Kabanata 33

Kabanata 33

Ngayon

Ilang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi ni Vien tungkol sa kung mahal mo ang isang tao ay mas pipiliin mo ang kaligayahan niya.

Hindi ko alam pero patuloy pa rin siyang tumatakbo sa isip ko. Kung ano ang ibig sabihin doon ni Vien ay hindi ko alam. Wala akong alam dahil iyon ang unang beses na narinig ang mga ganoong salita sa kanya.

Ilang araw din kaming nag away ni Vien sa pagiging King and Queen nilang dalawa ni Jael sa school. Pinilit ko kasi siya na tanggapin nalang ang alok ng school, wala na rin namang magagawa. In the end... silang dalawa ang King and Queen.

"Tara beanleaf..." aya agad sa akin ni Spring pagkalabas namin ng classroom.

Mataas ang araw pero malakas ang hangin. Agad na sinalubong kami ng ihip ng hangin na iyon, pagkalabas namin ng building. Hawak ko nang mahigpit ang magkabilang strap ng bag ko habang hinahayaang sumabog ang buhok sa aking mukha.

"Ang seryoso mo," puna ko kay Spring.

Hindi ko alam kung kailan at paano nagbago ang pakikitungo ni Spring sa lahat, pero nagiging seryoso na nga talaga siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa nagiging matured na siya, o may dahilan kung bakit siya ganyan.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko pero wala naman siyang balak kontrahin. Umiling lang siya at lumabi habang diretso ang tingin sa dinadaanan.

"Wala lang," umiiling na sabi niya.

Nagkibit balikat ako. Maghihintay nalang ako kung kailan siya handang sabihin ang dahilan niya pero hindi ako naniniwala sa "Wala lang" niya. Kilalang kilala ko na siya kahit na mag-iisang taon pa lamang kaming nagkakasama.

Tumawid kami ng kalsada at kitang kita ko na agad ang karamihan ng tao sa beanleaf. Simula nang may mga kantahan na roon ay dumami na ang tao. Mas dumami na rin ang nakakakilala kay Jarrik dahil siya madalas ang kumanta roon.

"Kamusta nga pala kayo ni Vien?" Tanong ni Spring nang makaupo kami.

Hinanap agad ng mata ko si Jarrik pero hindi ko siya nakita. Hapon na rin naman at baka sa 1004 na siya naka-duty. Gabi-gabi pa rin siyang bumibisita sa bahay at lagi kaming tumatambay sa shore habang kumakain noong weirdo niyang tinapay.

"Ayos lang," sagot ko. "Busy nga lang siya sa thesis at sa pagiging King of SCC..."

Tulad nga ng sabi ni Jael noon, halos lagi silang magkasama. Naging partner na nga sila sa thesis dahil doon. Wala lang naman sa akin at hindi ako apektado dahil may tiwala ako kay Vien.

At... wala rin talaga akong maramdamang kahit na ano.

"Hmm," tumango-tango siya. "Eh si Jarrik?"

"Oh, eh bakit mo tinatanong sa akin iyon, eh mas madalas na nga kayong nagkakasama no'ng tao..." tumawa ako.

Nalaman ko rin kasi nitong nakaraang araw na kila Wave pala nakatira si Jarrik. Eh, hindi pa rin yata tinitigilan ni Wave at Spring anv kahibangan nila, kaya mas nakakasama na ni Spring si Jarrik.

Kaya kung may mas alam kung kamusta at kung anong kagalayan ni Jarrik sa aming dalawa, ay siya iyon, hindi ako.

"Alam mo ba kung kailan siya aalis?"

Natigilan ako sa tanong niya. Napawi ang ngiti sa labi ko dahil doon. Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon kaya hindi agad ako nakasagot.

Nawala na sa isip ko na nag-iipon nga lang pala ng pamasahe si Jarrik at babalik na rin si Maynila kapag may sapat ng pera. Ngayon lang sumuntok sa akin ang realidad na iyon. At ngayon, hindi ko alam kung ano ang sasabihin at gagawin ko.

"A-ah, hindi." Nag-iwas ako ng tingin. "Ikaw, alam mo ba?"

Hindi ako sinagot ni Spring at nag-order na siya para sa amin.

Kung nakaka-relax noon ang ambiance ng beanleaf ay mas nakaka-relax ngayon dahil sa kantahan. Maraming sumusunod sa kanta at marami ring nakikinig lang habang nakatingin sa kumakanta.

Dumating ang order namin at wala na talagang nagsasalita sa aming dalawa ni Spring. Hindi ko alam kung bakit nawalan na rin ako ng gana magsalita. Tulala ako habang nakatingin sa kumakanta.

"Walking down 29th and park

I saw you in another's arm

Only a month we've been apart

You look happier"

Hindi ako mahilig makinig ng lyrics kapag nakikinig ng music dahil beat lang naman ang gusto ko. Pero hindi ko alam kung bakit bawat bitaw ng kumakanta ay tumatatak sa isip ko.

"But I guess you look happier, you do

My friends told me one day I'll feel it too

I could try to smile to hide the truth

But I know I was happier with you"

Isang sikat na kanta ngayon na kanta ng isang sikat din at paborito kong singer, Ed Sheeran. Maraming beses ko nang narinig ang kantang ito at ngayon lang talaga ako napatigil ng ganito. Maging si Spring ay napansin na rin, kaya napatingin siya sa akin.

"You okay?" Tanong niya kaya tumango ako.

Kumabog nang malakas ang puso ko. Pakiramdam ko ay lalabas na iyon sa sobrang lakas at iba ang pakiramdam ko.

Nilapag ko ang iniinom ko at pumikit ng mariin, para pakalmahin ang sarili. Huminga ako nang malalim at minulat muli ang mata. Tumumbad sa harapan ko ang nag aalalang mukha ni Spring.

Hindi ako tanga. Hindi ako manhid.

"Kailan ang alis ni Jarrik?" Diretsong tanong ko sa kanya.

Pagkatanong palang niya kanina ay alam ko na. Nararamdaman ko na, pero ngayon lang ako naglakas loob na itanong sa kanya dahil alam kong malapit na ang alis niya. Sobrang lapit na.

"I-ianne..."

"When, Spring?" Kalmado pero may diin na tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay kong nanginginig at niyakap ako. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa ginagawa niya. Iba ang pakiramdam ko. Iba ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito.

"'Cause baby you look happier, you do

I knew one day you'd fall for someone new

But if he breaks your heart like lovers do

Just know that I’ll be waiting here for you"

"Spring..." pagmamakaawa ko. "Please..."

Kumalas siya sa yakap ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at sinasabi niyang kumalma ako kaya pinilit kong huwag ipakita sa kanya ang kaba ko.

Naramdaman kong pinisil niya ang kamay kong hawak niya. Huminga siya ng malalim at ramdam na ramdam ko ang unti-unting paglamig ng buong katawan ko.

"Ngayon..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top