Kabanata 30
Kabanata 30
I Love You So Bad
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sinabing iyon ni Jarrik. Kinapa ko sa aking sarili ang emosyong sinasabi niya ngunit wala akong nahanap. Kaya kahit na malaki ang eyebags ko ay maaga pa rin akong bumangon para pumasok ng school.
Hawak ko ang strap ng bag ko habang tulalang naglalakad. Malakas ang hangin ngayon dahil malapit na magpasko. Marami na ring nakasabit sa bawat bahay na mga Christmas lights, trees at lahat ng simbolo ng pasko. Wala kaming ganoon sa bahay dahil wala naman kaming pambili.
Kumunot ang noo ko nang may maaninag akong pamilyar na bulto sa harap ng gate. Nakasandal doon habang nakatago sa bulsa ng pants ang dalawang kamay. Pinagtitinginan siya roon dahil mukha siyang modelo. Seryoso siyang nakatingin sa akin at parang hinihintay talaga niyang makalapit ako sa kanya.
Kumikinang ang diamond earring sa kanyang tainga. Lalong kumapal ang kilay niya dahil magkasalubong iyon ngayon at parang kailangan kong magtago.
"Vien..." sambit ko nang makalapit ako.
Umayos siya ng pagkakatayo at lumapit sa akin. Kinuha niya mula sa akin ang back pack ko at sinuot iyon habang diretso ang pasok sa gate. Wala naman akong nagawa kundi ang sununod sa kanya.
Sa pagkakataong ito ay para akong may nagawang kasalanan at takot na takot mapagalitan. Kinurot kurot ko ang likod ng palad ko habang nakatingin sa likod ni Vien. Hindi na ako nagtaka nang hindi siya dumiretso sa classroom. Umupo siya sa isang bench dito sa Freedom Garden kaya umupo na rin ako sa tabi niya.
"B-bakit?" Nauutal na tanong ko.
Bakit ba ako nauutal? Bakit ba ako natatakot? Ano bang ginawa kong kasalanan at bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ako mapakali at gustong gusto ko nang makita ang ngiti sa labi ni Vien para mapanatag ang loob ko.
Umiling siya at pumikit. Lumapit siya sa akin at sinubsob ang mukha sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko roon ang mainit niyang hininga at ang lalim ng mga buntong hininga niya. Alam ko na agad kung bakit siya ganito.
Pinatong ko ang kamay ko sa likod niya at niyakap siya. May problema siya. Hindi ko nga lang alam kung tungkol saan, pero lagi siyang ganito kapag may problema siya o malungkot siya. Ang sabi kasi niya sa akin ay parang may kung ano raw sa leeg ko na kapag sinusubsob niya roon ang mukha niya ay nawawala ang lahat ng problema niya.
"It's okay..." bulong ko.
Umayos siya ng pagkakaupo at tumingin sa akin. Ngayon ko lang napansin na sa kabila ng magkasalubong niyang kilay ay halatang halata ang pagod at lungkot doon. Sana lang ay kaya kong kunin ang nararamdaman niyang iyon para naman makita ko na ulit ang ngiti niya.
"Narito sila Mommy at gusto nilang sumama ako sa kanila sa pagbalik ng Maynila,"
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ngumiti ako ng pilit para naman kahit papaano ay malaman niyang sinusupport ko lahat ng makakabuti para sa kanya.
To think na may kaya sila tapos ay rito lang siya sa SCC nag-aaral ay talagang hindi mapapanatag ang Mommy niya. Hindi naman sa ganoon na binababa ko ang school namin pero afford nila ang pagluwas ng Maynila, afford nila ang mag-aral sa matataas na unibersidad sa Maynila kaya why not, 'di ba?
"I'm so happy for you!" Sinubukan kong maging masaya habang sinasabi iyon pero hindi matatago ang lungkot na nararamdaman ko.
Ngayon ko mas kailangan si Vien. Ngayon ko mas kailangan na maramdaman ang pagmamahal niya dahil sa magulo kong pagiisip. Naguguluhan ako kaya kailangan ko siya para alisin ang lahat ng iyon.
Isa pa, sinong girlfriend ang gustong malayo sa kanyang boyfriend? Kung ayaw ni Vien malayo sa akin ay mas lalong ayaw ko. Pero anong magagawa ko? Magulang niya iyon at alam kong mas alam nila ang makakabuti para sa kanya.
"That's not what I want to hear from you, Love..." inis na sabi niya. "Tsaka ang sabi ni Mommy ay hindi naman daw nila ako pipilitin kung ayaw kong sumama dahil alam nilang ayaw kitang iwanan."
Hindi ko siya pipigilan. Hindi ko pipigilan ang magandang future na naghihintay sa kanya sa Maynila.
"Go, Love. Chase your dreams," nakangiting sabi ko.
Naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng malalim at pakiramdam ko ay isang pikit ko nalang ay agad na tutulo ang nagbabadyang luha sa mata ko. Napansin iyon ni Vien kaya hinalikan niya ang mata ko.
Napapikit ako dahil doon kaya agad na tumulo ang luha sa mata ko. Hinalikan niya ang mata ko pababa sa aking labi, pagkatapos ay pinagdikit niya ang noo namin habang nakatingin siya ng diretso sa mata ko.
"You are my dream, Love. You are my dreams, Ianne..."
Mas lalo akong naiyak nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sa bibig niya. Hindi man dapat pero bigla akong napangiti at ang ganda ganda ng mga salitang iyon sa tainga ko.
Hinawakan ko ang kamay niya at tumayo. Tiningala niya ako habang nakakunot ang noo. Pinunasan ko ang luha ko habang nakangiti sa kanya.
"Take me to paradise, My Prince..."
Kinagat niya ang labi niya habang namumuo ang ngisi roon at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Sabay kaming tumakbo palabas ng school at alam na agad namin kung saan kami pupunta. Kung saan ang paradise na sinasabi ko.
Ilang minuto ang tinakbo namin at hindi pa gaano malakas ang sinag ng araw kaya kaunting pawis lang ang namuo sa noo namin. Malakas din kasi ang hangin. Sabay kaming umupo sa ilalim ng bukana ng kweba.
Agad siyang umupo sa binti ko pagkaupo ko. Pumikit siya habang nakangiti. Nahahangin ang buhok niya at napupunta ang ilan sa kanyang mata kaya hinawi ko iyon at pinagmasdan ang mukha niya.
Ang kaninang magkasalubong na kilay ay naging payapa. Ang mukha niya ay naging payapa. Parang wala na ang kaninang problema niya. Parang kumbaga kanina ay lowbat na lowbat siya at ngayon, para siyang punong puno ng energy.
"Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands"
Bigla siyang kumanta. Nagbaba at taas ang adams apple niya habang kumakanta. Prenteng prente siyang nakahiga sa buhangin ngunit ang boses niya ay parang nagbibigay ng lamig sa buong katawan ko.
Mababa at malalim ang boses niya ngunit sapat lang iyon sa ganda kapag kumakanta siya. Isama mo pa ang emosyong binibigay niya sa akin tuwing kinakantahan niya ako.
"Oh, my heart hurts so good
I love you, Babe, so bad, so bad
Oh, my heart hurts so good
I love you, Babe, so bad, so bad..."
Minulat niya ang mata niya at doon ko mas lalong naramdaman ang pagmamahal na binibigay niya sa akin na kahit ako ay parang ayaw kong tanggapin dahil sobra sobra na iyon at pakiramdam ko ay hindi ko kayang suklian.
"Oh, my heart hurts so good..." hinawakan niya ang dibdib niya. "I love you, Babe, so bad, so bad..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top