Kabanata 11

Kabanata 11

Torete

Para akong baliw na nakangisi ng malawak habang tinatahak ang cafeteria. Hinanap ko si Spring at nagulat ako nang makita si Wave sa harapan niya. Mukhang seryoso silang naguusap at kitang kita ko pa ang pagkasalubong ng mga kilay ni Spring.

Lumapit ako. Nag-angat ng tingin sa akin si Wave atsaka tahimik na umalis dala dala ang iniinom niyang coke in can. Kunot noo akong umupo sa inuupuan kanina ni Wave habang nagpapatuloy lang sa pag kain si Spring na parang walang nangyari.

"What was that?" Tanong ko.

"Bakit ang tagal mo? Nauna na tuloy akong kumain at hindi na kita nahintay pa." Hindi iyon ang sagot sa tanong ko.

Pakiramdam ko ay may kailangan akong malaman tungkol kay Spring, pero kung ayaw naman niyang sabihin ay wala akong magagawa. Tumayo ako para mag-order ng ulam. Nililingon ko si Spring na baka makahanap ako ng sagot sa mga tanong ko pero tahimik lang siyang kumakain doon.

Should I ask Vien about it? Alam kong may alam ang isang iyon. But then, I'm invading Spring and Wave's privacy kaya huwag nalang siguro. Hihintayin ko nalang na si Spring mismo ang magsabi sa akin, kung meron man.

"Any plans later?" Tanong niya habang umiinom ng mountain dew at pinapanuod naman ako sa pag kain.

"Mag-aaral..." nagkibit balikat ako.

Na-settle na namin ni Vien ang problema. Hindi siya papayag sa pagiging King kung hindi ako ang magiging Queen niya. Atleast, hindi ko na kailangang magpretend na tama ang desisyon ko kahit hindi naman.

"Again?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. "Alam mo, ang boring mo na, Ianne! Why don't you unwind? Lagi nalang iyang mga libro mo ang kaharap mo. Pahinga ka naman!" Umirap siya.

Hindi nalang ako nagsalita dahil totoo naman. Nagpatuloy ako sa pag kain. Nang matapos kaming kumain ay dumiretso kami sa beanleaf dahil may isang oras pa kaming bakante. Same order ang inorder ni Spring.

"Sandali lang, Ianne..." bigla siyang tumayo at lumabas ng beanleaf.

Bago ko pa matanong ay mabilis na siyang nakalabas at nakatawid sa kabilang kalsada. Saan pupunta ang isang iyon? Buti nalang at nabayaran na niya lahat ng ito, kung hindi ay baka maghugas pa ako ng pinggan.

Sumimsim ako sa frappe ko habang tulala. Kahit na inassure ako ni Vien na hindi siya papayag maging King kung hindi ako ang Queen ay parang nababahala pa rin ako. Pakiramdam ko kasi malakas ang kapit ni Jael o ano. Napaparanoid lang yata ako.

"Bawal po nakatunganga rito," nagulat ako nang biglang may magsalita sa tabi ko.

Halos mapasigaw ako dahil doon! Hindi ko manlang namalayan na may nakaupo na pala sa tabi ko at sa tingin ko ay kanina pa niya ako pinapanuod. Nilapag ko ang frappe sa table at pabirong pinalo siya. Pinangharang niya ang tray para maiwasan ang mga palo ko.

"Aray! Tulala ka kasi, e!" Tumatawang sabi niya.

Inirapan ko siya at hindi na pinansin. Ayaw niya akong pansinin tuwing narito kami sa beanleaf, hindi ba? Then, fine! Hindi ko rin siya papansinin. Akala niya, ha?

"Ganyan ka na pala. Parang kagabi lang, matino ka pa?"

Kahit na ayaw ko siyang pansinin ay dahil sa kung ano anong sinasabi niya, nakukuha niya ang atensyon ko. Kaunti lamang ang tao sa beanleaf at lahat ng iyon ay may mga inumin na kaya siguro wala siyang ginagawa ngayon at inaasar ako.

"Where's Spring? Iniwan ka? Aw!"

Hindi ko alam kung ano ang nakain niya para maging ganito siya kakulit. Noong unang kilala ko sa kanya ay ang tahimik niya, pero unti-unting kumukulit simula noong napasama sa mga barkada ni Vien.

