Kabanata 34
Kabanata 34
I Love You Too
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Kunot ang noo ko at pinipigilan ko ang sarili kong pumikit dahil nagtutubig na ang mata ko. Nakatingin lang ng diretso si Spring sa mga mata ko gamit ang malungkot niyang ekspresyon.
"Ayaw ipasabi ni Jarrik sa iyo. Sorry..."
Lumunok ako dahil sa dami ng barang nakaharang sa lalamunan ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kaibigan ko lang naman si Jarrik at... espesyal siya sa akin. Wala namang kaso kung hindi niya sabihin sa akin na aalis na siya, pero bakit ganito?
Bakit hindi ko tanggap?
"Okay lang," pinilit kong tumawa para kunyare ay wala lang sa akin ang lahat.
Para kunyare ay hindi ako apektado sa nangyayari ngayon. Kilala ako ni Spring at alam kong hindi siya maniniwala sa mga inaasta ko ngayon.
Dinampot ko ang iniinom ko ay uminom doon, nagbabaka sakaling mawala ang bara sa lalamunan ko pero parang mas lumala pa yata dahil hindi ko mapirmi ang sarili ko. Kung saan saan ako tumingin dahil pakiramdam ko ay mahahalata ni Spring ang paka balisa ako.
"Ihahatid siya ni Wave mamaya, gusto mo bang sumama?" tanong niya sa akin.
Umiling ako sa tanong niya. Bakit ako sasama kung ayaw naman ni Jarrik na malaman kong aalis siya, 'di ba? Baka mainis lang iyon kapag nakita niya ako roon.
Para bang iyong inimbitahan ang bestfriend mo sa isang birthday party ng kaibigan niyo tapos ay sasama ka roon na wala manlang invitation na binibigay sa iyo.
"Bakit pa? Pakisabi nalang na mag-ingat siya,"
Ganito pala ang pakiramdam na maiiwan ng isang taong mahalaga sa iyo. Ano nga ba ang mas mahirap? Maiwan o mang-iwan?
Mukhang sa kaso ni Jarrik ay mas madali sa kanya ang mang-iwan na parang wala lang sa kanya ang lahat. Na parang wala siyang maiiwan na mga kaibigan.
Ni-hindi na nga sila nagusap ni Vien. Ang balak ko pa naman sana ay pagbabatiin sila dahil hindi rin biro ang pinagsamahan nilang dalawa na nasira dahil lang sa akin. Ako ang sumira kaya marapat lang na ako rin ang mag ayos ng lahat.
"Sorry, Ianne..." bigla akong niyakap ni Spring.
Wala naman akong sama ng loob sa kanya at walang dapat ikasama ng loob kaya hindi ko alam kung bakit humihingi siya ng tawad sa akin. Nagiguilty ba siya dahil nagsinungaling siya sa akin?
"Hindi ko kailangan ng sorry dahil wala ka namang kasalanan. Wala lang din naman sa akin kung umalis si Jarrik nang hindi sinasabi sa akin, eh..."
Pakiramdam ko ay ako ang kailangan humingi ng sorry sa dami ng lies na sinabi ko ngayon-ngayon lang. Lumunok ako ulit at inayos ako aking buhok.
"Hindi ka mapakali, Ianne..." puna sa akin ni Spring.
Hindi ko siya tinignan kasi baka lalo lang niya akong mahalata. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nababalisa at pakiramdam ko na mauubusan ako ng tubig sa katawan?
Mabilis lumipas ang buong araw kahit na wala ako sa sarili. Buong oras sa klase ay nakatingin lang ako sa bintana, o 'di kaya'y nagsusulat ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko.
Nang matapos ang klase ay nakita ko na agad si Vien na naghihintay sa labas ng classroom. Inayos ko na ang mga gamit ko at nauna na kay Spring. Narinig ko pa ang tawag niya pero hindi ko na siya nilingon ulit.
May lakad siya 'di ba? Ihahatid pa nila si Jarrik sa airport kaya dapat lang na hindi na kami magsabay sa pag uwi. Mauuna na ako dahil pagod ako ngayong araw at maz gugustuhing matulog na lang nang maaga.
"Hi!" bati sa akin ni Vien na nakasandal sa pader.
Umayos siya ng tayo at sinalubong ako. Inabot niya sa akin ang back pack niya at kinuha niya naman ang bag ko. Wala kasi laging laman ang back pack niya, kumpara sa bag ko na may iilang books at notebooks, kaya mas madadalian daw ako sa pagbubuhat kung bag niya ang hawak ko.
"Hi..." bati ko rin.
"Pagod ka?" tanong niya nang mahalata na walang energy ang pagbati ko sa kanya.
Nagsimula na kaming maglakad sa hallway. Hindi na bago na pinagtitinginan kami, or si Vien, pero parang ngayon lang yata ako nairita nang sobra. Kunot noo at nakasimangot ang mukha ko habang naglalakad kami.
"Bad day?" tanong muli ni Vien sa isang malambot at banayad na boses.
"Wala ako sa mood makipag-usap, Vien... Sorry," sabi ko.
Sinalubong agad kami ng hangin nang makalabas kami ng building. Ang kalawakan ng quadrangle ang una kong nakita. May iilang estudyanteng nakatambang sa flagpole at ang iilan ay nagsasayawan sa gilid.
"Okay okay," humalakhak si Vien at hinila ang balikat ko.
Nakaakbay siya sa akin hanggang sa makalabas kami ng school. Kapag siya ang kasama ko, kahit na afford naman niyang sumakay kami ng tricycle hanggang sa bahay ay mas ninanais niyang maglakad nalang para hindi raw sayang ang oras.
"Kamusta kayo ni Jael?" tanong ko naman.
Nakita kong napawi ang ngisi sa labi niya. Ang matigas ang maawtoridad niyang ekspresyon ay kitang kita. He snorted at kung hindi ko lang siya kilala ay baka iisipin kong sasaktan niya ako ngayon din.
"Ayos lang..." walang gana niyang sagot. "Ikaw, kamusta ka naman?"
Ano bang isasagot ko? Iyong totoo o ang hindi totoo? Ano ba ang totoo at hindi totoo? Iyong ayos lang ako, o iyong hindi ako okay? Hindi ko rin alam. Hindi ko na kilala ang sarili ko.
"Ayos lang..."
Huminto kami sa harap nang bahay. Sumilip pa siya sa loob kaya inaya ko siyamg pumasok pero tumanggi siya dahil marami pa raw siyang gagawin at kailangan na niyang umuwi ng bahay.
"I love you..." bulong niya atsaka niya hinalikan sa labi.
Hawak niya ang magkabilang pisngi ko. Akala ko ay sandaling halik lang ang gagawin niya ngunit nagulat ako nang bigla siyang gumalaw. Nagulo lalo ang buhok ko sa hawak niya.
"V-vien..." hindi ko alam kung pagpoprotesta ba iyon o ano.
Tutugon palang sana ako ngunit bigla siyang tumigil. Hinalikan niya ang noo ko at binigyan niya ako ng ngiti na nakakahawa kaya napangiti rin ako. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa mukha ko.
"I love you, Ianne. Mahal na mahala kita. Hindi ko alam kung kaya ko pang magmahal ng ganito kung hindi ikaw ang babae,"
Masarap sa pakiramdam at pandinig ang sinabi niya pero parang may kulang. May kulang na sa tingin ko ay hindi iyon kayang punuin ni Vien.
"I love you, too..." sagot ko kasabay nang malakas na tunog ng eroplano'ng mula sa kalangitan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top