Kabanata 10

Kabanata 10

Queen

"Ah, salamat sa paghatid, Jarrik. Naabala ka pa tuloy..."

Tumigil kami sa harap ng gate namin. Tinapik ni Jarrik ang sigarilyo tsaka tinapakan at binuga ang usok. Tinakpan ko ang ilong ko dahil nakakahilo ang amoy niyon.

"Maliit na bagay lang ito kumpara sa pabor na binibigay niyo sa akin." Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama habang nakatulala sa ceiling. Nagulat naman si Heavy na kasalukuyang nagbabasa ngayon ng libro. Alam kong tatanungin nanaman niya ako ng kung ano ano kaya bago pa niya mabuksan ang bibig ay pinikit ko na ang mata ko.

Kahit na pagod ang katawan at utak ko ay pakiramdam ko hindi rin ako nakatulog ng maayos. Hindi manlang ako kinausap ni Vien kanina. Alam kong kasalanan ko naman talaga, e. Magulo lang talaga ang utak ko.

"So... nag-usap na ba kayo ni Vien?" Bungad na tanong ni Spring pagkapasok ko palang ng classroom.

Binagsak ko ang sarili ko sa upuan kong nasa tabi niya tsaka tahimik na umiling. Hindi ako sinundo ni Vien sa bahay kaya mag-isa lang akong pumasok. Hindi naman sa nagdedemmand ako na ihatid-sundo niya ako, iba kasi ang kaso ngayon. Alam kong may problema, alam ko ang problema.

"Hindi ko alam kung malamig na ang ulo niya ngayon," tamad na sagot ko.

Kailangan ko bang humingi ng sorry sa kanya? Dapat ba iyon? O hindi? At ano naman ang kasalanan ko? Ang hindi pagpasok sa klase ko, o ang hindi pagsabi sa kanya ng totoong ginawa ko?

"Ianne Gonzales?"

Nag-angat ang tingin ko sa may pinto nang biglang tinawag ang pangalan ko. Kunot noo akong nakatitig sa tumawag sa akin. Hindi ko siya kilala. Sumisigaw ang pagiging marangya niya sa buhay sa kilos at pananamit niya. Babaeng babae at talagang ingat na ingat ang mga galaw niya. Ngumiti siya sa akin.

"B-bakit po?" Kahit na hindi ko alam kung mas matanda ako sa kanya ay gumamit pa rin ako ng "po"

"Pwede ka bang makausap sandali?" Kahit ang pananalita niya ay dahan dahan.

Unti-unti akong tumayo at lumapit sa kanya. Akala ko ay roon kami maguusap pero nagulat ako nang maglakad siya. Sinundan ko siya. Sumasayaw ang medyo may kahabaan at wavy niyang buhok habang naglalakad. Malambot at maputla ang kanyang balat. Mabango rin ang gamit niyang pabango.

Huminto siya sa harap ng Freedom Garden. Umupo siya sa bench at hindi ko alam kung uupo ba ako sa tabi niya o ano. Nilingon niya ako at nginitian tsaka sinenyas na maupo ako sa tabi niya, kaya umupo na ako.

"Hmm, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Kinabahan ako bigla pero hindi ko pinahalata sa kanya. "Ikaw ang girlfriend ni Vien, hindi ba?"

Natulala ako sa ganda niya. Mas maganda siya sa malapitan. Hindi ko siya kilala pero mukhang kilala siya ng halos lahat ng estudyante rito sa school. Artista ba ito na taga Sta. Cruz? Bakit hindi ko siya kilala?

"Ako nga..."

Ngumiti siya. "You're a freshman, right? I guess, hindi mo pa alam ang mga ginagawa rito sa school kaya eexplain ko sa iyo."

Napatuwid ako ng upo. Kinakabahan ako nang hindi ko alam. Nakangiti siya at kitang kita ang dimple sa kanyang kanang pisngi. Ang kinis din ng balat niya, nakakadistract ang ganda niya.

"Sa buong school year, may magiging King and Queen of Sta. Cruz College... ako ang na-vote na Queen at si Vien ang King. It means, lagi dapat kami ang magkasama rito sa school hanggang sa matapos ang school year. Kaso... ayaw niya dahil may girlfriend daw siya. Kaya kinakausap kita ngayon, para pumayag na siya."

Ang kaninang paghanga ko sa kanya ay biglang bumagsak. Pakiramdam ko ay napaka-desperada niyang babae para kausapin pa ako ng ganito kung in the first place, hindi na tinanggap ni Vien ang alok. Ganoon ba ka-importante iyon?

At anong vote iyon? Ni-hindi nga ako nainform at hindi ko alam na may ganoon pala. Sigurado ba siya na botohan ang nangyari o by choice ang pagpili ng King and Queen?

Ngunit hindi ko kayang magalit sa kanya ng tuluyan dahil napaka-pure ng itsura niya at pakiramdam ko kapag nagalit ako sa kanya ay isa akong masamang tao.

Tsaka, ganoon lang naman, hindi ba? Ako pa rin naman ang girlfriend ni Vien. Hindi mababago iyon. Nahihiya rin naman akong tanggihan siya kaya tumango nalang ako at pilit na ngumiti.

"Ako nga pala si Jael." Inabot niya ang kamay niya sa akin kaya tinanggap ko iyon. Pati ang kamay niya ay malambot.

"Ianne..."