Hindi ko na tuloy makita iyong dating Jarrik na tahimik lang at laging sumasang-ayon sa mga sinasabi ko.

"Sungit mo naman, Miss!" Halakhak niya.

"Jarrik, naiinis na ako sa iyo, ha-" hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko nang biglang ilagay ni Jarrik ang kamay niya sa ilong ko kaya sinikmuraan ko siya.

Imbes na masaktan ay humagalpak lang siya sa tawa habang hawak ang tiyan niya. Inis na tinitignan ko siyang halos mahiga na sa couch kaya tinapakan ko pa ang paa niya.

The gold cross necklase hung on his neck na sumasayaw sa bawat galaw niya. Suot na niya iyon nang makita namin siya noon. Hindi maayos ang buhok at hindi rin magulo, tama lang na parang ayon talaga ang ayos niyon. Tulad ng lagi, ang natural niyang amoy ay naaamoy ko nanaman. Nakaputing round neck t-shirt siya na nakatupi sa may braso. May apron sa kanyang baiwang at naka-dark pants. Namumula ang pisngi niya dahil sa kakatawa.

Laking mayaman talaga ang lalaking ito. Baka naman artista ito o isang modelo sa Maynila?

Ilang minuto pa ay bumalik na si Spring na tahimik. Hindi na ako nagtanong dahil kung gusto niyang ikwento ay dapat kanina pa niya sinabi. Maghihintay nalang ako kung kailan na siya handang sabihin. May ideya na rin ako kung ano, pero maaring mali rin ako.

Naging abala na rin si Jarrik dahil dumami ang customer nang maglabasan ang isang block section.

"Let's go?" Tumayo si Spring at kinuha ang kanyang sling bag. Tumayo na rin ako.

"Mic check, mic check!" Sabay halakhak.

Napatingin ako sa counter at nakitang nakaupo si Jarrik doon habang hawak ang mic. Ngumisi siya sa akin kaya kumunot ang noo ko. Ngayon ko lang napagtanto na itim na itim ang kulay ng buhok niya at bumagay sa kanya ang itim na hikaw sa magkabilang tainga niya.

"Kakanta si Jarrik?" Takang tanong ni Spring na napatigil din dahil doon.

He attract too much girls na halos marinig ko na lahat ng tilian nila sa ganoong sinabi lang ni Jarrik. Nagflex ang muscle sa kanyang braso nang hawakan niya nang mahigpit ang mic stand. Tumingin siya sa kasamahan niya atsaka iyon tumango na parang sinasabi na simulan na niya.

"Uh... para naman mas lalo kayong ma-relax ay kakanta ako ng dalawang kanta. Ayos ba iyon?"

Hinila ni Spring ang braso ko. Nagulat ako roon at hindi agad nakagalaw. Tumalikod ako ngunit hindi nakaligtas ang isang sulyap na binigay sa akin ni Jarrik at napawi bigla ang ngiti niya.

"Sandali na lang

Maari bang pagbigyan

Aalis na nga

Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay..."

Literal na napahinto ako nang marinig ko ang boses niya. Nilingon ko siya at nakita kong seryoso na ang mukha niya habang nakapikit. Ang kaninang tilian ay biglang nawala. Tinitignan nila si Jarrik na puno ng paghanga.

I didn't know he can sing that well.

Pagkatapos ng klase ay hinintay ko si Vien sa bench malapit sa may gate. Roon ko siya laging hinihintay pero bakit parang ang tagal naman yata niya ngayon? Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang alas siyete na nang gabi. Hanggang alas sais lang naman ang klase niya ngayon. Nag-aalala na ako.

Tatayo sana ako para puntahan siya sa taas nang bigla kong makita si Jarrik na tinatawag ako mula sa labas ng gate. Sinenyasan ako ng unggoy na lumapit sa kanya kaya nagdalawang isip pa ako kung susundin ko ba siya o hindi.

Pero sa huli ay tumayo na ako para puntahan siya. Hindi siya makapasok sa loob dahil hindi naman siya estudyante. Pagkalabas ko ay naglalaro ang ngisi sa kanyang labi. Napahawak ako sa ilong nang biglang maamoy ang amoy ng sigarilyo. Hinulog niya iyon sa lapag tsaka tinapakan.

