11

#LIT11

I stared at my artwork that I painted hanged on the wall. I still can't believe it won, after so many artworks were submitted painted by my talented classmates. The school let me choose whether if I prefer to display it sa school or iuwi sa bahay. I decided to display it at our home instead. Si papa din ang nagsabit ng painting ko sa pader at ngayon ay display sa living room namin. Sobrang proud at saya din ni papa nung nalaman niya na nanalo ako.

"Sadie! Ano pang tinitignan mo diyan? Tara na, malalate na tayo," rinig kong boses ni mama

Lumingon ako at nakita siya sa may pinto. Bihis na bihis. Natauhan ako kaya agad kong sinuot ang mini backpack ko at tumakbo palabas sa pinto.

"Mauna ka na doon sa kotse. Ako na magsasara ng pinto," sabi niya

Tumango ako sabay ngiti at tumakbo palabas ng gate. Nakita ko agad ang kotse namin. Pumasok na ako sa loob.

"Asan na mama mo?" tanong niya

"Susunod na po."

Tumingin ako sa bintana at nakita si mama na kakalabas ng gate. Tahimik siyang pumasok sa loob. Pinatakbo na ni papa ang kotse.

Today, we are going to visit some of my relatives. It was unexpected actually. Akala ko ay hindi na tuloy. I heard from mom that one of my cousin just got home from the U.S. Inimbita kami ng isa kong tita para iwelcome ang pagdating niya. It's just a small family gathering, not too fancy.

I'm actually lazy to go. I'd rather take a rest. Maiksi lang kasi ang sembreak namin kaya gusto kong magpahinga nalang at isa pa ay kating-kati na ako manood ng anime! It's been a while since I last watched a series since I was too busy and preoccupied in school. Akala ko makakabawi na ako ngayon.

Nilabas pa naman na yung season finale ng Attack on Titan. Mahigit tatlong taon ko din iyong inabangan. Buti nalang ay dinownload ko ang ilang episodes para panoorin sa byahe.

I took out my phone and untangled my earphones. I then plugged it on mg phone and put it on my ears. Tahimik na akong nanood habang nasa byahe.

"Sadie!"

"Hi Jessica!" bati ko sa pinsan ko

Nilapitan niya ako. "Kamusta? Namiss kita! Buti nakapunta kayo. Uh hi tita!" bati kay mama na nasa likod ko

Binalik niya ang atensiyon sa'kin. I smiled at her. "Namiss din kita 'no! Sembreak niyo din ba?"

I'm close to all of my cousins but I think I'm closest to my mom's side. Since parehas kaming magkaedad ni Jessica ay siya ang pinakaclose ko at parehas pa kaming nanonood ng anime.

She smiled. "Oo. Actually last day ko na ngayon. Sa monday may pasok na ko. Buti nalang sakto, nakapunta pa kami nila mama."

"Aww sad naman," asar ko

She held my hand and showed me her phone. Nakita kong naglalaro siya ng COD. "Laro tayo?" her brows wiggled playfully

I smiled widely. "Tara!"

Sabay kaming pumasok sa bahay ni tita. I greeted some of my relatives there. As expected, kaunti lang kami. May handa sa lamesa at nakikita ko silang kumakain.

I saw my other cousins on the living room having a chat with Ate Maureen. Siya yung kakauwi galing states.

My lips parted. She looks so pretty! She looks like a pure American. Her chocolate brown curly hair falls loosely on her shoulder. Her nails are also long and polished. Ang kinis din ng mukha niya. Mas lalo siyang gumanda kumpara sa huli ko siyang nakita. I actually don't remember the last time I saw her. Malaki din kasi age gap namin.

Lumapit kami ni Jessica sa kanila. "Guys, guys, guys, tabi naman diyan. Andito na si Sadie," sabi ni Jessica

"Oh! Hi Sadie," the greeted and waved at me

I smiled. "Hello!"

Nagtama ang mata namin ni Ate Maureen. "Hi ate!"

She smiled, showing me that perfectly aligned set of teeth. "Hello Sariah."

My heart thumped. She called me by my first name...and the way she said it is so angelic like her face. I noticed that she developed the American accent.

"Kamusta ka naman ate—este, uh. How are you?"

My cousins laugh. "Grabe nose bleed!"

"Ang OA niyo ah!" bawi ko

"Kami din eh hirap kausapin si Ate Maureen. English lang tayo dito," sabi ng isa kong pinsan

Hinila niya ako at pinaupo sa tabi niya. "Kausapin mo dali."

I know he's just teasing me. Ang bully niya talaga sa'kin. "Ano ba Gio? Kadadating ko lang, lakas mo nanamang mang-asar."

