Chapter 13 . Im falling for you.

"Alina?"

Napalingon ako sa pintuan ko. Nandun si mommy na nakangiti sa akin. I smiled back.

"Yes mom?" tanong ko sakanya at pumasok siya sa kwarto ko. Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan ako.

"Nothing.. I just missed you so much. You are turning eighteen now, you won't be my baby anymore" aniya.

Tumawa ako at yinakap siya ng mahipit. Siya rin ay bahagyang tumawa.

"No mommy, kahit pa maging seventy-one years old ako, ako parin baby mo" saad ko at bumitaw sakanya.

Napatayo si mommy nung may nag doorbell. 

"Tignan ko lang yun" ani mommy.

Tumango ako pero naalala ko yung nangyari dati.

"Samahan na kita mommy" alok ko at tumango naman siya.

Hinawakan ko ang kamay at tinungo nanamin ang gate. Habang papunta kami doon ay abot langit ang kaba ko. Paulit ulit na nag rereplay sa utak ko ang nangyari dati. Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ako dapat ganito magisip.

"Baka si daddy na yan mom." sabi ko sakanya at ngumiti lang siya.

Bakit kinakabahan ako?

Pagkabukas ni mommy ng gate, wala namang nandoon maliban sa isang box. Ako na ang kumuha non dahil mukhang walang balak si mommy na kunin yun. Pagkabukas ko ay biglang napaupo si mommy sa sahig.

Napaawang ang labi ko at nanginig ang kamay kong nakahawak sa menasahe.

Did you miss me Ryle? Don't worry I'll get you soon.

- LM

Nagulat din ako sa nakasulat. Ang kapal naman ng mukha non! Umupo naman ako at humarap kay mommy na umiiyak. Mabilis kong ni-lock ang gate namin at tinulungan siya makapasok ng bahay.

Ini-upo ko siya sa sofa namin at kita ko ang takot sakanya.

"Mommy.. don't worry and don't cry anymore. We will do everything for this crap to stop" sabi ko at yinakap siya.

"Anak.. kukunin niya ako.. what will I do?" Napahikbi siya at mabilis kong pinunasan ang mga luha niya.

"Don't worry mom, we won't allow that. I know na wala po kaming alam sa nangyayari pero I understand na masamang tao ang nasa likod nito."

Kahit ako ay natatakot pero hindi ko pwedeng ipakita kay mommy 'yon.

"What is happening?" napatingin ako sa likod at nakita si dad. Dumapo ang tingin niya kay mommy kaya mabilis siyang lumapit at nung nakita niyang umiiyak to, yinakap niya to agad.

"Shh.. baby, don't cry" ani dad kay mommy. Tumahan naman si mommy.

Binuhat siya ni daddy ng bridal style.

"Are you hurt Princess?" tanong ni dad sa akin. Umiling naman ako. Hindi na ako nagtanong kung anong nangayayari kasi I know that dad would protect us.

"Okay.. go back to your room and I''ll bring our queen upstairs" sabi ni daddy at hinalikan ako sa noo. 

Tinungo ko na ang kwarto ko. Napangiti naman ako. Akala nung taong gustong makagulo samin, magugulo niya kami pero mali siya.. lalo kaming tumitibay.


Nagising ako nang maaga ngayon dahil Saturday. What a great weekend to start. Pagkababa ko, nakita ko si mommy at daddy na nagluluto. Nagtatawanan sila at halatang sobrang saya nila.

"Goodmorning Mom and Dad! "sigaw ko at yinakap silang dalawa. I bothe gave them a kiss.

"Hi princess" sabay nilang sinabi at hinalikan din ako.

"Are you hungry Princess?" tanong ni mom sakin at tumango naman ako.

"Yes mommy.. I am so hungry" sabi ko at umupo na sa dining.

"Okay wait a minute and the King and I will serve the food for you but first call our two princes" sabi ni mommy at nagtawanan kami.

Tumakbo ako paakyat.

Kinatok ko si Kuya Chand pero hindi siya sumagot kaya binuksan ko na ang pintuan at linapitan siya.

