Kabanata 28
Kabanata 28
I Want
"W-what are you doing here?" Kunot noon tanong ko.
Nanatili akong nakatayo sa gilid ng aming gate. Bigla tuloy akong nailang dahil sa suot kong pantulog. Manipis lamang iyon at ang buhok ko pa ay masyadong magulo. Mabuti nalang nakasuot ako ng specs eyeglasses kaya hindi nahahalata ang eyebags ko.
Hindi niya ako sinagot. Nanatili siyang nakatingin sa akin habang seryoso ang kanyang mukha. May pagka mahaba na ang buhok niya kaya natatakpan ng kaunti ang mata niya, ngunit kahit ganoon ay kitang kita ko pa rin iyon kung paano tumingin sa akin.
"H-hoy..." pabiro ko pang pinalo ang balikat niya.
Nagulat ako nang bigla niyang hulihin iyon at hinila ako kaya tumama ako sa dibdib niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at pakiramdam ko ay kailangan niya iyon ngayon kaya hinayaan ko na lamang siya.
Ilang segundo ang tinagal ng yakap niya bago siya bumitaw. May ngiti na sa labi niya ngayon atsaka marahang kinurot ang ilong ko kaya napapikit ako.
"Ano bang nangyayari sa iyo, Jarrik?" Kunot noong tanong ko.
"Nothing..." mahina niyang sabi, kasabay ng malalim na buntong hininga. "Ipasyal mo nalang ako."
Pipigilan ko sana siya at sasabihing magbibihis muna ako ng maayos-ayos na suot ngunit malakas ang pagkakahila niya sa akin na halos mapatid pa ako sa mabato at buhangin na daanan.
"Jarrik!" Sigaw ko sa pangalan niya.
"Shhhh." Humalakhak siya at unti-unti nang bumabagal ang pagkakahila niya sa akin.
"Huwag ka ngang maingay. Baka may makarinig sa iyo, isipin na may masamang balak ako," namumula na ang leeg at tainga niya sa kakatawa.
Wala na akong magagawa kahit pa huminto kami ngayon. Malayo-layo na ang bahay namin kaya hinayaan ko nalang na ganoon ang suot ko. Tutal naman ay gabi na. Hindi naman na siguro ako makikita ng iba pang tao.
Gusto kong umirap dahil ang sabi niya ay siya itong ipapasyal ko pero siya naman itong nauuna at nanghihila sa akin. Hawak niya ang palapulsuan ko.
Umihip ang malakas na hangin at naririnig ko na ang bawat hampas ng alon. Naaamoy ko na rin ang dagat at pakiramdam ko, kapag nawala ako rito ay hahanap hanapin ko ang amoy na iyon. Nakakarelax. Nawawala ang lahat ng iniisip ko, marinig ko lang ang mga alon.
"Habang pauwi kasi ako kagabi, nakita ko iyong puro bato sa dulo. Kaya naisipan ko na baka magandang tumambay roon tuwing gabi."
Bato? Hindi kaya ang Liberte ang tinutukoy ni Jarrik? Maganda nga roon, pero hindi ko pa nasusubukang tumambay. Napapasadahan ko lamang iyon ng tingin tuwing nadadaanan namin ni Vien, pero hindi pa talaga ako nakakapunta ng malapitan.
Nagulat ako nang biglang pinadausdos ni Jarrik ang kamay niyang may hawak sa pala-pulusaan ko. Mula roon ay bumaba iyon hanggang sa kamay ko. Nanigas ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Hawak ng magaspang niyang kamay ang kamay ko!
Tinignan ko siya dahil akala ko ay nagulat lamang siya o 'di kaya ay hindi sinasadya ang paghawak dito pero nanatiling nakangiti ang labi niya, na parang wala siyang ginawang mali.
Nakaramdam ako ng kakaiba kaya pilit kong inaalis ang kamay ko sa hawak niya. Hinayaan naman niya iyon at hindi na muling hinawakan pa. Inayos ko ang buhok ko para maibsan ang nararamdaman kong pagkailang.
Nang makarating na kami sa Liberte ay agad siyang umupo sa taas atsaka tinulungan naman ako sa pag akyat. Nasa baba namin ay dagat at kung malakas ang alon ay naabot ang paa namin.
