Kabanata 43
Dedicated to dauntlehs kahit hindi pa naman bs! Hahahaha. ♡
__________
Kabanata 43
Laban
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Spring ngunit mukhang tama yata siya. Mukhang kailangan ko na alisin sa buhay ko si Vien. Tutal, namili naman na ako sa kanila ni Jarrik. Wala ng dahilan para matali pa si Vien sa akin.
Umabot ng gabi ang sana ay katuwaan na ligo lang sa Culp. Umalis saglit ang mga boys para bumili ng drinks nila. Nagsama na rin sila ng iba pang p'wede naming makasama at sa gulat ko ay sinama ni Vien sila Jael, kasama ang kanyang kaibigan.
Hindi naman sa ayaw ko, pero nagulat lang ako dahil akala ko ay hindi na sila nagkakausap. Akala ko ay naputol na ang koneksyon nilang dalawa, since umayaw na ulit si Vien sa pagiging King. Nanguha nalang ng iba ang school dahil kung ayaw ni Vien, ayaw niya talaga.
"Ianne..." nilingon ko si Spring nang tumabi siya sa akin.
Umihip ang pang-gabing hangin, kaya niyakap ko ang sarili ko. Hawak ko sa kanang kamay ang bote ng beer na kanina pa nililingon ni Vien. Siguro ay gusto niya akong pagbawalan, ngunit wala na siyang karapatan.
Lumayo ako sa kanila. Hindi kasi ako makasunod sa usapan, at pakiramdam ko rin ay wala ako sa katinuan. Pakiramdam ko, hindi ako belong sa tropa nila. Pakiramdam ko, hindi ako belong sa lahat ng taong nasa paligid ko.
"I'm really sorry. I didn't mean to say those things kanina. Nadala lang ako kasi kaibigan ko rin si Vien, nakakaawa iyong tao. 'Tsaka, ayaw ko lang na may masabi sa iyo ang ibang tao," nakayuko niyang sabi.
Ngumiti ako. "Ayos lang iyon. Tama ka naman."
Ni-isang beses ay hindi pa kami nag-away ng ganoon ni Spring. Lagi siyang supportive sa akin pagdating sa mga desisyong pinipili ko, nagulat man ako kanina pero agad ko ring na-realize na panahon na talaga para suwayin ako. Hindi ko na kontrolado ang sarili ko kaya kailangan ko ng isang Springㅡna kaibigan koㅡang sasaway sa akin kaysa ibang tao pa.
"Hindi." Umiling siya. "Hindi tama ang ginawa ko kanina, Ianne. Sorry. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo, tapos ay ganoon pa ang ginawa ko kanina."
"Ang drama niya..." pabiro kong sabi na dahilan kung bakit siya natawa.
Tumawa kami nang sabay at niyakap niya ako. Siguro ay mas mabuting hindi na rin ako magtago ng sekreto kay Spring, dahil kung may isang tao man ang makakaintindi sa akin kahit ano pang gawin ko, iyon ay si Spring.
"I have to tell you something." Bumitaw kami at umupo siya sa tabi ko.
"Buti naman!" Umirap siya. "Alam ko namang marami kang hindi sinasabi sa akin, e!"
Ngumiti lang ako. Hindi nga talaga nasusukat ang pagiging matalik na magkaibigan sa panahon na pinagsamahan ninyo. Mag-iisang taon ko palang kasama si Spring pero pakiramdam ko ay buong buhay na. Pakiramdam ko, kailangang kailangan ko siya sa pang araw-araw na buhay ko.
"Hindi ba't tinatanong mo kung saan ako nanggaling noong sabado at linggo?" Tanong ko. "Kasama ko si Vien..."
"Aha! I knew it. Kaya pala kilala mo na agad si Lucas!" Pinalo niya ako. "Okay, continue..."
"Pinuntahan namin si Jarrik. Ang tanga, hindi ba?" Tumawa ako habang pinaglalaruan sa kamay ko ang beer. "Wala akong napala. Pero ayos lang iyon, atleast nagkita kami. Atleast, malinaw na sa akin ang lahat. Malinaw na na hindi talaga kami para sa isa't isa."
"Alam mo, Ianne? Hindi ko talaga alam kung paano ka nagkagusto kay Jarrik, e. Kasi sobrang perfect ng relasyon ninyo ni Vien, kita mo nga, hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang gusto niya."
Hindi ko rin alam kung paano nangyari iyon, pero kung patuloy kong sasabihin sa sarili ko na si Vien ang mahal ko ay para ko na ring kinulong ang sarili ko sa kulungan na habang buhay kong paglalagyan.
