Kabanata 15

Kabanata 15

Hipon

Sabay kaming umuwi ni Jarrik nang araw na iyon. Naabutan ko siyang hinihintay ako sa labas ng gate habang nakasandal sa pader at naninigarilyo. Pinagtitinginan siya ng mga babae pero parang wala lang sa kanya. Nakilala na rin ang beanleaf dahil sa kanya at ang iba ay roon na namamalagi para lang makita siya.

Tumakbo ako at kinalabit siya sa kanyang likod. Pinitik niya muna ang sigarilyo bago niya ako nilingon. Ngisi niya ang unang bumungad sa akin at ang itim at bilog na hikaw sa kanyang tainga ang nakaagaw ng pansin ko.

"Tara?" Tanong niya tsaka siya tumango.

Sabay kaming naglakad. Madalas ay naglalakad lang talaga kami pauwi at kapag naisipan na kumain ay kakain kami kina Ate Lina. Pero ngayon ay mukhang wala siyang balak kumain dahil hindi siya nagsabi.

"Nakita ko si Baste kanina, nag-aya siya na maligo sa dagat bukas. Siya na raw ang bahala sa pagkain..."

Sabado bukas at walang pasok. Balak ko sanang magkulong sa kwarto at magbasa ng libro kaso parang may tumutulak sa akin na sumama sa sinasabi ni Baste.

Tumango ako. Kahit ngayon lang, iiwan ko muna ang mga libro ko. Atsaka, alam ko namang sasama rin si Spring kaya pipilitin din ako noon bukas. Tahimik lang kaming naglalakad. Para wala akong mabuksang topic na pwede naming pag-usapan. Madalas kasi ay si Vien lang ang pinaguusapan namin, eh mas namimiss ko siya kapag ganoon kaya huwag na muna ngayon.

"Ano pala ang kurso mo, Jarrik?" Tanong ko nang maalala ko na wala siyang sinabi kung ano ang kinukuha niya.

"Computer Science," ngumiti siya.

Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kanya dahil nahuli na siya sa pag-aaral dahil sa trahedyang nangyari sa kanya rito. But then, I always remembered lahat ng sinabi niya na mas gusto niyang tumira rito.

"Bye! I'll pick you up tomorrow," aniya nang nasa harap na kami ng aming bahay.

Ngumiti lang ako at tumango. Sinundan ko muna siya ng tingin bago pumasok na rin sa loob. Naabutan ko si Nanay na nagtatahi sa sala kaya lumapit ako sa kanya upang halikan ang pisngi niya.

"Kumain ka na riyan, maagang dumating ang Tatay mo kaya nauna na kaming kumain. Aalis din ang Ate Penny mo, luluwas ng Maynila."

Agad naman akong napatingin kay Ate Penny na nililinisan ngayon ni Heavy ng kuko. Masaya ako para sa kanya. Matagal na niyang pinagiipunan ang pagluwas niya ng Maynila. Ang sabi niya sa amin ay mas malaki raw ang sweldo sa Maynila kumpara rito sa amin na provincial rate ang sweldo kaya mas makakaipon siya.

Alam naman naming may iba pa siyang dahilan kung bakit gusto niyang lumuwas ngunit ayaw ng banggitin ni Nanay at maghintay nalang daw kami ng mga gagawin ni Ate Penny.

Maaga akong nagising kinabukasan. Tulad ng ginagawa ko, kumuha ako ng isang pandesal sa lamesa atsaka kinagat. Paglabas ko ng bahay ay agad akong napaatras sa gulat.

Naroon si Jarrik na sumisilip sa bahay namin mula sa labas. Susunduin nga pala niya ako ngayon! Bakit ko ba iyon nakalimutan? Kinagat ko pa nang madiin ang pandesal na nakasalpak sa bibig ko nang ngumiti sa akin si Jarrik.

"Hi!" Kumuway pa siya habang nakangisi.

Dahan dahan akong lumabas. Humalakhak naman siya atsaka nginuso ang bibig ko na may pandesal. Tinanggal ko iyon atsaka nginuya.

Malakas ang hangin ngayon sa gilid ng baybay. Amoy na amoy ko ang amoy ng dagat na sobrang napaka-familiar na sa ilong ko. Lumulubog ang paa ko tuwing naglalakad kami sa may buhangin. Humahampas naman ang alon at umaabot sa aming paa.

"Alam mo bang kapag hindi ka nagsasalita ay napapanis ang laway mo," biglang sabi ni Jarrik.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya ngunit diretso lamang ang tingin niya sa daanan. Nakaputing t-shirt siya na hindi ganoon kakapal kaya medyo naaaninag ang kanyang katawan. Nakatupi naman hanggang tuhod ang suot niyang black jeans.

"Mukha ka ng mangingisda," natatawang sabi ko habang pinagmamasdan ang itsura niya.

"Gwapo ko namang mangingisda, kung ganoon," nilingon niya ako at umangat ang isang sulok ng labi niya.

Hindi ko alam pero sa mga oras na ito ay hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Halos mapudpod na nga ang labi ko sa kakakagat para lang pigilan ang mga ngiting iyon ngunit wala pa rin.

