang kami ni Spring dahil hindi naman kami makasunod. Kami lang ang babae sa table.
"Fuck you!" Malutong na mura ni Vien kay Baste habang humahalakhak din.
Hindi rin nagtagal si Baste at umalis nanaman siya. Namumula na ang mga boys. Lalo silang umingay, tanda na lasing na rin talaga sila. Anong oras na din kami rito at hindi imposibleng hindi sila matamaan. Kahit nga ako na pakunti-kunti lang ay pakiramdam ko tinatamaan na ako.
"Lasing ka na?" Bulong sa akin ni Vien.
Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Nilingon ko siya at parang mali yata ang galaw kong iyon dahil muntik ko na siyang mahalikan nang gumalaw siya. Naamoy ko sa hininga niya ang pinaghalong amoy ng mint na galing sa mouthwash siya at amoy ng alak.
"Lasing ka na, Vien." Pigil ko sa kanya.
"Damn..." tumawa siya. "Ngayon mo nalang ulit ako pinagbawalan. It feels good."
Ito na ba ang kabang nararamdaman ko kanina? Ang malasing si Vien at hindi na makontrol ang sarili?
Lumunok ako at hindi na sumagot sa kanya. Tumayo ako at nagpaalam na pupunta lang ako ng CR. Muntik na akong hindi bitiwan ni Vien, mabuti nalang at sa huli, pinayagan din niya ako.
Ngayon ang unang beses kong nakapunta sa bahay nina Baste kaya hindi ko kabisado. Nalito ako kung paano ko hahanapin ang CR, kaya pumasok ako sa loob. Nang matamaan ng ilaw ang mata ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Umikit ang paningin ko at pakiramdam ko ay tinamaan na ako ng ininom ko kanina.
"Fuck..." malutong na mura ko habang sapo ang noo.
"Dude, happy birthday!" Kung ano ano na ang naririnig ko sa paligid ko.
Pinilit kong maglakad ulit para hanapin ang CR. Tutal nasa loob naman na ako ng bahay, imposibleng walang CR dito kaya naglakad akong muli. Palakas nang palakas ang boses ng isang lalaki na kanina ko pa naririnig.
Tumawa ito. "Pasensya na ngayon lang. Alam mo naman, hindi ba?"
"Oo naman, pare. Salamat!" Boses iyon ni Baste.
Sinundan ko ang boses na iyon para kay Baste nalang ako mismo magtanong kung saan ang CR.
"Hindi nila alam?"
"Hindi, dude. Naroon sila sa garden,"
Sumilip ako sa kusina. Nakita kong nakatayo roon si Baste habang ang kausap niyang lalaki na may kasamang babae ay nakatalikod sa akin. Ngumiti ako nang makita ako ni Baste. Sinenyas ko sa kanya ang gusto kong tanungin, pero nakatingin lang siya sa akin. Parang walang balak sagutin ang tanong ko.
Napansin yata iyon ng lalaking kausap niya kaya sinundan niyon kung saan nakatingin si Baste. Tumawa ako ulit. Lumipat ang tingin ko sa lalaking kausap niya para bumati.
Pero halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko roon ang isang matangkad na lalaki. Diretsong nakatingin sa mata ko habang may nakasabit na kamay sa braso niya. Kamay ng isang babaeng maputi, makinis ang kutis at maganda.
Parang umurong ang dila ko at hindi ko na alam kung ano ang reaction ng mukha ko ngayon dahil parang huminto ang oras ko. Biglang tumahimik at tanging tibok lang ng puso ko ang maririnig. Umiiyak iyon at ramdam na ramdam ko ang hapdi ng pagkatusok ng milyon-milyong mga kutsilyo.
"Jarrik..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top