"Kuya! Kuya! Wake up!" sabi ko habang ginigising siya. Tumayo naman siya, hindi naman kasi mahirap gisingin si Kuya Chand.

"Kain na daw tayo Prince!" sabi ko at napatingin siya sakin at ngumiti. Gets na niya yon.. nung mga bata kasi kami, ganun kami. I am the princess, he is the prince, my mom and dad are the queen and king.

"Okay Princess" aniya at pumunta sa banyo niya. Aalis na sana ako nung umilaw ang phone ni Kuya. Nagulat ako sa wallpaper niya.. si Bea?

Aba aba.. ang kuya ko lumelevel up. Bago pa niya makita na pinapakelaman ko ang gamit niya ay pumunta nako sa next room. 

Kinatok ko si Kuya Third at nagulat ako nung bumukas yun.. gising na pala siya.

"Goodmorning Prince Third! Let's eat na!" sabi ko at tumawa naman siya. Napangiwi ako nang ginulo niya ang buhok ko.

Naging close na rin kami kay Kuya Third.. Pinaparamdam namin sakanya na myembro talaga siya ng pamilya namin.

"Okay let's go Princess Alina" sabi niya at bumaba na kami.

Nakita naming nakahanda na ang hapagkainan. Maganda ang nangyari sa breakfast. Nagkwentuhan kami ng mga nangyari sa first week at puro tawanan at asaran lang ang nangyari. Hindi na namin binalikan ang nangyari kagabi dahil sure naman ako na wala lang yun lalo na at nandito si Daddy.. our King.

Natapos ang araw na magkakasama kami. Walang ni isa samin ang umalis ng bahay. Nag movie marathon lang kami sa bahay at masasabi kong isa to sa pinaka masayang araw ko.



"Hey! Alina! Faster!"sigaw ni kuya sa pinto. Magsisimba kasi kami and kakatapos ko lang mag ayos.

"Yes! Nandyan na!"sigaw ko at agad na akong bumaba. Nakita ko silang nandoon na kaya lumawak ang ngiti ko.

"Asus! Late nanaman" ani Kuya Chand at ngumiwi naman ako.

Tumawa pa sila mommy.

"Let's go" wika ni dad at pumunta na sa simbahan.


Habang nagmimisa kami, napatingin ako sa may side door at nagulat ako sa nakita ko. Napaawang ang labi ko at kumunot ang noo ko.

Nakatingin ang daddy ni Travis kay.... mommy?

Napabaling naman ang tingin niya sa akin at ngumisi.

What was that? Umiwas nalang ako ng tingin. Well.. kung nandito ang dad ni Travis then nandito din si travis?

Well what am I thinking. Sus! Alina nasa simbahan ka! Focus!

Natapos ang misa at hindi ko na nakita ang daddy ni travis but I'm just wondering.. why in the world he looked so angry?

Well it's not my business anymore.

"Saan niyo gusto kumain?"tanong ni dad habang hawak ang kamay ni mom.

"Newyork supreme!" Masayang saad ko at ngumisi si kuya.. here we go again.

"Fortune dad" sabi ni kuya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Well third, looks like ikaw ang may last say dito." Sabi ni dad kay Kuya Third.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Newyork supreme" sabi ni Kuya Third at nagtawanan kami maliban kay Kuya Chand.

"Bro, magkakampi tayo dito dapat" sabi ni Kuya Chand pero inakbayan lang ako kaya nagtawanan kami.

Kunyari patong si Kuya Chand, ayaw daw sa NYS pero madaming in-order. Iniinis lang talaga ako nito.

Nagring ang phone ko at nakitang unknowm number to.

"I'll just answer this call" sabi ko at pumunta sa malapit sa CR.

"Hello?" Bungad ko sa tumawag.

Nakarinig ako ng malalim na paghinga.. bumilis ang tibok ng puso ko and now I know why kasi kilala ko na kung sino ang tumawag.

"Are you okay?" bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko. Si travis nga to.

"Y-yes.. Why?"

Alina! Bakit ganyan ka sumagot. Umayos ka!

"Nothing.. sige, I need to go." kumunot naman ang noo ko. Napano to?

