Kabanata 21

Kabanata 21

Say You Won't Let Go

"Alam mo iyon, Jarrik? Kahit na sinabi niyang wala lang sila ni Jael pero hindi pa rin ako matahimik. Mababaliw na yata ako," sumimangot ako habang lumalagok nitong isang tower ng Badtrip.

Hindi ko alam kung kailan pa ako naging praning ng ganito. Noon kasi, sobrang laki ng tiwala ko kay Vien dahil alam ko kung paano niya layuan ang mga babae, kung gaano niya kaayaw ang mga babae.

Pero bakit si Jael, gustong gusto niyang lapitan?

"Nagseselos ka lang kasi alam mong maganda si Jael," humalakhak si Jarrik kaya tinapik ko ang balikat niya.

"Sino bang kaibigan mo? Ako o iyong Jael na iyon?!" Sigaw ko sa kanya kasabay ng malakas na tugtog dito sa 1004.

Umiling si Jarrik at tumawa, "Wala akong kaibigan sa inyong dalawa."

Nanliit ang mata ko. Nahihilo na nga ako tapos ay ganito pa ang sinasabi nitong si Jarrik sa akin? Anong hindi kaibigan? Baka kailangan ko pang ipaalala sa kanya na ako ang nagligtas sa kanya, tapos sasabihin niyang, hindi niya ako kaibigan!

"Kupal ka, ah! Eh ano mo pala ako kung hindi mo ako kaibigan?"

Imbes na sagutin ang tinanong ko ay tumawa nalang siya. Lumagok din siya sa beer na inorder niya nang hindi pa rin sinasagot ang tanong ko.

Tumayo ako sa inis sa kanya. Bigla naman akong nahilo at parang tumama na sa akin ang alak na ininom ko dahil nanlalabo na ang mga mata ko. Bumabaliktad na rin ang sikmura ko.

Totoo nga ang sinasabi na, kapag nakaupo ka raw ay hindi mo mararamdaman ang kalasingan. Kapag tumayo ka, tsaka lang ito eepekto sa iyo.

Napansin naman iyon ni Jarrik kaya pagkatapos ng isang lagok sa beer ay tumayo na agad siya para alalayan ako.

"Nasusuka ako, Jarrik..." kumapit pa ako ng mahigpit sa braso niya at hindi ko na maipaliwanag ang itsura ko ngayon.

Lalo akong nahihilo sa usok ng mga sigarilyong narito at sa dilim at neon lights na tumatama sa mukha ko. Pati ang maingay na tugtog ay nagpa-irita sa akin.

Gusto ko nalang umuwi at humiga tsaka matulog! Hindi ko na kaya.

"Sandali," nataranta na rin siya at inakay niya ako. Nakasandal ako sa dibdib niya habang naglalakad kami kasi pakiramdma ko ay umiikot ang paligid ko.

Nang nasa harap na kami ng cr ay huminto si Jarrik at binuksan ang pinto. Pumasok ako ngunit nanatili siya sa labas kaya dumiretso ako sa lababo at doon nilabas ang lahat.

"Jarrik, ayoko na! Hindi na talaga ako iinom!" Sigaw ko dahil ayaw tumigil noong pag ikot ng paningin ko at ang pag baliktad ng sikmura ko.

Narinig kong tumawa si Jarrik habang ako ay naiiyak na. Nagulo na rin ang buhok ko at ang baho baho ko na ngayon. Parang lahat yata ng kinain ko simula kaninang umaga ay nilabas ko na. Wala na akong mailabas.

"Jarrik..." pagmamakaawa ko dahil nahihirapan na ako. Sumasakit na ang lalamunan ko.

"Tss," narinig kong naglakad siya papunta sa akin at hinawakan ang buhok ko.

Binuksan niya ang faucet at binasa ang kamay tsaka pinunas sa buong mukha ko. Pinisil pa niya ang ilong ko at halos tanggalin ko ang kamay niya dahil may sipon ako!

"Nahiya ka pa," bulong niya tsaka nagpatuloy sa paghilamos sa mukha ko.

Gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko dahil doon pero nagpatuloy pa rin ako sa pag suka. Hawak hawak niya ang lahat ng buhok ko habang halos ingudngud ko na ang mukha ko sa lababo.

"Hinding hindi na ako iinom!" Sigaw ko pa.

"Oo nalang..." sagot naman ni Jarrik.

