Kabanata 4

Kabanata 4

Married

"S-sira ka ba? Hindi naman kasya sa akin iyan, e." Tumawa pa ako pero sa totoo lang ay ang bilis na nang tibok ng puso ko.

Ano bang magandang nagawa ko rito sa mundo para bigyan Niya ako ng isang Vien Fortalejas na pinapangarap ng iba?

"Ako ang bahala basta umuo ka lang." He chuckled. He bite his lip while looking at me intently.

Kahit na alam kong biro lang ito ay hindi ko pa rin mapigilan ang kakaibang pakiramdam ko. Hindi ko na pinansin ang mga bulateng lumulundag sa tiyan ko. Parang tumigil ang mundo nang makasalubong ko ang mata ni Vien. Mga mata niyang maraming emosyon. Sa sobrang dami ay hindi ko na malaman kung ano ang mas nangingibabaw na emosyong nararamdaman niya.

"Lagi namang yes pagdating sa iyo, Vien," sabi ko.

"Yes!" Halos matawa ako sa sigaw niya. Akala mo naman ay totoong kasal ito kung umasta siya.

Imbes na sa ring finger niya nilagay ang singsing na guma ay sa hinliliit para magkasya. Nagulat ako nang sumakto iyon doon. Hindi masikit at hindi rin maluwag. As in sakto lang. Pinalo ko siya sa braso pagkatapos. Lagi talaga siyang nakakaisip ng paraan sa mga bagay na hindi pwede.

"You're my wife now..." bulong niya. Nalalasing na ako sa tingin niya. Kakaiba talaga ang mga matang meron si Vien. Kayang kaya niyon sabihin ang mga hindi nasasabi ng kanyang labi. "We're married."

"I am, husband."

Ngumiti siya sa akin. Ngiting hindi kayang bayaran nang pera kahit gaano ka pa kayaman. Ngiting pakiramdam ko ay ako lang ang dahilan para kay Vien. Ngiting lalong nagpapahulog sa damdamin ko.

"Mahal kita, Ianne. Mahal na mahal..."

Inatake ng uhaw niyang labi ang labi ko. Halos matumba pa ako nang marahas niyang hinawakan ang braso ko para mas mapalapit sa kanya. Humawak ako ang sa braso niya at ramdam na ramdam ko ang ugat niyon doon. Pakiramdam ko ay namamaga na ang labi ko dahil sa pagkasabik niya. Tumigil siya para tumawa.

"Alam mo ba kung ano ang ginagawa ng mga bagong kasal? Hmm?" Malandi niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ko.

Nag-init agad ang pisngi ko sa sinabi niya at ngayon ko lang napansin na naitaas niya nang kaunti ang damit ko at naroon ang kamay niya sa aking tiyan. Nakasuporta naman ang isa niyang kamay sa likod ko at medyo nakahiga na ang pwesto namin. How come hindi ko napansin na nagbabago ang pwesto namin? Kanina naman ay maayos kaming nakaupo.

Ganoon nakakabaliw ang halik ni Vien Fortalejas.

"V-vien," pipigilan ko sana siya ngunit nagmukhang naghahanap ang mga boses ko. Kinagat ko nalang ang labi ko para mapigilan iyon sa pagsasalita.

Vien chuckled. Madalas naman niyang ginagawa iyon pero bakit ngayon ay lalong nag-init ang pakiramdam ko? Para akong isang nagbabagang kahoy na kunting paypay mo nalang ay magliliyab na ang apoy na nasa katawan ko. Hindi ko na yata kaya itong ginagawa niya sa akin.

"Yes?" Bulong niya. Alam kong napapansin na niya ang mga kilos ko kaya sinasamantala niya at hinalikan pa niya ang tainga ko.

Napapikit ako at napakapit nang mahigpit sa matigas niyang braso. Sinilip ko ang hinahawakan ko at mas lalong dumadag ang init nang nararamdaman ko nang makita ko ang ugat doon at ang pumuputok niyang biceps. Nang mapansin niya ang pagdadalawang isip ko ay hinalikan niya muna ang noo ko bago umayos ng pagkakaupo.

"Ayos lang kahit hindi pa muna. Atleast asawa na kita ngayon." Hinawakan niya ang kamay ko.

Nanatili kami roon hanggang sa napapalitan na nang kulay ang langit. Nagiging kahel iyon at napakagandang pagmasdan. Kunting oras nalang ay mapapalitan iyon ng dilim, maggagabi na. Wala na akong hihilingin ngayon. Perpektong perpekto ang lahat.

"Paano kung hindi pala tayo para sa isa't isa?" Bigla kong tanong.