Naabutan namin sina Baste sa seashore. Nakaupo sila sa silong ng isang puno habang maraming seafoods ang nakahain. Ang iba ay nag iihaw at ang iba ay umiinom.

"Oh Jarrik, p're," inabutan agad ni Baste si Jarrik nang beer. "Ianne," at isang barbecue naman ang inabot niya sa akin tsaka humalakhak.

Umupo kami sa buhangin. Mataas pa ang araw kaya hindi pa kami pwedeng lumangoy. Lumapit naman sa akin si Spring at nakipagkwentuhan na si Jarrik sa kanila. Kung iisipin ay talagang naka-adopt na si Jarrik sa pamumuhay namin dito sa Sta. Cruz.

"Akala ko magkukulong ka nanaman sa kwarto mo!" Bungad niya sa akin.

Umiling ako at tumawa. Kung narito lang sana si Vien ay mas magiging masaya ito. Nakakamiss din pala siya, hindi ko aakalain na magkakahiwalay kami ng ganito katagal.

Nang pwede ng maligo ay naghabulan kami ni Jarrik papunta sa dagat. Hindi siya marunong lumangoy kaya tinatawanan ko siya bago napagpasyahan na turuan siya. Ilang minuto lang ay magaling na siya.

"Marunong ka naman yata, e!" Kunot noong sabi ko tsaka ngumuso habang pinapanuod siyang pinapalutang ang sarili sa tubig.

"Quick leaner lang talaga ako!"

Inabot kami ng hapon na ang ginawa lang ay naligo at kumain. Bumalik kami sa seashore at sila Baste naman ngayon ang lumusong sa dagat. Binagsak ni Jarrik ang katawan niya sa tabi ko at nagulat pa ako dahil sobrang lapit niya sa akin. Inabot niya ang beer tsaka linagok.

Namumula na ang tainga at pisngi niya. Inaantok na rin ang mata at mukhang medyo lasing na siya. Uminom ulit siya at nang ibaba niya ang beer ay namula at namasa ang labi niya kaya lumunok ako ay nag-iwas ng tingin.

Bullshit.

"That's enough. Lasing ka na," pigil ko sa kanya nang kumuha ulit siya ng isang beer.

Ngumisi lang siya at hindi pinansin ang sinabi ko. Pinanuod niya sila Baste na naglalaro ngayon sa dagat. Sinindihan pa niya ang sigarilyo kaya lalo ko siyang pinigilan.

"Tama na, Jarrik, okay na iyang nainom mo kanina."

Hindi niya ulit ako pinansin. Ngumisi siya na parang manghang mangha sa pinagsasabi ko. Akala siguroniya ay nakikipagbiruan ako kaya inagaw ko ang beer bago pa niya mainom ulit.

"Damn it!" Malutong na mura niya habang nakatitig sa akin. Hindi siya galit. Para pa nga siyang tuwang tuwa, e.

Inis na nilapag ko ang beer sa gilid at kinuha ang sigarilyo sa kamay niya tsaka pinitik. Umirap ako sa kanya na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.

"Damn it..." mura ulit niya. "Bakit gustong gusto ko pang suwayin mo ako."

Rinig na rinig ko ang mga sinabi niya pero hindi ko na siya muling tinignan pa. Nakatingin lang ako kila Baste kahit na ramdam ko ang malalim niyang titig sa akin.

"Damn..." tumingala siya tsaka pumikit. Doon ko siya nilingon at saktong kitang kita kong nagtaas-baba ang adams apple niya kaya napalunok din ako.

"Damn, Ianne. Ano bang ginagawa mo sa akin..." mahina niyang sabi pero sapat lang para umabot sa pandinig ko.

Nang umahon sila Baste ay kumain na ulit kami. Napansin ko namang natigilan si Jarrik nang makitang hipon ang ulam. Lumapit siya sa akin at tumaas ang balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa bandang leeg ko.

"Hindi ako marunong kumain ng hipon," bulong niya.

Alam ko ang ibig niyang sabihin kaya umiling nalang ako sa kanya. Kumuha ako ng isa atsaka binalatan bago ilagay sa plato niya. Narinig ko naman ang pasalamat niya ngunit hindi ko na iyon pinansin.

Halos hindi na ako makakain dahil lahat ng binabalatan ko ay pinupunta ko sa plato niya. Napansin niya naman iyon.

"Ilagay mo na sa plato mo iyan..."

"Sige lang, busog pa naman ako, e. Atsaka para tumaba ka naman." Biro ko. Pero sa totoo lang, tama lang ang hubog ng katawan niya.

"I'm good. Sa iyo na iyan,"

Napansin kong napatingin sa amin sina Baste kaya nilingon ko sila. Ang mga babaeng kaibigan nila ay napakunot ang noo habang pinapanuod kami. Mukhang wala lang iyon kay Jarrik na patuloy pa rin akong binibiro.

"Jarrik, p're, iba na yata iyan, a? Itawag konna ba kay Vien, ito?" Biro ni Coups.

Napatigil naman ako atsaka yumuko. Ano ba kasi itong ginagawa namin? Ano ba itong pinagiisip ko? Nakakabaliw.

____________

:(

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top