Kabanata 24

Kabanata 24

Takot

"Putang ina!" Malutong na sigaw ni Vien at bago pa siya mahawakan ni Wave sa kamay ay mabilis na siyang nakalapit kay Jarrik.

Hinila niya ito sa collar at walang tigil na pinagsusuntok sa mukha. Pulang pula ang mukha, leeg hanggang dibdib niya at nag uugat na rin ang gilid ng ulo niya habang patuloy na sinusuntok ang mukha ni Jarrik.

Hindi pa ako nakakabawi sa pagka bigla kaya nanatili akong nakaupo roon. Sinubukan kong tumayo ata agad ding akong napahawak sa pader nang mang hina ang tuhod ko.

"Vien, mapapatay mo si Jarrik!" Rinig kong sigaw nila Baste habang pinipigilan si Vien.

Nag baba ako ng tingin sa kanila at mas lalong natigil ako sa pag hinga ko nang makita ang sobrang dami ng dugo mula sa mukha ni Jarrik. Hindi siya lumaban o bumawi ng suntok kay Vien at tahimik lamang niyang tinatanggap ang bawat suntok sa kanya.

"Wala kang utang na loob! Pinapatira kita sa bahay ko tapos ito lang pala ang isusukli mo sa akin!?" Sigaw ni Vien.

Hawak na siya ngayon ni Coups at Wave sa magkabilang braso ngunit pumipiglas pa rin siya. Inalalayan naman ni Makki at Kink ang duguan na si Jarrik. Naramdaman ko ang nanginginig at nanlalamig na kamay ni Spring.

"A-ayos ka lang, Ianne?" Nanginginig na tanong niya.

Alam kong katulad din niya, gulat na gulat din siya sa nanyari at hindi alam kung paano makakabawi. Doon pa nga lang sa halikan namin ni Jarrik ay hindi na ako makabawi, dito pa kaya sa galit na galit na mukha ni Vien.

"Ianne! Alam mong mahal na mahal kita..." ang malakas at galit na galit na boses ni Vien ay biglang pumiyok. Nilagay niya ang isang braso sa kanyang mata. "Mahal na mahal kita, putang ina, bakit niyo nagawa sa akin ito?!"

Bumilis ang pag baba at taas ng dibdib ko dahil sa mabilis kong pag hinga. Tuloy tuloy na rin ang agos ng luha mula sa mata ko. Gusto ko mang mag paliwanag kay Vien ay hindi ko magawa dahil parang pinutol ang dila ko.

"Vien, pare!"

Akala nila ay susugod ulit si Vien nang iwaksi nito ang mga kamay nila, ngunit tuloy tuloy siyang lumabas sa kubo. Sinundan siya ni Coups, Baste at Wave habang naiwan naman si Kink at Makki kay Jarrik.

"S-sorry..." rinig kong sabi ni Jarrik.

Hindi ko magawang mag angat ng tingin at hinahayaan ko lang na dumikit ang ilang takas ng buhok ko sa aking mukhang basang basa. Niyakap naman ako ni Spring at wala akong narinig na kahit ano kina Jael, She at Stella.

"Ang mahal ng bayad sa isang halik galing kay Ianne, ah?" Humalakhak si Makki at naamoy ko ang sinindihan niyang sigarilyo.

"Putok na labi, mata at pisngi para lang sa isang halik?" Isa pa itong si Kink.

Alam kong pinapagaan lang nila ang mood namin dito sa kubo. Inalalayan akong lumabas ni Spring at inabutan niya ako ng bottled water. Hindi ko naman mainom ng maayos iyon dahil sa mga nakabara sa aking lalamunan.

Hindi ko alam kung nasaan sila Vien. Kung ano ang pinaguusapan nila at kung kakausapin pa ba niya ako? O baka masuntok niya rin ako dahil sa sobrang inis.

"G-girl, ano ba kasing nangyari?" Nag aalangan na tanong ni Spring.

Tinignan ko siya at mas lalong naiyak dahil sa tanong niya. Bakit ba kasi ang tanga ko?! Bakit ba kasi hindi ko agad nalaman na hindi si Vien iyon!?

"Hindi ko alam, Spring..." humagulgol na ako sa iyak.

