Kabanata 32
Kabanata 32
Mahal
"Ayos ba girlfriend ko, Ianne?" tanong sa akin ni Coups nang maupo siya sa tabi ko.
Niyaya ako ni Vien na lumangoy ngunit ang sabi ko ay masakit ang katawan ko kaya siya nalang ang nakikipaglaro ngayon kay Wave sa dagat. Nagmumurahan sila habang parang batang nagbabasaan gamit ang tubig dagat. Nakapikit parehas ang mata nila at alam kong nahahapdian na ang mata nila pero wala pa rin silang balak na tumigil.
"Bakit ako tinanong mo?" kunot noong tanong ko sa kanya.
Nakasandal ang dalawang siko niya sa buhangin habang nakangisi. Kasama niya ngayon ang girlfriend niya. Hindi ko nga alam na may girlfriend pala ang isang ito dahil ang harot niya kay Spring.
Pinanuod ko kung gaano kaingat ang galaw ni Garnet habang kasama si Spring na nagiihaw ng bangus. Bawat galaw niya ay para siyang babasaging bagay kaya sobrang ingat ang mga iyon.
In short, galaw ng babae.
Humalakhak si Coups, "Lagi kasing sinasabi ni Vien na sa lahat ng babae ay ikaw ang pinaka-perpekto para sa kanya."
Nagulat ako sa sinabi niya at hindi iyon inaasahan. Alam ko sa sarili ko na hindi ako perpekto at bigla akong nanlumo dahil iyon ang tingin sa akin ni Vien. Masyado nga talagang mataas ang tingin niya sa akin na kahit ako ay hindi ko na maabot.
"I'm not perfect..." mahinang sabi ko.
May parte sa akin na gustong itama ang sinabi ni Vien, pero may parte rin sa akin na hayaan nalang dahil ayaw kong mapahiya si Vien sa mga pinagsabihan niya.
"Basta! Sagutin mo nalang," pilit na sabi niya. "Gusto kong marinig ang sagot mula sa perpektong babae ni Vien..."
Umiling ako sa kanya at mas mabuting huwag nalang sagutin ang tanong niya. Wala ako sa posisyon para i-judge ang mga tao dahil lamang sa "perpekto" raw ako, sabi ng iba.
Hindi rin ako mahinhin, gaya ng iniisip ni Vien. Bakit ba pakiramdam ko ay hindi ako kilala ni Vien kahit na magdadalawang taon na kami sa susunod na tatlong buwan?
"Ang boring mo namang kausap, Ianne!" binato niya ako ng buhangin kaya inis na binato ko rin siya.
Hindi maganda ang naging umpisa namin ng mga kaibigan niya. Hindi maganda ang pagkilala nila sa akin noon pero hindi na iyon mahalaga ngayon. Ang mahalaga ay nakakasundo ko ang mga taong malapit kay Vien.
Tinignan kong muli silang dalawa ni Wave. Kakatapos lang nila at humalakhak habang hinihingal. Umiling nalang ako at natatawa sa pagiging isip bata nila. Hindi man halata pero parang mas bata pa sila kaysa sa amin ni Spring.
"Ianne, halika!" tawag sa akin ni Spring.
Tumayo ako iniwan si Coups dahil wala siyang kwentang kausap. Pinagpag ko ang pwetan ko na parang walang nangyayari dahil dumikit na talaga ang basang buhangin sa suot kong palda.
Inabot sa akin ni Garnet ang pamaypay kaya pinaypayan ko ang iniihaw. Kung ano ano ang sinasabi nilang dalawa na hindi ako makasunod kasi kararating ko lang. Ang naiintindihan ko lang ay pinagkukumpara nila ang mga lalaki sa Maynila at dito sa Sta. Cruz.
"Kung akong tatanungin? Parang mas gwapo pa sila Coups kaysa sa mga lalaki sa Maynila. Pwede na nga silang maging artista, eh..." sabi ni Garnet.
