Kabanata 39
Dedicated to euree_kimchi ♡
_________
Kabanata 39
Bakit Pa
"Anong gusto ninyo? Kape, juice or beer?" Tanong ni Yvonne.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong unit. Kahit na wala rito si Jarrik ay alam kong sa kanya nga ito. Masyado ko siyang kilala kaya pati ang pagkakaayos ng mga gamit niya ay alam kong siya ang gumawa. Pati na rin ang pamilyar na amoy sa buong unit.
Nag aayos ng buhok ang dalawang babae habang ngingiti-ngiti kay Vien. Habang si Vien naman ay walang pakielam at nakatingin din sa buong unit, hindi sinagot ang tanong ni Yvonne kaya ako nalang ang nagsalita.
"No, it's okay."
"Bakit ninyo ba hinahanap si Jarrik?" Tanong naman ni Rielle.
Tinikom ko ang bibig ko. Nakakahiyang sabihin na dahil sa akin kaya namin siya hinahanap. Na hinahabol ko si Jarrik. Babae sila, kaya alam ko kung ano ang mga iisipin nila sa oras na sabihin ko iyon. Una palang naman ay hindi na ako sang ayon sa planong ito ni Vien, ngunit nagpumilit siya, kaya wala na rin akong magawa.
"Kaibigan niya kami galing probinsya," si Vien ang sumagot.
Kumunot noo ang dalawa at inisip pa kung saang probinsya ang tinutukoy namin. Siguro ay walang probinsya si Jarrik, kaya ganoon nalang ang gulat nilang malaman na may kaibigan siyang hindi taga-Maynila.
"Ah! Bakaㅡ"
"Tama! Sa kanila nga tumira si Jarrik nang mawala ang kupal na iyon!" Ani Yvonne.
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Yvonne. Kupal? Si Jarrik ba ang sinasabihan niya ng kupal? Bakit? Hindi ko alam kung ano ang relayson ni Jarrik sa dalawang ito pero sa nakikita ko ay close sila. Hindi ko alam kung sa anong paraan.
"Oy, thank you sa kabaitan ninyo!" Ani Rielle, pero tanging si Vien lang ang kinamayan niya.
"Lumabas lang siya saglit, babalik na rin iyon maya maya." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Yvonne.
Handa na ba talaga ako? Ilang araw ko na iyang tanong sa sarili ko at hindi manlang nabibigyan ng kasagutan. Siguro 'tsaka ko na malalaman ang sagot na iyan kapag nasa harap ko na si Jarrik. Kung wala na akong magawa kundi harapin nalang ang pinasok namin ni Vien.
"Anyway, Vien, ilang taon ka na pala?" Tanong ni Rielle.
"Kaka-21 ko lang," sagot naman ni Vien.
"Hala, ang bata ko pa!" Sabay na sabi nilang dalawa.
Noong una ay iniisip kong baka babae ni Jarrik ang dalawang ito, pero ngayon ay sigurado akong hindi. Dahil mukhang interesado sila kay Vien at bata pa nga sila. Baka kaibigan lang sila ni Jarrik, pinsan o ano. Hindi ko naman kasi natanong iyon sa kanya. Tungkol sa pamilya niya. Ang alam ko lang ay ang tungkol sa Lola niya.
Bumukas ang pinto kaya natigil kaming apat sa kanya kanyang ginagawa. Nanatili akong nakatalikod sa may pinto at hindi ko magawang lumingon doon, dahil alam kong sa oras na lumingon ako ay baka mawala na ako sa isip ko. Kumabog ang dibdib ko at pakiramdam ko ay wala na akong ibang marinig kundi ang pagtibok niyon. Parang tambol na pinaglalaruan ng isang bata at palo nalang nang palo.
"Jarrik!" Sigaw ng dalawa at tumayo.
Hindi ko na maramdaman ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay sa sobrang kaba ko, namanhid na iyon. Naramdaman ko rin ang pagtayo ni Vien sa tabi ko. Ako nalang ang nanatiling nakaupo. Hindi ko kaya. Ito na ang kasagutan ko sa tanong ko kanina. Hindi ako handa, pero wala na akong magawa.
"Hey?" Malalim iyon at lalaking lalaki.
Napapikit ako ng mariin. Miss na miss ko na ang boses na iyon. Kung paano niya kausapin noon gamit ang boses na iyon. Mababaliw na ako dahil gusto kong tumakbo papunta sa kanya para yakapin siya, pero wala akong lakas ng loob.