Alam kong nakatingin ngayon sila sa akin ngayon pero wala na akong pakielam. Parang sasabog na ang dibdib ko. Niyakap naman ako ni Spring at hinagod niya ang likod ko.

"Shhh... okay lang iyon, mapapatawad ka ni Vien kapag nag explain ka sa kanya."

"Sa tingin ko, Ianne, mas mabuting huwag mo nalang muna kausapin si Vien," narinig kong sabi ni Jael.

"At bakit naman sana huwag muna?" Pagtataray ni Spring.

Lumayo ako kay Spring at nakita na nakatutok sa akin ang mga mata nila. Seryoso si Makki at Kink. Si Jarrik naman ay hindi ko malaman kung ano ang nasa isip. Nag sorry siya kanina pero hindi ko nakikita sa mukha niya ang pagsisisi.

"Mainit ulo niya. Baka kung ano ang masabi niya kay Ianne," sabi ni Jael.

Wow. Kailan pa naging concern sa akin ang isang ito?

"Oo, mainit nga ulo niya pero hindi niya kayang saktan si Ianne,"

Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa away nila. Nadamay pa sila sa gulong pinasok ko. Nanatili ang tingin ko kay Jarrik at ganoon din siya. Umigting ang panga niya at mas naging seryoso ang mukha niya ngunit nagulat siya nang biglang iharang ni Makki ang kamay niya sa harap ni Jarrik.

"Kaya nagagalit lagi si Vien, eh. Mga tinginan niyo kasi!" Pabiro niyang sabi.

Natahimik kami nang biglang dumating si Coups, Baste at Wave pero hindi nila kasama si Vien kaya kumunot ang noo ko. Pilit kong sinisilip ang likod nila ngunit walang Vien na naroon.

"Ianne, kausapin ka raw. Nasa van siya," seryosong sabi ni Wave na nagpupunas ng labi.

"Tang ina ng isang iyon, pare, hindi kami pinaligtas!" Sabi ni Baste at doon ko lang napansin na may sugat din siya sa may pisngi at si Coups naman ay dumudugo ang ilong.

Sinuntok din sila ni Vien!?

Unti-unti akong tumayo at hindi ko alam kung pupunta ba ako roon o hindi. Baka suntukin din niya ako kaya napatingin sa akin si Coups.

"Hindi ka sasaktan no'n, Ianne..."

Kahit na ayaw ko sana ay pumunta pa rin ako kung nasaan ang van. Madilim at medyo malayo pa kaya nag isip na ako ng mga sasabihin ko kay Vien. Ang kasalanan ko lang naman doon ay hindi ko agad sinigurado kung siya ba iyon o hindi.

Malapit na ako sa van pero wala pa rin akong naiisip na explanation. Bahala na nga! Basta sasabihin ko nalang na walang kasalanan si Jarrik. Kahit sa akin na siya magalit.

Binuksan ko ang van at nanginginig pa ang kamay ko habang papasok. Nakabukas ang ilaw at aircon doon kaya nakita ko agad na nakasandal ang ulo ni Vien sa upuan. Umupo ako sa tabi niya at sinarado na ulit ang pinto.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanatili akong tahimik. Nagulat ako nang biglang umayos ng pagkaka upo si Vien at tumingin sa akin. Bahagya akong napalayo dahil sa takot na baka saktan niya rin ako pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang batok ko at marahas na pinunasan ang labi ko.

"V-vienㅡ"

Hindi niya ako pinansin. Halos dumugo na ang labi ko dahil doon at sobrang hapdi na dahil sa pagkakapunas niya. Seryosong seryoso ang mukha niya habang ginagawa iyon na parang may virus na dumikit sa labi ko.

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo dahil kahit anong sabihin mo, hindi kita susukuan." Tumigil siya at tumingin ng diretso sa mata ko.

"Akin ka lang, Ianne," hinila niya ako at niyakap. "Kahit na ayaw mo sa akin. Gagawa at gagawa ako ng paraan para mahulog kang muli sa akin."

Lahat ng takot na namuo sa dibdib ko ay biglang nawala dahil sa yakap at sinabi niya.

______________

:))))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top