Chapter 10 . Can you stop being in danger?
"Hey!" Bati ni Caly.
Lumapit kami sakanya at umakbay siya sa akin. First day ng school ngayon kaya hyper ang mga tao.
"Bakit ba ang hyper mo?" nakabusangot na puna ni bea. Parang hindi pa nasanay na ganito si Caly.
"Kay'sa naman katulad mo na laging nakabusangot. Sabi nga nila.. dapat i-treasure ang days kasama ang mga mahal sa buhay.." ani Caly.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"May problema ka?" tanong ko sakanya. I know my her, hindi siya magsasalita ng ganito kung wala.
"Wala no." sabi niya at tumabi na kay Bea pero nahulog ang notebook niya. Pinulot ko naman yun.. at to-do list notebook niya ang bumungad sa akin.
Nagulat ako nung hinablot niya sakin yun.
"Ano yan? bakit may ganyan ka? May nabasa akong Jump of a cliff. Ano ka nag papakamatay?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.
Bumuntong hininga naman siya at tinago ang notebook niya.
"Hindi no.. gusto ko lang magawa ang mga bagay na imposibleng magawa para kung ano man ang mangyari, alam kong exciting ang buhay ko."
Sinamaan ko siya ng tingin. Ayoko ang mga sinasabi niya.
"Caly.." yun nalang ang nasabi ko pero ngumiti siya.
Matagal tagal na rin naming hindi napaguusapan ang kalagayan niya. Ako at si Bea lang ang pinagsabihan niya non bukod sa pamilya niya.
I am worried suddenly..
"Alina.. don't worry okay lang ako. Diba sabi ko tanggap ko na kaya sana suportahan niyo nalang ako." Aniya.
Pumasok na ang prof kaya hindi ko na siya nakausap pa. Maya't maya ay titignan ko siya. May konklusyon na ako kung bakit siya ganyan pero ayoko ang ideyang 'yon.
Palabas na sana ako ng kwarto namin ng may humarang sakin.
"Hi sweetcheecks"
I rolled my eyes. Ano ako matamis na pisngi?
"What is it again Jason?" sagot ko sakanya, si Jason ay isa sa mga hearthrob sa school namin, every girl fall for him well except for me and my friends.
Mukha palanh niya, nasusuka na ako.
"Feisty huh?" sabi niya but I rolled my eyes again.
Hindi na siya nagsawa sa mga crazy antics niya.
"Hindi ka pa ba nadadala sa ginawa ng kuya ko sayo? I heard dalawang linggo ka sa hospital at one week namang nag papahinga sa bahay" saad ko sabay ngisi.
Pinigilan ko pa ang matawa pero hindi ko kinaya. Natigilan ako nang hablutin niya ang kamay ko at tignan ako ng masama.
"Do you think that is funny? Are you making me angry Alina?" Kita ko ang galit sa mata niya pero ngumisi lang ako.
"Remove your filthy hands from her" nagulat ako sa nagsalita. Madiin at matigas ang pagkakasabi nito. Para bang binibigyaang diin ang bawat sinasabi niya.
Napalingon kami ni Jason doon at tumambad sa amin si Travis at Zicko.
"Who are these people alina? New night and shining armor?" sabi ni Jason pero hinatak ako ni Travis.
"Back off dude" ani Travis.
Hindi na nakapag salita si Jason dahil hinala na ako ni Travis papunta sa cafeteria. Nakita ko naman si Bea at sila kuya doon but where is Caly?
"What took you so long Alina?" tanong ni Kuya Chand.
Ngumiti ako ng marahan.
"Wala naman kuya. May kinuha pa kasi ako." Pagpapalusot ko.
Ayoko ng magkagulo. Last time na ginulo ako ni Jason ay nakipag bugbugan si Kuya Chand at ang nga kaibigan nito. Hindi naman nasasaktan si Kuya pero.. ayoko pa rin.
Ayoko din isipin ng mga tao na dahil kami ang may ari nang school kaya nag mamalaki kami. It's not like that..
"No.. actually he is busy flirting with the Jason guy" ani Travis.
Napaawang ang labi ko at pinanlakihan ko siya ng mata. Nanatiling naka tingin siya kay Kuya Chand. What is wrong with him?!
Atsaka.. flirting?
"Is that true, Alina?" tanong ni kuya pero hindi ko 'yon pinansin.
"Kuya? Are you questioning me? Me? Flirting? You know I'm not that kind of girl. Sa room nalang ako kakain, nakakawalang gana" saad ko.
Mabilis akong tumayo at iniwan sila doon. Bahala sila!
Pabalik na sana ako ng room galing sa cafeteria kasi binalik ko pa ang pagkain ko nung may narinig akong umiiyak sa banyo.
Ayoko man makielam dahil hindi ko naman problema 'yon pero hindi ko mapigilan. Baka may nasaktan o ano, binuksan ko ang pintuan at nagulat ako nung makitang pawis na pawis si Caly at halatang hirap na hirap siya.
