Kabanata 23

Kabanata 23

Lugar Escondido

"Oh, tutal nakabalik na galing bundok si Vien at Wave, tara naman sa Lugar Escondido!" Sigaw ni Baste kaya nag tinginan ang ibang estudyante sa pwesto namin.

Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain. Nasa tabi ko si Vien na kanina pa dikit nang dikit sa akin. Inaamoy niya balikat ko kaya hindi ako masyadong makagalaw, isama mo pa ang ngising aso ni Spring sa harap ko ngayon.

"Pwede. Basta ba libre mo," ngising sabi ni Wave.

Ang Lugar Escondido ay sikat para sa mga magbabarkadang mahilig sa camping. Isa kasi iyong bundok malapit sa amin na liblib at tago, kaya Lugar Escondido ang tawag nila na ang ibig sabihin ay Hidden Place.

Hindi pa ako nakakapunta roon pero ang sabi nila ay maganda raw talaga sa bundok na iyon. May mga waterfalls, masarap ang hangin, nakakarelax ang huni ng mga ibon at tubig na bumabagsak mula sa waterfalls. Kaya maraming tao rito sa amin ang gustong makapunta roon.

"Sige! Sagot ko na pagkain. Oh, ano kailan?"

Umiling nalang ako at nag iwas ng tingin sa kanila. Syempre, hindi mawawala ang alak sa lugar na iyon para sa kanila. Hindi naman sa ayaw ko, para kasing nawawalan na ako ng oras para sa pag aaral tapos ay puro gala na ang mga nangyayari.

"Bakit? You don't wanna go?" Bulong ni Vien sa akin habang inaamoy ang leeg ko. Napansin yata niya ang pag iling ko.

Napatingin ako sa kanya at hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto niyang sumama kaya dapat ay gusto ko rin. Tsaka hindi na nila tatanggapin ang rason ko na iyon dahil maluwag na rin ako sa sarili ko netong mga nakaraang araw.

"Sasama si Jarrik," sabi niya.

Nagulat ako at hindi ko alam kung bakit si Jarrik ang sinabi niya. Kumunot ang noo ko para basahin ang iniisip ni Vien ngunit nag iwas lang siya ng tingin at tumatawa sa joke na sinasabi nila Coups.

"Sasama ako..." sabi ko sa kanya.

Saglit siyang napatingin sa akin habang nakangisi tsaka binalik muli ang tingin kay Coups na nagkukwento. Bumuntong hininga ako.

Sasama na ako.

Ang hapon iyon din ang napili nila para pumunta roon. Hindi rin ako nahirapan sa pagpapaalam kina Nanay dahil wala naman si Ate Penny. Nililigpit ko na ang gamit ko nang bigla kong marinig ang boses ni Vien sa sala.

"Bakit ba ang swerte mo sa lovelife?" Tanong ni Heavy habang nakadapa sa kama at may kaharap na libro.

Hindi ko nalang sinagot ang tanong niya at mas binilisan nalang ang paglalagay ng mga gamit sa aking bag. Nang matapos na ay agad akong lumabas. Nakayuko pa ako dahil inaayos ko ang strap ng bag ko.

Pag angat ko ng tingin sa sala ay halos matumba pa ako sa makita ko. Hindi lang si Vien ang nasa sala. Parang natigil ang paghinga ko sa pagkagulat at hindi ko alam kung ano ang irereact.

Kasama niya si Jarrik na nakaangat ang tingin sa akin na may ngiti sa labi.

Sabay silang tumayo mula sa pagkakaupo nang makita ako. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkagulat nang agad na lumapit sa akin si Vien para kunin ang back pack ko at hinapit ang baiwang ko.

Tipid na ngumiti si Jarrik at nag iwas ng tingin.

"Tita at tito, alis na ho kami. Ako na ho ang bahala rito sa makulit niyong anak," nakangising paalam ni Vien sa magulang ko.

Kung hindi hila hila ni Vien ang braso ko ay hindi pa ako makakagalaw sa pwesto ko. Hindi na rin ako nakapagpaalam ng maayos kina Nanay at Tatay kaya nang nasa labas na kami ng bahay ay lumingon ako ulit para ngumiti sa kanila.