Naisip ko kasi iyong lagi kong iniisip. Na minsan kaya umaas ang isang tao ay dahil akala niya ang taong mahal niya sa oras na iyon ay ang makakatuluyan niya. Maraming pwedeng mangyari. Walang kahit isang tao ang nakakaalam kung ano ang mangyayari kinabukasan.

"Marami akong kayang gawin para makuha ko ang mga gusto ko, Ianne. Kahit sabihin mo sa aking hindi mo na ako mahal, gagawa ako ng paraan para mahalin mo ulit."

Napangiti ako. Sapat na ba ang pagiging matured ng pag-iisip namin ni Vien sa bagay bagay para mapatunayan na kami na ang magkakatuluyan sa huli?

"Why are you asking me that kind of question? Pinagdududahan mo ba ang relasyon natin?" Kunot noo niyang tanong.

"Hindi," sagot ko. "Naisip ko lang kasi na bata pa tayo at marami pang mangyayari sa buhay natin."

"Basta kumapit ka lang sa akin, ako nang bahalang lalaban."

Inabot kami ng gabi roon. Alas siyete na yata nang makauwi kami sa bahay nila. Wala pa kaming kain pero hindi ko ramdam ang gutom. Wala pa rin si Jarrik sa bahay nila at mukhang nag-eenjoy nga yata ang isang iyon doon. Papagalitan nanaman ang ni Ate Penny nito mamaya pero kailangan kong magluto ng dinner para kay Vien.

"Magpalit ka na muna." Hinagis niya sa akin ang isang t-shirt na may "Fortalejas" sa likod.

Natuyuan na rin pala kami kanina. Sanay naman na ang katawan namin sa ganoon kaya alam kong hindi kami magkakasakit. Umakyat ako sa kwarto niya at doon nagpalit. Nakakahiya man pero may mga underwear ako rito. Sa dalas kasi naming gawin ang ganito ni Vien ay naiiwan ko na ang underwear ko rito kaya may nasusuot ako kapag emergency. Ayaw naman niyang ibalik sa akin. Kupal talaga ang isang iyon!

Pagbaba ko ay nagaayos na siya ng mesa. Nilalagay niya roon ang mga ulam na naluto na at kanin. Sinulyapan niya ako saglit habang nag-aayos tsaka ngumisi.

"Iniwan mo?" Nag-init ang pisngi ko sa tinanong niya.

At ang kupal ay tumatawa pa na may halong pang-aasar. Kainis! Nilabhan ko sa CR ng kwarto niya ang underwear ko na nabasa kanina. Iniwan kong nakasampay iyon doon. Ayaw na ayaw niyang inuuwi ko ang mga iyon. Doon nalang daw sa kanya.

"Baka makita Tita iyon at baka kung ano pa ang isipin nila." Kahit na hindi ko nakikita ang sarili ko ay alam kong pulang pula ang pisngi ko.

"Ano naman? Kasal naman na tayo, hindi ba?" At talagang inaasar niya ako!

Umupo ako sa tapat niya. Nilagyan niya ng kanin at saktong ulam ang pinggan ko habang nakatingin pa rin sa akin ng nakakaasar. Humagalpak siya sa tawa nang mabitawan ko ang kutsara dahil sa pagkataranta.

"Kainis ka naman, Vien, e!" Pikit matang sabi ko.

Nagpatuloy siya sa pagtawa. Tumigil siya sa ginagawa para lang hawakan ang tiyan niya habang tumatawa. Ano naman kaya ang nakakatawa rito? Napapahiya ako pero mukhang gustong gusto pa niya.

"I hate you!" Nakalabi kong sabi.

Madali lang akong mapikon kaya naging hobby na niya ang asarin ako. May time pa nga noon na nagwalk out ako dahil sa pagkaasar sa kanya. Kung hindi lang gwapo ang isang ito ay baka sinapak ko na sa mukha.

"Anong sabi mo?" He asked with no humor. Sa isang iglap ay seryoso na agad ang tono ng boses niya.

Ayaw na ayaw niyang sinasabihan ko siya ng "I hate you" dahil para sa kanya, kahit na biro biro lang ay may meaning. Baka raw totoong ayaw ko na siya at sinasabi ko lang ng pabiro.

"I hate you kasi-"

"Mahal kita." Putol niya sa sinasabi ko. "Kahit na ayaw mo sa akin, iyan ang panghawakan mo."

Umirap nalang ako. Ang weirdo talaga niya! Siya ang nauna sa asarang ito tapos noong napikon ako ay napikon na rin siya?

Tahimik kaming kumain. Ayaw kong tumingin sa orasan dahil alam kong gabi nanaman. Lagot talaga ako sa mga Ate ko pero habang kasama ko si Vien ay siya nalang muna ang iisipin ko. Walang iba.