Ngumuso siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Luh, pikon ka agad."

I squinted my eyes at him. "Ah gano'n? Sige ah," sabi ko at kinikiliti siya

He laughed and tried to get off my hold. "Ate naman eh! Tama na. Hindi...hindi na ako m-makahinga," sabi niya habang tumatawa

I laughed too. "Ano'ng sabi mo? Sige pa?" I said and continued to tickle him

Gio is four years younger than me. Eventhough he's already in highschool, he still acts a kid whenevr he's around with us. Sabagay ay siya na kasi ang pinakabata sa'ming magpipinsan. He even acts spoiled to us...bully naman.

"Ate Sadie!" tili niya

I bursted in laughter when he screamed like a girl. Our cousins laughed with me too. Nagulat ako dahil lumapit sila at pinagtulungan namin si Gio.

"Awat na, awat na!" sabi niya at tinapik ang sahig

We all stopped, catching our breaths. Pati siya ay hingal na hingal na nakahiga sa sahig.

"Pinag...pinagtulungan niyo ko! Madaya!" pagmamaktol niya

"Hoy, walang iyakan ah," sabi ni Jessica

"Oo nga."

I offered my hand to help him but he didn't take it. Busangot ang mukha niya pagkabangon. Tumingin ako sa mga pinsan ko na pigil na pigil ang tawa. Ilang sandali ay tumayo na siya.

"Where are you going Gio?" Ate Maureen asked

"Kakain ako," he coldly said

Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makaalis. We all looked at each other and laughed.

"Napikon ata," sabi ko

"Bata palang pikon na 'yan eh," Jessica said

Tumayo nadin ako at umupo sa sofa. Tumabi sila sa'kin. "So, Sadie. Kamusta school? Kaya pa?" tanong ng isa kong babaeng pinsan na si Ate Mia

Ngumuso ako at umiling. "Hindi na. Hindi ko alam kung bakit ako nag UST," I dramatically replied

She laughed. "Your reaction says it all."

"Pero joke lang. Basic lang 'no," bawi ko at nag 'ok' sign

"Second year ka na ano?"

I nodded.

"Ako graduating na this year."

"Aw, sana all!"

She chuckled. "Kaya 'yan. One big fight—ay mali, sa Ateneo pala yun. Ano, go USTE, go USTE! Go! Go! Go!" she cheered

I smiled. Kinalabit ako ni Jessica sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya.

"Laro na tayo," she pouted

"Ay oo nga pala. Wait," sabi ko at nilabas din ang phone

"Napanood mo na AOT?" tanong ko habang naglalaro kami

"Oo. Tapos ko na, isang upuan lang."

Our eyes are focused on the game. Binaril ko ang nakita kong kalaban sa gilid ko.

"Nice one," I whisphered. "Sana all napanood na."

"Omg! omg! omg!" natataranta niyang sabi. Nakita kong umayos siya ng upo habang naglalaro. "Bitin nga eh. May part two pa daw pero next year...pa ata irerelease," she trailed off

Nakawang ang labi ko habang binabaril ang mga kalaban. "Alam ko na mangyayari. Binasa ko na yung manga—"

"Huwag kang mag-spoil please lang!" she yelled

I laughed. "Di ako tulad ng iba. Don't worry."

Sumandal ulit siya. I glanced at her phone and she's almost in the brink of death.

"Pero hindi ko talaga matanggap yung ending na—"

"Shush! Ayoko—ay ayan tuloy! Namatay ako!"

Tinikom ko ang bibig upang pigilan ang tawa. Tumingin siya sa'kin ng masama. I looked away, acting all innocent.

"Kainis ka," she said and slapped me on the thigh

"Aray!"

Nabitawan ko ang phone sa kamay ko. "Oh no, oh no," huli na dahil namatay nadin ang character ko sa game

I pouted. "Madaya ka."

"You started it."

I glared at her. She stuck her tongue out playfully.

"Next game na nga," sabi ko nalang

"Ayos na kasi aba."

"Sorry," natatawa kong sabi

We were about to play the next game when I heard someone called me. It was my Auntie, Jessica's mom

"Sadie, halika. Kain ka muna dito. Mamaya na muna ang laro," tawag niya

Nagkatinginan kami ni Jessica.

"Wait lang ah. Kain muna ako," sabi ko

Tumango siya. Tumayo na ako at sinundan si tita sa dining area nila. Tumambad sa'kin ang mga kamag-anak ko. Present sila tito, tita, ninong at ninang. Hinanap ko ang magulang ko pero wala sila doon. Siguro ay kausap ang iba ko pang kamag-anak sa labas.

