Chapter 24 . Other half

"Mam? Hindi pa po ba kayo uuwi?" Tanong ng sekretarya ko.

Napalingon ako sa pintuan ng opisina ko at mabilis na linipat ang tingin sa orasan. Napahilamos ako sa mukha ko nang nakita ko na 9:00 pm na pala.

"Yes I will. Mauna kana sige.." sabi ko at ngumiti sakanya.

Tumango naman siya at sinara ang pintuan. Mahina akong napamura dahil hindi ko na napansin ang oras. Late na nga din akong kumain ng lunch kanina.

Inayos at tinapos ko na ang dapat tapusin at napagdesisyunan ko ng umuwi. May bukas pa naman pero nanghinayang lang talaga ako sa mga kaya kong tapusin ngayon.

Pagkalabas ko ng building ay mabilis akong napangiti. Parang sa isang iglap lang ay nawala ang pagod ko sa katawan.

"Trav!" sigaw ko. Tumakbo ako at yinakap siya ng mahigpit. Narinig kong tumawa siya kaya lalo akong napangiti.

Naramdaman ko ang pag pulupot ng braso niya sa bewang ko para masuportahan ako.

"You missed me that much?" Aniya kaya napatingin ako sakanya.

May naglalarong ngisi sakanyang mga labi. Kinurot ko ang ilong niya at natawa ako dahil sa pag ngiwi niya.

"Yes!" sabi ko at hinalikan siya ng mabilis. I missed him that much. Hindi kami nagkita for the whole day at hindi din naman kami nakapagusap ng maayos dahil parehas na busy.

Naisip ko tuloy, ganito kaya kami pag may pamilya na kami. Busy at walang oras sa isa't isa? Nakakalungkot atang isipin 'yon..

Kung hihilingin niyang manatili ako sa bahay ay malugod kong tatanggapin 'yon.

Ano ba naman yan? Napaka advance ko! Yun agad?

"I missed you too babe" nakangiti niyang wika at pinagbuksan ako ng pintuan. Sumakay ako at sumakay na din siya.

"Where are we going?" tanong ko pero ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela.

Hindi ko na tinanong pa ulit dahil pinagkakatiwalaan ko naman siya. Kahit ata saan niya ako dalhin ay ayos lang basta magkasama kami. Basta siya ang kasama ko..

Nararamdaman ko ang pintig ng puso ko dahil sa hawak niya. Naisip ko.. darating kaya sa punto na masasanay na ako sa kilig at hindi ko na mararamdaman ang pag bilis ng pintig ng puso ko dahil sa hawak niya?

Hindi siya nag sasalita buong byahe pero hindi ko na napansin masyado 'yon dahil bahagya din akong naka idlip sa byahe.

Nang magising ako ay nakarating na kami sa isang restaurant at pumunta kami sa reserved table doon.

"Hi mam! Hi sir!" sabi nung waiter at ngumiti naman ako.

Binalingan ko siya at kita ko ang tingin niya din sa akin kaya lalong lumawak ang ngiti ko. Sinuklian niya ang ngiti ko at inabot ang kamay ko.

Pinagsiklop niya ang mga kamay namin at mahigpit akong hinawakan.

"Sir! Siya po ba ang girlfriend niyo? Ngayon palang po kayo nagdala ng babae dito.." sabi nung waiter at tumawa si Trav.

Lagi siya dito? Buti?

"Yes she is" proud na sabi niya and I just felt so happy because of that.

Para akong liliparin dahil sa sinabi niya. Masarap pala sa pakiramdam 'yon..

Sinabi niya na ang order namin at kumain na kami pagkaserve nun. Maayos ang naging daloy ng dinner namin. Pero may isang mali.. panay ang tingin niya sa akin at parang may gusto siyang sabihin na hindi masabi.

"I want to tell you something." He traced.

Kumunot ang noo ko nang umiwas siya ng tingin and guess what?!

He is blushing!

What the heck? Anong nangyayari?

"What is it babe? You're blushing" sabi ko at tumawa. Laking gulat ko nung mamatay ang ilaw.

"Trav?!" nagpapanic na sabi ko pero mas laking gulat ko nung mag bukas ang ilaw at nandoon lahat ng pamilya ko pati ang mga kaibigan namin.

Pero ang pinaka nakakagulat ay nakaluhod si Trav sa gilid ko. Unti-unti ay tumayo ako para makaharap siya ng mabuti.

"Trav.." yan nalang ang nasabi ko at gusto ko matawa kasi halatang nahihiya siya.

Ayokong mag assume pero alam ko na ata kung bakit siya nandito at bakit nandito ang pamilya namin.

My feelings were just over flowing! I want to run to him and hug him all day long pero kailangan kong hintayin ang sasabihin niya at kung anong pakulo niya. He's an introvert at alam kong sobrang malaking bagay sakanya 'tong ginagawa niya.

I appreciate it..

"Alina.. I'm not good at this. Shit" sabi niya at umiwas ng tingin. Natawa naman kami.

Hindi ko alam pero kasabay ng pagtawa ko ay nangilid ang mga luha ko. Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko.

"I know that we just only been together again but I can't wait anymore.. I am afraid that I'll lose you again. I love you Alina and my only dream is to wake up everyday seeing you beside me. So will you grant my dream and be Mrs. Morgan?" tanong niya.

Doon na nagsitakasan ang mga luha sa mata ko. Akala ko sa movies at dramas lang nangyayari 'yon. Bakit ka naman kasi maiiyak dahil lang tinanong ka ng ganon diba? Pero ngayon ay naiintindihan ko na..

Tumango ako at nagpalakpakan silang lahat.

"Yes Trav.. I am more willing to be Mrs. Morgan and I love you too" saad ko.

Lumebel ako sakanya at yinakap siya. Lalong lumakas ang palakpakan at natawa ako nang tumayo siya at buhatin ako.

"I just became the most happiest man alive." sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Umismid ako pero natawa din sa huli. Nagiging corny rin pala ang isang Travis Morgan?

"I am the most happiest woman alive." sabi ko at ngumiti.

Napatingin naman ako sa mga parents ko at nakita kong napapaiyak si mommy.

Lumapit sila sakin at kinamayan ni dad si Trav.

"Take care of our princess" sabi ni dad at tumango si trav.

Hinaplos ko ang kamay niya at pinisil naman niya ang kamay ko.

"I'll make her my queen." Aniya at napahalakhak ako dahil doon.

Tinulak siya ni Kuya Third kaya lalo akong natawa.

"Corny mo bro" sabi ni Kuya Third. Kinamayan niya si Travis ar yinakap din.

"Naunahan mo pa kami ni Third" sabi ni Kuya Chand kaya yinakap ko siya.

"Bilisan mo na kasi" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Ako wala?" tanong ni Kuya Third kaya linapitan ko siya at hinalikan sa pisngi.

Inakbayan nila akong dalawa at tumingin kay trav.

"Saktan mo to.. mamamatay ka Travis." sabi ni Kuya Third at nagtawanan ang lahat. Lumapit naman si Bea at yinakap ako.

"Congratulations Ina. Pinapasabi din ni Caly na she is happy for you." Aniya.

Tumango ako at ngumiti ng matamis. I hope they can be happy too..

"Thanks, B." sabi ko at yinakap siya.

"A toast for the newly engaged!" Rinig kong wika ni dad at kumuha sila ng kanya kanyang baso at itinaas ito.

Naramdaman kong may humawak ng kamay ko at nakita kong nakangiti si Travis kaya napangiti din ako. Hinalikan ko ang likod ng palad niya at hinalikan naman niya ang noo ko.

I can say that I found my other half..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top