Chapter 26 . Goodbye

"Trav.. I'm on my way.. see you"

Matamis akong nakangiti habang nag mamaneho. Ni-speaker ko ang call at bahagyang sinabayan pa ang music sa radio.

Magkikita kami ngayon para sa ibang arrangements para sa kasal namin.

"Okay babe.. take care" aniya at lalong lumawak ang ngiti ko.

"Okay.. I love you" saad ko habang naka red ang stop light.

"I love you too" aniya at inend ko na ang call.

Nag green na ulit ang stoplight at dumeretso na ako sa pupuntahan namin. 

Pagkababa ko ng sasakyan ay nakita kong nasa kabilang daan siya at nakangiti sakin.

"HEY!" sabi ko at kumaway sakanya.

Matamis akong ngumiti at nakaramdam ako ng saya habang tinitignan siya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil lang sa munting pagtingin sakanya.

Ngumisi naman siya at tumakbo ako papunta sakanya.

Natigilan ako noong may dumaan na mabilis na sasakyan sa harapan ko.. buti nalang at hindi ako nasagi. Nagtaka ako noong tumigil yung sasakyan at sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko alam paano ako mag rereact. 

Naramdaman ko nalang pumatak ang luha ko kasabay ng pagputok ng baril. Napaawang ang labi ko at napatakip ng bibig ko. I shouted for horror!

He saved me.. he freaking saved me!

"TRAVIS!" sigaw ko at bumagsak siya sa harapan ko. Tumingin ako doon sa taong bumaril sakanya pero mabilis na nakaalis ito.

Mabilis ko siyang dinaluhan at lalong bumagsak ang mga luha ko nang matagpuan siyang wala ng malay. I felt it.. the thing that can cause you so much pain. I'm feeling it right now.

A piece of me was dying..

"TULONG! HELP US PLEASE" sigaw ko habang tumatawag ng ambulansya.

Bahagya siyang nag mulat ng mata. Nanginginig man ang kamay niya ay hinawakan niya ang mukha. I helped him by holding his hand. Bahagya niyang pinunasan ang luha ko pero lalo lamang akong napahagulgol.

My hands were full of blood.

He's crying and I'm crying too. Not just me but my heart.

"Trav.. hang in there" sabi ko habang umiiyak. Ngumiti naman siya.

"Are you okay?"tanong niya sakin pero umiling ako.

How can he ask this? Of course I am not okay! I'm far from being okay!

"Yan parin ang iniisip mo? Ikaw na tong nabaril. Bakit mo ginawa yon?! Ang tanga tanga mo talaga." Saad ko sakanya pero hinawakan niya lang ang kamay ko.

Mahigpit 'yon na para bang ayaw niya akong mahiwalay sakanya.

"Don't cry.. I won't leave you and I did that because I love you so much." sabi niya at pumikit.. kasabay non ang pagdating ng ambulansya at may mga news staff na rin na nandoon. Agad nila siyang inasikaso at sinugod na namin siya sa hospital. 

Ipinasok siya sa operating room at napaupo nalang ako sa upuan doon. Abo't langit na ang kaba ko at hindi pa tumitigil ang mga luha ko sa paglandas.

I want to be there for him..

Pero nakakasama ata ako sakanya..

"Alina!" napalingon ako at nakita ko si mommy at daddy.

"MOM! DAD! Why are you here? how did you know?" tanong ko at yinakap si daddy.

I felt secured. Ngayong nandito sila ay nakakuha ako ng lakas.

"It's all over the news" sabi ni dad at yinakap ako pabalik.

Pinunasan naman ni mommy ang mga luha ko.

"ALINA!" napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Bea, Kuya Chand, Kuya Third at Caly.

Lalo akong napaluha.. they're here comforting me and that made me cry more.

Paano kung may nangyari sakanya? paano kung hindi niya kayanin.. hindi ko pala kaya. Napaupo ako at lahat sila ay pinapatahan ako.

"Hindi ko kaya.. hindi ko kayang mawala siya. Ako dapat ang nandyan.." Napahikbi ako at napatakip ng mukha.

I'm so frustrated. Kung kailan nagiging masaya na kami tsaka magiging ganito.

Kita ko ang pag tataka sakanilang mga mata.

"What? What do you mean?" tanong ni Kuya Third.

Huminga ako ng malalim.

It pains me to say this..

"I was the target but he is so stupid to save me! What am I gonna do?!" sabi ko at yinakap ako ni mommy.

Kasalanan ko kung bakit siya nandito. I am at fault and I can never forgive myself if something will happen bad.

"Ako ng bahala sa may pakana nito.. alam ko na paano siya hahanapin." sabi ni Kuya Third at lumayo muna sa amin. Nakita kong may kausap siya sa cellphone niya.

"Mommy anong gagawin ko? Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sakanya"

I love him so much..

"WALANG HIYA KA!" napatingin kami sa nagsalita at nakita namin si Tito Lance na nag mamartya palapit sa amin.

"Tito.." yan nalang ang nasabi ko nung nakita ko siya.. anong nangyayari?

"ANG KAPAL NG MUKHA MONG PUNTAHAN PA ANG ANAK KO PAGKATAPOS NIYANG MAPAHAMAK NG DAHIL SAYO!" sumigaw siya pero mas nagulat ako nung suntukin siya ni daddy.

"IKAW ANG MAY PAKANA NON! KUNG ALAM KO LANG NA SUSUBUKAN MONG IPAPATAY ANG ANAK KO.. HINDI NA AKO PUMAYAG SAKANILA!" sabi ni daddy habang sinusuntok si Tito Lance.