"Oh hija kain na dito," sabi ng isa kong tita

Tumango ako at kumuha ng plato kasama ang kutsara at tinidor. Iba't ibang klase ng putahe ang nasa harap ko. My stomach started to growl. Amoy palang ay masarap na.

"Mukhang masarap ang mga handa," sabi ko at nagsandok muna ng kanin

"Syempre luto ko 'yan eh," sabi ng tita ko sa tabi ko

I smiled as I put the rice on my plate.

"Sadie, parang...tumaba ka ata."

"Po?" medyo nagulat ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa katawan ko. "Ah...eh. Siguro po pero konti lang," I awkwardly smiled

Nagsandok na ako ng ulam.

"Kamusta pag-aaral? Ano nga palang grade mo na?"

"Second year na po."

"At ang course mo ay?"

"Fine arts po, major in graphic design."

"Oh? Ano'ng gingawa niyo doon?"

"Mukhang walang pera naman dun," singit ng isa kong tito sa usapan namin

I forced a smile. Nanatili ang mata ko sa pagkain. "Hindi naman po."

Gusto kong sabihin sa kanya na sawang-sawa na ako marinig ang mga salitang iyon. Hindi ko nalang pinansin.

"Alam mo yung anak kong si Maureen, may degree na marketing sa U.S. Matalino yun, graduate ng cumlaude kaya nakapag-abroad agad. Taas nga ng sweldo, mahigit syamnapung libong piso. Biruin mo yun."

Unti-unti akong tumingin sa kanya. I saw how he bragged his daughter to us. Natuwa naman sila sa kanya.

I was about to speak when my other Auntie interrupted. "Paano yung trabaho mo niyan?"

Tumingin ako sa kanya.

"Naku, mahirap makahanap ng trabaho sa ganiyan. Mababa lang ang sweldo eh. Sigurado, maliit lang kikitain mo," si tito

Pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanila. Sabay sabay kasi silang nagsasalita kaya kahit na gusto kong sumagot ay hindi ko alam kung sino ang uunahin.

"Paano pala ikaw napasok? UST ka diba? Diba medyo malayo iyon sa inyo?"

I gulped. "Opo...nagcocommute lang po ako."

"Wala kang dorm?"

Napalingon ako sa tanong ng ninang ko. "Ah wala pa po eh. Baka next school year—"

"Naku, hirap pa naman mag-commute," she sighed. "Dapat sinabi mo sa magulang mo na ipag-dorm ka. Lahat naman ganun eh."

My lips parted. "Ahh kasi...wala kasing pang-dorm si," unti-unting humina ang boses ko

"Eh bakit ka pa sa malayo nag-aral? Mahal din tuition dun ah."

"May scholarship naman po ako."

Tumango-tango sila sa isa't isa.

"Iniisip ko lang din kung paano ka pala magkakabahay o kaya kotse? Kasi diba? Maliit lang magiging sahod mo. Mas mabuting mag-abroad ka din kagaya ni Maureen. Mas may chance ka pang yumaman," sabi ni tito

Ngumiti ako. "Ang advance niyo naman mag-isip tito. Estudyante palang ako. Wala pa sa isip ko ang bahay at kotse. Hindi ko din po balak mag-abroad—"

"Eh sa tingin mo ba yayaman ka sa Pilipinas sa course mo na iyan?"

I was caught off guard by his question. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya.

"Kung bahay lang din ang pinag-uusapan ay sa amin ka na kumuha. Pwedeng mag-down payment muna," hirit ng isa kong tita

Nagtawanan ulit sila. Tinignan ko ang bawat isa sa kanila. I didn't smile nor laugh. I just stood there, watching them.

"Anyway, may boyfriend ka na ba hija?"

Tumingin ako sa plato ko na may konting pagkain. Hindi ko alam pero nawalan ako bigla ng gana.

"Naku, wala po. Study first po ako. Sabi nila mama, pagka-graduate ko ay tsaka na ako magboyfriend," nahihiya kong sabi

Thank goodness they don't know about my ex.

"Tama 'yan. Aral muna atupagin. Mga kabataan kasi ngayon eh...ang aga nag-boboyfriend tapos maaga din nabubuntis. Sa huli, tumigil nalang sa pag-aaral," sabi ng tita ko

"Pero pangit din kapag tumandang dalaga. Syempre gusto din naman ni Sadie magka-asawa at anak," hirit ng isa

"Uh...wala naman pong sigurong masama kung gustong mamuhay mag-isa," sabi ko

Nanlaki ang mata nila sa sinabi ko. "So wala kang balak?"

