Chapter 34 . Two shall become One
Sabi nila.. mahirap maghintay, lalo na kung sobrang gulo na ng lahat kaya minsan sumusuko nalang tayo at hindi natin iniisip kung anong mangyayari kung ipagpapatuloy natin hanggang dulo.
Pero naitanong ko minsan sa sarili ko, paano natin makikita ang dulo kung susuko tayo sa gitna?
Takot tayo masaktan? Oo, maraming takot masaktan pero kung tatapusin natin hanggang sa dulo, atleast masasabi natin na sinubukan natin, ginawa natin ang lahat para maging masaya tayo.
Sa ganoon.. walang pagsisisi at magiging masaya tayo.
Masaya tayong susulong at haharapin ang hinahaharap ng mas matatag at karapatdapat sa taong nag mamahal sa atin.
"Anak? Ready ka na ba?"
Napangiti ako sa pamilya ko na nasa pintuan ng waiting room ko. Tumango naman ako. Lahat sila ay masaya para sa akin.. lahat sila ay proud sa akin at yun lang naman ang gusto ko.
"Yes. I am ready" sagot ko at mas ngumiti ng matamis.
Ito na ang araw ng hinihintay ko. Ang pagsusumpaan sa harap ng Diyos.
"May gustong makakita sayo" sabi ni mommy at biglang lumitaw si Zicko, Bea, Caly, Ram at Ella.
Mga taong nakasama ko, sa lahat..
"Ina!"sigaw ni Caly at Bea.
Natawa ako at hindi napigilan ang pangingilid ng luha.
Lumapit sila sa akin at isa isa akong binigyan ng yakap. Nakita ko na naka hawak sa bewang ni Caly si Zicko at si Ram naman kay Ella.
"Congratulations!" sabi ni ella at yinakap ko siya ulit.
Kasama ko siya noong mga panahon na nag momove on ako sa Australia at hinding hindi ko makakalimutan yon.
"Guys.. thank you so much for everything and boys.. don't you dare hurt my bestfriends!" sabi ko at tumawa naman sila.
Tumingin ako kay Caly na halatang lumalaban parin sa sakit niya. Pero isa lang ang masasabi ko.. mas ayos na siya ngayon, hindi na maputla tulad ng dati at naniniwala ako na konti nalang ay matatalo na niya ang sakit niya.
"Sige na! Mag reready na rin kami sa pagpasok." sabi ni Bea at nagpaalam na rin sila.
Nakita ko naman na pumasok si Kuya Third at Ate Rean. Yinakap ako ni Ate Rean at yinakap ko rin siya pabalik. I'm happy that they're okay now.
"Naunahan mo pa kami.. Congratulations" sabi niya at biglang may kinuha siya sa bag niya.
Nakita kong naglabas siya doon ng bracelet at sinuot niya sa akin yun.
"Thank you ate" saad ko at yinakap ako ulit. Hindi ata ako mapapagod na yakapin sila ng paulit ulit.
Napatingin naman ako kay Kuya Third at nakangiti siya sa amin.
"Kuya Third" tawag ko sakanya at yinakap ko rin siya.
"Thank you for everything princess.. I love you." Bulong niya at hinalikan ako sa noo.
"I need to get ready and you also need to get ready." Aniya at tumango naman ako.
Umalis na sila at hindi na rin ako umupo dahil nakita ko na yung mag bibigay ng signal sa akin, sinenyasan niya ako kaya tumango ako.
"Time to get ready for your entrance na po mam" aniya at ngumiti naman ako.
Kinuha ko ang bulaklak at pumikit. Huminga ako ng malalim at naglakad na papunta sa entrance. Pagkatapat ko sa pintuan ay bigla itong bumukas at nakita ko ang maraming tao. Lahat sila ay nakangiti at masayang masaya para sa akin. Tumayo sa tabi ko si mommy at daddy, si mommy ay umiiyak na kaya hinigpitan ko ang hawak sakanya.
Naglakad kami dahan dahan sa aisle. May mga tao na naiiyak na sa sobrang tuwa at napangiti naman ako dahil alam ko na masaya sila para sa akin. Napatingin ako sa dulo, nakita ko ang dalawa kong kuya at ang taong mahal na mahal ko.
Napakagwapo niya ngayon at parang may tumusok sa puso ko nang nagtama ang mata namin. Nakangiti lang kami sa isa't isa at hindi ko mapigilang mapaluha. Nung makarating na kami sa dulo ay inabot na ako ni daddy kay Travis.
"Take care of her" sabi ni daddy at tumango naman si travis.
Inalok niya sa akin ang braso niya kaya tinanggap ko iyon. Tumingin siya kay daddy at ngumiti.
