Kabanata 26

Kabanata 26

First Kiss

Ilang minuto kaming nag-away ni Vien dahil ayaw niya nang bumalik sa Lugar Escondido. Gamit ang Van na sinasakyan namin ay dinretso niya ang daan pauwi sa kanilang bahay. Halakhak lang niya ang sagot sa bawat palo at suntok ko sa braso niya.

"I'm driving!" Nanlaki ang mata niya habang tumatawa.

Hindi ko malaman ang ugali nang isang ito. Kanina ay takot na takot pa naman ako dahil mukha siyang makakapatay ng tao. Mukhang kayang kaya niya talagang patayin si Jarrik kanina pero ngayon ay para na siyang bata kung mang-asar sa akin.

"Vien..." tawag ko sa kanya tsaka bumuntong hininga.

"Hmmm?" Kahit ang pag moan niya ay husky pa rin ng boses niya.

Kinurot kurot ko ang likod ng kamay ko tsaka lumunok. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya sa nangyari kanina kahit na wala naman akong kasalanan. Pakiramdam ko kasi ay may kasalanan ako sa kanya.

"I'm sorry."

Pagkasabing pagkasabi ko noon ay biglang sumeryoso ang mukha niya. Umigting ang panga niya at nakita kong nag-ugat ang braso niya sa higpit ng hawak niya sa manibela. Namumula rin ang tainga niya at masasabi kong nag pipigil siya ngayon ng galit.

"Mahal kita, Ianne..." seryosong sabi niya.

Nagulat ako kasi imbes na sigawan niya ako, ilabas niya ang galit niya, o humingi ng paliwanag sa akin ay iyan pa ang sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko deserve ang pagmamahal na binibigay sa akin ni Vien. Pakiramdam ko ay hindi ko napapahalagahan iyon.

"Hindi ko alam na kaya ko palang mag mahal ng ganito," humalakhak siya habang seryoso at diretso ang tingin sa daan.

Tinitigan ko ang mukha niya. Natatamaan ng street light ang mukha niya ngunit kitang kita ko ang seryoso niyang mukha. Kumikinang din ang diamond earring niya sa kanang tainga and the silver necklase hung on his neck at kumikinang din tuwing natatamaan ng liwanag.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Nangapa ako sa aking dibdib ngunit wala akong nakuhang sagot. Yumuko ko at pinaglaruan nalang ang daliri ko. Kinurot kurot ko iyon.

Pagkarating namin sa bahay nila ay sa kwarto agad niya kami dumiretso. Rinig na rinig ko ang buntong hininga niya habang nagtatanggal ng damit. Nanatili akong nakatayo sa gilid at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanuyo ang lalamunan ko kaya ilang beses kong sinubukang lumunok pero ang baradong naroon ay hindi pa rin natanggal.

"Let's sleep..." he said softly nang matanggal niya na ang pang itaas niya.

Hindi ko alam kung ihahakbang ko ba ang paa ko papunta sa kanya o mananatili akong nakatayo. Pakiramdam ko kasi ay naugat ang paa ko sa kinatatayuan ko at hindi ko kayang maglakad papunta sa kanya.

"Come here..." he called again. This time, with authority.

Unti unti kong hinakbang ang paa ko papunta sa kanya. Ang magaspang niyang kamay ay inabot ang kamay ko para hilahin papunta sa kanya. Halos mapatili ako nang bigla niya akong hilahin kaya napaupo ako sa binti niya. Niyakap niya ako patalikod. Nagtaasan lahat ng balahibo sa aking katawan nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa aking leeg.

"Matulog na nga tayo," he chuckled on my ear. "Baka kung saan pa mapadpad ito, eh."

Kahit na sanay na ako sa pagiging straight forward niya ay nag iinit pa rin ang pisngi ko sa tuwing sinasabi niya ang mga iyon.

Sabay kaming pumasok kinabukasan. Hindi na ako umuwi ng bahay dahil wash day naman ngayon at hindi kailangan mag uniform. Sinuot ko ang mga gamit na iniwan ko noong isang araw dito. Suot ko ang grey oversize v neck sweater at ripped grey skinny jeans.

"Ianne!" Sinalubong ako ni Spring sa gate.

Hinila niya ako mula kay Vien kaya gulat na gulat ako. Maging si Vien ay kumunot ang noo habang pinagmamasdan ang namumutlang si Spring. Malamig ang kamay niya at nanginginig iyon.

"Vien, hiramin ko muna si Ianne, please!"

Naguguluhan ako sa inaakto ni Spring. Para na kasi siyang naiiyak ngayon at hindi malaman kung ano ang gagawin. Tanging tango nalang ang sinagot ni Vien kaya agad akong hinila ni Spring papunta sa Freedom Garden.

Kunot noo ko namang pinanuod ang galaw ni Spring. Sabay kaming naupo sa bench. Pumikit ng mariin si Spring at ginulo ang kanyang buhok habang malalalim ang hininga.

"You're weird-"

"Tangina, Ianne, buntis yata ako..." bulong niya ngunit may diin sa pagkakasabi niya.

Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko at pakiramdam ko ay nabingi ako sa pagkakataong ito. Nanlalamig ako pero tumatagatak ang pawis sa aking noo.

Paanong buntis siya? Ang kwento niya sa akin noon ay tinigil na nila ni Wave ang ginagawa nila at alam kong dinatnan pa siya noon. Pero ano ito?

"H-hindi nga?" Sa dami ng tumatakbo sa utak ko ay iyan lang ang nasambit ko.

Halos umiyak na nang dugo si Spring sa harap ko. Kaya pala siya namumutla at nanlalamig ay dahil dito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Kung mumurahin ko ba siya agad o pagsasabihan muna.

"Hindi ko pa alam," nanlulumong sagot niya.

"Where's Wave?" Seryosong tanong ko.

Mapapatay ko talaga ang isang iyon kapag nalaman ko na iiwan niya ang kaibigan ko! Hindi pa naman uso sa mga kaibigan ni Vien ang salitang "seryoso" kaya kinakabahan ako para kay Spring.

"Kasama niya si Jarrik, bumili sila ng pregnancy test..."

Lalong nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga sa narinig. Umagang umaga ay puro kabulastugan ni Spring at Wave ang nalalaman ko at mas ginugulat pa nila ako sa kaganapan.

Si Wave, bibili ng PT!?

Lalaking lalaki ang isang iyon at maraming nakakakilala sa kanya rito kaya seryoso ba talaga si Spring na bumibili si Wave ng PT? Parang hindi ko yata kayang imagine-nin na bumibili ng PT ang isang lalaki.

Nakakahiya iyon!

Nanatili kami roon at talagang hindi ako naniniwala. Baka tinakasan na ni Wave si Spring at sinabi lang niya iyon para mapanatag si Spring. Kilala ko ang magkakaibigan na mga iyon. Si Vien nalang yata ang kilala kong medyo matino sa kanila.

"Wave..."

Tumayo bigla si Spring kaya lumingon ako sa likod ko. Napatayo ako nang makita sila.

Tagatak ang pawis sa noo at leeg ni Wave habang inaabot kay Spring ang plastic. Naka suot lamang siya ng puting round neck shirt. He licked his lower lip kaya namasa iyon at namula lalo.

Nalipat naman ang tingin ko sa katabi niya. Tahimik at kalmado lamang na nanunuod si Jarrik sa nangyayari. Umihip ang malakas na hangin at humarang ang iilang buhok ko sa aking mukha. Hinawakan ni Spring ang kamay ko kaya nag iwas ako ng tingin.

"Samahan mo ako..."

Wala naman akong magagawa kundi ang sumunod sa kanya. Kung kailangan ni Spring ng isang tao ngayon sa mundo ay alam kong ako iyon kaya hindi ko siya iiwan.

Sumunod naman ang dalawa at naiwan sa labas ng CR para mag hintay. Hindi nakaligtas sa mata ko bago ako pumasok sa CR ang mukha ni Wave.

Nakasuksok ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng slacks niya at sumandal sa pader habang nakatangila. Pumikit siya ng mariin at tumaas-baba ang adams apple niya dahil sa pag lunok.

Binasa naming mabuti ni Spring ang instruction at sinimulan na. Mabuti nalang at wala masyadong tao ngayon dahil ang karamihan ay nasa gym, may mga activities. Lumabas si Spring sa cubicle at lumapit sa akin habang hawak ang PT. Kailangan naming maghintay ng limang minuto bago malaman nag resulta.

"Ianne, paano nga kung buntis ako?" Tanong niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya dahil wala naman ako sa posisyon niya. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang tinatapik ko ang balikat niya. Kahit anong mangyari ay hindi ako papayag na ipapaabort nila ang bata.

Biglang may kumatok mula sa labas at narinig ko ang malalim at namamaos na boses ni Wave.

"Pwede ba akong pumasok?"

Sandali akong tumingin kay Spring at tumango. Kagat niya ang labi niya nang palabas na ako. Pumasok si Wave sa loob at naiwan kaming dalawa ni Jarrik.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya sumandal nalang ako sa pader. Inisip ko nalang si Spring at Wave para kahit papaano ay matanggal ang awkwardness sa pagitan namin ni Jarrik.

Hindi tama ang nangyari sa amin sa Lugar Escondido. Kahit hindi sinabi ni Vien ng diretso sa akin ay alam kong nasaktan siya ng sobra. Kaya kung ang pag iwas ko kay Jarrik ang magiging sulosyon para mapawi ang sakit na dinulot ko ay gagawin ko.

"Ianne..." mahina niyang tawag.

Nilingon ko siya. Nakapikit siya at nakakunot ang noo. Hindi ko alam kung tama bang narinig kong tinawag niya ako o ano. Guni guni ko lang yata iyon?

Mag iiwas na sana ako ng tingin nang bigla siyang magsalita ulit. At sa pagkakataong ito ay mas lalong hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

"Last night..." tumaas ang isang sulok ng labi niya tsaka dinilat ang mata at halos matalon ako dahil sakto ang tingin niya sa mata ko. "That's our first kiss..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top