My brows raised. "Ha? Ano po...para sa'kin, pagtanda ko ay focus ako sa magiging trabaho ko. Ayoko pa po munang magkaron ng boyfriend o asawa hanggat hindi pa ako financially stable at isa pa ay hindi pa ako ready..." unti-unting humina ang boses ko dahil napansin kong hindi sila nakikinig sa'kin

Nagtawanan sila habang nag-uusap. "Ang sarap nitong luto mo dito sa mechado Len. Hindi nakakasawa," sabi ni tito

"Salamat. Sige lang, kain pa kayo. Marami pa dun."

"Nakakatatlong takal na ko ng kanin ah," masaya niyang sabi

"May naisip ka na ba na magiging trabaho mo kung sakali?" tanong ni tita

I forced a smile. "Mag-aapply po siguro ako sa mga kompanya bilang graphic artist o kaya video editor, art director, art teacher, commercial artist. Pwede din pong—"

"Fine Arts diba madali lang 'yan gawin? Puro drawing lang ginagawa niyo diba?" she cutt me off

I sighed. Here we go again.

"Hindi po siya madali. In fact, mahirap din siya katulad ng ibang courses. Malawak po ang course ko, maraming pwedeng trabaho. At higit sa lahat ay hindi po siya drawing lang," mariin kong sabi

They all looked at me, perplexed. I can see in their faces that they are a bit skeptical. Pwede akong gumawa ng powerpoint presentation para iexplain sa kanila ang course ko pero sa tingin ko ay hindi padin naman magbabago ang tingin nila doon. I'm tired of explaining and proving a point.

Binalot kami ng katahimikan. My Uncle said something that made everyone laughed, except me. Her laughters echoed inside my ear. Ang sakit niya sa tainga.

"Huy Sadie. Seryoso mo naman masyado. Huwag mo sanang masamain ang sinabi namin. Syempre ang tagal nadin nating hindi nagkikita. Nag-aalala lang din kami sa'yo," sabi ni tita sabay tapik sa kamay ko

"Oo nga. Pamilya naman tayo dito eh. Nagkakatuwaan lang."

They nodded in agreement. Kumain sila at nagtawanan ulit.

Katuwaan lang ah.

Nag-aalala lang kami sa'yo.

Pamilya naman tayo dito eh.

Their words kept repeating inside my head over and over again. Hindi ko alam kung ano'ng ibig sabihin nila doon. It doesn't sit right with me.

Binaba ko ang plato ko at pinanong ang dalawang kamay sa lamesa.

I smiled sarcastically and looked at my Auntie sitting beside me. "Tita Ruth. Kamusta? Narinig ko na retired ka na daw ah. Magkano nakukuha mong pensiyon?"

Her smile faltered and she became uncomfortable by my question. "Ah...ano, mga nasa twenty to twenty five thousand."

"Talaga? Malaki nadin yun ah. Not bad tita...pero alam mo, yung kapitbahay sa'min mas malaki pa ang kinikita. Partida wala pa siyang pamilya na binubuhay no'n ah pero masaya siya."

Umawang ang labi niya. She looked away and swallowed hard. Napainom nalang siya ng tubig.

Tumingin naman ako kay tito sa kaliwa ko. "Hi tito! Long time no see. Kamusta ka? Aaminin ko na hanga din ako sa anak niyo na nakapag-abroad. Well, hindi naman posible iyon kung hindi dahil dun sa kaibigan mo sa kompanya. I still can't belive you set up your daughter to some rich stranger so that she'll be able to go abroad. Okay naman kaso sana pumili ka ng ka-edad niya. Nagmukha kasing sugar daddy yung lalaki eh," I sighed in disappointment. "Pero ayos lang, basta mayaman at may malaking sahod. Bahala na sa pakiramdam ng anak."

He clenched his fist in anger. Ngumiti ako sa kanya bago tumingin sa katabi niya.

"Oh, tita Lory. Kamusta ka? Buti nagagawa mo pading ngumiti at magluto ng masarap na handa ngayon...kahit na wala na sa buhay niyo si Tito Edwin. Nabalitaan ko na nagkaroon siya ng affair sa iba ah. Kamusta yung divorce?" sabi ko sabay kuha ng shanghai sa handa at kinain iyon. Nanlaki ang mata ko. "Infairness, ang sarap din nitong shanghai. Luto mo din ba tita?" tanong ko habang ngumunguya

Her eyes widened in fear and shock. Her hand grip tighter on the chair. Her breathing was heavy. Hindi niya inalis ang mata niya sa'kin.

