Kabanata 13
Kabanata 13
Moon
Unang araw na walang Vien ay sobrang tamlay ko. Hindi ko alam na masyado pala akong nasanay na nariyan siya sa tabi ko kaya ngayon, parang nawawala ang kalahating parte ng pagkatao ko.
Naalala ko ang sinabi niya sa akin nang ihatid niya ako sa bahay kagabi. Ang mga iyon ang panghahawakan ko hanggang sa bumalik siya.
"Ianne, look at the moon..." tumigil kami sa paglalakad at mahigpit na magkahawak ang kamay namin.
Malamig ang simoy ng hangin habang humahampas ang tubig dagat sa aming paa. Sabay kaming tumingala. Nahangin ang buhok ko nang matamaan iyon ng malakas na hangin.
Namangha ako nang makita ang bilog at maliwanag na buwan na siyang nagbibigay ng gabay sa amin sa paglalakad. Akala mo ay malapit lang, pero ang totoo, ang layo niya. Mahirap abutin.
"Iyan din ang buwan na makikita ko sa Bagong Sikat gabi-gabi. Sa iisang buwan lang tayo nakatingin," aniya sa isang seryosong tinig.
Nilingon ko siya. Kahit na kasama ko pa siya ay pakiramdam ko, miss na miss ko siya. Pakiramdam ko, ang layo na agad namin sa isa't-isa.
"It means..." ngumisi siya atsaka nagbaba ng tingin sa akin.
"It means?" Bigla akong nawala sa sarili dahil sa kanya.
Nagugulo rin ang buhok niya dahil sa hangin kaya natatamaan ng kaunti ang mata niya. Itim at bilog na ang suot niyang hikaw. Namamasa ang labi at hindi ko alam kung bakit. May namumuong kunting balbas ngunit hindi iyon naging dahilan para mawala ang dating niya. In fact, mas lalong dumagdag iyon sa dating niya.
"It means we aren't so far away to each other..." he whispered then kissed my hair.
Hindi naman talaga kami malayo, e. It's just that, alam niyang hindi ko siya kayang bisitahin doon dahil hindi ako papayagan nila Nanay. Wala rin akong perang pamasahe.
"Damn Wave, may araw din sa akin ang isang iyon pagbalik niya, makita niya..." rinig kong bulong ni Spring habang sumisimsim ng frappe.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong beanleaf, hindi ko pa kasi nakikita si Jarrik. Iba ang naghatid ng order namin kaya lalo akong nagtaka. Nasaan naman kaya ang isang iyon?
"Anyway, Ianne, since wala naman dito si Vien, ayaw mo bang pumunta ulit ng 1004?" Ngising tanong niya.
Napataas ang kilay ko sa kanya. Kanina lang ay hindi maipinta ang mukha niya, ngayon naman ay ngising ngisi siya. Umirap ako at umiling nalang sa alok niya. Hindi ako pupunta ng bar nang hindi kasama si Vien. Mananatili akong loyal sa mga pangako sa kanya kahit na wala siya.
"Sige na! Ngayon lang naman," pilit niya pero walang epekto sa akin.
"Magbasa ka nalang dahil may quiz tayo bukas..."
Hindi naman kulelat si Spring kahit na hindi siya mag-aral. Iyon nga lang, mas tataas ang mga makukuha niya kung mag-aaral pa siya. Ako naman kasi, no choice talaga kung hindi ang pagbutihan ang pag-aaral. Wala kaming planta, tulad ng kina Vien. Wala kaming kasing laki ng lupa, tulad ng kina Spring.
"Kapag sumama ka, sasabihin ko lahat ng sekreto ko," pagsasang-ayon pa niya sa akin.
"Alam ko na lahat ng iyon." Inisip ko pa kung alam ko ba, alam ko naman.
Kaya siya napadpad dito ay dahil sa kalokohan niya sa Maynila na hanggang ngayon ay bitbit pa rin niya.
"Tungkol kay Wave..." mahinang sabi niya.
Natigilan ako dahil doon. Matagal ko nang gustong malaman kung ano ang meron sa kanila ni Wave pero nanatili siyang tahimik. Ngayon, alam niyang sobrang curious ako kaya iyon ang dinahilan niya. Nagdadalawang isip na tuloy ako, pero sa huli ay pumayag na rin ako.
Hindi na kami umuwi ng bahay para makapagpalit ng damit. Hindi rin kasi kami naka-uniform kaninang umaga kaya hindi kami magmumukhang estudyante sa loob ng 1004.
"Buti nalang wala si Wave rito!" Masayang sabi niya habang papasok kami.
Sinubong agad kami ng malakas na tugtog at iba't ibang kulay ng ilaw. Nagsisigawan at nagsasayawan ang ilan sa dance floor at ang iba ay may hawak pang beer sa kanilang mga kamay.
Since, dalawa lang naman kami ay sa counter nalang kami umupo. Makikita mo talaga kung gaano ka-party people si Spring. Nakaadjust agad ang tainga niya sa malakas na tugtog, habang ako ay iritang irita pa rin.
Nagorder siya ng inumin. Hindi ko alam kung iinom ba ako ngayon o hindi. Kung iinom ako ngayon ay ito ang first time ko ngunit mas mabuting huwag nalang. Tutal, wala rin si Vien. Delikado kapag dalawa kami ni Spring ang malasing.
Tulad ng usapan namin, kinwento agad ni Spring sa akin ang tungkol sa kanila ni Wave. Habang nagkukwento siya ay nakanganga lang ako. Ganoon ba ako ka-manhid para hindi mapansin ang mga iyon?
"So ayun, hinalikan niya ako kagabi kaya lagot talaga siya sa akin pagbalik niya rito!"
Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong kwento. Hindi ako makapaniwala. Naestatwa na yata ako sa kinauupuan ko at halos pasukan na ng langaw ang bibig ko dahil nanatili iyong nakanganga.
"Hoy! Hindi naman big deal iyon," aniya at tumawa.
Anong hindi big deal? She lost her virginity to Wave, tapos hindi big deal? Hindi ko nga lubos maisip na kaya niyang gawin iyon, tapos parang wala lang sa kanya.
"If Baste Saldivar was a playboy, that Wave De Casto never had a steady relationship with anyone. He's a manwhore!"
"Alam ko!" Tumawa pa siya. "No string attached, 'te..."
Hindi ako makapaniwala. Ganito ba halos lahat ng babae sa Maynila? Kung sa kanya ay wala lang iyon, sa akin malaking bagay iyon. Isang bagay na dapat ingatan at ibibigay lamang sa taong mapapangasawa mo. It may sounds primitive but believe me, ganoon siya kahalaga.
Tatanungin ko pa sana siya ngunit mabilis siyang tumayo at nakipagsiksikan sa dance floor. I can't believe this! Kaya naman pala, ganoon ang reaksyon niya tuwing nariyan si Wave. At alam ni Vien? Naalala ko kasi iyong sinabi niya na patahimikin ni Wave ang babae niya, na si Spring. Goodness!
"What are you doing here?" Nagulat ako nang biglang may bumulong sa tainga ko. Paglingon ko ay nakita ko ang nakangising si Jarrik na umuupo sa katabing upuan ko.
"I-I'm with Spring," tinuro ko pa ang dance floor, as if si Spring lang ang naroon.
Bigla akong nautal at hindi malaman ang sasabihin. Tumango siya at nagorder ng inumin. Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya. Wala siya kanina sa beanleaf, hindi rin siya naka-uniporme ngayon.
"Hindi ka nagtrabaho?" Tanong ko kaya nakuha ko ulit ang atensyon niya.
"Hindi," sagot niya. "Natulog ako buong araw..."
Pagod din naman siya. Ayos lang iyon. Nagtataka lang ako kung saan kinuha ni Jarrik ang suot niyang damit ngayon. Hindi ko iyon nakita kay Vien kaya sigurado akong sa kanya iyan. Bumili siya? Infairness, bagay. Lalo tuloy siyang pinagtitinginan dito.
Ang kwento niya sa akin noong kumain kami ng Kwek kwek, may mga babae raw na gusto siyang i-table. Natawa ako kasi akala ko, lalaki lang ang mga ganoon.
"Alam mo bang binilin ka sa akin ni Vien, hindi ka ba natatakot na baka magsumbong ako?" Ngising tanong niya tsaka lumagok ng beer.
Umiling ako. "I'm not doing anything wrong! Hindi ako umiinom, sinamahan ko lang si Spring..."
"Edi good," he chuckled.
"Good lang?" Natatawang tanong ko.
Tumawa siya at malutong na nagmura, "Very good! Ano, ayos na?"
Tumango ako at tumawa. Umiling naman siya habang tumatawa rin. Tahimik naming pinapanuod ang mga taong nagsasayawan sa dance floor. Hindi siya nagsasalita, hindi rin ako nagsasalita. But somehow, hindi naging awkward ang paligid.
Nang gumabi na ay tinawag ko na si Spring para umuwi. Hindi na siya makapaglakad ng maayos kaya inaalalayan namin siya ni Jarrik. Nagsuka pa siya sa labas ng 1004, kaya pinatitinginan kami.
"Hindi magandang iuwi natin si Spring ng ganito ang kalagayan niya..." ani Jarrik.
Nag-isip naman ako ng paraan. Siguro naman papayagan ako ni Ate Penny pag sinabi kong may group project kami at kailangan ng overnight? Hindi ko kasi pwedeng pabayaan si Spring at Jarrik. Bahala na nga!
Doon kami dumiretso sa bahay nila Vien dahil walang tao roon. Umuwi ako sandali para magpaalam, nagpapasalamat akong malaki ang tiwala sa akin kaya pinayagan agad ako. Mabilis akong bumalik sa bahay nila Vien.
"Hiniga ko na siya sa kwartong tinutuluyan ko," naabutan kong nagkakape si Jarrik sa kusina nang dumating ako.
Umupo ako sa katabing upuan niya tsaka tinaas ang paa ko. Ngayong nasa bahay ako nila Vien, wala akong ibang maisip kung hindi siya.
Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Ilang halaman kaya ang tinanim niya at ano anong klase ang mga iyon? Anong kinain niya buong araw? Sinong kasama niya?
"Mababaliw na yata ako..." mahinang sabi ko.
Nilunok ni Jarrik ang kapeng iniinom niya habang nakatingin sa akin. "Miss mo na siya?"
Ngumuso ako at tumango. Siguro iniisip niya na baliw na talaga ako dahil girlfriend lang naman ako pero ganito ako umarte na miss na miss ko na siya.
Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Vien kagabi. Lumabas ako at agad na tumingala. Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Jarrik at sumandal sa pintuan habang nakatingala rin.
Napangiti ako nang makita ang buwan na katulad nang nakita namin kagabi. Tama siya. Iisang buwan lang ang tinitignan namin ngayon, ibig sabihin ay malapit lang kami.
"Ang ganda ng buwan..." rinig kong bulong ni Jarrik.
Napawi ang ngiti ko. Iisang buwan nga ang tinitignan namin, pero iba ang kasama ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
Si Vien kaya? May kasama rin kaya siyang iba habang nanunuod ng buwan ngayon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top