Pinigilan namin siya at pinaglayo sila.

Lahat ito nangyayari dahil sa akin. Dahil pinipilit ko ang bagay na hindi pwede. Sa katigasan ng ulo ko ay napapahamak at nagugulo lahat.

"Oo! Ako nga ang may pakana.. pagkatapos mong agawin sakin si Ryle. Tingin mo papayag pakong isama mo sa angkan mo ang anak ko?!" galit na galit na sabi ni Tito Lance.

Ganoon na lamang ba ang galit niya sa akin? He can kill me just because of what happened years ago?

"Kung lalayuan ko ba siya..." hindi ko masabi.. hindi ko masabi ang gusto kong sabihin.

Napatingin silang lahat sakin at hinawakan ni Bea ang kamay ko at umiling siya.

Napalunok akp dahil pakiramdam ko ay mabibilaukan ako sa sariling sinasabi. Something is dying in me.

"Kung lalayuan ko po ba siya.. ititigil niyo na to?" tanong ko at natigilan silang lahat.

Sandali akong napapikit para makakuha ng lakas. Parang nahulog ang puso ko at mukha ni Travis ang dumaan sa isip ko.

"Alina.. you don't need to do this" ani Kuya Chand pero umiling ako at ngumiti.

"Hindi ko alam na ganito niyo po kami kinamumuhian. Ang hiling ko lang po ay bigyan niyo lang po ako ng panahon hanggang magising siya, gusto ko lang masiguro na okay na siya at hinding hindi na ako magpapakita sakanya." sabi ko kay Tito Lance at napangisi siya.

Masayang masaya siya habang ako ay unti-unting namamatay. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ko ata kaya ang sakit. It is so hard and painful but for him.. I can do everything.

Even if it means.. letting him go.

It's now between life and death. Love and pain. His life or our love.

I'll choose his life. I will always choose it.

"We have a deal"sabi niya at lumakad palayo.

Napaupo ako sa sahig at napahagulgol. Yinakap ako ni Bea at Caly kaya mas lalo akong napaiyak.

"It's okay.. mas importante siya. Okay lang ako." sabi ko at biglang bumukas ang pintuan ng Operating Room.

"Okay na siya.. dinala na siya sa private room niya. Pwede niyo na siyang puntahan.. pero may konting problema. Hindi niya kayo maalala. It's because of the accident." Paliwanag ng doktor.

Hindi maalala?

Napatingin ako kay dad na mukhang naguguluhan din.

"Gaano katagal?" Tanong ni dad.

"Siguro two weeks? Months? Years? w
We can't tell.. babalik din ang alaala niya.. I'm sorry." sabi nung doctor at lumakad paalis.

Napangiti naman ako ng mapait. This is a sign. Tama ito para sa amin. Hindi na ako mahihirapan iwan siya dahil hindi naman niya ako naaalala.

"Don't worry Alina.. maalala ka non." sabi ni Caly sakin pero umiling ako. 

"Wag na natin siyang puntahan.. hindi ko kakayanin. Atleast sigurado tayong okay siya. Kung gusto niyo siyang puntahan okay lang.. kailangan ko lang mapagisa." sabi ko at mabilis na linisan ang lugar na 'yon.

I felt very suffocated. Hindi ako makahinga sa lahat ng nangyayari.

I only wanted one thing. It's to be happy with him. Kulang ang three years ko kasamay siya.. I want forever but maybe.. that's too much to ask.


Two weeks had pass pero wala na akong balita sakanya. They didn't ask nor tell something about him.. siguro dahil alam nilang masasaktan lang ako. I tried living my life the way it is. Smiling with everybody and acting like nothing happened.

But deep inside? I died.

"Wait for me..  I just need to get something kay daddy then tuloy na tayo sa meeting." sabi ko sa sekretarya ko at dumiretso patungo sa office ni dad. 

"Miss!" Mabilis akong napalingon sa narinig ko at nagulat ako noong bumangga ako sa isang.. muscled chest? Alina! Ano ba ang pinagsasabi mo?

Bumilis ang tibok ng puso ko noong maamoy ko ang pabango ng kaharap ko. Unti-unti akong tumingala at nagulat ako sa nakita ko.

Napaawang ang labi ko at nangilid ang luha sa mata ko.

It's been two weeks but it felt like years..

"Sorry nahulog kasi tong ID mo.. Ms. Alina Scott? So you are the famous daughter of Mr. Luke Scott." sabi niya at ngumiti.

His smile. I missed it.

Gusto kong umiyak, yakapin at sabihin sakanya na ako to.. ako yung babaeng papakasalan niya dapat pero kinuha ko lang ang ID ko sakanya.

"Thank you" sabi ko at naglakad paalis.

Nagulat ako noong sabayan niya ako sa paglakad. Sinubukan kong bilisan ang lakad ko pero sobrang bilis niya talaga.

"Miss! Galit ka ba sa akin? Bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Sorry may amnesia kasi ako so I don't really remember pero may kasalanan ba ako sayo? You look so pissed because of me though I doubt kung gagawan ko ng kasalanan ang napakagandang babaeng katulad mo." saad niya pero tinignan ko lang siya ng masama.

The same old cocky Travis. Mabuti na to.. hindi kami friends para maiwasan na din siya.

His famous smirk is back.

"Wala. Wala kang kasalanan. Naiinis lang talaga ako sa pagmumukha mo" inis kong wika at naglakad na paalis.

Is this Goodbye?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top