Shit! Bakit ganito ang nararamdaman ko?! Bakit parang kabadong kabado ako. Nanlalamig ako ngunit may namumuong pawis sa noo ko. Hindi na rin ako makahinga ng maayos kaya napansin yata ni Vien ang malalim kong pag hinga.

"You okay?" Tanong niya nang nasa dalampasigan na kami.

Lumingon pa si Jarrik dahil sa pag tanong ni Vien. Kitang kita ko sa mata nilang dalawa ang pag aalala. Pumikit ako ng mariin dahil pakiramdam ko ay pinaparusahan ako tuwing nakikita ko silang dalawa na malapit sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko! Parang may mali.

Parang lahat mali!

"I'm okay..."

Umihip ang malakas na hangin at ang malakas na hampas ng alon na nagmumula sa dagat. Kahit na medyo malayo na kami ay naabot pa kami ng tubig dahil sa lakas ng hampas nito.

"Sinundo na rin ni Wave si Spring," ani Vien.

"Huh? Peroㅡ" hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin nang marinig ko ang halakhak nilang dalawa.

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan sila. Bakit? Posible bang may alam silang dalawa? Si Vien, alam kong meron siyang alam, pero pati si Jarrik?

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka pinagkukwentuhan nila ang mga experience nila sa mga babae. Nagbago ang timpla ng mood ko dahil doon. Paano kung pati rin pala ako pinagkukwentuhan nila?

Paano kung pati pala ako napaglalaruan na?

Magdidilim na nang maabutan namin sila Wave sa kalsada. Nasa labas sila ng van na gagamitin namin at nang makita kami ay agad silang naghiyawan at nagpuntahan na sa van.

"Let's go!" Excited na sigaw ni Baste.

Pagpasok namin sa loob ay si Coups ang nasa driver's seat habang si Jarrik ang nasa shot-gun seat. Mukhang magpapalitan sila sa pagda-drive. Lumapit naman sa akin si Spring.

"Girl, gusto ko na mahimatay!" Bulong niya. Dadagdagan niya palang sana ang kwento niya nang biglang tumabi si Wave sa kanya at sinarado na ang pinto.

Bahagya akong natawa dahil nagkaroon na ako ng ideya kung sino ang ikukwento niya sa akin. Hinawakan naman ni Vien ang ulo ko at sinandal niya sa balikat niya.

"I miss you..." namamaos ang boses na bulong niya habang marahang hinahalik-halikan ang buhok ko.

Ngumiti nalang ako at hindi na sumagot. Alam na rin naman niya kung ano ang sagot sa tanong niya, eh. Pinikit ko nalang ang mata ko ngunit hindi rin ako nakatulog nang biglang nagpatugtog si Jarrik at nagkantahan silang lahat.

"Heto na ang mga officials ng barkada

Kanya-kanyang kalokohan ang bawat bida

Merong medyo praning,

Meron din namang antukin,

Kumpleto sa rekado ang barkada namin"

Bagay sa kanila ang kantang iyan. Iba iba ang ugali ng bawat isa pero nagkakasundo pa rin. Nagpatuloy sila sa pagkanta at pagsisigawan hanggang sa makarating na kami roon.

Isang oras lang ang byahe at nagpapasalamat kami nang sumisilip pa rin ng kaunti ang araw. Bumaba kami at ang mga lalaki na ang nag ayos ng mga tent. Umupo kami ni Spring sa baling sanga ng puno.

"Si Jael..." bulong niya.

Nagulat pa ako noong una dahil hindi naman nin kasama si Jael ngunit nagulat ako nang bumaba siya mula sa tricycle. May kasama siyang dalawa pang babae kaya kumunot ang noo ko.

Nilingon ko si Vien at nakitang napatigil siya habang nakatingin sa kanila. Parang kinukurot ang puso ko habang nakatingin sa kanya kahit na alam ko naman na wala akong dapat ikaselos.

"Sorry, late!" Panimula niya. "Mga kasama ko nga pala. Si She at si Stella!" Pakilala niya sa dalawa niyang kasama.

Nilapag nila ang back pack nila malapit sa tent na tinatayo nila, kung saan naroon din ang bag namin nila Spring. Napairap ako at nag iwas nalang ng tingin.

"May naisip kaming tatlo para mas enjoy ang stay natin dito!"