I pouted and sighed. "Okay lang 'yan tita. Hanga nga ako sa'yo kasi ang tibay mo. Huwag kang mag-alala tita, malalagpasan mo din ito. Kapit lang, hmm?" I tried to comfort her

Napaupo siya sa upuan. Inalalayan naman siya ng isa kong tito.

"Tito Marvin. Sa inyo ba yung nakaparada na kotse sa tapat? Mukhang bago ah. Hindi ka pa ba baon sa utang? Ay wait, nabayayaran mo na ba yung inutang mo kay papa noon na two hundred thousand?" I smiled sarcastically

Hindi siya sumagot. Yumuko siya at napailing.

I smiled and looked at my ninang. "Hi ninang! Ikaw yung isa sa mga ninang ko na dumalo sa binyag ko. Kamusta pagbebenta mo ng bahay? May nakukuha ka naman bang komisyon?Hirap kapag ikaw lang nagtatrabaho ano? Sabihin mo kaya kay tito na tumigil na sa pagsusugal. Huwag kang mag-alala ninang, sa'yo ko kukuha ng bahay pagnagka-work na ako. Hintay lang ah—"

"Sadie!"

Lumingon ako kay Tita Ruth. Nakakunot ang noo niya habang matalim ang tingin sa'kin.

"Po?"

"Bakit ka ganyan makipag-usap sa'min? Baka nakakalimutan mo, matanda ang kaharap mo. Hindi ka ba nahiya?! Wala ka bang pake sa nararandaman namin?" mariin niyang sabi

I scoffed. "Sa nararamdaman niyo? Paano ako? Hindi niyo din ba naisip yung nararamdaman ko? Hindi ba kayo aware sa mga masasakit na salita na binitawan niyo kanina sa'kin?"

"Aba, sumosobra ka na ah. Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman ganito noon ah," she said in disbelief

"Ganyan mga kabataan, habang lumalaki nagiging pasaway," singit ng isa kong tita

I bit my lip. "Pamilya ko ba talaga kayo?"

"Oo naman! Pamilya tayong lahat kaya bakit ganyan ang mga lumalabas na salita sa bibig mo?"

"Kung pamilya tayo dapat marunong tayong makiramdam sa isa't isa. Mas matanda nga kayo pero hindi ibig sabihin nun ay pwede niyo kong bastusin. Konting respeto naman po," mariin kong sabi

I've never felt this angry before and I rarely get angry. I'm always jolly and optimistic. Hanggat maari ang nginingitian ko lang ang problema kahit na mabigat din sa pakiramdam ko. Hindi ko nalang pinapansin ang sinasabi ng iba. Above all, I always choose to be happy....but there are some people who really have the nerve. Hindi ako makapaniwala na pamilya ko pa mismo talaga. Ang toxic nila. Alam kong mali ang ginawa ko pero sumorobra na sila. I won't let them insult me anymore.

"Masama bang magpakatotoo? Masama bang mag-bigay ng opinyon?Masyado ka namang sensitive," sabi nila

My lips twitched. Unti-unti nang nauubos ang pasensiya ko.

"I'm also being honest to everyone. If you really care about other people's feelinga then stop body shaming me. Stop asking questions about my personal life. Stop asking about my financial situation. Stop degrading my course. Stop insulting me!" hingal na hingal kong sabi

Everyone went silent. Kita ko ang gulat sa mukha nila. Napahawak sa bibig si tita. I can see disappointment in their eyes. Napailing nalang ang iba, halatang nagtitimpi.

Nakakatawa.

Sa huli, ay ako pa ang nagmukhang masama.

They act as if they didn't hurt me. They're unbelievable!

I don't know if I can attend another family gathering after this. I probably wouldn't bother.

"Sadie. Hindi ko nagustuhan yung ginawa mo kanina. Nakakahiya. Mga kamag-anak mo yung nandoon."

Nasa kotse na kami ngayon pauwi aa bahay. Gabi na at pagod nadin akong magpaliwanag kay mama. I honestly don't want to talk about it. I knew this is coming. My relatives must have told her what happened.

"Kapag ginawa mo pa yun, hindi na kita isasama ulit," galit niyang sabi

I sighed. "I'm sorry. Hindi ko din alam kung bakit ko sinabi iyon," humina ang boses ko. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang daliri

"Hindi ka dapat sa'kin mag-sorry."

Natigil lang ang sermon ni mama dahil inawat na siya ni papa.

I took my phone out and plugged my earphones in my ears. I laid my head on the window and listened to some music to cheer me up.

I don't know what I'll do without music.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top