Kabanata 36

Kabanata 3

Plane Ticket

Humangin ng malakas dahilan kung bakit sumabog ang buhok ko sa mukha ko. Inayos ko iyon at nilagay sa likod ng tainga ko. Mainit ang sinag ng araw pero as usual, malakas pa rin ang hangin.

"Hey..."

Tumingala ako nang biglang may upuan sa harapan ko. Naka-squat siya sa upuan at kumakain ng chips. Ngumisi siya sa akin kaya kumunot ang noo ko. Kakaiba talaga ang mukha ng isang ito. Hindi ko malaman kung cute ba siya, gwapo o hot. Pwede bang makuha niyang lahat ng iyon?

Nagulo ang medyo may pagkamahaba niyang buhok dahil sa hangin kaya natatakpan ang mata niya, ngunit kitang kita ko pa rin kung gaano iyon kadilim. Kahit tumatawa siya ay hindi nagbabago ang dilim ng mata niya.

"Vien..." tawag ko sa kanya.

Tinaas niya ang dalawa niyang kilay at saka ngumisi. Binaba niya ang hawak niyang chips at kinuha ang panyo ko sa ibabaw ng libro ko at saka pinunas sa daliri niya. May hinalungkat siyang kung ano sa bulsa niya kaya nanatiling nakakunot ang noon ko.

"Nga pala, may surprise ako."

Simula noong araw na may mangyari sa amin at sinabi niyang malaya na ako ay naging magkaibigan na kami. Hindi ko man naamin sa sarili ko at sa kanya noo pero...

Mahal ko pala talaga si Jarrik.

Alam kong nasasaktan pa rin siya tuwing namimiss ko si Jarrik. Wala naman akong magawa para pasayahin siya. Inaway ko pa nga siya noon para lang layuan niya ako pero hindi niya ginawa.

Ang sabi niya ay ngayon ko siya mas kailangan. Ngayon ko mas kailangan ng kaibigan, kaya hindi niya ako iiwan.

"Hulaan mo," nakangising sabi niya.

Pinalo ko ang braso niya at tumawa. Kahit kailan talaga ay may pagka-isip bata pa rin ang isang ito. Too bad, hindi ko iyon masyadong nakita noong kami pa. Masyado kasi siyang seryoso noon.

"Ano nga, Vien?"

"Ta-da!" Winagayway niya ang hawak niya.

Napawi ang tawa ko at hindi ko alam kung anong irereact ko sa pinakita niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, maiinis, mahihiya o ano. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang gagawin ko!

"A plane ticket. Hello, Manila!" Masaya niyang sambit.

Dalawang plane ticket ang hawak niya. Binigay niya sa akin ang isa pero hindi ko kinuha kaya siya na ang naglagay noon sa kamay ko.

Hindi deserve ni Vien ang isang katulad ko. Hindi niya deserve masaktan at lalong lalon nang hindi niya deserve na magkaroon ng ex-girlfriend na na-inlove sa iba habang nasa relasyon palang sila.

"I can't take this, Vien."

"Hindi naman kita tinatanong," ngumisi siya. "Ibibigay ko iyan sa iyo sa ayaw at sa gusto mo. Kaya tanggapin mo na, sasamahan naman kita roon..."

Pagkatapos naming pumunta Maynila, ano? Anong mangyayari? Hahanapin namin si Jarrik para sabihin na siya ang mahal ko? Na gusto ko siya? Para saan pa? Paano kung may girlfriend pala siya? Hindi naman niya nakwento ang buong buhay niya sa Maynila kaya who knows?

Paano kung may babae palang naghihintay sa kanya noon pa roon sa Maynila?

"I don't want to get things worse, Fortalejas."

Imbes na sagutin ako ay hinawakan ni Vien ang kamay ko. Tinignan ko siya at binigyan lang niya ako ng ngiting nagsasabing, magtiwala ako sa kanya.

"Regalo ko iyan tapos tatanggihan mo?" Ang isang sulok ng labi niya ay nakataas.

Bumuntong hininga ako. Ayaw kong madisappoint siya at alam kong madidisappoint talaga siya sa oras na hindi ko tanggapin ang binibigay niya. Pero hindi ko talaga kayang gawin iyon kahit na malapit na magsummer at magbakasyon.

"Yo guys!" Sigaw ni Spring ang nagpataranta sa akin.

Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang plane ticket at agad na itago sa bulsa ng bag ko. Inayos ko ang buhok ko at sinubukan kong maging kalmado na parang walang nangyari.