Simula noong dumating sila ay sobrang umingay na ang paligid. Animo mga ibon ay mukhang nairita na sa boses nila at umalis nalang. Kung nakakarelax ang tumog ng waterfalls mula sa 'di kalayuan kanina ay ngayon hindi na.

"Nakapunta na kasi kami rito, may kubo roon," may tinuro iyong She, "Pupunta tayo roon isa-isa mamaya!"

"Hindi naman kayo takot sa multo, hindi ba?" Nakangising sabi naman noong Stella.

"Uy, girl, takot ako..." bulong sa akin ni Spring.

Ako rin naman ay takot ngunit magmumukha kaming KJ kapag umayaw kami since lahat sila ay tuwang tuwa na. Wala na rin kaming nagawang dalawa.

"Yaho!" Sigaw noong Stella nang sa wakas ay magsisimula na kami sa gusto nila.

Tamad na nakatayo ako sa pwestong binigay sa akin noong tatlo. Nilingon ko si Vien at kahit madilim ang paligid ay nakita ko ang titig niya sa akin. Agad kong nakurot ang likod ng kamay ko nang makita ko ang pag ngisi niya sa akin.

Nagsimula na kaming maglakad. Kahit na hindi kami magkakalayo ay parang mag isa lang akong naglalakad ngayon sa sobrang dilim. Naririnig ko ang bulungan nila ngunit wala talaga akong maaninag.

"Ouch!" Hindi napigilang sigaw ko nang madapa ako sa isang sanga.

"Ianne!" Rinig ko namang sigaw ni Vien at ni Jarrik.

"Okay lang ako."

Pilit akong tumayo at nagpatuloy sa paglalakad. Madilim ang paligid ngunit naaninag ko ang isang kubo sa 'di kalayuan. Mas binilisan ko ang paglalakad para makapasok sa loob.

Binuksan ko ang pinto at bumukas iyon. Sumakit ang mata ko nang makita na sobrang dilim sa loob. May kaunting tulong mula sa buwan pero hindi iyon sapat.

"May tao na ba rito?" Tanong ko ngunit nag echo lamang ang boses ko.

Humawak ako sa pader at iyon ang naging guide ko para makapaglakad. Umupo ako nang mapagod ako. Yakap ko ang tuhod ko at magsasalita sana nang makarinig ako ng buntong hininga.

"Vien!?" Tanong ko. Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa aking pisngi kaya nilingon ko iyon.

"Ianne..." bulong niya.

Pilit kong kinikilala ang boses ngunit hindi ko makilala. Naamoy ko ang pabango ni Vien kaya napangiti ako. Si Vien nga itong katabi ko!

"Vien, alam kong ikaw iyan," sabi ko pero hindi siya sumagot.

"Alam mo bang selos na selos ako sa pagtitig mo kay Jael? Pakiramdam ko ay hindi na ako ang pinakamagandang babae sa paningin mo dahil doon. Gusto ko lang din malaman mo na nasasaktan ako,"

Siguro ito na ang tamang oras para sabihin ko lahat nang hinanakit ko sa kanya. Para malaman niya at maiwasan niya si Jael.

"Sobrang sakit, Vien..."

Hindi pa rin siya sumagot kaya nilingon ko siya. Naramdaman ko ang pag lapit ng mukha niya sa akin kaya pumikit nalang ako hanggang sa maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko.

Agad siyang gumalaw at hinawakan ang batok ko para mas mapadiin ang halik. Kinagat niya ang lower lip ko kaya napanganga ako at iyon ang naging way niya para maipasok ang dila sa loob ng bibig ko. Napahawak ako sa braso niya at parang mauubusan na ako ng hininga sa rahas ng pag halik niya sa akin.

Mariin akong pumikit nang maramdaman kong bumukas ang ilaw.

"Yeheyㅡ"

Biglang sumakit ang mata ko kaya napahiwalay ako kay Vien. Unti-unti akong tumingin sa bumukas ng ilaw at nakita ang nanlalaki at nalaglag ang panga nila. Huminto ang paningin ko kay Vien.

Bullshit! Vien!?

Napatingin ako sa tabi ko at nakitang nakasandal si Jarrik sa pader habang nakatingala at nakapikit.

Si Jarrik ang nahalikan ko!?

_____________

Hehe :)))))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top