02
#LIT02
"What a powerful Name it is. The Name of Jesus. What a powerful Name it is. The Name of Jesus," I sang the last line as the background slowly strating to fade.
I opened my eyes and the crowd clapped their hands for me. I smiled at looked at my piano teacher behind me.
"Amen!" some yelled
I returned the microphone on the mic stand and went down the stage. Nakita kong umakyat naman ang pastor namin doon.
"Ang ganda talaga ng boses mo!" puri ni Amanda, my churchmate
Umupo ako sa tabi niya at pinatong ang Bible ko sa hita ko. "Medyo nahirapan nga ako sa dulo kasi ang taas eh pero buti nalang binabaan ni ma'am yung key," sabi ko at ngumiti
"But you still sound great!"
"Salamat. Mataas kasi yung song, pang soprano eh yung boses ko alto. Diba sa choir alto ako lagi."
"Oo nga. Na-enjoy ko din yung choir niyo last Sunday. Grabe ang galing niyo lahat kumanta!" she proudly said
"Yung mga worship songs kasi matataas talaga kaya nga minsan naglilipsync nalang ako kapag hindi ko na maabot yung notes," I chuckled
She pouted. "Sana marunong din ako kumanta kaso mahiyain kasi ako."
I held her hand. "Actually nung una hindi ko din alam na may talent din ako sa pagkanta."
"Talented mo nga eh. You can paint and you can sing too! I envy you," she sighed
"What does Psalm 139:14 says? 'I praise you, for I am fearfully and wonderfully made. Wonderful are your works; my soul knows it very well.'" sabi ko
Ngumiti siya sa'kin.
"He intentionally created you just as it pleased Him and so there is no reason to feel insecure about your body or looks," dagdag ko
"Thanks Sadie for always reminding me. I am God's wonderful creation," she proudly said
Ngumiti ako pabalik.
Nakita kong tumingin siya sa buhok ko. "Oh, your hair is black again," she said and touched it
"Ahh oo. Pinakulayan ko ulit ng black. Malapit na pasukan eh," nahihiya kong sagot
"Bagay sa'yo black."
"Thanks. I already miss my pink hair tho. Next summer magpapakulay ako ulit," I said enthusiastically
"Sariah," someone called behind me
Tumingin ako sa likod. "Ate Marie!"
She smiled sweetly. She looks pretty wearing her purple dress.
Nakaupo siya sa upuan sa likod ko. She leaned closer to me. "I've watched your performance at the back and you sound amazing."
My heart flutters. "Aww, thank you! Mas maganda padin boses mo sa'kin."
Ate Marie is one of my churchmate, much older than me. Siya kadalasang nagsosolo at ang ganda din ng boses niya. Soprano siya sa choir. Her face is angelic so is her voice!
She smiled sweetly. "Di naman. Papaka-humble muna ako," she joked
Mahina akong tumawa. Nagpatuloy kami sa pagkwekwentuhan pero biglang nagsalita ang pastor kaya binalik ko ang tingin sa harap.
"Please open your Bibles to Mark 11:24," he announced
The verse was written on the screen projector behind him. I opened my Bible and stood up.
"Let us all read," he began
"Therefore I tell you, whatever you ask for in prayer, believe that you have received it, and it will be yours," we all read
Pagkatapos naming basahin iyon ay may kinanta kaming isang song bago umupo.
Tumingin ako sa likod at nakitang unti-unting napupuno ang simbahan. Nagtama ang mata namin ni mama. Magkatabi sila ni papa sa may likod. Agad kong binalik ang tingin sa harap at nakinig ng sermon.
I wrote the verse on my small notebook including the text. Tahimik lag akong nakikinig sa harap. I covered my mouth using my hand to prevent myself from yawning. Talagang hindi maiiwasan antukin sa simbahan. Naramdaman kong siniko ako ni Amanda sa tabi ko. She handed me a mint candy.
Tumingin ako doon. "Thank you," I whispehered
Kinuha ko iyon. Tumingin muna ako sa paligid bago mabilis na sinubo iyon. Muntikan pang gumulong yung candy sa sahig. Kinabahan ako bigla baka may makakita.
