Kabanata 27
Kabanata 27
Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Jarrik. Gusto kong magsalita ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nanatili akong nakatitig sa kanya at ganoon din siya sa akin.
Iyon nga ang unang halik namin pero hindi iyon ang unang beses na naglapat ang labi namin.
His dark hooded eyes felt like a deep and infinite abyss I will never, ever spell out. Para bang kahit na kilala ko na siya ng ilang buwan ay nanatili siyang misteryo sa akin. Namumula at namamasa ang labi niya habang pinaglalaruan niya ito gamit ang kamay. Para niyang binabasa ang laman ng utak ko sa pamamaraan lamang ng pagtitig sa mata ko.
"Jarrik, p're!"
Sabay kaming nag-iwas ng tingin at pinanuod ang dalawang bulto ng tao na naglalakad palapit sa amin.
Nakakunot agad ang noo ni Vien. Imbes na sa akin siya tumingin ay nakay Jarrik ang tingin niya. Nakaakbay naman sa kanya ang malaki ang ngisi ngayon na si Tick. Ngayon ko nalang siya nakitang kasama sila Vien kaya bago sa paningin ko.
Instinct na siguro ang nagtulak sa akin para lumapit kay Vien. Nalipat ang tingin niya sa akin at nagulat ako ng ngumiti siya. Ngiting akala mo ay tama ang lahat.
Ngiting akala mo ay hindi ko nakikita ang sakit sa mga mata niya.
"Ano, nadali ba ni Wave?" Tanong agad ni Tick atsaka nakipag fist bump kay Jarrik.
"Hindi pa alam, tol, nasa loob pa sila."
Ramdam na ramdam ko ang mabigat na ambiance kaya hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay dapat pinaghihiwalay ko si Jarrik at Vien at hindi sila pwede magsama sa iisang lugar. Pero bakit nga pala nakapasok dito sa SCC si Jarrik kahit na hindi siya estudyante?
Sabay kaming nagulat nang biglang bumukas ang pinto sa CR. Niluwa noon si Spring at Wave na hindi sabay sa paglalakad. Hindi ko malaman sa itsura ni Spring kung ano ang resulta ng ginawa niyang test kaya kinakabahan pa rin ako.
"Anong result?" Hindi makapaghintay na tanong ko.
Lumapit sa akin si Spring at malalim na bumuntong hininga. Pumikit siya ng mariin at kitang kita ko ang tagatak niyang pawis na malayang lumalandas sa buong mukha niya. Lumunok ako.
"Negative..." si Wave na ang sumagot.
Para akong hindi huminga ng ilang taon kaya nang marinig ko ang sinabi ni Wave ay gumaan ang dibdib ko. Pinalo ko agad ang pwet ni Spring kaya nagulat siya at napadilat ng mata nang wala sa oras.
"Ang tigas kasi ng ulo mo, eh 'no?" Pinalo ko pa siya ulit. "Sabing huwag ng uulitin, pero nakailang ulit pa rin pala kayo!"
Umalingawngaw sa buong corridor ang malakas na tawa ni Tick. Nakita ko rin na natawa ng unti si Jarrik at Vien ngunit pinigilan nila ang sarili nila sa pamamagitan ng pagkagat ng labi. Si Wave ay seryoso pa rin.
"Masarap iyon, Ianne," sagot ni Tick. "Kapag nagawa mo iyon ay baka hahanap hanapin mo na."
Magsasalita pa sana ulit si Tick nang agad siyang sinamaan ng tingin ni Vien at Jarrik. Nanlaki ang mata ni Tick at nagtaas ng dalawang kamay na para bang sumusuko na siya. Natatawa pa rin siya habang umiiling.
"Hindi na. Hindi na iyon mauulit," sabi ni Spring.
Saktong pag tingin ko kay Wave ay siya ring pag igting ng panga niya. Magkasalubong na rin ang kilay niya na para bang naaasar siya. Hinila niya ang damit ng tumatawa pa rin na si Tick.
"Una na kami. Bye!" Walang emosyong paalam ni Wave.
Sumunod na rin sa kanila si Jarrik na nakapamulsa. Yumayakap sa katawan niya ang suot niyang grey v neck t-shirt kaya kitang kita ang ganda ng hubog ng katawan niya. Para siyang modelo kung mag lakad.
"Hindi ka sasama sa kanila?" Tanong ko kay Vien.
Umiling lang siya sa akin habang hawak ang dulo ng buhok ko. Ngumisi siya kay Spring at alam ko na agad kung ano ang sasabihin niya rito. Ganitong ganito ang mukha niya tuwing inaasar ako kaya ngumisi nalang din ako.
"Sarap ba, Spring?" Nakakalokong tanong ni Vien sa paiyak ng si Spring.
"Tangina mo, Vien, huwag mong bubuntisin si Ianne, ha!"
Nagulat ako sa sinabi ni Spring kaya nakurot ko bigla ang tagiliran niya. Lalong nag init ang pisngi ko nang marinig ko ang halakhak ni Vien. Hinila niya ang balikat ko kaya napansandal ako ng tuluyan sa dibdib niya.
"Magaling ako mag pull out..."
Lalong nanlaki at nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Vien. Umiling iling ako ka Spring at gustong bawiin sa kanya ang mga sinabi ni Vien. Baka kasi isipin niya na may nangyari na sa amin pero ang totoo ay wala pa talaga!