"Bye" sabi ko at in-end na ang call. Bumalik na ako sa upuan ko at kumain nalang. Kahit nababagabag ako sa pagtawag ni Travis ay hindi ko na ito pinansin.

Mahirap talaga siyang intindihin. Tinanggap ko na 'yon.

After namin kumain, dumeretso kami sa sinehan, after non ay umuwi na rin kami.

After maayos ni dad ang sasakyan sa garage.. May napansin kaming sulat sa harap ng door namin and I would never forget that paper. How in the world did he enter our gate?

Kinuha ni Kuya Third yun at binasa namin yun at yinakap ni mom si daddy.

Having fun ryle? Dont worry I'll make you scream my name in bed to the point that you would never want to come back there.

-LM

Who is LM? Nagulat kami nung nasuntok ni dad ang pader.. Si mom naman umiiyak.

Ang bastos! Damn. Nanggagaliiti ako. He's a maniac! Si Kuya Chand, nakayukom na ang palad. Well I can say that whoever this person is.. lagot siya sa scott.

"Alina do you have pen?" tanong ni Kuya Third. Tumango naman ako at binigay ang pen ko.

Nagasulat siya sa likod ng papel na yun at pumunta sa harap ng gate at dinikit yun.

GO TO HELL!

Yan ang linagay ni Kuya Third.

"Kuya.. Bakit mo dinidikit ulit?" tanong ko kay kuya at linock na niya ang gate.

"I'm sure na babalik yun" sabi ni kuya na ngayon ko lang napansin na galit na rin.

Pumasok na kami sa bahay at ginamot ni mommy ang kamay ni daddy.

"Don't ever hurt yourself like that Luke" sabi ni mommy at hinawakan ang mukha ni dad.

"Wala akong magawa ryle. Habang lumalapit sa pamilya natin yung gagong yon!" galit na galit na sabi ni dad. Napayuko naman si mommy.

Napahawak ako kay Kuya Third dahil natatakot na din ako..

Naiintindihan ko si dad. Mas mahirap dahil hindi namin alam kung nasaan siya at kung paano niya nagagawa ang mga ginagawa niya.

"I know that you would protect us Luke kaya nawala ang takot ko dahil sayo." Ani mommy.

"Third and Chand, pag nasa school kayo bantayan niyo si Alina. The two of you would be in charge." sabi ni dad at tumango naman sila kuya.

"You young lady should always be responsible." Tumango ako sa sinabi ni daddy.

"Okay.. Go to your rooms" saad ni dad.

Umakyat na kami papunta sa mga kwarto namin. Buti nalang babalik nila sila manang bukas. Wala kaming katulong ngayon and alam ko na pag bumalik na sila manang, may posibilidad na malaman namin kung sino yon but I know that dad and mom knows kung sino yun.


"Hey! I heard na kasama mo daw nung weekend si Zicko" sabi ni Bea kay Caly at sinamaan niya ito ng tingin.

"Ang kulit kasi niya eh. Feeling niya na alam niya lahat tungkol sakin" sabi ni caly at binusit pa namin siya.

Okay naman tong araw na to. Nothing unusual maliban sa lagi akong sinasamahan ni Travis. Daig pa sila kuya.

"Travis.. Napano kaba? Bakit sunod ka ng sunod?" Tanong ko sakanya pero umiling lang siya.

"I'm sorry" sabi niya sakin. Napatingin ako sa mata niya. Alam kong iba yung hinihingi niya ng tawad pero ano?

"Kung may mangyayari man in the future na alam kong pwede mong ikamuhi sakin, gusto kong malaman mo ngayon pa lang na pinagsisisihan ko man kung mapapaiyak kita. Lahat ng gagawin ko may dahilan, hindi dahil gusto kita masaktan pero dahil sinimulan ko kaya dapat kong tapusin. I'm so sorry Alina.. I want you to trust me but I can't because I can't also trust myself but one thing is for sure.."

Lalo akong nalito sa mga sinasabi niya. Nalulunod na rin ako sa mga titig niya.


"I'm falling for you Alina"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top