Chapter 25 . Dream
3 years later..
"Alina! Hindi mo ba pupuntahan si Travis? Diba ngayon kayo mag fofood tasting for the wedding?" tanong ni mommy sa akin ka-baba ko sa kusina.
"Yup mom.. I'll go straight sa condo unit niya" sabi ko kay mommy.
I kissed her goodbye at dumiretso na sa condo ni Travis. Hindi niya alam na pupunta ako ngayon kaya mas excited ako.
"Hi mam" bati ng guard sa akin at ngumiti naman ako.
Dumiretso na ako sa unit niya. I am so excited to see him. Lagi naman..
Excited na rin akong makita ang reaksyon niya pag nakita niya akong dinalaw siya.
Dahan dahan akong pumasok dahil alam ko naman ang password niya at napangiti naman ako dahil malinis ang sala niya. Dati kasi hindi siya naglilinis.
"Trav!" sigaw ko at parang automatic na biglang bumukas ang pintuan niya sa kwarto.
Napatingin ako sakanya mula ulo hanggang paa at napaawang ang labi ko. Wala siyang suot na pangitaas pero parang may kakaiba sakanya. Bakit parang hindi siya mapakali?
"Trav! Magsuot ka nga ng pantaas baka magkasakit ka." sabi ko at pilit na pumapasok sa kwarto niya pero nakaharang siya.
Bakit ayaw niya akong papasukin? Hindi naman ito ang unang pagkakataon na papasok ako. Sa tatlong taon na engage kami ay nagawa ko ng matulog dito.
"Why are you here?" tanong niya.
Nalungkot ako sa tanong niya pero hindi ko na inisip ang tampo ko dahil parang may problema siya.
"Diba.. we're gonna have food tasting today." sabi ko at ngumiti.
Nawala ang pangamba sa puso ko nang napangiti din naman siya sa akin. Hinaplos ko ang mukha niya dahil mukha siyang problemado.
"Travis?" halos mapantig ang tenga ko nung makarinig ako ng babaeng boses sa loob ng kwarto niya.
Kusang natanggal ang kamay ko sa mukha niya at kumunot ang noo ko. Kita ko ang pamimilog ng mata niya kaya matalim ko siyang tinignan.
"Sino 'yun?" tanong ko at nagpumilit na pumasok sa kwarto niya.
He keep on stopping me and my heart is being stabbed because of that. Sa pagpupumilit niyang pigilan ako ay mas nasasaktan ako.
"It's nothing.. let me explain. I don't know why is she in my room! Basta pag gising ko.. nandyan na siya." pilit siyang nagpapaliwanag hanggang malagpasan ko siya at makita ang babaeng nakahiga sa kama niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko.. Aalis ba ako? Magwawala? Ikakasal na kami!
"Babe.. believe me." Halos pag mamakaawa niya pero wala akong marinig.. ayaw tanggapin ng sistema ko na habang nagpaplano ako kagabi ng gagawin namin ngayon ay may kasama siyang iba and who knows kung ano pang ginawa nila.
"Oo nga naman Trav! Hindi mo alam bakit siya nandito! Ano siya? Ninja? Mumu? Invisible woman? Babaeng nakakadaan sa pader? Don't make me so stupid!" sabi ko at aalis na sana pero pinigilan niya ko.
Nangilid ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
This isn't the three years of love I've been protecting..
"Please believe me." sabi niya pero umiling ako.
"Kung ako ang makita mo sa ganyang sitwasyon. Will you believe me? Hindi ako ganoon ka martyr Trav! Tao rin ako and please.. Wag mong papasuotin ang mga damit ko sa babae mo! Kukunin ko ang mga gamit ko bukas." sabi ko at lumabas na pero hinabol parin niya ako.
"Are you breaking up with me?! You cant do that!" sabi niya pero tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Well I just did" sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Alina! Alina?! Wake up"
Napabalikwas ako at napahawak sa dibdib ko. Mabilis ang pag hinga ko at napa buntong hininga ako nang makita kong nasa kwarto ako.
"You're having a nightmare." Ani Kuya Chand at yinakap ako.
"It was just a dream.." halos pabulong kong wika.
Mariin akong pumikit at hinawakan ang dibdib ko. Damn..
"Yes.. don't think about it anymore. Bumaba ka na, nandiyan si Travis. May food tasting kayo ngayon diba."sabi ni kuya at tumango ako.