Kasama niya si Tick, Coups at Wave. Classmate silang apat sa isang subject kaya magkakasama sila at imbes na sa upuan umupo si Tick ay tumalon siya at naupo sa table habang hawak ang gitara niya.

"Bawal iyan! Kapag nakita ka noong guard, lagot ka nanaman," umiiling na sabi ko pero binigyan lang niya ako ng isang ngisi.

Umingay ang mundo namin ni Vien nang dumating sila. Kung saan saan napunta ang usapan nila. Nakikinig lang ako at tanging si Spring lang ang nakikipagsabayan sa kwentuhan nila. Hindi ko rin naman kasi maintindihan kung anong pinaguusapan nila, eh.

"Dancing on the line,

Of a dangerous love

You could break me overnight

But there's no one like us

Insatiably insane

Equally exchanged"

Biglang naputol ang usapan nila dahil biglang tumugtog at kumanta si Tick. Maraming babae ang napalingon sa pwesto namin. Hindi ko alam kung dahil kay Tick o dahil alam nila ang kantang tinutugtog niya.

"LANY!" Sigaw ni Spring.

Wala yatang araw na hindi siya nagfangirling sa LANY, and thanks to her kasi nakilala ko sila. Hindi ko rin maikakaila na magaganda nag mga kanta nila.

"Baby, come back,

I know my way around your heart

Don't start thinking

Things have kinda changed

They're different from what they are

You know better..."

Halos mabulunan ako ng sarili kong laway ko nang makita ang mga kinikilig na mga babae habang nakatingin sa nakangising si Tick.

Gwapo si Tick. Talented, bad boy ang itsura at magaling maglaro sa mga babae. Pero dahil kaibigan ko siya ay wala akong makitang kahit anong espesyal sa kanya.

"Throw it all away

'Cause you do what you want

You took a little time,

Let 'em talk to you too much..."

"Good girls don't exist!" Sigaw ni Tick at saka humalakhak.

Mukha namang wala siyang pakielam kung nakaattract siya ng maraming babae dahil sa ginawa niya dahil kahit isang tingin ay hindi niya tinapunan ang mga nasa harapan namin. Umiling ako at yumuko nalang.

"Aalis ka?" Rinig kong tanong ni Wave.

Kinabahan ako bigla. Alam kong si Vien ang kausap niya. Siguro ay hindi naitago ni Vien ang plane ticket niya at nakita iyon ni Wave. Huwag lang talaga niyang sasabihin na kasama niya ako.

"This saturday," tumango siya.

Lumunok ako dahil sa barang nakaharang sa lalamunan ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila kahit na alam kong hindi naman nila alam na aalis din ako. Pakiramdam ko ay mahahalata nila ako kaya yumuko pa ako lalo.

"Sino kasama mo, bro?" Tanong ni Tick.

Halos marinig ko na ang paglabas at pagpasok ng puso ko sa sobrang lakas ng kabog niyon. Tiningala ko si Vien at nakita lang din siya sa akin habang nakangiti.

Ako lang yata ang hindi gusto ang ngiting nakikita sa labi ni Vien. Pakiramdam ko kasi ay hindi iyon totoo. Pakiramdam ko, pilit niyang tinatago sa likod ng ngiting iyon ang totoong nararamdaman niya kaya lalo akong naguguilty sa ginawa ko sa kanya.

"Kasama ko ang babaeng mahal ko..." mahinang sabi niya.

Kinantyawan siya nila Wave at pinilit na pinapaamin kung sino raw iyon. Siniko naman ako ni Spring kaya nilingon ko. Tumaas ang dalawang kilay niya sa akin kaya tumango lang ako para sabihin na ayos lang sa akin iyon.

"Pero hindi ninyo na kailangan pang malaman kung sino!" Pabiro niyang sinuntok ang dibdib ni Coups na pilit siyang pinapaamin.

"Paano na si Ianne!" Sabi naman ng pilyong si Tick na tinuturo turo pa ako.

Ngumisi lang si Vien at hindi na nagsalita. Kinindatan niya ako. Dahil nakatitig ako sa kanya ay kitang kita ko kung paano magsalita ang labi niya nang walang boses na lumalabas.

"I love you pa rin..." he mouthed.

💎💎💎

Sold-out na concert ticket ng LANY! Pero ang mas masakit ay kahit may ticket pa rin, hindi naman ako makakabili. Sad. =(((((

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top