Sinipsip ko ang candy sa bibig at binalik ang atensiyon sa harap.
"There is another verse here in II Corinthians chapter 5 verse 7," he said
Agad naming hinanap sa Bible ang II Corinthians. Inaamin kong hindi ko pa gaanong saulo ang Bibliya at ang laman nito mula Old Testament at New Testament. Basta ang alam ko magkakasunod ang Matthew, Mark, Luke at John.
"Nasa New Testament yun Sadie. Bakit ka naghahanap sa Old?" natatawang sabi ni Amanda
I flipped my Bible and started to scann the pages from the back. Sa Revelation
"For we live by faith, not by sight," the pastor said
I started to sing the Bible song. "First and second Corinthians, Galatians, Ephesians, Philippians, Colossians...First and Second Thessalonians," I hummed
Finally I've found the boon of Corinthians! Singing the Book of the Bible song helped me find it. Kailangan ko talagang imemorize iyon para hindi na ako mahirapan sa paghahanap sa susunod.
Pagkatapos ng simba ay nagsiuwian na kami.
"Bye Sadie! Se you next Sunday!" Amanda waved at me
I smiled. "Bye!"
"Sadie! Halika na," tawag ni mama
Lumingon ako at nakita sila sa labas ng simbahan na naghihintay sa'kin. I ran towards them but I suddenly bumped into someone. My Bible dropped on the floor.
"Hala, sorry—"
Pupulutin ko na sana ang Bible ko pero naunahan niya ako.
"Here," he said
I slowly lifted my eyes on him. Napalunok ako at napakurapkurap habang nakatitig sa kanya. He's wearing a blue polo shirt and maong pants. His hair was a bit curly and has a shade of brown to it. Mukha siyang may lahi. I was surprised because he looks unfamiliar to me. Halos kilala ko ang members ng church namin maliban sa kanya. I guess he's one of the new members.
"Sadie!"
Natauhan ako nung bigla ko ulit narinig ang boses ni mama.
"Ahh sorry at salamat," sabi ko at mabilis na kinuha sa kanya ang Bible ko. Tumakbo na ako palayo.
"Wait—"
I turned around and he also handed me my pen. My lips parted. "Uh, thank you!" sabi ko at kinuha iyon
Pagkalabas ko ng simbahan ay sinalubong ako nila mama at papa.
"Bakit ang tagal mo?" si mama
"Sorry hehe," sagot ko at napakamot sa ulo
She sighed. "Tara na at magluluto pa ako ng hapunan natin. Gutom na ako," sabi niya at siyang naunang naglakad
Inakbayan naman ako ni papa. "Ang galing mo kanina anak!"
I smiled and held his arm. "Thanks pa! Ganda ba ng boses ko?"
"Oo. Biniyayaan ka talaga ni Lord kaya lagi kang magpapasalamat sa kanya sa talentong binigay niya sa'yo," paalala niya
I smiled. "Of course! I always use my talents to praise and worship Him."
Ginulo niya ang buhok ko. Sabay na kaming naglakad ni papa dahil sobrang layo nadin ni mama sa'min.
"Sara! Hintay naman diyan!" sigaw ni papa kay mama
I laughed. "Ma!" tawag ko din
***
"Malapit na pasukan mo ah. Nakapag-enroll ka na ba?"
Sabay kaming kumakain ngayon ng lunch. I swallowed the food inside my mouth first before answering her.
"Opo."
Since I'm already in college, ako nadin ang nag-eenroll sa sarili ko. Sabi ni mama malaki na daw ako kaya matuto na daw ako sa mga ganung bagay. Minsan nga ay inuutusan niya din akong magbayad ng kuryente at internet namin. Naiintindihan ko naman dahil marami din siyang gawain.
"Ano'ng balak mo pagkagraduate?" tanong niya
I bit my lower lip. "Hindi ko pa alam eh."
She sighed. "Sabi ko naman sa'yo huwag ka nang mag-Fine Arts eh. Wala namang pera diyan."
Her last words echoed inside my ears.
Wala namang pera diyan.
I swallowed hard. Nakatingin lang ak sa plato ko.