Lumabas na siya ng kwarto ko kaya nag ayos na ako.
Bumaba ako kaagad at napangiti nung makita si Trav na nakaupo sa sofa namin. Panaginip lang talaga 'yon! Buti naman..
Napatingin siya sakin at napangiti din siya. Tumakbo ako at yinakap siya.
"I had a dream.. may iba kang babae" sabi ko kaya tumawa siya.
"It was just a dream. I will never do that. You're my only one. We are destined remember?" sabi niya kaya tumango ako.
Nawala ang mga pangamba ko nang magtama ang mga mata namin. Hinalikan niya ako sa noo at hinawakan ang kamay ko.
Pagkalabas namin ng bahay ay nakasalubong ko si Bea na papasok ng gate.
"Food tasting?" tanong ni Bea kaya tumango ako. Nag beso kami at tinuro ko ang kwarto ni kuya.
"Gulatin mo" sabi ko at humagikgik kami.
Pumasok na siya ng bahay namin at nagpatuloy na kami ni Travis sa lakad namin.
Natapos ang schedule namin ng maayos. Hahatid ako ni travis sa bahay ngayon dahil may bachelor's party siya.
"Behave ka doon okay?" sabi ko pagkarating namin sa bahay.
Pinanliitan ko siya ng mata para mas convinicing. Natawa naman siya kaya hindi ko napigilan ang mapangiti.
"Yup.. kung ako naman ayoko na sana pero si Chand at Third ang nag organize nito." Paliwanag niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Tumango tango ako. Alam ko naman 'yon. Walang kwentang kapatid talaga ang mga 'yon!
"It's okay.. basta after non, you should rest okay. I trust you." sabi ko sakanya at yinakap ko siya.
Lumabas na ako at tumuloy sa kwarto ko. Nakareceive ako ng text from Caly. I called her as a response at natawa ako sa bungad niya sakin.
"Bwisit si Zicko! Tumuloy sa bachelor's party ni Trav! Dahil diyan may bridal shower tayo bukas!" sabi niya kaya natawa ako.
"Gantihan?" tanong ko at humiga.
"Well sort of? Basta nakaayos na ang lahat. Pupunta ka nalang. Inayos na namin ni Bea at Ate Rean to." sabi niya kaya napabalikwas ako.
"What?! Gusto niyo bang patayin tayo nila kuya?" tanong ko pero parang determinado pa rin siya.
"Basta.. balita ko may mga babaeng binayaran sila kuya Third eh!" Aniya.
Hindi ko alam pero hindi ako nabahala sa sinabi ni Caly. Maybe because.. sa nag daang tatlong taon ay masasabi kong buo na ang tiwala ko sakanya.
"Hayaan mo na yon. Trust them."sabi ko at nag goodbye na kay Caly.
I texted Travis Goodnight at agad naman siyang nag reply.
'I know that you're worried but I love you okay? Don't you dare have doubts. I'll go straight to your house after this' sabi niya sa text kaya mas lalo akong napangiti.
See? That's my Travis.
'No.. let's just see each other tomorrow. You should rest. I love you' reply ko at tinabi na ang cellphone ko..
Ang bilis naman mag reply nito..
'No.. I also want to see you. I'm on my way' sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
Nakita ko na tumatawag si Kuya Chand.
'Hello Kuya?' bungad ko at narinig ko ang malakas na tunog sa kabilang linya.
'Are you with trav?' tanong niya na para bang naiinis.
'No.. kasama niyo siya diba?' tanong ko pero narinig kong bumuntong hininga si Kuya.
'Umalis siya! He is too loyal.' sabi ni Kuya kaya namilog ang mga mata ko.
Para akong nanalo sa lotto sa sinabi ni Kuya pero pinigilan ko ang matawa.
'Enjoy Kuya! Lagot ka kay bea' sabi ko at inend ang call.
Akala ni kuya ah.. maiisahan niya kami. Narinig ko namang may bumubusina sa labas kaya sumilip ako sa balkonahe ko at nakita ko siya. Tumakbo ako pababa at sinalubong siya ng yakap.
Abot langit na ata ang ngiti ko.
"What are you doing here?" tanong ko pero yinakap lang niya ako.
"Kuya Chand called me.. he is pissed because you left." sabi ko at sumandal kami sa kotse niya.
"I just missed you.. I realized that I can't even look at other girls knowing that we're not together. I love you so much alina.." sabi niya at hinalikan ako sa labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top