Kabanata 14
Kabanata 14
Wala Sa Sarili
"Is he your first love?" Tanong ni Jarrik habang ang tingin ay hindi inaalis sa akin.
Madaling araw na at narito pa rin kami sa labas ng bahay nila Vien. Umiinom nanaman siya ng beer na nakuha niya sa refrigerator. Malakas ang hangin at sumasabog ang buhok ko kaya tinali ko iyon pataas.
Tumango ako. "First and I hope siya na rin..."
Alam kong hindi dapat magsalita ng tapos lalo na't bata pa kami pero mararamdaman mo kasi talaga iyon, e. Kung siya, siya talaga. Kahit na anong gawin ng problema, hindi kayo matitibag.
Napatango-tango siya. Kahit na hindi na ako nakatingin sa kanya ay nararamdaman ko pa rin ang talim ng titig niya. Parang naka-glue iyon sa akin kaya hindi niya kayang umiwas ng tingin. Biglang nag-init ang pisngi ko sa hindi malamang dahilan. Ang arte ko naman.
"How long have you been together?" Sunod na tanong niya.
"Isang taon. Magdadalawa na sa susunod na buwan..."
Lumagok siya sa iniinom niya. Hindi ba siya inaantok? Hindi rin ako inaantok pero kasi kanina pa siya umiinom, dapat nakakaramdam na siya ng antok pero gising na gising pa rin siya.
Naamoy ko nanaman ang amoy niya. Tanungin ko kaya kung anong pabango neto? Para kasing ngayon lang ako nakaamoy ng ganoon. Exclusive lang ba iyon para sa kanya?
"What makes you love him?" Halos mapairap na ako sa sunod na tanong niya.
Akala ko ay tapos na iyon, hindi pa pala. Bakit ba siya interesado?
"He's stupid, careless, a lot of times childish, seloso-"
"Seryoso ka ba riyan?" Hindi na pinatapos ni Jarrik ang sinasabi ko atsaka siya humalakhak habang umiiling.
"Iyon ang minahal ko sa kanya. Ang imperfection niya," ngumiti ako sa kanya habang sinasabi iyon.
Totoo naman, e. Hindi mo masasabing mahal mo ang isang tao kung puro magagandang bagay lang sa kanya ang nagustuhan mo. Mas masarap magmahal kung eembrace mo iyong mga panget sa kanya.
Napawi ang ngisi ni Jarrik at napalitan ng seryosong mukha. Para siyang manghang mangha sa sinabi ko na parang may sinabi akong kakaiba. Kumunot ang noo ko at inisip ko pa kung ano ang nasabi ko. Wala naman, a?
"Swerte naman ni Vien," mahinang sabi niya tsaka tumawa.
Ngumiti lang ako. Bigla niyang kinuha ang gitara ni Makki sa gilid na nakalimutan niya noong isang araw. Tumugtog si Jarrik ng mga kantang hindi ko alam kaya tumawa ako.
"Anong kanta iyon?" Tumatawang tanong ko.
"Hindi ko rin alam."
Weirdo talaga ang isang ito. Minsan akala mo matino, iyon pala hindi. Parang mas may sapak pa siya sa ulo kaysa kay Vien. Umiling nalang ako habang tumatawa.
Nang tumugtog siya ng isang seryosong kanta ay bigla akong napatingin sa kanya. Nakatingin na rin pala siya sa akin habang ngumingisi na parang sinasabing, "alam mo itong kantang ito"
Sino ba namang hindi makakaalam ng mga kanta ng Parokya ni Edgar? Bata palang ako ay iyon na ang tugtugin ng mga tao rito sa amin. Nakakagulat lang dahil mukhang mahilig din siya sa Parokya ni Edgar. Akala ko kasi ay iyong mga bagong singer ngayon ang hilig niya o kaya ang mga singer na taga ibang bansa.
"Lumayo ka na sa akin
'Wag mo 'kong kausapin
Parang awa mo na
'Wag kang magpapaakit sa akin"
Humagalpak ako sa tawa. Ito ang mga kantahan ng mga playboy na sa tingin ko ay katulad niya. Halata naman sa lyrics kung para saan ang kanta. Sinabayan ko siya dahil alam ko ang buong lyrics.
Maganda talaga ang boses niya. Ang sarap pakinggan dahil medyo paos iyon at hindi pilit ang pagkanta.
"Ayoko lang masaktan ka
Malakas ako mambola
Hindi ako santo"
Nahangin ang buhok niya kaya humarang iyon sa mata niya. Inayos niya iyon gamit ang paggalaw ng kanyang ulo. Sumayaw naman ang silver necklace niya sa leeg at hindi ko alam pero sa mga oras na ito. Hanbang pinagmamasdan ko ang mga mata niya. Hindi ko mapigilang hindi mamangha.
Ang ganda ng mga iyon, parang kumikislap at ngumingiti. Medyo mahaba ang pilik-mata niya. Parang tinitignan niya ako nang buong paghanga, hindi ko alam kung saan galing iyon pero iyon ang nakita ko roon.
"Pero para sa'yo
Ako'y magbabago
Kahit mahirap
Kakayanin ko..."
I cleared my throat dahil kakaiba ang pakiramdam ko. Umiwas ako ng tingin. Tinignan ko nalang ang kabuo-an ng dagat na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapagod magpabalik-balik. Nanlamig ang leeg ko pababa.
"Kaya kong magbago..."
Napatingin ako sa kanya dahil hindi na iyon kanta. Parang sinabi niya lang. Pagkatingin ko sa kanya ay seryoso lang ang tingin niya sa akin habang hinahayaan ang kamay niyang tumugtog sa gitara dahil wala na siyang balak kumanta pa.
