Kabanata 17

Kabanata 17

Masaya Ka Ba

"Are you serious, Jarrik?!" Nanlaki ang mata ko at nakangiting tanong ko, hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya.

"Oo nga..." ngisi niya.

Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinila ko siya at mahigpit na niyakap. Natigil kami sa paglalakad at tanging ang malakas na alon lamang na nagmumula sa dagat ang naririnig. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa alapaap.

"Thank you, Jarrik! Maraming salamat."

Hindi siya sumagot kaya bumitaw ako sa yakap. Seryoso ang mukha niya ngunit nang magkaharap na kami ay agad siyang ngumiti habang nagtataas-baba ang kilay niya.

"Wala iyon," sagot niya. "Basta, para sa iyo..."

Nag-init ang pisngi ko at parang may humawak sa puso ko. Sobrang saya ko talaga ngayon. Ilang linggo na akong nangungulila kay Vien, at heto na, magkikita na kami ulit!

"Kailan pala?" Tanong ko atsaka kami nagpatuloy sa paglalakad.

"Maybe, saturday? Mag-iipon muna ako ng pamasahe natin..." he chuckled. Ginulo niya ang buhok ko nang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi ko.

Habang naglalakad kami ay napansin ko ang paninitig niya sa akin. Para siyang nanunuod ng isang pelikula at ayaw umiwas ng tingin dahil baka may makaligtas sa mata niya na importanteng scene.

"Oy, bakit?" Kunot noong tanong ko habang natatawa.

Natawa rin siya atsaka umiling. Tumingin siya sa daanan namin habang naglalakad. Nakalagay sa likod ko ang kamay ko habang pinapanuod kung paano mag-iwan ng bakas ang mga paa ko sa buhangin.

Akala ko ay kapag hinihintay ang araw, tsaka bumabagal. Pero mukhang hindi yata umubra sa akin iyon dahil mas bumilis pa ang araw. Saturday na ngayon at nasabi na sa akin ni Jarrik kahapon na nakapag-ipon siya ng pamasahe namin.

"Nay, aalis ho ako!"

"Mag-iingat ka roon, ha?"

Ang sabi ng school ay pwede naman daw bumisita at matulog doon kaya nagdala kami ni Jarrik ng mga pamalit. Pagkalabas ko ng bahay ay naroon siya, agad akong sinalubong at binuhat ang maleta ko.

"Oh, eto ang buhatin mo," binigay niya sa akin ang bag pack niyang wala naman yatang laman sa sobrang gaan.

"Wala ka bang dinala?" Takang tanong ko habang sinusuot iyon sa braso ko.

"Isang t-shirt, short, pants at underwear lang ang dala ko." Humalakhak siya. "Ikaw, mukhang nadala mo na yata lahat ng gamit sa drawer mo!"

Ngumuso ako. Mas maganda nang sobra ang dala mo kaysa kulang. Tatlong t-shirt, dalawang short, isang pajama, isang pants, apat na underwears at kung ano ano pa ang dinala ko.

Sumakay kami ng tricycle para ihatid kami sa station. Tatlong minuto yata ang layo noon mula roon ngunit ang ngisi ko ay hindi ko na mapigilan. Halos mapunit na ang labi ko. Sinandal naman ni Jarrik ang ulo niya sa back rest atsaka pumikit.

"Jarrik, ano sa tingin mo ang magiging reaction ni Vien? Ano kaya ang ginagawa nila roon?" Sunod sunod kong tanong. Kahit naman kasi nakapikit si Jarrik ay halatang hindi siya tulog.

"Magugulat iyon, panigurado..." tamad na sagot niya.

Iniisip ko palang na magugulat si Vien at sasaya sa oras na makita niya ako mamaya ay pakiramdam ko buo na araw ko. Nang makarating kami sa Bus Station, wala pa masyadong tao kaya nakaupo kami ni Jarrik. Nasa bandang bintana ako. Nilihis ko ang kurtina para mas makita ko ang mga tao.

"Matulog ka muna. Mukhang puyat ka, e..." biglang nagsalita si Jarrik na nasa tabi ko.

Binalingan ko siya ng tingin. Kung ano ang posisyon niya kanina sa tricycle ay ganoon din ang posisyon niya ngayon. Kumunot ang noo ko.

"Puyat ka ba?" Takang tanong ko.

Dinilat niya ang kanyang mata at nakita kong medyo namumula iyon. Humikab siya at hindi ko alam pero sa mga oras na ito, nakatitig lang ako sa kanya. Nagulat ako nang bigla niyang isandal ang ulo sa balikat ko at humalukipkip.

"Nag duty ako sa 1004 kagabi..." mahinang sabi niya pero sapat lang sa pandinig ko.

Agad naman akong na-guilty dahil ginawa talaga niya ang lahat para magkaroon kami ng pamasahe papunta rito. Paano pala ang iniipon niya para sa panluwas niya ng Maynila? Baka pati iyon ay nagastos na rin niya?

