Kabanata 29

Kabanata 29

Hindi Ko Alam

"Ano ito?" Gulat na tanong ko habang tinititigan ang inabot niyang tinapay na nilagyan niya ng palaman.

"Baka tinapay?" Sarkastiko niyang sabi habang patuloy pa rin siya sa paglagay naman ng palaman sa tinapay niya.

Kunot noo ko siyang pinapanuod at nang natapos niyang lagyan ay agad niyang kinagat. Dinilaan pa niya ang labi niya para tanggalin ang palaman na kumalat doon. Lumunok ako at tinignan ang hawak kong tinapay.

Paano ba naman ay ang nilagay niyang palaman ay Mr. Chips at Cheese wiz. Ano naman kaya ang lasa nito? Base sa mukha ni Jarrik ay mukhang sarap na sarap ang kupal sa inimbento niya. Binuka ko ang bibig ko at kumagat na sa hawak ko.

Napatingin sa akin si Jarrik at pinapanuod ako habang ngumunguya siya. Pumikit ako ng mariin at nginuya iyon. Agad akong napadilat nang malasahan na ang ginawa niya. Napatingin ako sa kanya at natawa nalang niya tsaka tuloy tuloy nanaman sa pagkagat ng tinapay niya.

"Ang sarap nito, Jarrik!" Nanlalaki pa ang mata ko habang ngumunguya.

Kakaiba ang lasa niya pero nagustuhan ko pa rin ang combination. Nakangiti ako habang ngumunguya. Magiging bagong paborito ko yata ito.

Humingin ng malakas. Nakatali pataas ang buhok ko kaya hindi iyon nagulo, ngunit ang malamig na pakiramdam niyon ay dumaloy sa balat ko papunta sa kaloob-looban ko, kaya napayakap ako sa sarili ko.

Umalis sandali si Jarrik matapos ang kwento niya para bumili ng Loaf bread, Mr. Chips at Cheese wiz.

Para kaming bata na ang tagal hindi kumakain dahil nag-uunahan kami sa palaman. Pinalo ko ang braso ni Jarrik nang mainis ako at tinulak iyon sa dibdib niya.

Humalakhak siya, "Akin na kasi para ako na maglalagay ng palaman,"

Nakasimangot ako habang pinapanuod siya sa paglalagay ng Mr. Chips tsaka Cheese wiz. Malawak ang ngisi niya at talagang pinapahalata niya na pinagtatawanan niya ako kaya binatukan ko na siya.

"Aray!" Tumatawa pa rin siya. "Akala mo kasi mauubusan, eh," inabot niya sa akin ang tinapay.

Parang nahiya na ako kaya hindi ko muna kinagat ang inabot niya. Pinanuod ko siyang palamanan ang tinapay niya. Natigil siya at nagulat ako nang tumawa nanaman siya. Halos mamula ang buong mukha niya dahil sa kakatawa.

Kapag ako nainis dito ay baka ilaglag ko siya sa inuupuan naming bato.

"Kumain ka na. Huwag mo na akong hintayin!" Siniko pa ako ng kupal.

Naubos ang ilang oras namin sa kakakain. Hindi ko alam na kaya palang kumain ni Jarrik ng ilang Loaf Bread na ganito ang palaman. Siguro nga talagang paborito niya ang imbento niyang ito.

Alas onse na nang ihatid niya ako sa bahay. Hindi ko napansin na ilang oras na pala ang lumipas kanina. Huminto ako nang nasa tapat na kami ng bahay at hinawakan ko ang maliut na gate na gawa sa kahoy. Nilagay ko sa likod ang isang kamay.

"Salamat, Jarrik!" Ngumiti ako.

"Bakit ikaw ang nagpapasalamat?" Humalakhak siya. "Dapat ako!" Parang bata niyang sabi.