Nilingon ko si Vien na nakikipagtawanan ngayon sa mga boys kasama sina Jael. Masaya naman siya kahit wala ako, e. Kaya naman siguro niya kung iwan ko siya at iwasan. Mas masakit pa ang ginawa ko sa kanya noong pinili ko si Jarrik, kaya baka sisiw nalang ang sakit kapag umiwas ako.
"Spring, hindi ko na alam ang gagawin ko." Tumingin ako sa kanya at bigla nalang tumulo ang luha na matagal ko ng pinipigilan.
"Hala!" Taranta niyang sabi at saka ako niyakap. "Sa tagal na nating magkasama, bihira lang kitang makitang umiyak kaya tang ina mo, Ianne, baka isipin nilaㅡlalo na ni Vien na pinapaiyak kita. Umayos ka!"
Natawa ako sa sinabi niya. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa likod ko, lalo akong napaiyak dahil doon. Ito ang matagal ko ng hinahanap. Ang comfort na hindi ko makukuha sa kahit na sino, kundi kay Spring lang.
Pinaharap niya ako sa kanya at siya na ang nagpunas ng luha ko. Hawak niya ang magkabilang pisngi ko habang natatawa kami parehas.
"Gaga ka, Ianne. Tayong dalawa nalang kaya?" Humahalakhak niyang sabi.
"Straight ako, Spring..." natatawa ko ring sabi.
Kahit papaano ay nabawasan na rin ang kinikimkim ko. Nalabas ko na ang lahat kay Spring, may bunos pang kwento. Nakwento ko na sa kanya ang lahat. Hindi na rin siya nagulat nang makwento ko ang nangyari sa amin ni Vien.
"Naka-score pa itong si Vien, bago magparaya, e."
Bumalik na rin kami sa kubo-kubong pinagpwestuhan namin. Naroon ang lahat. Hindi na rin naman daw halata ang mugto kong mata kaya bumalik na kami. Agad akong nilingon ni Vien at ngumiti.
"Hindi mo naman sinabi, Ianne, na wala na pala kayo ni Vien..." humagikgik pa si Jael.
"Ano naman sana kung wala na sila?" Kalmado ngunit sarkastikong sabi ni Spring.
"E, 'di wala ng dahilan para pagbawalan si Vien sa mga babaeng lalapit sa kanya." Ngumisi pa ito.
Lumunok ako sa inis. Lahat ng iniipon kong galit sa Jael na ito ay nilinok ko nalang. Kaysa patulan pa siya, alam ko rin naman na tama ang sinasabi niya. Wala na akong karapatan kay Vien, kaya bahala na siya sa buhay niya.
"Kahit naman hindi ako pagbawalan ni Ianne ay hindi pa rin ako lalapit sa kahit na sinong babae." Si Vien ang sumagot.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakasalubong ko ang seryoso niyang mukha. Ang mata niya ay sa akin lamang nakatingin. Namumula iyon at hindi ko alam kung bakit napatingin ako sa labi niyang namamasa at namumula dahil sa pagkadila niya roon.
"Kaya idol ko itong pinsan ko, e. Magaling sa banat!" Sabat naman ni Lucas.
"Magaling ka rin bang bumanat?" Natatawang tanong ni Spring.
"Tang ina." Malutong na mura ni Wave.
Gulat na nilingon ko siya sa pag-aakalang kay Spring niya iyon sinabi, ngunit nakatitig siya sa kawalan. Hindi ko alam kung kausap ba niya sina Coups o ano. Seryoso siya, habang halos madurog na ang bote ng alak na hawak niya.
"Why not, Vien? Malaya ka naman na. H'wag mong itali ang sarili mo sa taong hindi ka naman deserve," sabi ni Jael habang umiinom.
"Kaya nga!" Kung hindi ako nagkakamali ay Stella ang pangalan nito.
Tahimik lang si Vien. Nakasandal siya sa railings habang pinapaikot ikot ang laman ng hawak niyang baso. Umuugat ang braso niya dahil sa pwersa ng pagkakasandal niya roon. Nilingon niya si Baste at bigla naman siya nitong hinagisan ng sigarilyo.
Kailan pa natutong manigarilyo ang isang ito!?
"Magmahal ka na ng iba, Vien. Sayang ka naman," sabi naman ni She.
Napayuko nalang ako. Wala akong masabi, dahil pinaparamdam nilang ako ang nagloko sa amin. Na ako ang may kasalanan ng lahatㅡwhich is true.
"Mas magaling pa kayo kay Vien, eㅡ" naputol ang sinasabi ni Spring.
"Siguro nga tama kayo. Dapat na akong magmahal ulit. Dapat na akong lumaban ulit," seryosong sabi ni Vien habang nakatitig sa akin. Na para bang sinasabi niya iyon sa akin. Na dapat na siyang magmahal, hindi ko lang alam kung sa iba, o... sa akin pa rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top