Chapter 29 . The Truth

"Why do you look so sad?"

Napatingin ako sa may pintuan at nakita ko si Kuya Chand.

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng marahan.

"Nothing kuya.." sagot ko at tumingin sa langit. Nasa veranda kami ngayon.. nag iisip kasi ako kung anong gagawin ko sa mga susunod na araw.

Nagiisip ng bagong kasinungalingan para sa sarili ko. I'm telling lies to myself to save myself from the pain. To save Travis from me..

I'm thinking how can I stop thinking about him..

"Don't lie.. I am your brother. I know you" aniya at tumabi sakin. 

"Why did you fight for Bea? I mean.. why did you choose to fight for her even though alam mo naman na ikaw ang dahilan bakit siya nasasaktan? You left her.. ikaw ang nang iwan kuya diba? Ikaw ang rason bakit siya nasaktan ng sobra noon. So why did you fight for her after five years?" hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga salitang yun pero sa ngayon alam ko na si Kuya Chand ang makakatulong sakin.

I want to find a reason too.. kahit ano pa 'yon.

"Simply because I love her.. no explanations."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tama nga naman, if you love person, dapat ay walang tanong at hindi kailangan ng rason. Pero sa lagay ko.. hindi ata pwede.

Napangiti naman ako at humugot ng malalim na hininga.

"Pwede ba yun? Is it not being selfish?" tumingin ako kay kuya.

Ngumiti siya sa akin at napayuko nalang ako. I feel so pathetic..

"I did it right? That means na napatunayan ko. We don't need reasons to fight for someone.. we do it because we want to. It is not being selfish, I know that I can fight for her so why not? I realized that I can't live without her." Aniya at hinalikan ako sa noo.

Pumikit ako at tumango.

Kahit ano atang sabihin ni Kuya.. hindi ako makakapag isip ng tama. My mind is in chaos right now..

"You need to go sa isang resort tomorrow for checking and para makita mo kung pwede bang mag add ng another branch don, you will be there for two days and by the way princess.. stop tormenting yourself."

Tinalikuran niya ako at iniwan ako doon. Resort? Maganda na siguro 'to para hindi ko makita si Travis.

Seeing him will only make me feel bad and in pain.

Pumasok na din ako sa kwarto ko at nag handa na para bukas.

"Mam.. sorry po pero hindi pa po tayo makakaalis. May hinihintay pa po eh" sabi ng sekretarya ko.

Isang oras na kaming naghihintay pero hindi parin kami pinapaalis.

Humalukipkip ako dahil sa inip.

"What? Sino ba ang hinihintay natin?" tanong ko pero nang mag angat ako ng tingin ay parang nakagat ko ang dila ko.

"Sorry I am late. Late announcement din kasi" sabi ni Travis at ngumiti.

Sa sobrang inis ko ay pumasok ako sa helicopter mag isa.

Nakakainis! This trip should be mine! It's for my time and space tapos nandito siya? Paano ako makakapag isip ng maayos nito? Of course! I wouldn't be able to think properly!

"Hey.. I said I am sorry" sabi niya sakin pagkaupo niya pero hindi ko parin siya tinitignan.

"What are you doing here? Kaya kong mag isa dito." sabi ko pero narinig ko siyang tumawa.

"I dont know.. Chand told me to go here" parang napantig ang tenga ko. Si Kuya Chand? siya ang nagpapunta sakanya dito? 

Nagring bigla ang cellphone ko at nakita kong may message don.

'Fight for it' - Chand Sungit

Mariin akong napapikit sandali bago ko tinuon ang mga mata ko sa labas ng bintana.

"Sorry for coming. Looks like I am not welcome here. I'll just leave" sabi niya at akmang baba na pero hinawakan ko ang kamay niya.

I'm not that bad..

"No.. you don't need to. Ano naman ang konting pagtitiis sa dalawang araw." sabi ko at tumingin nalang sa bintana.

Tahimik ang buong byahe.

I found it peaceful.. pero hindi nawala ang pag bilis ng tibok ng puso ko maya't maya. Lalo na pag gagalaw siya.. sa maliit na bagay na 'yon ay mababaliw na ata ako.

"I'll help you" alok niya at nilahad ang kamay niya noong bababa na kami sa helicopter pero hindi ko siya hinawakan.

"Deretso na ako sa room ko.. mag kitakita nalang tayo mamayang twelve noon then let's have a survey para matapos agad to. They need us sa Manila so we need to finish this faster." saad ko at nagpatuloy na sa kwartong naka assign sa akin.

How am I going to move on kung lagi siyang nandyan? Hirap na hirap na nga ako na mabuhay ng wala siya tapos ipapamukha niya pa sa akin na sobrang lapit niya na sa akin pero hindi ko siya magawang malapitan nang hindi iniisip ang ibang mga bagay..

Dumeretso na ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko. Pagkatapos kong mag ayos ay umidlip muna ako. Nagising ako ng quarter to twelve na kaya nag ayos na ako.

