Kabanata 18
Kabanata 18
Shut up
Hindi ako makagalaw habang nakaupo sa tabi ni Vien. Inangat ko siya ng tingin at nakitang ngumunguya siya noong pulutan habang ang isang kamay ay nakahawak sa back rest ng inuupuan kong monoblock. Tumatawa siya sa isang kwento ni Wave, habang ako ay walang maintindihan sa sinasabi nila.
"Bakit?" nagbaba siya ng tingin sa akin nang mapansin ang paninitig ko. Umiling ako at nag-iwas ng tingin.
Gusto ko siyang tanungin sa mga ginawa niya rito sa Bagong Sikat but at the same time, natatakot din ako sa isasagot niya. Nakita ko naman si Jael na tumatawa sa gilid ng isang lalaki. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay palihim silang nagkakatitigan ni Vien.
Praning na yata ako.
Humalakhak nanaman siya sa kwento nila. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa buhok ko habang tumatawa. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang tinatawanan nila.
"Tapos alam niyo ba? Takot na takot sa Caterpillar iyang si Vien pero gustong gusto naman ng Butterfly!"
Humagalpak nanaman sila sa tawa. Ngumisi nalang ako at kunyare ay natawa na rin. Hindi ko magawang tumawa at punong puno ng hinala ang loob ko.
Tumayo ako. "CR lang ako..."
Kahit hindi ko alam kung saan ang CR ay umalis pa rin ako. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng maigi roon. Naninikip ang dibdib ko at kailangan kong uminom ng tubig.
Pagdating ko sa kusina ay nagsalin agad ako ng isang basong tubig at nilagok iyon ng diretso. Huminga ako ng malalim. What the fuck is wrong with me!?
"Are you okay?" napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko.
Nilingon ko iyon at muntik ko ng mabitawan ang hawak kong baso nang makitang nakasandal sa pader si Jarrik habang nakahalukipkip. May hawak siyang beer sa isang kamay.
"I don't know..." nilapag ko ang baso at umupo.
Madalas ay lagi kong tinatago ang nararamdaman ko pero bakit kay Jarrik, ang dali dali kong masabi. Kumunot naman ang noo niya at umupo rin sa katapat kong upuan.
"Eh anong gusto mong mangyari ngayon?" seryoso niyang tanong.
Napahilamos ako sa mukha ko. Gusto ko ng umuwi pero sayang ang perang ginastos ni Jarrik para lang makarating kami rito. Titiisin ko nalang hanggang sa oras na pwede na kaming umuwi.
"Gusto mo ng umuwi?"
"Hindi. It's not that-"
"It's okay, Ianne. Pumunta tayo rito para sa iyo, uuwi ulit tayo dahil ulit sa iyo," seryosong sabi niya habang lumalagok sa beer.
Masasayang ang pera niya sa pag iinarte ko. Wala naman kahinahinala roon, hindi ba? Classmate sila ni Vien at dapat alam ko na na magsasama sila rito sa field study na ito.
"Ianne-"
"Hindi nga tayo uuwi, Jarrik," sabi ko at pumikit ng mariin.
"Go, talk to him. Sabihin mo lahat ng concerns mo, malay mo naman ay may paliwanag siya."
Tama siya. Dapat ko munang makausap si Vien bago magdesisyon at bago makaramdam ng ganito. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Tumayo ako tsaka nilagay sa sink ang ginamit kong baso.
"Tara, balik na tayo?" aya ko sa kanya.
Tumango siya. "Sige na, mauna ka na..."
Pagkabalik ko ay naabutan kong naghaharutan si Jael at Vien. Lumipat ng upuan si Jael at nakaupo siya ngayon sa upuan ko. Natigilan ako at napahinto sa paglalakad. Kailan pa sila naging close?
Sinitsitan ni Wave si Vien at nginuso ako kaya lumingon sa akin ang dalawa. Pinilit kong ngumiti. Hindi ko alam kung lalapit pa ba ako sa kanila o ano, dahil wala naman na akong upuan. Biglang tumayo si Jael.
"Sorry, nakiupo ako."
Pumunta ako sa likod ni Vien at hinawakan ang balikat niya. Hinila niya ang dalawang kamay ko at sinakal iyon sa leeg niya habang tumatawa, kaya naman yakap yakap ko siya ngayon.
"Nandito lang si Ianne, ang saya saya na nitong si Vien, oh!" kantyaw sa kanya.
Lumunok ako. Iniisip ko kung kakausapin ko ba siya o hindi. Mukhang wala naman kasing problema at ako lang ang nag-iisip na meron. Tiningala ako ni Vien kaya pilit akong ngumiti.
"Aren't you happy?" he asked. His voice is husky at namumungay na ang mga mata.
"I'm happy," matabang na sabi ko.
Damn it, Ianne! Fix yourself! Mukha akong praning na nagiisip ng sariling problema kahit wala naman. Sarili ko lang din ang kinakalaban ko. Sarili ko lang ang kalaban ko. I fucking hate this feeling!