Tumawa naman si Spring at kahit gusto kong palinisin ang image ko sa kanila ay hindi ko magawa dahil alam kong lalo pa nila akong aasarin. Hinila ako ni Vien tsaka naglakad na kami palabas ng building.
Buong araw ay pakiramdam ko, wala ako sa sarili ko dahil lumilipad kung saan ang aking utak. Iniisip ko kung saan na ba tumitira ngayon si Jarrik? Ang alam ko kasi ay umalis na siya ng kusa sa bahay nila Vien.
Nag-away ba sila ulit noong kinukuha ni Jarrik ang uniporme niya sa bahay nila Vien. Kung hindi na ba talaga mababalik ang pagkakaibigan nila.
Hindi ko namalayan ang oras kaya nagulat nalang ako nang nasa harap ko na si Vien at Spring. Tsaka ko lang din narinig ang impit na sigawan ng babae naming kaklase habang nakatingin kay Vien. Si Spring naman ay inaayos ang strap ng bag niya.
"Wala si Ma'am Rivera kanina kaya maaga kaming umuwi. Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Vien habang naglalakad kami palabas ng building.
Umihip ang malakas na hangin kaya nagulo ang buhok ko nang makalabas na kami. Maraming tao ang nagkakagulo sa quadrangle na para bang may pinagkakaguluhan sila. Lagi naman ganyan ang mga tao rito, eh. Lahat nalang ay big deal sa kanila. Kahit nga paglakad lang nila Vien sa harap nila ay nangingisay pa sila.
"Gusto ko sana kumain ng Kwek kwek, eh," nakasimangot na sabi ko.
Tumawa si Vien at tinipon ang lahat ng buhok ko para ilagay sa kabilang side ng balikat ko. Mas naramdaman ko ang lakas ng hangin dahil doon kaya ngumiti ako sa kawalan.
"Uuwi na nga ako. Out of place ako sa inyo, eh. See you tomorrow, Ianne!" Paalam niya habang tumatakbo.
"Sigurado ka bang Kwek kwek lang gusto mo?" Tanong ulit ni Vien habang tumatawa na akala mo ay may sinabi akong nakakatawa.
"Oo nga. Tsaka syempre, sarsi!" Natawa na rin ako sa sinabi ko.
Alam ko naman na gusto niyang kumain sa mamahaling restaurant na mayroon dito sa Sta. Cruz pero may pipiliin ko nalang na kumain kami ng Kwek kwek kaysa gumastos ng malaki. Ganoon din maman, eh. Mabubusog din naman kami.
Habang naglalakad kami ay hindi nawawala ang tinginan ng ibang babaeng nadadanaan namin. Tinignan ko si Vien at wala lang sa kanya ang tinginan ng mga iyon na akala mo ay sanay na sanay na siya.
"Vien, bakit kasi ang gwapo mo?" Wala sa sariling tanong ko.
Tumawa siya at mahinang pinitik ang noo ko. "Ibabalik ko ang tanong sa iyo, Ianne..." kinagat niya ang labi niya habang nakatingin sa akin.
Umirap ako. Tinignan ko nalang ang dinadaanan namin papunta sa bilihan ng Kwek kwek. Matirik ang araw ngunit malakas pa rin ang hangin kaya hindi ko nararamdaman ang init.
"Bakit ang ganda mo, Ianne?" Balik na tanong niya. Tumaas ang isang sulok ng labi niya.
Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at bigla akong napangiti. Nag init ang magkabilang pisngi ko at alam ko sa mga oras na ito ay pulang pula na iyon. Siniko ko nalang ang tagiliran niya. Sinubsob niya ang mukha niya sa buhok ko habang humahalakhak.
Ilang oras ang tinagal namin doon bago nagpasyang umuwi. Alas singco palang ng hapon ay nasa harap na kami ng bahay. Papasok na sana ako ng gate nang bigla niyang hilahin ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya.
"Kiss ko?" Ngumuso pa siya na parang bata.
Mabilis ko siyang hinalikan sa labi kaya napakagat siya sa labi niya. Tinulak ko siya at napaatras siya ng kaunti dahil doon.
"Umuwi ka na nga! Ang landi mo," natatawang sabi ko habang papasok na sa loob.
Baon baon ko ang ngiti habang papasok ng bahay. Humiga ako sa kama at pinikit ang mata habang inaalala ang mga nangyari kanina. Ngayon nalang ulit naging magaan ang pagsasama namin ni Vien.
Nang gabi ay inabala ko naman ang sarili ko sa pag-aaral. Sa susunod na week kasi ay semi-final exam na kaya kailangan ko talaga ng matinding pagsusunog ng kilay. Habang nagbabasa ako ay bigla akong tinawag ni Heavy.
"Ate! May bisita ka!" Sigaw niya.
Bisita? Si Spring ba iyon o si Vien? Bakit naman sila pupunta rito sa bahay kung sakali?
Sinarado ko ang librong binabasa ko at dali-daling lumabas ng kwarto. Kumunot ang noo ko nang makitang wala namang tao sa sala kaya tatanungin ko sana si Heavy na umiinom ng tubig sa kusina.
"Sa labas, Ate."
Nakapajama na ako at handa na akong matulog sa ayos ko. Gulo gulo rin ang buhok ko at may suot pa akong salamin pero wala akong pakielam. Lumabas ako at may naaninag akong bulto ng tao sa labas ng gate kaya lumabas ako.
Pagkabukas ko ng gate ay agad na nanlaki ang mata ko. Nalaglag ang panga ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Jarrik?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top