"CALY!"
Nagmadali akong lumapit sakanya. She was sitting on the floor.
"Are you hurt? Where?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis niya.
"Ina.. ang sakit.. ang sakit" sabi niya habang yakap yakap ako. Umaatake nanaman ang sakit niya.
Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. I was starting to panic!
"Wait I am getting help okay?" sabi ko at tumakbo palabas.
Luminga linga ako at nakita ko si Zicko.
"Zicko!" sigaw ko at napatingin naman siya sakin.
"Help! Si Caly!" Sigaw ko pero nagulat ako sa reaksyon niya dahil kaagad siyang tumakbo papunta sakin at tumakbo sa papasok ng banyo.
Wala pa man akong sinsabi? At pumasok siya girls bathroom?
"What happened to her?" tanong niya at binuhat si Caly.
"Ewan ko.. sumakit nalang bigla ang pakiramdam niya." Pagdadahilan ko.
Napapikit nalang si Caly. Hindi ko pwedeng sabihin kay Zicko ang kalagayan niya. Nagmadali kaming pumunta sa clinic at hiniga siya doon ni Zicko. Kaagad naman siyang inasikaso ng nurse don.
Kasama kong naghintay si Zicko sa labas ng clinic.
"Pwede ka ng pumasok sa klase mo. Maraming salamat sa'yo." sabi ko sakanya pero umiling siya. Gusto ko sanang tanungin siya kung bakit sobrang concern niya kay Caly pero dumating na ang nurse.
"Okay na naman ang kaibigan niyo pero unconcious parin siya. Ako ng bahala.. balik nalang kayo mamaya" aniya.
Tumango ako at hinarap si Zicko.
"Sige Zicko.. pasok na ako" sabi ko at tumango naman siya.
Natapos ang klase at kinwento ko na kay Bea ang nangyari. Sabay kaming pumunta ni Bea sa clinic pero nagulat kami nung wala si Caly doon.
"Nasaan yung babae na dinala namin dito kanina?" tanong ko doon sa nurse.
"Umalis na po.. sinundo siya nung lalaking kasama niya kanina" sagot nung nurse.
Si Zicko?
"Sobrang concern naman ni zicko noh?" puna ni Bea. Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko rin alam ang sasabihin.
"Sige Alina, alis na ako. Nandyan na si dad. Mag di-dinner kasi kami." Pamama-alam ni bea. Tumango nalang ako at pinanuod siyang umalis.
Aalis na sana ako dahil kailangan ko pang hintayin si Kuya pero natigilan ako nung may humintong kotse sa harapan ko.
Nahigit ko nag hininga ko nang bumaba ang bintana ng kotse.
"Hatid na kita" ani Travis pero hindi ko siya pinansin.
Nagiwas ako nang tingin dahil pilit niyang hinahanap ang mga tingin ko. Naiinis ako sakanya!
"Wag na. hintayin ko na si kuya" sabi ko at umirap lang.
"Wala na siya.. umuwi na. Ako nalang daw maghatid sayo"
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. My brother? Halos magtampo siya pag may ibang nag-aalaga sa akin tapos ganito siya ngayon?
I can't believe this!
"No. Mas gugustuhin ko pang mag taxi nalang kesa makasama ka."
Tinalikuran ko siya. Hindi ko siya kayang makasama. Masyado niyang ginugulo ang isipan ko. Hindi na nakakabuti sa akin ang nasa paligid siya.
Sumakay na ako ng taxi at sinabi ko kung saan ang bahay namin. It was all well nang tumigil sa gitna nang daan ang taxi driver.
"Manong bakit po?" tanong ko. Ang layo pa nito sa bahay namin. Mahigit kalahating oras pa ang byahe bago makarating sa bahay.
"May notice po kasi kami na hanggang dito lang po ang mga taxi mam. Pasensya na po." Aniya.
Napabuga ako nang hangin. Bakit hindi niya agad sinabi?!
"It's okay.." kahit inis na inis ako.
Bumaba nalang ako. Tatawagan ko nalang si kuya pero siguradong mag hihigpit nanaman siya. I just need to get home fast then wala ng problema.
I stopped on my tracks nang may pumatak na tubig sa ulo ko. What the heck?! May i-mamalas pa ba ako sa araw na 'to? Bakit uulan pa?
Kahit sobrang lakas ng ulan.. tuloy parin ako sa paglakad. Nanghihina na ako.. nararamdaman ko na hindi na kaya ng katawan ko. Bigla akong nakarinig ng busina at nasilaw sa ilaw mula sa sasakyan nung may ari.
Nagulat ako sa bumaba.
"Travis.." sabi ko nalang at naradaman ko nalang ang sarili kong bumagsak.