Inabot kami ng madaling araw doon. Malamig na at suot suot ko ang jacket ni Vien. Nag-aayos si Wave at ang iba nilang kasama ng mga beer na nagkalat. Nakasandal naman ang ulo ni Vien sa balikat ko at mabibigat na ang hinga niya.
"Vien..." tawag ko sa kanya.
"Hmmm?"
"Halika na sa kwarto," aya ko sa kanya.
Siguro, hindi ko nalang muna sasabihin sa kanya habang hindi ko pa napapatunayan ang iniisip ko. Nag-angat siya ng ulo tsaka ngumisi. Namumula ang pisngi at leeg niya.
Pagkarating namin sa kwarto niya ay binagsak agad niya ang katawan sa kama. Naghanap naman ako ng damit niya. Kailangan niyang maligo muna bago matulog. Pagkakuha ko ay hinagis ko agad sa kanya kaya tumama iyon sa mukha niya.
"Maligo ka muna."
Tinanggal niya ang damit sa mukha at nginisian ako na parang hindi narinig ang sinabi ko. Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. Hinila niya ang dalawa kong kamay at pilit na pinapayakap sa kanya.
"Ayaw kong maligo. Hmmm..." malalim ang boses niya at malalim ang hininga na parang nahihirapan.
Hinayaan ko siya. Nagtagal ng ilang minuto ang posisyon namin hanggang sa bigla siyang tumingala sa akin at nakasalubong ko ang namumungay niyang mata. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at hinila para maabot ang labi ko.
Vien's hand ran up and down my waist as he sucked my bottom lip asking for entrance. Napaawang ang labi ko his tongue explored every inch of my mouth. Palalim nang palalim ang halikang iyon at pakiramdam ko ay hindi ko na rin kayang pigilan pa ang sarili ko.
Hinila niya ako at pinaupo na rin sa gilid ng kama. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at naramdaman ko ang makulit niyang kamay sa aking dibdib. Napanganga ako. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko rin ang ginagawa niya sa akin. Sana ay pinipigilan ko siya sa mga oras na ito, pero hindi ko magawa.
"V-vien..."
Tumaas muli ang halik niya sa aking labi at halos magdugo na ang labi ko sa rahas ng pagkakahalik niya. Mahigpit kong hinawakan ang t-shirt niya.
"Damn it!" malutong na mura niya atsaka tumigil.
Halos magprotesta ako nang tumigil siya. Yumuko siya at hinilamos ang kamay sa mukha. Gulat na napatingin ako sa kanya na para bang maling mali ang ginawa niya.
"Vien, gusto ko," sabi ko.
"Fuck! This is wrong..." kahit mahina ang pagkakasabi niya noon ay parang ang linaw linaw sa pandinig ko.
Iniwan niya ako sa kama at pumunta sa CR para maligo. Bakit mali? Dahil ba magagalit si Jael kapag nalaman niya iyon? May relasyon ba sila at sabit lang ako?
Hindi ko mapigilan ang luhang tumutulo mula sa mata ko. Ang sakit naman ganito. Hindi ako makahinga at nag-iinit ang buong mukha ko. Ang sikip ng dibdib ko at pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso kahit na wala naman akong sakit sa puso.
Magkalipas ng ilang minuto ay biglang lumabas si Vien mula sa CR na nakatapis lang ang baba habang kinukuskos ang maliit na towel sa buhok para matuyo. Pinunasan ko ang pisngi ko.
"Oh? Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya at tumabi sa akin.
Hindi ako nagsalita. Amoy na amoy ko ang shower gel na gamit niya at takang napatingin sa akin. Napansin yata niyang namamaga ang mata ko kaya kumunot ang noo niya.
"Why?" malambing na tanong niya.
"Vien, may iba ka na ba? May gusto ka ba kay Jael? Ano ang meron sa inyo!?" sunod sunod na tanong ko.
Hindi naman siya nagulat. Nanatiling kalmado ang mukha niya at parang sinasabi na non sense lang ang paratang ko sa kanya. Bakit? Dahil ba totoo ang mga sinabi ko?
"Anong problema mo?" kunot noo niyang tanong.
"Ikaw, anong problema mo?" balik na tanong ko.
Magkasalubong ang kilay niya na parang naguguluhan sa mga tanong ko. Gusto kong magsalita siya. Gusto kong magpaliwanag siya pero wala akong narinig mula sa kanya. Nanatili siyang tahimik. Tumulo nanaman ang luha sa mata ko at nakita ko ang pag igting ng panga niya.
"Bakit hindi ka makapagsalita? Bakit-"
"Shut up, Ianne, wala akong ginagawang mali!"
____________
hi sa mga VRene, SeulMin, LizKook at JinSoo shippers out there! may collab story ho kaming ginawa na apat kaming authors.
Ride or Die ang title, kung gusto niyong basahin, nasa works ko lang! and... nandun na lahat ng info about sa story. :))))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top