Tinanong agad ako ni Spring tungkol sa pinagusapan namin ni Jael nang makabalik ako sa classroom. Kinwento ko sa kanya at tanging mura at batok lang ang inabot ko sa kanya.

"Bakit ka pumayag!?" Sigaw niya ngunit dahil mas malakas pa rin ang ingay ng mga classmate namin ay hindi naging big deal iyon.

"Dito lang naman daw sa school, e. Tsaka wala lang iyon, ako pa rin ang mahal 'non..." confident ako dahil araw araw pinaparamdam at sinasabi iyon sa akin ni Vien.

"Sa school lang naman? LANG?" Tinapik niya ang table ng upuan niya. "Ilang oras sa isang araw tayo rito sa school? Higit sampung oras. Tapos pagkatapos? Uuwi na. Buong araw magsasama ang babae na iyon at ang boyfriend mo tapos okay lang sa iyo?"

Lalo kong sinisi ang sarili ko sa bigla bigla kong desisyon nang marinig ko ang word of wisdom ni Spring. Alam ko mali iyon. Pero paninindigan ko ito. Desisyon ko iyon, e. Ako ang gumawa noon kaya wala akong karapatang magsisi.

"Kailangan ko lang ng matatag na tiwala para kay Vien," sabi ko.

Kinakain ko lahat ng sinasabi ko. Sising sisi ako pero hindi ko iyon ipapakita sa iba. Hindi ako iyong tipo ng tao na magdedesisyon tapos pagsisisihan din naman sa huli.

Nang maglunch ay tahimik naming tinatahak ni Spring ang hallway. Alam ng iba na ako ang girlfriend ni Vien kaya walang sumubok na kausapi ako o bully-hin. Kahit naman siguro mangyari iyon ay kaya ko naman ang sarili ko.

Ano nanaman kaya ang kakainin ko na kasya sa budget ko? Nahihiya na rin kasi ako kay Spring na laging sagot ang mga pagkain ko. Kinapa ko ang wallet ko sa aking bulsa at kumunot ang noo ko nang wala akong mahagilap.

"Ay, Spring, mauna ka na pala sa canteen. Nakalimutan ko iyong wallet ko sa bag!"

Nilagay ko nga pala iyon kanina sa bulsa bago ako sumunod kay Jael. Hindi ko na nabalik ulit sa bulsa ko. Tinatamad pa naman na akong umakyat dahil nasa quadrangle na kami at kaunting lakad nalang ay canteen na.

"I'll treat-"

"Hindi na." Ngumiti ako at nagsimula nang maglakad.

Bumuntong hininga ako at bawat hakbang ko ay ang bigat bigat. Nakayuko lang ako habang naglalakad. Nahahangin ang buhok ko. Kahit naman kasi mainit dito sa Sta. Cruz ay malakas pa rin ang hangin dahil sa malapit kami sa karagatan.

"Ianne!"

Nag-angat ako ng tingin. Nanliit pa ang mata ko nang sinagan iyon ng araw. Kumunot ang noo ko nang makilala kung sino ang tumawag sa akin.

Vien jogged his way to me. Pumapatak ang pawis sa kanyang noo. Nakahubad ang polo niya at tanging ang puting round neck t-shirt nalang at ang itim na slacks ang suot niya. The silver necklace hung on his neck. Kuminang ang kanyang diamond earring nang tamaan iyon ng sinag ng araw.

"We have to talk..." seryoso at maawtoridad na sabi niya.

Bago pa ako makasagot ay nasipat na niya ang wrist ko at hinila ako hanggang sa Libertad de amor, ang tanging may silong ang mga bench tuwing may araw.

Seryoso at hindi ko makasalubong ang mga mata niya. Madilim ang mukha at umigting ang kanyang panga. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko pero napapalunok ako dahil sa kanya. He licked his lower lip kaya namasa at pumula iyon.

"Why are you with Jael earlier? Ano ang sinabi niya?"

Hindi tanga si Vien para hindi malaman kung ano ang pinagusapan namin ni Jael. By now, alam na niya na tungkol iyon sa pagiging King and Queen nila rito sa school ngunit ayaw niyang kumpirmahin agad iyon.

Hanggang ngayon ay takot pa rin si Vien sa realidad.

"Ayos lang naman iyon sa akin. I mean, ako pa rin naman ang asawa mo, hindi ba?" Hindi ayos sa akin iyon.

Hindi siya nagsalita. Nanatili ang tingin niya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Ngumiti ako sa kanya ngunit wala lang sa kanya iyon. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Ako pa rin naman ang totoong Queen mo, hindi ba?" I smiled.

He laughed with no humor. Iritang irita siya. Hindi ako malakas pero kayang kaya kong buhatin ang kamay niya. Iyon ay dahil gusto niya ring hawakan ko siya. Ayaw niyang bitawan ko ang kamay niya kahit na alam niyang mabigat iyon at baka hindi ko kayang hawakan.

He don't want to be free.

"Pwede naman kitang gawing Queen ko sa totoo man o maging dito sa school. Hindi mo kailangang pumayag sa gusto niya..."

"Siya nga raw iyong vinote. Mamaya ay awayin pa ako ng mga tao rito dahil inagawan ko siya ng title," tumawa ako pero hindi iyon nakakatawa sa kanya kaya tumigil ako.

"You're my one and only Queen. Hindi ako papayag na magkaroon ng iba, maliban sa iyo. Hindi, Ianne. Kahit na iyon ang gusto mo ay hindi ako papayag."

_____________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top