Kabanata 16
Kabanata 16
Saan
Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi ni Coups. Alam kong nagbibiro lang siya pero bigla kong naisip si Vien. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na halos makalimutan ko na na namimiss ko pala si Vien.
Pagkatapos kumain ay hindi pa kami umuwi kaya inabot ko ang isang beer at parang gusto ko yatang tikman. Pasimple ko iyong nilagok at napangiwi ako nang lumandas sa aking lalamunan hanggang sa tiyan ko ang init ng beer.
Mapakla rin ang lasa niya at parang gusto ko na agad isuka iyon. Napalingon naman sa akin si Jarrik at napawi ang ngisi niya tsaka napakunot ang noo. Naglakad siya palapit sa akin habang inulit ko namang lumagok. Tulad ng reaksyon ko kanina, napangiwi ulit ako ngunit hindi ko alam kung bakit gumagaan ang pakiramdam ko sa bawat lunok ko nito.
"What the fuck?" Malutong niyang mura. Ang akala ko ay magagalit siya ngunit nagulat ako nang humalakhak siya.
"Sarap pala nito, e..." sabi ko tsaka lumagok ulit.
Natatawa naman si Jarrik sa tabi ko at pinapanuod akong umiinom. Naramdaman ko agad na nag-init ang pisngi ko at parang nag-iikot na ang paningin ko. Tumawa ako.
"Ano, kaya pa?" Tanong ni Jarrik na mukhang napansin na rin ako.
Hindi ko alam kung bakit natatawa ako. Siniko ko siya kaya bigla siyang natumba sa kabilang side. Natawa nanaman ako kasi ang panget ni Jarrik!
"Iba ka pala malasing, e..." aniya tsaka pinagpag ang braso niyang nadikitan na ng buhangin.
"Ito ang unang beses kong makatikim nito!" Naningkit ang mata ko habang pilit na binabasa ang nakasulat doon. Hindi ko mabasa dahil nanlalabo ang paningin ko.
"First time mong uminom?" Gulat niyang tanong.
"Ano ba ang akala mo sa akin? Manginginom!?" Naningkit ang mata ko sa kanya.
Mukha ba akong mabisyong babae sa paningin niya? Sinampal ko ang mukha niya dahil hindi siya matigil sa pagtawa. And there... napawi ang tawa niya at nakahawak nalang siya sa pisngi niyang nasampal ko habang gulat na nakatingin sa akin.
"Ikaw ang unang nakasampal sa akin..." tumaas ang isang sulok ng labi niya.
Marami pa siyang sinabi kaso hindi na pumapasok sa isip ko. Tumayo ako at nagsayaw sayaw doon dahil gusto ko lang. Napatingin naman sa amin sila Baste habang natatawang pinipigilan ako ni Jarrik.
"I just wanna dance!" Sigaw ko.
"Mukha kang tanga!" Humagalpak pa ng tawa si Jarrik habang nakahawak sa braso ko para pigilan.
Winaksi ko ang kamay niya at pilit pa rin sa pagsayaw. Pakiramdam ko, ang galing kong sumayaw dahil sumisigaw na sila Baste ngayon. Maging si Spring ay tumatawa at pumapalakpak ngayon na parang tuwang tuwa talaga siya. Sabi na, dancer ako, e!
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko at agad din akong napapikit dahil sa sakit ng ulo ko. Bullshit. Ano bang nangyari at bakit ganito kasakit ang ulo ko?
Pinilit kong bumangon at napatingin ako sa tabi ko. Naroon at tulog na tulog si Spring habang nakanganga pa at mahinang humihilik. Napalibot ako sa buong kwarto at nanlaki ang mata ko nang makitang nasa kwarto kami ni Vien.
"The heck!?" Sigaw ko pero agad akong napahawak sa noo ko dahil sumasakit talaga ang ulo ko.
Gumalaw naman si Spring sa tabi ko at mukhang nagising siya sa sigaw ko. Napaupo siya habang ang isang mata ay nakapikit pa. Gulo gulo ang buhok niya at parang puyat na puyat dahil hindi manlang niya mamulat ang dalawang mata.
"Okay ka na?" Tanong niya habang humihikab.
Bakit niya ako tinatanong? Okay naman talaga ako, a? Ano bang akala niya- shit! Nalasing yata ako kagabi!
"Spring, sabihin mong wala akong kahihiyang ginawa kagabi!" Niyugyog ko ang magkabilang braso niya at dahil doon, mukhang nagising ng tuluyan ang diwa niya.
"Oo. Wala talaga," wala sa sarili niyang sagot tsaka umirap. "Nasukahan mo si Jarrik kagabi, hindi talaga nakakahiya iyon!"
Ano raw? Sumuka ako kagabi? Habang kinukwento sa akin si Spring ang lahat ay bigla namang bumabalik ang mga alaalang nakalimutan ko ng panandalian. Nakahawak lang ako sa noo ko dahil sa kahihiyan. Nag-iinit na rin ang pisngi ko.