Nagkibit balikat lang ako. Si Jarrik palang ang kilala kong lalaki na galing Maynila. Si Vien naman ay lumuluwas din ng Maynila pero hindi naman siya nagtatagal doon. Kapag may okasyon lang, tsaka siya pumapayag na lumuwas.
"Kung titira lang si Vien sa Maynila ay malamang kinuha na iyang artista!" sabi ni Spring tsaka ako siniko.
Bakit ba lalaki ang usapan dito?
Sa pag irap ng mata ko ay nahagip ko si Jarrik sa gilid na kumakain ng Loaf Bread na sa tingin ko ay mas Mr. Chips at palaman na Cheese Wiz nanaman. Napatawa ako habang umiiling.
Bakit kaya hindi siya makipaglaro rin kila Tick? Kanina pa siya nagmumukmok sa gilid, eh. Mukha naman ding napatawad na siya ni Vien sa nangyari, nahihiya lang makipagusap ulit si Vien.
"Kahit na ang open ni Jarrik, pakiramdam ko ay siya ang pinakamaraming sikretong tinatago."
Iyan din ang iniisip ko. Minsan kasi ay napapansin kong malalim lagi ang iniisip niya. Hindi nga lang mabasa dahil halo halong ekspresyon ang nagtatago sa mata niya.
Hindi ko napansing natigil ako sa pagpaypay kaya naubo ako nang mapunta lahat sa mukha ko ang usok at nalanghap ko iyon lahat. Hinagis ko kay Spring ang pamaypay at patuloy na umubo. Nahuhula na ako sa sobrang hapdi ng lalamunan ko.
May magaspang na kamay ang humawak sa braso ko. Alam kong si Vien iyon kaya kumapit din ako sa braso niya. Hinagod niya ang likod ko at narinig ko ang tawanan nila.
"Ano ba kasing ginagawa mo, Ianne? Lalim ng iniisip, eh..." natatawang sambit ni Baste.
Ang sarap talagang maging kaibigan ng mga ito. Imbes na maging concern at tulungan ka ay tatawanan ka pa.
Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang seryosong mata ni Vien habang nakatingin sa akin. Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita kong nakatayo rin doon si Jarrik malapit sa amin na seryoso ang mukha.
"Okay na ako..." nahihirapang sabi ko at hindi naaalis ang tingin kay Jarrik.
"Sigurado ka?" pinaupo ako ni Vien sa buhangin. "Kukuha muna ako ng tubig..."
Iniwan niya ako para kumuha ng tubig. Nanatili namang nakatayo si Jarrik kung nasaan siya kanina at hindi pa rin napuputol ang tingin sa akin.
Kailangan kong umiwas ng tingin sa kanya dahil baka mahuli ako ni Vien at magselos siya pero parang may magnet ang ulo ko at hindi ko manlang maiwas ang tingin ko.
Tsaka lang ako nakaiwas nang nasa harap ko na si Vien. Inabot ko ang tubig na inabot niya sa akin at iniinom. Imbes na makipaglaro at makipagkwentuhan si Vien kina Wave ay nanatili nalang siya sa tabi ko.
"Paano mo malalaman kung mahal mo ang isang tao?" biglang tanong sa akin ni Vien pagkatapos ng matagal na katahimikan sa pagitan namin.
Nilingon ko siya dahil akala ko ay nagbibiro lang siya. Nakataas ang isang sulok ng labi niya ngunit hindi ko makitaan ng humor ang ekspresyon ng mukha niya. Gumalaw ang hikaw sa kanyang kanang tainga at kuminang iyon.
"Bakit mo tinatanong?"
Ngumiti lang siya at hindi ako sinagot. Diretso ang tingin niya sa dagat. May iilang tubig pa na malayang tumutulo mula sa buhok niya, pababa sa katawan niya. Wala siyang suot na pantaas at tanging board short lang ang suot niya.
"Para kasi sa akin, tsaka mo lang malalaman na mahal mo ang isang tao kapag mas pipiliin mo ang kaligayahan niya kahit na nasasaktan ka na."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top