"Tignan mo, hirap ka tuloy mag-isip kung ano'ng magiging trabaho mo. Sigurado akong magiging maliit lang ang sweldo mo," dagdag niya
Pinanood ko siya habang kumakain. Hinawakan siya sa kamay ni papa. "Sarah naman."
Tumingin si mama sa kanya. "Oh bakit? Nagiging practical lang naman ako. Sana matuto din siyang maging practical sa mga bagay bagay."
Pinilit kong ngumiti. "Naiintindihan ko naman."
I continued to eat like it didn't hurt.
"Sadie..." tawag ni papa
Tumingin ako sa kanya.
"Sana hindi mo mamasamain ang sinabi ng mama mo sa'yo. Gusto lang namin yung best para sa'yo. May punto din naman siya. Sa panahon kasi ngayon, hindi madaling kumita ng pera eh. Gusto lang namin na—"
"I understand pa. M-makakahanap naman ako siguro ng magandang trabaho," sabi ko nalang
He smiled weakly. Tinignan ko si mama at siya na ang naunang tumayo bitbit ang pinagkainan.
Uminom ako ng tubig at pinagpatuloy ang pagkain.
"Sadie," tawag ni mama
"Po?" sagot ko habang naghuhugas ng mga plato
"Pagkatapos mong maghugas diyan. Bigay mo ito sa kapitbahay."
I saw her putting food inside a tupperware.
"Ano 'yan ma?"
"Bilo-bilo. Meryenda natin mamaya. Marami akong niluto kaya bigyan mo yung kapit bahay natin. Yung bagong lipat."
Nanlaki ang mata ko. "May bagong lipat?!"
"Paulit-ulit ka."
I giggled. Maslalo kong binilisan ang paghugas. Hindi ko alam pero excited akong makilala ang bago naming kapitbahay. Buti nalang lahat kami ay close at lahat sila ay mababait din.
"Hintayin mo munang lumamig ito bago takpan ah. Pupunta na akong shop," bilin niya bago lumabas ng kusina
Pagkatapos kong maghugas ay pinunasan ko ang kamay ko sa shorts ko. Tinignan ko yung luto ni mama na nasa malaking kaldero. Chineck ko din yung nakahiwalay na tuppereare na ibibigay ko at medyo mainit pa iyon. While waiting, I decided to eat first. I took a bowl and a spoon. Nagsandok ako ng akin. Amoy palang ay natatakam na ako.
I smiled in anticipation. Hinipan ko muna iyon bago kainin. Napaso ang dila ko nung nakain ko yung bilo-bilo.
"Ang sarap padin! Ang sarap talaga magluto ni mama," I said while enjoying the meal
Pagkatapos kumain ay nilagay ko sa lababo ang pinagkainan. Kagaya ng utos ni mama ay tinakpan ko ang tupperware at binitbit iyon. Lumabas na ako sa bahay para iabot ito sa bagong kapitbahay.
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. "I can't wait to meet them! Sana may alaga silang cute na aso."
Habang naglalakad ay binati ako ng ilang kapitbahay namin. Magkakadikit lang kasi ang mga bahay namin.
"Goodafternoon Sadie."
"Goodafternoon din po!"
Nakita ko si Aling Marian na nagwawalis sa bakuran nila. Nginitian niya ako. Ngumiti ako pabalik at kumaway.
Huminto ako dahil naalala ko na hindi ko alam kung aling bahay ba nakatira ang bagong lipat.
"Uh, Aling Marian," tawag ko
Tumigil siya sa pagwawalis at tumingin sa'kin. "Oh, bakit?"
"Saan po yung bagong lipat? May...may bago daw pong lipat dito," nahihiya kong tanong
"Ahh oo meron nga. Doon oh, sa dulong bahay," sagot niya sabay turo gamit ang walis
I smiled. "Salamat po!"
Nagsimula ulit akong maglakad. Hinawakan kong mahigpit ang dala ko. Habang papalapit ay naaninag ko na sila. Sigurado akong sila iyong bagong lipat dahil nakita ko silang tinatanggal ang gamit sa trunk ng kotse.