Napawi ang ngiti ko. Inirapan ko siya habang straight ang facial expression ko. Panira talaga ng drama ang isang ito, at bakit naman sana siya magpapasalamat sa akin? Dahil pinakain niya ako noong imbento niya at nagustuhan ko naman? Ganoon ba iyon?

"Salamat, Ianne..." biglang sumeryoso ang mukha niya.

Natatamaan ng sinag na mula sa buwan ang kalahati ng mukha niya at ang kalahati ay madilim talaga. Kahit na ganoon ay kitang kita ko ang hikaw na suot niya sa kaliwang tainga. Kumikinang iyon na akala mo ay nasisinagan ng araw. Umigting ang panga niya at halos mailang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

Bigla na ring sumeryoso ang mukha ko. Ang sarap pagmasdan at titigan si Jarrik at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin iyon sasabihin sa kanya. Never.

"Salamat sa lahat," ngumiti siya ng tipid ngunit parang hindi ko kayang ngunit hindi ko kayang suklian ang ngiti niya.

Sa hindi malamang dahilan ay parang naiiyak ako. Ang bigat ng pakiramdam ko at kailangan kong ilabas ito sa pamamagitan ng pag iyak. Ngunit wala ring lumalabas na luha sa mata ko.

"Hindi lang ngayong gabi. Araw araw. Salamat araw araw. Salamat tuwing nakikita kitang ngumingiti..." kinagat niya ang labi niya habang nakangiti.

"Jarrik..." biglang lumabas mula sa bibig ko dahil sa mixed emotions.

Hindi ko malaman kung natutuwa ba ako ngayon, nalulungkot, nagagalit, naiinis o ano. Hindi ko alam! At tanging si Jarrik lang ang nagbibigay sa akin ng ganitong pakiramdan. Sa kanya ko lang nararamdaman ito.

"Salamat dahil lagi mong binubuo ang araw ko. Ang mundo ko, Ianne..."

At doon na tuluyang nawasak ang mundo ko. Para akong nawala sa sarili ko at hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba ako sa mga oras na ito o wala na. Biglang tumulo ang luha mula sa mata ko nang hindi ko inaasahan. Tuloy tuloy iyon habang nakakunot ang noo ko.

"W-why?" Lumunok ako para lang malaman na maraming nakabara sa lalamunan ko. Naninikip ang dibdib ko.

Mababaliw na yata ako! Baliw na baliw na ako kung ano ang dapat kong i-react. Kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung tama ba ito o mali.

Alam kong mali! Alam na alam ko, pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ay lahat tama. Walang mali sa nangyayari. Parang perpekto ang lahat.

Pero bakit!?

Bakit pati sarili ko ay hindi ko na rin maintindihan? Bakit kahit sarili ko ay hindi ko na mabasa. Hindi ko na makapa kung ano ang totoo kong nararamdaman sa hindi totoo. Posible bang lahat ng nararamdaman ko ngayon ay totoo at walang peke?

"B-bakit mo sinasabi ito ngayon, Jarrik?" Humikbi ako.

Lumapit siya sa akin, dahilan para mas lalo akong mabaliw. Dahilan para mas lalong dumami ang mga nararamdaman ko. Halo halo. Sa dami niyon ay hindi ko na alam. Hindi ko na alam!

"Ianne... alam kong alam mo na sa mga oras na ito kung bakit."

Umiling ako ng paulit ulit dahil mali siya. Ang totoo niyan ay hindi ko alam at wala akong alam sa sinasabi niya.

Pwede pa lang makaramdam ng iba't ibang emosyon ang tao sa isang araw lamang? Kanina lang ay ang saya saya ko, pero bakit ngayon, gulong gulo ako.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, Jarrikㅡ"

"Alam mo, Ianne. Nararamdaman kong alam pero ayaw mo lang pansinin..."

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiling habang tumutulo ang luha ko. Hindi totoo ang sinasabi niya!

________

Short update lang dahil bigla akong nahilo habang nagtatype. Pasensya na rin kung hindi malakas feels ng "drama" kuno nitong chapter na 'to haha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top