Kabanata 20
Kabanata 20
Badtrip
Nagising ako kinabukasan nang dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Masakit ang ulo ko dahil sa puyat, madaling araw na rin kasi noong natulog kami ni Vien. Unti-unti kong minulat ang mata ko at hinawakan ang matigas na braso'ng nakapulupot sa baiwang ko.
"Vien, wake up..." bulong ko.
Nilingon ko siya at tinapik-tapik ang pisngi niya. Umangat ang isang sulok ng labi niya at mas hinigpitan pa ang yakap niya sa baiwang ko kaya napairap ako. Kanina pa yata siya gising at kanina pa rin ako inaamoy sa may bandang leeg. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga roon.
"Hmm..." he moaned.
"Akala ko ba pupunta tayo sa farm? Mas magandang maglibot kapag maaga pa," nakasimangot na sabi ko.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya atsaka minulat ang mata. Suot pa rin niya ang ngisi niya at mukhang wala talagang balak bumangon sa pagkakahiga.
Ilang minuto pa ang itagal ng pagpipilit ko kay Vien bago siya bumangon. Nauna akong naligo sa kanya at sumunod naman siya. Habang naghihintay ako sa kanya ay pinapatuyo ko ang buhok ko habang nakaupo sa tukador. Nauna na rin akong bumaba pagkatapos, hihintayin ko nalang si Vien doon.
Ingay mula sa magkakaibang tao ang narinig ko habang pababa ako. Namataan ko agad si Jarrik na tulalang ngumunguya ng pandesal sa sala habang ang iba ay nagluluto ng agahan. Nakita ko rin na nakaupo si Jael sa gilid kaya nilapitan ko siya.
"Pwede mo ba akong ilibot sa Farm?" Kahit ako ay nagulat sa biglang tinanong ko.
Nag-angat siya ng tingin at hindi makapaniwala na siya nga itong kinakausap ko. Kumikinang at nangingibabaw talaga ang ganda niya kahit na bagong gising siya. Natural ng mapula ang labi at pisngi niya at kahit magulong nakatali ang buhok niya ay hindi naging panira sa dating niya.
"Where's Vien?" Tanong niya. Alam kasi nila na si Vien ang kasama kong mamamasyal ngayon.
Gusto ko siyang makausap. Gusto kong malinaw sa amin ang lahat kaya siya itong niyaya ko. Nagkibit balikat nalang ako kaya napilitan siyang tumayo at tumango para sabihin na sundan ko siya.
Nagulat din si Jarrik nang makitang sinusundan ko si Jael pero hindi niya ako pinigilan. Mukhang alam na rin niya ang sadya ko kaya si Jael ang kasama ko ngayon.
"Is it fun doing an intership here?" Tanong ko.
Nasa farm na kami at hindi ko mapigilang hindi mapanganga dahil sa ganda. Hindi masyadong sumisilip ang araw pero sapat lang iyon para sa kailangan ng mga halaman. Malakas din ang simoy ng hangin kaya mas lalong nakakarelax ang buhay rito.
"I like Bagong Sikat, woods and mountains. I love being an agriculture student..." sagot niya habang tinatanggal ang ibang tuyong dahon sa mga halaman.
Bigla niyang pinulot ang isang caterpillar at pinatay. Nagulat pa ako dahil ilang araw nalang ay magiging butterfly na iyon pero pinatay niya. Mukhang aware naman siya sa ginawa niya at parang sanay na sanay na siya sa ganoon.
"We don't want any butterfly here. They eat the plants I persistently grow..." ngumiti pa siya sa akin.
Ow? Muntik ko ng makalimutan na hindi nga pala maganda ang caterpillar sa mga halaman. Bigla akong natulala sa kanya na ngayon ay pinapatay pa ang ilang caterpillar na nakikita.
Ang perfect niyang tignan. Ang isang katulad niya ay bagay sa mga perpektong tao katulad ni Vien. Mayaman, maganda, inosente, mukhang prinsesa.
"Ianne!" Naputol ang pagtitig ko kay Jael nang bigla kong marinig ang sigaw ni Vien.