Nang mapansin niya ang pagkunot ng noo ko ay umiwas siya ng tingin. Nakita kong namula ang tainga niya hanggang sa leeg niya at doon ko lang napansin ang tattoo sa kanyang dibdib. Hindi ko masyadong makita dahil natatakpan ng black sleeveless shirt na suot niya.
"Jarrik, hindi mo ba naiisip ang pamilya mo sa Maynila?"
Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang connection sa mga iyon. Baka iniisip na nila na patay na si Jarrik o ano. Bilang magulang, normal lang na mag-alala talaga sila sa kalagayan niya ngayon.
"Syempre naiisip. Pero alam mo iyon? Iyong pakiramdam na malaya ako rito? Napaka-simple ng buhay. Walang problema,"
I get his point. Kung diniretso lang niya ay sinabi na niyang mas gusto niya mamuhay rito sa Sta. Cruz kaysa sa Maynila. Kahit naman si Spring ay iyon ang lagi niyang sinasabi sa akin. Okay lang daw kahit na walang gadget, mas naeenjoy niya raw ang buhay.
Hindi ko alam kung anong oras na kami natulog. Nagising nalang ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Natulog ako sa kwarto ni Vien at hindi ko alam kung saan natulog si Jarrik dahil gamit ni Spring ang kwarto niya. Hindi naman pwede sa kwarto ng mga magulang ni Vien.
Bumangon ako at naligo. Mabuti nalang at pinapaiwan ni Vien ang ibang damit ko rito kaya may masusuot ako ngayon. Tanghali pa ang schedule namin ni Spring kaya pilit na pilit talaga siya kagabi.
Bumaba ako ng hagdan at naabutan silang nakaupong dalawa sa couch. Jarrik looked so sleepy beside Spring. Mukhang wala sa sarili habang pinagmamasdan ang isang palabas na cartoon.
Nag-angat ng tingin sa akin si Jarrik. Matalim siyang nakatingin, habang si Spring naman ay napansin na rin ako. Tumayo siya.
"Wala pang breakfast, Ianne. Hindi kami marunong magluto," nakasimangot niyang sabi.
So, hinintay talaga nila akong magising para pagsilbihan sila? Ibang klase. Wala naman akong nagawa dahil kung hindi ako magluluto ay wala rin akong kakainin.
Sabay sabay kaming kumain ng breakfast. Maagang umalis si Jarrik dahil may pasok daw siya ngayon sa beanleaf. Naiwan kaming dalawa ni Spring sa bahay.
"May kakaiba kay Jarrik ngayon, a?" Aniya habang pinapanuod ang kalalabas lang na si Jarrik.
"Huh?" Gulat na tanong ko dahil wala naman akong napansin. Siguro kanina iyon bago ako bumaba.
"Ewan. Basta!" Napahawak naman siya sa ulo niya, "My head hurts big time..."
Paanong hindi sasakit? Ilang beer ang nainom niya kagabi at lasing na lasing siya. Gusto ko sana siyang sermunan ngunit tinamad ako kaya huwag nalang. Bahala na siya sa buhay niya. Malaki na siya.
Pagkapasok namin sa classroom ay agad naming nakasalubong si Baste. Hindi siya kasama sa mga nagfield study sa Bagong Sikat dahil sa lupain nila siya mag-iintern.
"May nakakita raw sa inyo kagabi sa 1004, a?" Bungad niya sa amin.
Napatigil naman kami sa hallway para kausapin siya. Si Spring lang ang sumagot sa mga tanong niya, tutal siya naman ang may pakana ng mga nangyari kagabi.
"Kina Vien kayo natulog?"
Tumango si Spring. "Sobrang wasted ako kagabi kaya mabuti nalanga at hindi nila ako inuwi sa bahay. Kung hindi? Bye, Sta. Cruz ako!"
Buong araw ay puro tungkol sa dagat at pangingisda lang ang pinag-aralan namin. Mas nagugustuhan ko ang tubig kaysa sa lupa, kaya baka sa ibang lugar din ako mag field study pag dating ko ng third year.
Hindi mabubuo ang araw namin ni Spring kapag hindi pumupunta sa beanleaf bago umuwi. Naabutan namin doon si Jarrik at dahil alam na niya ang order namin ay hindi na siya nagtanong.
Napapatulala naman ako tuwing may nakikita akong mag girlfriend-boyfriend. Bigla ko kasing naalala si Vien at lalo ko siyang na-mi-miss. Napansin naman iyon ni Spring kaya siniko niya ako.
"Si Vien nanaman iniisip mo, ano?" Tanong niya.
"Bakit, hindi mo ba naiisip kahit isang beses lang si Wave?" Balik tanong ko sa kanya at inaasar siya.
"Miss na miss mo na talaga si Vien, ano?" Saktong tanong niya noon ang pagdating ni Jarrik habang naglalagay ng order sa table namin.
"Oo naman. After all, I'm his girlfriend, normal lang na ma-miss ko siya..."
Muntik nang mabitawan ni Jarrik ang frappe ni Spring kaya natapon iyon ng kaunti sa kamay ni Spring. Umiling naman si Jarrik at humingi ng sorry kay Spring.
"Kanina ko pa talaga napapansin na wala ka sa sarili," sabi ni Spring sabay punas ng tissue sa kamya niya.
_______________
by the way, Kang Seulgi as Spring pala ♡
Add me on facebook din pala, Czezelle Lu :)))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top