Tama nga ako. Nang umuwi ako ay hinatid ako ni Vien pero nasa harap na ng gate si Ate Penny at nakapamaywang doon. Bigla akong kinabahan. Mas nakakatakot pa siya kaysa kay Nanay at Tatay na tahimik lang at hinahayaan ako sa mga ginagawa ko.

"Pasensya na Ate Penny kung ginabi nanaman si Ianne. Kasalanan ko po," sabi ni Vien kahit sa totoo ay hindi naman niya kasalanan.

"Sige, umuwi ka na Vien," sabi ko tsaka ngumiti.

Nang makaalis na si Vien ay tsaka hinila ni Ate Penny ang braso ko. Ito na talaga ang katapusan ko. Mabuti pa si Ate Reina at hindi masyadong nangingielam. Hindi ko alam kung may gusto bang patunayan si Ate Penny sa pagiging panganay o talaga concern lang siya sa amin.

"Anong oras na, Ianne?"

Napatingin ako sa wall clock na nakadikit sa gilid ng bahay namin. Alas diez na nang gabi. Hindi na namin napansin ni Vien kanina ang oras at naglaro pa kami ng habulan sa bahay nila habang naghuhugas ng pinggan. Landi, 'no?

"Sorry na Ate," pa-cute kong sabi. Sabay na napalingon sa amin si Ate Reina at Heavy pagkapasok namin ng bahay.

"Hayaan mo na siya, Ate. Puputi lanh buhok mo sa babaeng iyan," sabi ni Ate Reina sabay kindat sa akin.

"Hinahayaan ko naman kayo sa mga buhay niyo pero kapag ganito kadalas? Hindi na maganda. Paano kung mabuntis ka?" Tanong niya sa akin.

Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil biglaan. Hindi manlang ako nakaisip ng rason sa oras na itanong sa akin ang tanong na iyan. Kanina, muntik ko na isuko ang sarili ko kay Vien. Hindi imposible na mangyari iyon isang araw at hindi ko alam kung ano ang gagawin at sasabihin ko.

"Edi maganda!" Si Heavy ang sumagot. "Ate Pens, Fortalejas na iyon, tsaka ang gwapo kaya ni Kuya Vien!"

"Tumigil ka sa pagsabat diyan, Heavy!"

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para kumalma si Ate Penny. Iniisip kasi niya na baka mangyari sa amin ang nangyari sa kanya. Naiintindihan ko naman siya pero masyado na siyang OA.

Nabuntis kasi noon si Ate Penny. Isa rin sa Fortalejas na pinsan ni Vien. Tapos nalaman nalang namin na lumuwas pala ng Maynila si Kuya Kent, si Ate Penny naman na-stress hanggang sa nalaglag ang bata. Hindi na sekreto ang balitang iyon ni Ate Penny at sa tingin ko ay alam din iyon ni Kuya Kent. Ngunit hindi na siya bumalik pang muli rito sa Sta. Cruz.

Pagkagising ko kinabukasan ay kila Vien nanaman ang diretso ko. Wala rin kasing magawa sa bahay. Aalis din naman sila Ate dahil may trabaho, si Heavy naman ay pupunta rin sa kaibigan niya. Panigurado, sa pasukan ay hindi ko na magagawa ang mga ganito.

"Vien!" Sigaw ko tsaka pumasok na sa loob ng bahay.

Katulad noong isang araw ay Jarrik ulit ang naabutan ko. Gulo gulo ang buhok niya at halatang bagong gising pa dahil hindi pa masyadong dilat ang kanyang mata. Nilingon niya ako at tamad na ngumiti.

"Maagang umalis si Vien, akala ko ay ikaw ang pinuntahan?"

Napatigil ako. Ano raw? Umalis ng maaga si Vien at saan naman kaya nagpunta ang isang iyon? So, ibig sabihin ay mag-isa lang ni Jarrik ngayon dito sa bahay nila Vien?

"Saan daw pumunta?" Tanong ko tsaka umupo sa kabilang couch.

"Hindi sinabi," nagkibit balikat siya.

Imposible kayang pumunta siya sa mga barkada niya at sumama nanaman sa mga lakad ng mga iyon? Ngunit sa ganitong oras? Masyado pang maaga para sa inuman.

"Kamusta ka? Hangover?" Tanong ko.

"Medyo," humalakhak siya tsaka naghilamos ng mukha. "Naparami rin kasi ako ng inom kagabi."

"Hindi ka naman nila pinilit?"

"Hindi. Nag-enjoy ako kasama sila kagabi." Ngumiti siya.

Tumango nalang ako. Bumuntong hininga ako. Kating kati na ako malaman kung saan nagpunta si Vien at kung bakit ang aga niyang umalis!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top