Kabanata 35

Kabanata 35

Malaya

Kinabukasan, usap usapan nila Baste ang pag alis ni Jarrik. Tahimik lang kaming dalawa ni Vien habang kumakain sa isang karenderya. Nilalagyan ni Vien ng ulam ang plato ko kaya nilingon ko siya.

"Busog na ako, Vien..." mahinang sabi ko.

Imbes na tumigil ay nilingon lang niya ako at nginitian. Sinandal niya ang braso niya sa back rest ng upuan ko habang ngumunguya. He really looks good kahit na punong puno ng pagkain ang bunganga niya.

Bumuntong hininga ako at napansin na pinagtitinginan nanaman ng mga kababaihan ang table namin. Tahimik lang din si Spring sa tabi ni Wave. Ang tanging maingay lang naman ay sila Tick habang kinukwento nila ang nangyari kahapon sa airport.

"Tangina no'n ni Jarrik, matagal na palang nakaipon, eh!" Ang isang sulok ng labi ni Coups ay nakataas habang sinasabi iyon.

Matagal na? Eh bakit kahapon lang siya umalis? 'Di ba, iyon naman talaga ang balak niya kaya siya nagtatrabaho rito? Para makaluwas ng Maynila?

"Hindi niya tayo maiwan iwan, bro..." humalakhak pa si Tick dahil late na niya narealize na para siyang bakla sa sinabi niya.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Vien mula sa kanyang upuan. Tiningala ko siya at nakababa lang din ang tingin niya sa akin habang inaabot ang kanang kamay.

"Tara?" Aya niya.

Agad na umalma ang mga kaibigan niya. Kunot pa rin ang noo ko at hindi ko maintindihan kung bakit kami aalis dito. Wala naman kaming napag usapan or something. Pero dahil ayaw kong mapahiya siya ay inabot ko na ang kamay niya atsaka tumayo.

"Here we go again! Ang mga kj," umiiling na sabi ni Wave.

Hindi namin pinansin ang mga sinabi nila at tuloy tulot pa ring umalis. Hindi ko alam kung saan ang punta namin kaya hinayaan ko nalang na hilahin ni Vien ang kamay ko.

Pinagtitinginan kami ng schoolmates namin. Naka-uniform sila na katulad ng sa amin kaya alam ko kaagad na schoolmates namin sila.

"Hindi ba si Jael ang Queen ni Vien? Bakit itong si Ianne ang kasama niya?" Narinig kong sabi ng isa.

Katulad nga ng sinabi sa akin noon ni Jael ay dapat laging magkasama ang King and Queen. Wala namang kaso sa akin iyon pero matigas ang ulo nitong si Vien. Bahala na raw kung makick-out siya sa school, ang mahalaga ay kasama naman niya ako.

Dinala ako ni Vien sa bahay nila. Noong nakaraan ay lagi na ako rito dahil umuwi ang parents niya. Pero simula noong lumuwas nanaman sila ng Maynila ay hindi na ako ulit nakapunta.

"Dito lang tayo..." ngiting sabi ni Vien.

Hindi ako gumalaw sa pagkakaupo. Bakit pakiramdam ko ay may mangyayari ngayon na hindi ko magugustuhan. Pakiramdam ko, may kakaiba ngayon.

"May gusto ka bang sabihin sa akin, Ianne?" hinarap niya ako.

Hinawakan niya ang buhok ko para ayusin. Nakatingin lang ako ng diretso sa mata niya. Nangangapa ng kakaibang pakiramdam pero hindi ko maramdaman. Biglang ngumiti si Vien at malalim na bumuntong hininga.

"Come here..." he whispered.

Mabilis niya akong hinalikan sa labi. Pinagdikit niya ang noo namin at hindi ko na magawang imulat pa ang mata ko dahil halos umiyak na ako sa harap niya ngayon kasi ibang lalaki ang nasa isip ko habang hinahalikan niya ako.

"You like Jarrik?" malambing na tanong niya.

Dahil sa sinabi niyang iyon, minulat ko ang mata ko. Nakangiting Vien ang una kong nakita ngunit hindi ko matatanggi na kitang kita ang nasasaktan niyang mata. Hindi ako nagulat sa tanong niya dahil iyon ang nararamdaman kong kakaibang mangyayari ngayon.

Hindi ko magawang sumagot dahil ayaw kong pangunahan ang sarili ko at ayaw kong may masaktan ako. Hindi ko kaya. Niyakap ko si Vien kasabay ng tuloy-tuloy na pagtulo ng luha ko.

"You love him?" tanong niya ulit.

"Vien... stop..."

Hindi ko kayang sa kanya mismo manggaling ang mga tanong na iyon. Hindi ko rin kayang sagutin sa harap niya. Hindi ko kayang saktan si Vien.

"It's okay. Mahal kita, Ianne... lahat ay tatanggapin ko para sa iyo, lahat gagawin ko sumaya ka lang,"

Parang hinahati sa dalawa ang puso ko. Hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa mga sinasabi. Ayaw kong bitawan ang pagkayakap ko kay Vien.

Ayaw ko siyang bitawan.

Nakapikit lang ako habang nakayakap sa kanya. Kahit anong pigil ko sa luha ay parang may sarili iyong buhay para magtuloy-tuloy sa pagtulo.

"Vien..."

"Hindi naman ako mawawala sa iyo, Ianne. Nandito pa rin ako palagi. Lalo na kapag kailangan mo ako..."

Pwede bang bumalik nalang kami sa dati? Iyong dati na hindi pa dumadating si Jarrik sa buhay namin? Dahil noon, mas maayos ang buhay namin. Mas maagan at hindi masyadong kumplikado.

At mahal ko pa noon si Vien.

"Natandaan mo iyong sinabi ko noon na malalaman mong mahal mo ang isang tao kapag mas pipiliin mo ang kaligayahan niya kahit na masaktan ka pa?"

Doon palang, nakaramdam na ako ng kakaiba. Doon palang, alam ko na rin sa sarili ko kung ano amg totoo sa hindi. At ayaw kong bigyan ng pansin ang kung anong nararamdaman ko.

"Listen..." tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya para hawakan ang magkabilang pisngi ko. "Ikaw pa rin ang mahal ko. It's just that, hindi na ako ang mahal mo ngayon..."

"Vien, mahal kita!"

"Huwag mong lokohin ang sarili mo. Alam kong alam mo at nararamdaman mo iyon..."

Namumula ang mata niya at alam kong nagpipigil siya ng luha. Gulo gulo ang buhok niya. Hinawakan ko na rin ang magkabilang pisngi niya para mahalikan pang muli.

Marahas niya akong hinalikan na halos mamaga na ang labi ko. Hawak niya ang leeg ko at ang hintuturo niya ay unti-unting pinataas ang baba ko para mapatingala.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napahawak ako ng mahigpit sa braso niya. Dumilat si Vien at kitang kita ko ang pagkasabik sa kanyang mata. Hinalikan niyang muli ang labi ko.

"Lumayo ka muna sa akin ngayon, Ianne. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko..."

"Handa akong ibigay sa iyo iyon,"

Kahit hindi sabihin ni Vien ay alam kong nasasaktan siya at iyon lang ang tanging paraan na alam ko para pagaanin ang loob niya. Boyfriend ko pa rin siya kahit papaano at may karapatan siya sa akin.

"Pagkatapos neto, Ianne, malaya ka na..."

💎💎💎

Happy new year! ✨

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top