Sinampal ko raw ng ilang beses si Jarrik at inakalang siya si Vien. Inalalayan niya ako hanggag CR at halos isubsob ko na raw ang mukha ko sa bowl, pero dahil nandoon si Jarrik ay naalalayan ako ng mabuti.
"Paano ako haharap sa kanila?" Sinabunutan ko ang buhok ko dahil sa katangahan.
Sumayaw pa ako kagabi. Sobrang hate ko sumayaw dahil parehong kaliwa ang paa ko! Lagi nga akong kinakantyawan ni Vien tuwing nagsasayaw ako kaya bakit naman iyon pa ang ginawa ko!
Nang alas diez na ay halos hilahin na ako ni Spring para lumabas ng kwarto. Nakwento kasi niya na rito rin natulog sila Baste kaya sobrang hiyang hiya ako.
"Ayaw ko, Spring!" Halos umiyak na ako.
"I'm so hungry, Ianne! Alam naman nilang lasing ka kagabi kaya huwag ka ng mahiya!"
Wala akong nagawa kung hindi ang lumabas. Mangiyak ngiyak ako nang pababa na kami ng hagdan. Naririnig ko ang tawanan nila sa kusin at ang pagkukwentuhan. Ang aga naman nilang gumising!
"Magkano ba pamasahe papunta sa Bagong Sikat?" Rinig kong tanong ni Jarrik.
"200 per head! Bakit, balak mong pumunta?"
May balak bang pumunta si Jarrik sa Bagong Sikat? At bakit naman sana? Abno rin ang isang ito, e.
Naabutan namin sila sa kusina. Nakaupo si Jarrik sa high chair habang may kape sa harapan niya. Si Baste naman ay tulalang nakaupo habang nakabalot ng comforter ang katawan at si Jinx naman ay nagpi-prito ng itlog.
Napalingon agad si Jarrik, ang inosente niyang mata ang agad kong nasalubong. Tumaas ang isang sulok ng labi niya kaya sinamaan ko na agad siya ng tingin. Napalingon na rin si Baste at Jinx sa amin. Nakita kong nagpipigil ng tawa si Baste kaya binatukan ko na ang ulo niya.
"Galing mo kagabi, a?" Ngisi ni Jinx.
Umupo ako sa tabi ni Baste na nagpipigil ng tawa ngayon. Imbes na mahiya ako ay nainis pa ako sa kantyaw nila!
"Vien pala, ha?" Asar ni Baste sa akin.
Napatingin ako kay Jarrik sa pagaakala na aasarin din ako ngunit tahimik lang siyang ngumingisi sa gilid. Anong problema ng isang iyan? Ang weirdo niya talaga.
"Namamaga pisngi ni Jarrik sa sampal mo!" Tumatawang sabi ni Spring.
"Sobrang nasaktan siya sa ginawa mo kagabi," gatong pa ni Jinx at halata namang inaasar pa rin ako.
Nilingon ko si Jarrik para sana tangungin siya kung okay lang ba ang pisngi niya. Bigla siyang humalakhak habang sumisimsim sa kape niya. Umiling siya.
"Nah. Non sense. I'm good," taas kilay niyang sabi.
Napuno ako ng kantyaw sa kanila habang kumakain kami. Pinalitan din pala ako ni Spring ng damit kagabi. Mabuti nalang talaga at kasama siya, kung hindi nako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Hinatid naman ako ni Jarrik pauwi sa bahay para humingi ng tawad na hindi ako naihatid kagabi at kailangan ko pa tuloy makitulog sa bahay nila Vien. Ayaw ko pa nga, e. Sabi lang niya na magagalit siya kung hindi ako pumayag.
"Hindi naman kasi talaga magagalit sila Nanay, e! Pinapayagan naman ako sa mga ganito," sabi ko habang naglalakad kami sa tabi ng baybay.
"Tss, mas maganda pa rin iyong alam nilang nasa akin ka kagabi."
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Iba ang ibig niyang sabihin pero iyon ang nasabi niya. Halata namang nagulat din siya pero hindi nalang niya pinansin.
"Miss mo na ba si Vien?" Biglang tanong niya para maiba ang topic.
"Sobra," saka ako ngumiti ng pilit.
Sobra sobra. Pero kahit na ganoon, hindi ko alm kung bakit minsan ay makakalimutan ko siya. Nakakalimutan ko ang pagka-miss ko sa kanya.
"Gusto mo bang bisitahin siya?"
Tumango nalang ako sa tanong niya. Magtatatlong linggo na pala siyang wala rito sa Sta. Cruz. Ilang linggo nalang at uuwi na rin siya pero ang tagal pa ring hintayin ang oras at araw.
"Sasama ka ba sa akin?" Tanong niya.
Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Nilingon ko siya at nahahangin ang buhok niya habang ang tingin ay nasa akin. Seryoso at hindi nagbibiro.
"Saan?"
"Kay Vien..."
___________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top