Napangiti ako at naglakad papalapit sa kanila. Nakatalikod sila sa'kin habang nilalabas ang gamit nila sa kotse. I don't know why but they look like a couple. I saw the guy kissed her on the forehead. I find it cute! Kainggit naman. Sa tingin ko ay mag-lilive in silang dalawa. Well, they kinda looks young tho about the same age as mine but it's not my business anymore.
I smiled widely. "Hi new neighbor—"
Muntikan ko nang mahulog ang hawak ko nung sabay silang humarap sa'kin. My knees suddenly felt weak. Bumilis ang tibok ng puso ko maslalo na nung nakita ko ang babae na kasama niya.
Nagtama ang mata namin. Binalik ko ang tingin sa lalaki at halata din ang gulat sa mukha niya.
I blinked twice. Parang nagbara ang lalamunan ko. Hindi ko magawang magsalita.
How can I calm down when my ex is literally right in front of me with his new girlfriend?! And the worst part is...they're my new neighbors! Why Lord?!
Hindi ko inalis ang paningin sa kanya. Those dark almond eyes, chiseled chin, perfect jawline, thick eyebrows and pink lips. How I miss—
I shook my head. What the hell Sadie? Stop fantasizing over him. You've already moved on right? It's been two years since you two broke up. Nakahanap na siya ng bago.
I wanted to speak but I couldn't. I can't help but to get lost in his eyes. He has changed a lot, I must say, kumpara sa huli kong kita sa kanya. I can't even remember the last time we've seen each other.
"Do you guys...know each other?" the girl beside her asked
I looked at his new girl. His long straight jet black hair fall softly on her hips. My eyes widened when I saw her wearing a Paramore shirt too! Almost the same as mine. Makapal ang eye-liner niya sa mata. She's also wearing a red dark lipstick.
"Ah no! I mean—"
"I'm your new neighbor," I blurted
Hindi ko alam kung bakit biglang lumabas iyon sa bibig ko.
Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa. The girl gave me a small smile which is unexpected. "Hi! My name is—"
"Ahh s-sige una na a-ako! Nice to meet you too!" sabi ko at tinalikuran sila. Mabilis akong tumakbo palayo.
Ang bilis padin ng tibok ng puso ko. Para akong masusuka. Ngayon ko lang napansin na bitbit ko pala ang tupperware! I forgot to give it to them! But how am I suppose to give it to them knowing that—Aish!
Should I go back?
But that would be too embarrassing!
Nakonsensiya pa ako sa ginawa ko sa babae. Bigla ko nalang siyang tinakbuhan. Baka isipin niya na rude ako. Ang totoo niyan eh nadala lang ako ng takot at kaba.
I mean, I didn't expect they're the new neighbors!
Sinapo ko ang noo ko. "Nakakahiya ka naman Sadie!" sabi ko sa sarili
Bakit sila pa?! Out of all people?!
Biglang lumitaw ulit sa isip ko ang itsura ng ex ko kanina. Aaminin ko na medyo kumirot ang puso ko nung tinanggi niya na hindi niya ako kilala. Halata naman sa boses niya nagsisinungaling siya. I also got nervous because I thought the girl knows me. Mukhang wala siyang alam sa past ng jowa niya.
Huminto ako at hinabol ang hininga. Ngayon ko lang napansin na basa ang damit ko dahil naghugas ako kanina. Napapikit ako sa kahihiyan.
Luckily, the tupperware was closed tightly and the food inside didn't spill.
Bumalik na ako sa bahay. I tip toed my way inside. I checked if my mother was around.
"Sadie."
Nagulat ako dahil biglang tumambad si mama sa harapan ko. Nakita kong tumingin siya sa hawak ko.
Napalunok ako at humigpit ang hawak ko sa tupperware. "M-ma! Ano'ng ginagawa mo dito? Akala ko nasa shop ka—"
"Bakit hindi mo pa binibigay iyan? Hindi mo ba narinig yung inutos ko?"
"Ahh...kasi ano eh," nauutal kong sabi habang nag-iisip ng dahilan
Mas kinabahan pa ako ngayon sa harap ni mama kaysa kanina pagkakita sa ex ko.