Tumingala ako at pumikit. Dinama ko ang lamig ng simoy ng hangin at hinayaan kong mabasa ang laylayan ng suot ko pajama at ang paa ko. Parang umakyat ang lamig mula roon hanggang sa ulo ko kaya lalong naging presko ang pakiramdam ko.
"Today is my grandma's birthday..." bulong iyo na halos hindi ko pa narinig.
Napawi ang ngiti ko at unti-unti akong dumilat para tumingin kay Jarrik. Malayo ang tingin niya sa karagatan'g nasa harap namin. May ngiti sa labi niya ngunit hindi mo maikakaila anh kalungkutan ng mga mata niya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kung dapat ba akong magsalita o kung ano ang gagawin ko. Hindi ako handa sa mga ganitong kadramahan niya kaya ang mainam na gawin ngayon ay manatiling makinig sa sasabihin niya.
Kailangan niya iyon, eh. Kailangan niya ng isang tao na makikinig sa kanya.
"Lumaki ako sa kanila kaya hindi ako malapit sa parents ko," nilingon niya ako bigla kaya nagulat ako.
Kinurot ko ang likod ng kamay ko habang nanlalaki ang mga mata. Natawa naman si Jarrik pero alam kong hindi magaan ang pakiramdam niya ngayon kaya hindi ako ngumiti.
"B-broken family ka ba?" Hindi ko alam kung tama ba na naging tanong ko iyon.
Umiling siya. "Iyon na nga, eh. Hindi. Pero hindi sila ang nagpalaki sa akin..."
Hindi ko alam ang pakiramdam nang may Lolo at Lola dahil hindi ko na naabutan ang mga magulang nina Nanay at Tatay kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Namumula ang mata at ilong niya na para bang pinipigilan niyang umiyak. Tinapik ko ang braso niya at tipid na ngumiti sa kanya para sabihin na, okay lang ang lahat.
"Cry. It will help..."
At parang naging magic iyong sinabi ko para humagulgol siya at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Magkasalubong ang kilay niya habang parang bata na umiiyak sa balikat ko. Hinaplos haplos ko ang buhok niya.
Palakas nang palakas ang ihip ng hangin at ang pagtama ng tubig sa aming paa. Perfect timing sana ang mga oras na ito para mag saya ngunit may isang tao na kahit gaano kaganda o ka-relaxing ang paligid ay hindi pa rin niyon mapapagaan ang bigat ng pinagdadaanan.
"Nasaan na ba ang Lola mo?" Tanong ko.
Baka kasi nasa Maynila at namimiss na niyang umuwi roon. Alam kong wala pa siyang sapat na pera para lumuwas pero kung ganito naman siya ay maglalakas loob akong mangutang sa mga kakilala ko para lang makaluwas siya.
"W-wala na siya..." pumiyok na sabi niya.
Kung kanina ay nagulat ako, mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Nanlamig ako at para akong nahuli ng magulang ko na gumagawa ng kasalanan. Hindi ko na alam. Bakit ba ako ang sinama niya rito, eh hindi ko alam ang mga ginagawa sa mga ganitong sitwasyon.
Parang hindi ang Jarrik Hidalgo ang nakikita ko ngayon. Ibang iba siya. Ang Jarrik na kilala ko ay pala-ngiti, pilyo, palaging positibo sa lahat ng bagay. Ngunit ang Jarrik ngayon ay marupok, broken at wasted.
"Ianne..." bulong niya.
"Hmm?" Sagot ko.
"Ianne..." paulit ulit niyang binulong ang pangalan ko at paulit ulit ko ring hinaplos ang likod niya.
Kailangan niya ito, eh. Kailangan ako ni Jarrik.
Ilang minutong natahimik kami parehas. Lumayo na siya sa akin at inayos na ang sarili. Nakatingin lang ako sa malawak na karagatan na nasa harap ko.
Hanggang saan kaya ang layo ng dagat na ito? Paano Niya nalaman na hanggang doon nalang ito? Paano Niya nalaman na sapat na ang laki nito para matawag na dagat?
Pwede rin bang nalalaman ng tao kung hanggang saan nalang ang kakayanin nila?
"And now..." biglang nagsalita si Jarrik kaya napatingin ako sa kanya.
Sandali kaming natahimik nang magtama ang mata namin. Nababasa ko ang halo halong emosyon na gumugulo sa utak niya ngayon at alam kong nababasa rin niya ang akin na katulad nang sa kanya.
"I want to feel like I could give my whole heart to someone."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top