"Vien asked me na ihatid ka ngayon hanggang sa bahay niyo..."

Talaga? Saan nanaman ba pumunta ang isang iyon nang hindi nagpapaalam sa akin? O baka naman niloloko lang ako ng Jarrik na ito.

"He's with Gabe, may group project daw sila sa kabilang bayan."

Tumango tango ako at nagsimula ng maglakad. Naiintindihan ko naman iyon dahil madalas kami ni Spring sa group project nitong mga nakaraan. Tahimik na sumusunod sa akin si Jarrik sa aking likod kaya nilingon ko siya.

"He even warned me na kapag hindi raw kita naihatid ng maayos sa bahay niyo ay mababasag ang mukha ko..." tumatawang kwento niya.

Tumawa rin ako. I can't believe Vien. Kailangan talaga nasusunod ang mga gusto niya. Kahit kila Wave ay siya rin ang laging nasusunod. Nakaka-intimidate rin naman kasi ang itsura niya kaya I can't blame them.

"As if naman hahayaan kong mangyari iyon..."

Kumunot ang noo ko at hindi masyadong narinig at naintindihan ang sinabi niya. Nilingon ko siya para magtanong pero hindi niya ako sinasalubong ng tingin. Nakangisi lang siya habang nakatingin sa daan.

"Ano?"

"Wala!" Hinarap niya nang nakangisi.

"Maganda pala boses mo?" Wala sa sariling sabi ko.

Ngumisi siya. "Kantahan pa kita araw araw, e..."

"Gusto mo bang kumain muna bago umuwi? Bagong sweldo ako," aniya.

Nagdalawang isip ako dahil kaya siya nagtatrabaho ay dahil sa pangluwas niya ng Maynila. Pwede naman kaming kumain sa bahay para iwas sa gastos. Napansin yata iyon ni Jarrik kaya sumimangot siya.

"Kwek kwek lang!"

Bumuntong hininga ako at ngumiti. "Sige na nga!"

Nakailang tusok na siya ng kwek kwek ay hindi pa rin siya nabubusog. Bumili ako ng sarsi namin kila Ate Lina. Nakahawak ang isang kamay niya sa bulsa ng dark pants niya habang nakatayo ng parang modelo roon na kumakain ng kwek kwek.

"Oh," inabot ko sa kanya ang sarsi.

"Mas lalo tuloy akong napapamahal sa lugar na ito. Simple lang ang pamumuhay, hindi katulad sa Maynila na puro stress."

"Bakit ka naman ma-s-stress?" Kunot noong tanong ko.

Ngumiti siya at nagkibit balikat. Hindi sinagot ang tanong ko. How ironic na ang mga taong taga rito, gustong gusto sa Maynila pero ang mga taga Maynila, mas gusto rito.

Madilim na nang nakauwi kami ni Jarrik. Kung ano ano ang kinukwento niya sa akin kaya sumakit ang tiyan ko sa kakatawa. Pakiramdam ko ay nakilala ko ang kabilang side niya. O baka ito talaga ang ugali niya at ngayon lang niya nailalabas dahil kumportable na siya.

Kinakanta pa niya ang Torete na kinanta niya kanina sa beanleaf. Ang sabi niya ay napilitan lang daw siya nang iutos iyon ng manager nila para raw dumami ang customer nila. Naging successful naman iyon dahil maraming babae ang pumunta kanina roon hanggang sa magsarado.

"Manunuod ka ba bukas?" Bigla niyang tanong.

May game ng basketball sila Vien bukas sa court. Laro laro lang naman iyon. Hindi ko alam kung pupunta ako dahil kailangan ko magbasa. Siguro sasaglit nalang ako para hindi magtampo sa akin si Vien.

"Sasaglit ako,"

Tumango si Jarrik. Huminto kami sa harap ng gate. Humarap ako sa kanya para maayos na makapagpaalam. Umatras siya ng kaunti habang kagat ang labi niya habang nakangiti.

"Salamat sa paghatid." Ngumiti ako at ngumiti rin siya.

______________

Ang lame haha!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top