Si Jarrik ang naglinis ng lababo pagkatapos at naghatid sa akin sa bahay nila Vien. Nahihiya raw siya na ihatid ako sa bahay namin ng ganito kaya roon nalang muna ako matutulog.

Binuhat na niya ako nang hindi na ako makalakad ng tuwid. Kinapit ko ng mahigpit ang dalawang kamay sa balikat niya habang nakapikit. Hindi na ganoon kalala ang pakiramdam ko pero nanghihina naman ako.

Binagsak ako ni Jarrik sa couch at nanatili naman akong nakahiga roon. Naramdaman kong umalis si Jarrik at naramdaman ko nalang na kinumutan niya ako. Niyakap ko ang isang unan na binigay niya sa akin at hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidlip doon.

Nagising ako bigla nang may marinig akong kalabog sa may bandang kusina. Parang sumasabog pa rin ang ulo ko pero pinilit kong bumangon. Nakita kong umiinom ng beer si Jarrik habang tulala.

"Thank you," mahinang sabi ko tsaka sumandal sa pader.

Nagulat naman siya at nag-angat ng tingin sa akin. Ngumisi siya na parang inaasar niya ako kaya inunahan ko na siya at inirapan ko siya habang humahalukipkip.

"Nahihilo pa rin ako," sabi ko.

Lumagok siya sa beer at nilunok. Nakita ko tuloy ang pagbaba at pagtaas ng adams apple niya, "Maligo ka, makakatulong iyon..."

Maliligo talaga ako dahil kating kati na ako at nanlalagkit ako dahil sa damit kong may kaunting stain pa ng nilabas ko kanina. Nandiri tuloy ako.

Hinila ko ang isang upuan sa harap niya at umupo roon. Tinaas ko ang dalawang paa ko tskaa niyakap iyon habang tulala at hinahayaan siyang panuorin ako.

"Ano, ayos ka na?" Seryosong tanong niya.

Huminga ako ng malalim, "To be honest? Hindi talaga. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung ano kaya ang ginagawa nila ngayon. Kung magkasama ba sila." Napatingin ako sa kanya, "Baliw na ba ako?" Tumawa ako ng pilit.

"Ano bang ginawa ni Vien para paghinalaan mo siya ng ganyan?" Nanatiling seryoso ang mukha niya kaya napawi ang pilit kong tawa.

Nakakabaliw talagang magmahal. Naalala ko iyong sinabi ng isa kong kaibigan na si She, ang sabi niya ay tama raw ang magmahal kaya maraming nababaliw. Hindi ko nga rin na-gets, pero ngayon, mukhang naiintindihan ko na.

"Wala," sagot ko.

"Wala?" Tanong niya ulit. "Hindi pwedeng wala lang iyan, Ianne..."

Sumimangot ako. Ako ba talaga ang problema? Wala naman akong nakikitang kahina-hinala kay Vien pero naghihinala pa rin ako. Hindi na healthy ang ganito. At pag hindi na healthy? No! Hindi ko kayang iwan si Vien.

"Nababaliw na ako, Jarrik..." hindi ko napansin na may tumulo palang luha mula sa mata ko hanggang sa unti-unti nang nababasa ang braso ko.

"Naninikip ang dibdib ko, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay nasa akin lahat ng problema sa mundo, hindi ako makahinga ng maluwag at hindi ako makakilos ng maayos," sabi ko.

"Sa madaling salita, nasasakal ka..." he laughed with no humor.

Nagpatuloy lang ako sa pag iyak. Hindi ko na magawang sagutin ang sinabi niya dahil ganoon nga yata talaga ang nararamdaman ko. Pero bakit naman ako masasakal? Kahit kailan, hindi ako nasakal sa pagiging mahigpit sa akin ni Vien. Hindi rin ako nagselos sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

Ngayon lang at hindi ko alam kung bakit.

Narinig kong tumunog ang upuan. Mag-aangat sana ako ng tingin nang bigla kong maramdaman ang yakap ni Jarrik mula sa likod ko.

Sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya habang patuloy pa rin ako sa pag hagulgol. Narinig kong kinakanta niya sa akin ang isang pamilyar at sikat na kanta.

Ang Say you won't let go.

________________

Binalik ko po sa works ko ang Crossing Worlds! Humihingi po ako ng time niyo para basahin iyon, hihi. Kikiligin talaga ako pag binasa niyo and thank u in advance ♡

Team Jarrik or Team Vien? ;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top