Gusto ko sana siyang tanungin ngunit mukhang antok na antok talaga siya kaya hinayaan ko muna siya. Naramdaman ko ang mabibigat niyang hininga kaya alam kong tulog na siya. Bigla na rin akong tinamaan ng antok kaya pinikit ko ang mata ko.

Nagising ako nang may maramdaman akong marahang tumatakip sa pisngi ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko at kumunot ang noo ko. Agad kong nasilayan ang malawak na ngisi ni Jarrik habang tinatapik ang pisngi ko.

"Hmm?" Agad akong napaayos ng upo nang ma-realize ko ang pwesto namin.

Jarrik chuckled. Napatingin naman ako kung narito na ba kami. Nakita ko ang kulay kahel na kalangitan na kunting oras nalang, magiging kulay itim na. Hapon na pala. Nagsisi-babaan na ang mga pasahero at tanging kami nalang ang naroon.

"Let's go?" Tumayo si Jarrik. "Sarap ng tulog mo, e..." humalakhak siya.

So, ibig sabihin, hinintay niya akong magising bago bumaba? Sana kanina pa niya ako ginising. Tumayo na rin ako habang bitbit ang bag pack niya. Nasa likod niya ako at kitang kita ko ang malapat niyang likod. Ang grey t-shirt niya ay niyayakap ang katawan niya. Buhay na buhat ang biceps niya kaya bigla akong napatingin sa payat kong braso.

"Jarrik, kanino mo nalaman ang daan na ito?" Tanong ko. Kanina pa kami naglalakad. Mukhang alam na alam niya ang pasikot sikot, samantalang ako ay hindi ko na alam kung saan kami nanggaling.

"Tinanong ko kay Coups,"

Kahapon pa ako natutuwa sa kanya. Ang pagsama niya sa akin dito ay isang malaking pasasalamat na, dagdag pa ang pagsagot niya sa pamasahe ko at sa effort na magtanong, para hindi kami maligaw.

Sumakay kami ulit ng isa pang tricycle bago makarating sa isang malawak na lupain. Kahit na madilim ay naaaninag ko ang hindi ganoon kataas na gate at mukhang malayo rin ang lalakarin namin dahil wala pa akong nakikitang mga bahay-bahay. Iilan lang din ang street light.

Tama nga ako. Ilang minuto pa kaming naglakad bago nakarating sa isang parang opisina. Pumasok kami roon at naabutan ang parang mga magsasaka na kumakain. Gulat silang napatingin sa amin.

"Galing ho ako sa Sta. Cruz College, may gusto lang ho sana kaming bisitahin..." sabi ko kaya tumayo ang isa.

"Sino ang hanap niyo?"

"Vien Fortalejas..."

Nag-usap usap sila. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila ngunit parang inaalal nila kung sino ang huling kasama ni Vien. Hanggang sa tumango sa amin ang isang magsasaka at nauna nang maglakad. Sinundan namin siya. Sa likod ng parang office na iyon ay ang mga quartes, kung saan ang mga dorm ng mga intern.

"Kasama niya si Ej kanina, e... naroon sila sa unit-2k," sabi niya atsaka umalis.

Nagpasalamat naman kami ni Jarrik tsaka tinungo ang unit-2k. Sinong Ej ang kasama niya? Lalaki ba iyon o babae? Pero iisipin ko nalang na lalaki.

Pag-akyat naman sa unit na iyon at rinig mula baba ang tawanan at kwentuhan mula sa taas. Kumabog ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Nang nasa pintuan na kami ay agad kong pinihit ang door knob tsaka binuksan. Nakasunod naman sa likod ko si Jarrik.

"Unahin mo kasi iyong blue, hindi tinatandaan, eh..."

Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Vien. Siya iyon! Sa tagal ko nang naririnig ang boses niya ay alam na alam ko na ang tunog niyon. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako dahil sa saya o ano, e.

"Oy... may tao," gulat na napatingin sa amin ang isang lalaki.

Hinanap ng mata ko si Vien at nakita ko siya sa sulok. Napangiti ako at tatakbo sana ngunit nalipat ang mata ko sa babaeng katabi niya. Tinuturuan niya ito gumawa ng bracelet at masyado silang malapit. Napawi ang ngisi ni Vien nang makita ako.

Hindi dapat ako magselos pero hindi ko mapigilan. Hindi ko alam na kasama niya pala si Jael sa field study na ito!

"I-ianne!" Gulat na tanong niya at pilit na ngumiti. Bakas pa rin kasi sa mukha niya ang sobrang pagkagulat na kahit ngumiti siya ay hindi iyon nangingibabaw.

Pinilit kong ngumiti kahit na hindi ko magawa. "Hi..."

Napatayo siya at napatayo rin si Jael. Natigil sila sa paggawa ng bracelet nang lapitan ako ni Vien para yakapin. Yumakap ako pabalik pero wala akong maramdaman.

Hindi ko maramdaman ang pangungulila niya sa akin. Hindi ko maramdaman na masaya siya na makita ako.

Masaya ka bang makita ako, Vien? O mas masaya ka na wala ako para magawa mo ang mga gusto mo?

__________

:/

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top