Shit. Ang sakit ng katawan ko. Napahawak ako sa balikat ko at hiniloy ito. Napamulat ako at napabalikwad. Paano ako nakauwi?
Si Travis..
Napatakip ako ng mukha. Tanga! Tanga ko talaga!
"Ina"
Napatingin ako sa pintuan at nakita si Kuya Chand at Third. Ngumiti ako ng peke at inayos ang sarili ko.
"Kuya.. sorry." Hingi ko ng tawad.
Bumuntong hininga si Kuya Third at sabay silang lumapit sa akin.
"Do you know how worried mom is? She is crying because she thought that maybe something happened to you." Mahinanong saad ni Kuya Chand. Napayuko naman ako.. it's my fault. I know..
"Muntik pang mapatay ni Chand si Travis." Ani Kuya Third.
Namilog ang mata ko at napatingin ako kay Kuya Chand.
"Why?" tanong ko.
"Kasi iniwan ka niya." Sagot ni Kuya Third.
Shit na shit talaga! Ang dami kong kasalanan kay Travis. Mabilis naman akong umiling at kita ko ang kaguluhan sa mga mata nila.
"I'm sorry pero walang kasalanan si Travis. Ako ang nagreject ng offer niya" saad ko sabay yuko.
"Wag mo ng isipin 'yon. Mag ayos ka na. Papasok pa tayo." Ani Kuya Chand at tumango nalang ako.
Pag karating namin sa school. Pinuntahan ko kaagad si Caly at Bea na nakaupo sa may sidewalk hallway ng school.
"Okay ka na?"tanong ko kay Caly.
"Oo naman no! Minor lang yun." Sagot niya at tumawa. Ngumiti nalang ako.
"Nag pacheck up ka na ba?" tanong ni Bea. Natigilan naman siya.. at tumango.
"Anong sabi?" tanong ko.
Nagulat ako nung nagsimula ng pumtak ang luha niya. Hindi siya humihikbi pero randam ko ang sakit.
"Guys.. walang pag babago. Pero mas okay ngayon kasi diba dati.. tinaningan ako, ngayon sabi.. no one can tell daw. Walang makakapagsabi kung kailan ako bibigay."
Napaawang ang labi ko at mabilis kong hinawakan ang kamay niya. Ngumiti naman siya sa akin.
"Loka-loka ka talaga, do you think that is funny?" sabi ni Bea at yinakap siya.
"Bakit ba ayaw mo magpagamot?" tanong ko sakanya.
Pero umiling siya.
"Kung magpapagamot ako.. masasayang lang ang oras ko. Instead na kasama ko kayo at nagpapakasaya.. magsasayang lang ako ng oras sa walang kasigaraduhan."
Hindi ko alam pero nangilid na rin ang luha ko. Lumuhod ako sa harap niya para makita siya ng maayos.
"Bakit ka ba lumalaban Caly?" tanong ko sakanya at hinawakan ang kamay niya ng mahigpit.
"Hindi ko alam.. para sa sarili ko siguro.. para sa inyo. Dahil sa inyo.. ayokong masayang ang mga oras ko. Alam mo yung pakiramdam na kada oras ko importante. Gusto ko sulit na sulit. Minsan ayoko ng matulog kasi nasasayang ang oras ko." Aniya at napahikbi nalang siya.
Mabilis ko siyang yinakap at damang dama ko ang sakit niya.
"E'di.. gawin mo kaming inspirasyon para gumaling ka pa.. pwede pa naman." Ani Bea pero umiling lamang si Caly. Bumitaw ako sakanya at pinagmasdan ang mata niyang hilam sa kakaiyak.
"Pagod na ako. Pagod na akong umasa Alina.. for 18 years lumalaban ako. Pagod na ako"
Hindi nalang ako kumibo. Wala ako sa lugar niya kaya hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. I can't decide for her..
The least that I can do is to be with her.
Bumibili ako ng pagkain namin nila Caly kasi may theater play ang mga fourth year college para sa freshmen at lower years na rin.
"Hey" napatingin ako sa tabi ko.
Nagiwas ako ng tingin nang makita ko si Travis pero mabilis ko rin binalik ang tingin ko sakanya nang makita ko ang mga pasa niya.
"Hi. Sorry nga pala kahapon.." mahinang bulong ko dahil pinagmamasdan ko pa ang pasa niya sa bandang panga.
Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.
"Wala yun.. I deserve it. Okay ka na ba?" tanong niya sa akin at wala sa sariling napatango nalang ako.
I was still looking at his bruises pero napasinghap ako nang lumapit pa siya lalo sa akin. Ang distansya niya sa akin ay sobrang liit nalang.
"Can you do me a favor?" tanong niya. Napalunok nalang ako at napatango.
He was looking at me intently at naramdaman ko ang pag kalabog ng puso ko. It was beating so crazy at parang mahihilo ako sa sobrang lapit namin.
"Can you stop being in danger?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top