Kabanata 31

Kabanata 31

Pink Skies

"Kantahan mo pa ako," sabi ko sa kanya.

Nanatili siyang nakapikit habang dinadama ang pagaayos ko sa buhok niya. Hindi naman siya sumagot pero alam kong hindi siya tulog at narinig niya ang sinabi ko.

Napakatahimik ng lugar. Malakas na tumatama sa balat namin ang hangin habang naririnig ang lakas ng tunog ng alon. Hindi mainit at hindi rin ganoon kalamig. Sakto lang.

Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam na tumira sa syudad, pero base sa mga kwento ni Spring ay lagi niyang sinasabi na mas nakakarelax daw ang pamumuhay rito sa Sta. Cruz.

Magulo sa Maynila, punong puno ng mga gadget ang mga tao roon at lahat sila ay busy maghanap ng pera dahil iyon lang bubuhay sa kanila roon. Sa mga kwentong ganoon ay napapangiwi nalang ako. Ni-minsan ay hindi ko pinangarap na makapunta sa Maynila.

"Thrift store fashion

Imperfect tattoos

Taking showers

Minus shampoo"

Agad kong kinagat ang labi ko nang marinig ko siyang magsimula sa pagkanta. Isa kasi iyan sa mga kanta na paborito ko talaga galing sa banda na paborito ko rin.

Nag-init ang pisngi ko. Pumikit ako at mas dinama nalang ang kanta niya. Bagay na bagay iyon sa malalim at panlalaki niyang boses. Mas lalo pa ngang nagkaroon ng dating, eh.

"You are my favorite everything

Been telling girls that since I was 16

Shut up, I love you

You're my best friend"

Dinilat kong muli ang mata ko para makita siya. Nakatingala na rin siya sa akin habang nakangising kumakanta. Gumagalaw ang kamay niya habang kumakamanta siya. Hindi katulad sa kinanta niya kanina, ito ay medyo up-beat ang tono.

"Get you under pink skies,

I know exactly where we should go

'Cause I love the way your green eyes

Mix with that Malibu indigo

Talking under pink skies,

I think our hearts are starting to show

And it's better, you and I,

Under pink skies"

Sinabayan ko ang pagkanta niya at sabay kaming natawa. Ilang oras din ang tinagal namin doon hanggang sa napagpasyahan naming pumasok na sa school.

Buhat niya ang back pack ko habang nasa akin naman ang bag niyang mukhang walang kalaman-laman sa sobrang gaan. Para lang kaming magbarakada habang sabay na naglalakad sa ayos namin ngayon.

"Iyakin ka kaya!" sinundot ko pa ang tagiliran niya habang inaasar.

Kapag ibang tao ang nag-aasar sa kanya ay hindi naman siya mabilis mapikon. Pero kapag ako na ay pikon na pikon siya. Naalala ko noong una ko siyang inasar, isang buong araw niya yata akong hindi kinausap.

"Hindi nga!" kunot na ang noo niya. "Bakit, nakita mo na ba akong umiyak?"

Sa totoo lang ay bihira lang siya umiyak. Siguro ang una't huli kong nakita siyang umiyak ay noong umalis ang Mommy niya, paluwas ng Maynila. Pero pagtapos noon? Never ko na siyang nakita pang umiyak ulit.

Gusto ko lang talagang asarin siya kasi kahit naman alam niyang hindi totoo ang sinasabi ko ay naniniwala siya at napipikon talaga siya.

"Hmm," nag-isip ako. "Ngayon? Paiyakin kaya kita ngayon?"

Bigla siyang humalakhak habang umiiling. Nilingon niya at agad niyang hinila ang kamay ko, kaya napasandal ako sa kanya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Isang bagay lang ang kaya mong gawin para paiyakin ako ngayon," sabi niya. "Pero hindi maganda ang idea na iyon..."

Sasagot pa sana ako nang makasalubong namin si Wave at Spring. Agad na kumaway sa akin si Spring kaya kumaway na rin ako pabalik sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

May pasok pa kami ngayon hanggang mamayang hapon. Anong ginagawa ng dalawang ito rito ngayon?

"Ianne!" sinabit niya agad ang kamay niya sa braso ko.

"Dude," nagfist bump naman ang dalawa.

Halata sa mukha ni Vien na nagtataka rin siya kung bakit kasama namin ngayon itong dalawa. Alam ko ay may pasok din sila.