"Let's eat" saad ko pag katapos ko silang makita sa restaurant.

They're still waiting for me, kaya nakaramdam naman ako ng hiya. I took so long at inaamin kong sinadya ko 'yon. Ayaw ko siyang makita pero ito siya at kasama sa mga nag hihintay.

Nagpatuloy kaming lahat sa buffet table at nasa likod ko si Travis. I tried my best to avoid him pero nakita kong kumuha siya ng shrimp.

"Travis.. bawal ka niyan" sabi ko at binalik ang shrimp.

Natigilan naman siya at doon ko lang narealize kung anong sinabi ko. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. I tried getting myself a dish but.. I can't seem to lift my hand. Dammit.

"I didn't know.. how did you know? I thought you don't know me?" Sunod sunod niyang tanongpero hindi ako kumikibo.

Ramdam ko ang pagkalito sakanya. Wala na akong masabing rason. Naubusan ako..

Nagulat ako nang hilahin niya ang kamay ko at marahas akong hinila palayo doon. Dinala niya ako sa may tabing dagat. Mabilis na ang pag hinga ko dahil sa hindi malamang dahilan.

Napatingin ako sa dagat at nangilid ang luha ko. Naalala ko tuloy nung nag away din kami dito..

"Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako!"sabi ko at pilit na hinihila ang kamay ko mula sakanya.

"Do you know me before? What are we? Are you my girlfriend? Do I love you? Bakit lahat ng tao ay sinasabing mali ako at hindi tayo magkakilala pero hindi yun ang nakikita ko.. hindi yun ang nararamdaman ko. Ang dami dami kong tanong Alina pero kahit isa lang don wala kang masagot. Mukha na akong tanga!" Napataas ang kanyang boses kaya nagulat ako.

Natigilan ako sa mga sinabi niya. Nanginig ako at nag iwas ng tingin pero hinawakan niya ang pisngi ko at pilit 'yon hinarap sakanya. Bumibilis na ang tibok ng puso ko at lumalim na ang pag hinga ko.

Galit na galit siya ngayon. Naramdaman ko nalang na tumutulo na ang mga luha ko.

"For the second time around.. you made me cry in the same place." sabi ko sakanya at lalong kumunot ang noo niya.

Nagsitakasan ang mga luha ko at pilit kong pinigilan ang sarili kong mapahikbi. I can feel the pain slowly..

"Travis.. do you think masasagot ko yung mga tanong mo? Sino ako para sagutin kung minahal mo ako? Travis.. gusto kong ikaw ang makaalala kung anong meron sa atin pero mukhang hindi ko nanaman matitiis na nahihirapan ka. Oo.. girlfriend mo ko, scratch that.. I am your fiance. Oo sinabi mo dati na mahal mo ako and I love you too pero may magbabago ba? Maybe you know now what are we before but it doesn't change the fact that you don't remember me. Hindi pwede na maging tayo just because yun tayo before ka magka amnesia."

Napatakip ako ng bibig dahil hindi ko napigilan ang magpakawala ng hikbi. Mahigpit kong hinawakan ang damit ko at mariin na naiyukom ang palad ko doon. The pain is so unbearable..

Gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi pwede. Laging hindi pwede!

"Why didn't you tell me before? Bakit hindi ka nagpakilala? Bakit wala ka man lang sa tabi ko pagkagising ko? Bakit walang kahit isang tao lang man ang nagsabi kung ano tayo?" tanong niya sakin pero umiling lamang ako.

"Yan! yan ang dahilan. Hindi mo na ako kilala.. the old travis know what kind of person I am.. he knows that I am not the kind of person that will declare that I am his girlfriend. He knows that eveything I do wil always have a reason pero ikaw.. you always question me.. you don't know me. I am not the Alina Scott you love. Right now.. I am Alina Scott.. the one who is making you confused because you know that I know you more than you know yourself but that is it.. yun lang yun. Hindi ka nagiging ganito dahil mahal mo ako.. you are just confused." sabi ko.

Lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha ko. I almost melt because of his touch..

This is so unfair!

"Don't cry.. nasasaktan ako. Alina, maybe my brain doesn't remember you but my heart recognizes you. Please give me a chance.. kahit hindi kita maalala, I know for a fact that I can't live without you." Aniya pero umiling ulit ako.

Hindi nga pwede!

Damn Alina! Umayos ka! Get a hold of everything!

"Maraming hadlang.. nung una tatay mo lang pero ngayon pati ala-ala mo na.. mahirap kalaban yung mga yun. Gusto kong lumaban pero siguro mas maganda kung maalala mo muna ako. Yun ang makakabuti." Halos bulong kong wika.

Lumapit ako lalo sakanya at inabot ang mukha niya. Mariin akong pumikit at hinalikan siya sa noo.

"Travis.. I hope you'll remeber this one.. I love you so much"

Ngumiti ako at tumalikod sakanya..

Palayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top