Maging si Jael ay nagulat at lumingon sa likod niya. Naroon si Vien at hingal na hingal siya na mukhang kagagaling lang sa pag takbo. Gulo gulo ang basang buhok at sumasayaw ang may kahabaan niyang hikaw. Seryoso ang tingin niya habang nagpapalit palit ang tingin niya sa akin at kay Jael.
"Ang tagal mo kasi kaya sa kanya nalang ako nagpasama," pilit akong ngumiti.
Hindi ko alam pero sa pagkakataong ito, ngayon ko lang nakitang takot na takot si Vien. Na parang may isang pribadong sekreto akong malalaman na tanging siya at si Jael lang ang may alam.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang siko ko, "Dapat hinintay mo nalang ako, e."
Pilit akong ngumiti. Hindi naman makatingin sa amin si Jael na nililibang ang sarili sa pamamagitan ng pag kuha ng mga tuyong dahon at ibang caterpillar.
"Tara roon sa mga halaman na tinanim ko," biglang sabi niya at hinila ako sa kabilang side.
Hindi ko alam na may kanya kanya pala silang taniman at kay Jael ang pinuntahan namin. Kung gaano ako namangha sa mga tanim ni Jael at ganoon din nang makita ko ang tanim ni Vien. Iisipin mo kasing hindi lalaki ang nagmamay ari nito sa sobrang linis at organize.
"Madali lang mabuhay ang mga ito, kunting buhos lang kasi ng tubig ang kailangan..." ngumiti siya habang sinasabi sa akin.
Atleast ngayon, may alam na ako kung paano ang gagawin kapag nag-intern na rin kami. Pero mas gusto ko ang dagat kaysa mountain. Hindi kami parehas ni Vien at parehas naman sila ni Jael.
Buong araw akong tahimik hanggang sa pauwi na kami ni Jarrik. Halos ilang minuto akong niyakap ni Vien sa kwarto bago kami umalis. Mamimiss ko nanaman siya at isang buwan pa ang aantayin ko bago siya umuwi.
"Ano, masaya ka na ba?" Tanong ni Jarrik nang makaupo kami sa bus.
"Inom tayo, Jarrik?" Imbes na sagutin ang tanong niya ay nagtanong pa ako. Wala rin naman akong balak sagutin ang tanong niya kasi maging ako ay hindi ko alam ang sagot.
"Seryoso ka ba?" Humalakhak siya.
"Mukha bang joke time lang ito?" Sarkastiko kong sabi.
Kinagat niya ang labi niya para pigilan ang tawa habang umiiling ng paulit-ulit. He snorted while nodding his head. Kinamot niya ang ilong niya at wala pa ring tigil sa pag tango.
"Hindi na ako magtatanong kung bakit, mukhang alam ko na yata," natatawang sabi niya.
Kahit na tropa niya si Vien at alam niyang ayaw ni Vien na nagiinom ako ay lagi pa rin niyang sinasakyan ang mga trip ko sa buhay. Diretso agad kami sa 1004 nang makauwi kami. Bitbit bitbit ni Jarrik ang maleta ko at iniwan muna sa counter ng 1004 since kilala naman niya ang duty ngayon doon.
Nagtitingin ako sa menu nang biglang naagaw ng pansin ko ang isang beer na may pangalang "Badtrip". Seryoso, may ganitong alak ba o dito lang ang mix nito? Mukhang gusto ko yata ng ganito, a?
Tinawag ko ang waiter na naglalakad papalapit sa amin. Pinapanuod lang ni Jarrik ang bawat galaw ko at walang balak na pigilan ako.
"Isa nga nitong Badtrip!" Kunot noong sabi ko at sinulat naman ng waiter ang order ko.
Natawa si Jarrik sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya todo pigil nanaman siya. Nag-isip pa ako ng ibang order pero wala na akong makita pang iba bukod sa Badtrip.
"Sige, iyang Badtrip nalang tutal badtrip ako ngayon!"
Napatingin naman ang waiter kay Jarrik at umiling nalang siya. Hindi siya magoorder? Ako lang ba ang iinom ngayon?!
"Bakit hindi ka-"
"Malalasing ka sa Badtrip, aalalayan nalang kita..." ngiting sabi niya.
_____________
Short ud again! Wala pa talaga akong time hehe ♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top