"Of course sir" tugon niya at inalalayan na ako sa harap ng altar.
Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil ito na para bang sinasabi na magiging maayos na ang lahat. Tumingin ako sa itaas.. thank you Lord.. thank you for everything.
Nagsimula na ang kasal at sa buong oras na yon ay ako na ata ang pinaka masayang babae.
"Do you, Travis Morgan take Alina Scott to be your lawfully wedded wife?" tanong ng pari kay Travis at tumingin sa akin si Travis ng nakangiti.
"I do" sagot niya.
Kanina pa nangangawit ang panga ko dahil kahit na lumuluha ako ay nakangiti pa rin ako.
Gustong gusto ko ng sabihin sa pari na I do pero syempre kailangan kong maghintay.
"Do you, Alina Scott take Travis Morgan to be your lawfully wedded husband?" tumingin ako kay Travis nung tinanong sa akin yon.
"I do" sagot ko.
Hindi ko maitago ang kasiyahan ko ngayon. Sobrang saya ko na kami pa rin sa huli.
"The wedding ring symbolizes unity, without beginning or end and today Travis Morgan and Alina Scott exchange these rings as confirmation of their vows to join their lives, to work at all times to create a life that is complete and unbroken and to love each other unconditionally. May the lord bless this rings which you give to each other as the symbol of your love." sabi nung pari kaya nagharap kami ni Travis.
"Alam ko na hindi naging madali ang lahat para sa atin, I am a bad man before or worst but you didn't gave up on me. You love me even though I kept on making you cry. I am a one lucky man to have you and I promise to love you now, tomorrow and forever so I, Travis morgan take you as my lawfully wedded wife" Mahinang wika ni Travis. Mahina ang pagsasalita niya dahil nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.
He wants to cry..
Nanikip ang dibdib ko dahil doon kaya hindi ko mapigilan ang maiyak habang sinasabi niya sa akin iyon.
Isinuot niya sa akin ang singsing.
"You kept on telling me that you are so lucky because of me but I want to tell you that I feel the same.. I am also lucky because of you. Thank you for fighting for me and thank you for loving me more than what I deserve, I promise to be a good wife and love you now, tomorrow and forever. I want to start my happy ever after with you so I, Alina Scott take you as my lawfully wedded husband" sabi ko sakanya at nagpalakpakan ang mga tao.
"As they pledged themselves to meet sorrow and happiness as one family before God and this community of friends, I now pronounce them husband and wife. You may now kiss the bride" pagkasabi nung pari nun ay dahan dahan inalis ni Travis ang belo sa harap ko at ngumiti sa akin.
"It's awkward to kiss infront of them" sabi ko at ngumiti naman siya ulit.
This is man really something.. dahan dahan siyang lumapit sakin kaya napapikit ako and I felt his lips on mine.. from that moment on.. I felt that we became one.
"So mommy.. ganoon kayo nagkatuluyan ni daddy?" tanong ng anak ko sa akin at tumango ako.
"Yes baby" sagot ko habang sinusuklayan siya.
Narinig ko naman ang pag hagikgik ng anak ko.
"Ang sweet ni daddy" Aniya at wala sa sariling napangiti ako. Inayos ko ang buhok niya at umupo sa tabi niya.
"Sus pin-pin.. ilang beses mo na ba pinakwento kay mommy yan ah!" sigaw naman ng kapatid niya.
Hindi ko mapigilan ang matawa sakanila. My twins are really something.. mana sa ama.
"Hoy Jojo! pakialam mo ba?! Maglaro ka nalang diyan ng walang kwenta mong robot!" sigaw ni Josephine ang babae kong anak.. kahit mas matanda ng ilang minuto si Joseph sakanya ay hindi pa rin niya tinatawag ng kuya to. Pinigilan ko na sila bago pa mag away.
"Sige na mga bata.. baka mag away pa kayo.. parating na rin si daddy niyo niyan, bahala kayo wala kayong pasalubong at diba.. sinabi ko na sainyo na mahalin niyo ang isa't isa dahil sa huli kayo lang ang magkakampi. Naiintindihan niyo ba yun? Joseph and Josephine?" sabi ko sakanila at natawa naman ako nung tumakbo sila at yinakap ako.
They're very sweet, ayaw ko na yatang tumanda pa sila.
"Josephine! Joseph!" narinig namin sigaw ni Travis na kararating lang.
Sigurado akong may pasalubong sila. Nagmadali silang tumakbo at pinuntahan ang daddy nila.
Tumakbo sila at nagpakarga sa daddy nila, nagkatinginan kami at ngumiti kami sa isa't isa. From my place, sobrang saya kong makita ang lalaking mahal ko at ang dalawang anghel ng buhay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top