"Ano?" ulit niya
"Ano kasi...a-allergic sila sa gatas!" I blurted
Kumunot ang noo niya. "Ano?"
Tumango ako. "Oo! Tama. Sabi nila sa'kin allergic daw sila sa g-gatas kaya h-hindi sila pwede n-nito," I said and chuckled nervously
Naningkit ang mata niya na halatang duda sa sagot ko. Umayos siya bigla ng tayo. "Sige na, balik mo nalang 'yan sa kaldero," sabi niya at nilagpasan ako
I smiled. "Pwedeng akin nalang?"
"Hindi ka pa ba nakain? Nakita kong may isang mangkok sa hugasin."
I pouted. "Gusto ko pa eh. Ang sarap kaya."
I heard her sigh. "Sige na, sige na. Balik na ko sa shop," sabi niya at lumabas na ng bahay
I sighed in relief. That was close. Ayoko din namang sabihin sa kanya na nakita ko yung ex ko edi magkakaroon pa siya ng follow-up questions.
Kumuha nalang ako ng kutsara sa kusina at kinain itong bilo-bilo. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot.
I guess I still haven't moved on...
It hurt when I saw her with another girl.
Mukhang siya ay naka-move on na pero bakit ako hirap na hirap?
He's my first boyfriend afterall. First heartbreak too.
I wish I can just forget about him but at the same time I don't. Eventhough he's my ex, he has become a part of my life. He will always have a special place in my heart...
Good thing was that we ended on good terms. No hard feelings. We had a closure. I just don't know what happened between us.
Kinagabihan sa kwarto ay binalita ko ang nangyari sa mga kaibigan ko. I told the story on our gc. Nagulat ako dahil ang bilis nilang nagreply. Kapag usapang past talaga alive na alive eh pero kapag schoolworks, parang may funeral sa sobrang tahimik.
Benjie: Omg sis, nag-comeback si ex?
Irene: Nag-comeback with someone new
Benjie: Aruy!
I rolled my eyes while typing.
Ako: Hindi ko talaga ineexpect na makikita ko siya at magiging kapitbahay pa
Benjie: Pwede bang videocall nalang guys? katamad magtype eh. Tsaka para mas maganda ang kwento!
Ako: G
Irene: I'm busy writing
Ako: Kwento ko nalang sa inyo sa pasukan
Benjie: Tagal pa sis!
Ako: Lapit na kaya..Enrolled na ba kayo?
Benjie: Yes
Irene: Yeah.
Ako: Where's Minnie pala? She's not online
Irene: She's probably at her father's restaurant helping him
Benjie: Akala ko kasama mo
Irene: Let's just meet tomorrow sa pub. I heard a new band is gonna perform there.
Benjie: Sige! Gusto ko ding uminom.
A pub is like our usual 'tambayan.' It's just a bistro bar near our school. Marami ding natambay dun na estudyante dahil may mga OPM bands na nagpeperform doon paminsan minsan.
Ako: I'm in!
Irene: Alright. I'm out guys. I'm sleepy. See you tomorrow!
I stared at her last message. Nagreact ako ng heart emoji doon at laughing emoji naman si Benjie. My eyes widended when I saw the time. It's already one o'clock! I promised myselfy I won't stay up late again 'cause school's about to start again. I have to fix my body clock before school's starts.
Pinatay ko ang phone ko at pinatong iyon sa lamesa pero bigla ulit tumunog iyon. I checked it and saw a private message from Benjie. I quickly opened it.
Benjie: Sigurado ako magkasama lang si Irene at Minnie. Bebe time nila ngayon.
I laughed silently. Ang hyper padin talaga ni Benjie kahit na madaling araw na. Hindi ako makatawa ng todo dahil baka marinig ako ni mama. My parents room is literally beside mine. Ayokong mahuli nila ako na nagpupuyat, sigurado akong papagalitan ako ni mama.
I covered myself with a blanket and reacted a laughing emoji on his message.
Another notification popped up and I accidentally clicked it. Napunta ako bigla sa facebook.
My smile faded when I saw his name written on the screen and below it is a picture of us from two years ago at a Paramore concert.
You have memories with Niall Clinton and 2 others to look back today.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top