"Hindi mo naman sinabing may gwapo kang kaibigan, Kuya!" Ani Yvonne.
"Kaya nga naman, Kuya. Kung hindi pa kami pumunta ni Yvonne rito ay hindi pa namin malalaman." Si Rielle.
Okay! Kuya na ang tawag ng dalawa sa kanya. It's either pinsan niya ang mga ito, o kapatid. Bakit ba hindi ko tinanong ang tungkol dito kay Jarrik noon? Mukha tuloy akong tanga kanina na halos pagselosan ko pa ang dalawang babaeng ito at naisipan ko pa sila ng masama.
"Vien, p're!"
Palapit nang palapit ang boses niya kaya alam kong palapit na rin siya nang palapit kung nasaan ako. Kinurot ko ang tuhod ko at nanalangin na sana ay lamunin nalang ako ng lupa ngayon para matakasan ito dahil hindi ko kaya.
"Ianne..." napabuga ako ng hininga nang marinig ko ang pagbigkas niya sa pangalan ko.
Wala nang maproseso ang utak ko sa mga oras na ito. Ang alam ko lang ay binanggit ni Jarrik ang pangalan ko at narito na ulit siya sa paligid ko.
Maraming tumatawag sa pangalan ko ngunit kakaiba talaga ang paraan ng pagtawag niya, o iba lang ang dating niyon dahil siya ang bumigkas. Hindi ko alam. Nagiinit ang gilid ng mata ko sa sobrang tuwa.
Mixed emotions. Natutuwa ako, nahihiya, kinakabahan, naeexcite. Hindi ko alam kung alin doon ang mas lamang, pero ang alam ko lang ay masaya pa rin ako pagtapos ng lahat ng mga ito. Naramdaman ko ulit ang presensya ni Jarrik na matagal ko ng hinahanap hanap.
Lumingon ako. Bago ako makalingon ng tuluyan kay Jarrik ay nakita ko si Vien. Ang lungkot sa mga mata niya habang nakangiti pa rin ay hindi nakaligtas sa akin. Masaya siya para sa akin, ngunit malungkot siya para sa sarili niya. Pero mas pinili niya ang kaligayahan ko kaysa ang sariling kanya. Biglang nadurog ang puso ko dahil doon.
"Long time no see, Jarrik..." sabi ko.
Ang dami kong gustong sabihin sa kanya, pero iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Mabuti nga at hindi pa ako nautal o ano, dahil mas malakas pa yata ang tibok ng puso ko kaysa ang boses ko ngayon.
"Hi?" Casual na bati niya at saka tumingin sa dalawang babae. "At kayong dalawa, akala ko ay umalis na kayo!"
"Si Kuya naman, hindi mo ba kami na-miss!?" Nagtatampong tanong ni Rielle.
"At saka, kung umalis kami ay hindi namin makikilala si Vienㅡay este walang magbubuka ng pinto sa mga bisita mo!" Ani Yvonne.
Hindi naman nagsalita si Jarrik at hinila nalang ang dalawa para ipitin sa magkabila niyang kili-kili. Tumili naman ang dalawa at sumisigaw na maasim daw ang kili-kili ni Jarrik.
Bigla naman akong napangiti dahil sa kanila. Sa tagal kong nakasama si Jarrik ay hindi ko aakalain na ganito siya sa mga kapatid o pinsan niya, hindi ko alam kung alin doon ang relasyon niya sa dalawang ito. Kaya pala kung makatingin siya noon kapag nagaaway kami ni Heavy ay iba.
"Pasensya na kayo, makulit lang talaga ang dalawa kong kapatid na ito," sabi niya.
Kapatid nga. Ngayon lang nag iba ang tingin ko sa dalawa. Kung kanina ay akala ko dalaga na sila at may edad na, ngayon naman ay nakikita kong bata ang dalawang iyon. Siguro ay nasa katorse or kinse ang edad ng mga ito.
"By the way, bakit nga pala kayo napapunta rito?" Tanong niya.
"Ah, p're kasi gusto ka sana makausap ni Ianne..." si Vien na ang nagsalita dahil alam kong alam niyang hindi ko kayang sabihin iyon.
"Really?" Namangha siya sa sinabi ni Vien ngunit ako naman ang namangha sa sumunod niyang sinabi.
"Bakit pa, Ianne?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top