Posible kayang hindi rin pumasok ang dalawang ito? At saan naman sana sila pupunta? Or saan naman kaya sila pumunta?

"Hinanap namin kayo kanina sa buong school, wala kayo kaya papunta na sana kami sa bahay nila Vien," sabi ni Spring.

Hinila niya ako at umikot kami para umiba ang way namin. Naglakad kaming muli at hindi ko alam kung magpapahila ba ako kay Spring o hindi. Nakita ko namang nakaakbay si Wave kay Vien.

"Bakit, ano bang meron?" tanong ko.

"Nag-aya sina Tick lumangoy ngayon. Actually, nandoon na nga sila, eh. Hinanap lang namin kayo ni Wave kaya nandito rin kami..."

Hindi ko na tinanong sa kanya kung sino sino kami dahil alam ko naman kung sino ang mga barkada ni Vien. Malamang ay nandoon sina Baste.

At malamang ay nandoon din si Jarrik.

Hindi naman malayo ang nilakad namin. Ilang minuto lang din ay nandoon na kami. Naabutan naming naghuhubad na ng damit si Tick at ready na lumusong sa dagat.

May hawak naman agad si Baste na isang bote ng beer. Ang aga aga ay alak agad ang inuuna nila.

Nilibot ko pa ang paningin ko at nakita kong tahimik na nakaupo si Jarrik sa isang sulok habang nakatingin sa kawalan. Ni-hindi niya nga nilingon ang pagdating namin kahit na alam kong alam niya at narinig niya ang pagdating namin dahil sa malakas na sigaw ni Makki.

"Kumpleto nanaman tayo!" makakas na sigaw ni Coups.

May mga kasama silang babae. Tig-iisa pa sila at kahit na ngayon ko lang sila nakita ay may ibubuga ang ganda nila. Hindi ko alam kung galing ba ng ibang bayan ang mga iyan o 'di kaya ay galing ng syudad?

"Hi, Ianne!" bati sa akin ni Tick at inabutan ako ng isang bote.

Hahawakan ko palang sana iyon nang biglang inagaw ni Vien at pabirong tinulak iyon sa dibdib nang tumatawang si Tick.

Napalingon si Jarrik at ang kunot noo at ang maamo niyang mata ang nakasalubong ko. Nag-iwas na rin agad ako ng tingin dahil para akong napaso.

"Matino itong girlfriend ko, hindi marunong uminom kaya huwag kang bad influence riyan!" tumatawang sabi ni Vien.

Nailang ako dahil sa sinabi niyang iyon dahil alam kong hindi iyon totoo. Hindi ako matino at marunong na rin akong uminom. Pero ayaw kong mapahiya si Vien kaya hinahayaan ko nalang siya sa kung anong iniisip niya tungkol sa akin.

"Oh my heart hurts so good! I love you, babe, so bad so bad!" pakantang sigaw ni Makki habang humahalakhak.

Namumula na ang pisngi niya at mapungay na rin ang mata niya. Pilit niyang pinapaharap sa kanya ang babaeng akbay niya.

Umiling nalang ako. Hinila ako ni Vien at umupo kami sa blanket na nakalatag sa buhanginan. Mataas ang sikat ng araw pero hindi iyon masakit sa balat dahil lumalaban ang lakas ng hangin.

Hinanap ko si Sprinh dahil kanina pa siya nawawala. Nagulat ako nang makitang nasa tabi siya ni Jarrik habang seryoso silang naguusap.

"Anong gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Vien.

"Kahit ano," nag-iwas ako ng tingin kay Jarrik at Spring.

Para akong gulay na nalanta at hindi kayang mabuhay muli. Nanghihina ako at hindi ko manlang magawang ngumiti. Kung bakit ko ito nararamdaman ay hindi ko alam.

Nilingon ko ulit sila Spring at ganoon pa rin ang expression ng mukha nila. Seryoso.

Ano ba ang pinaguusapan nila at parang masyado naman yatang seryoso? Hindi ko makita ang humor sa mga mata ni Spring. Bumigat ang pakiramdam ko at halos mapatalon ako nang maramdaman ko ang kamay ni Vien sa baiwang ko. Malalim siyang bumuntong hininga, kaya nilingon ko siya.

Nakatingin siya sa akin habang nakangiti ng mapait at umiiling.

_______

promote ko lang 'yong bago kong story na Peek-A-Boo! and yes, BTSVelvet again ang port doon. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top