Chapter Twenty Seven

"I MISS YOU, Mommy!" bigla akong nakaramdam ng kalungkutan nang marinig ang nalulungkot na tono ni Gabriel sa kabilang linya. "Kailan balik mo po?"

Pati ako'y napapaligiran na ng luha dahil gano'n din ang nakikita ko sa batang kausap ko.

"I'll be there by next week, baby. Kaya h'wag mong sabihin sa Dad mo na pauwi na ako, huh?"

Inosente namang tumango ang bata. "Oh, smile ka na baby. Sorry ulit at hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kasi part ng work 'to ni Mommy 'eh. But promise, babawi si Mommy sa'yo."

Pilit na ngumiti si Gabriel pero bakas pa rin ang luha nito sa mata at panaka-naka nitong pagsinghot. "Basta po huwag niyo lang ako iiwan ulit, Mommy."

My chest constricted with unfathomable pain because of his words. Muli na naman kasing bumabalik sa'kin ang kwento ng batang ito. Kung paano ito inabandona kay Troy na wala man lang bakas ng pagkakakilanlan.

"I promise, baby. May tatapusin lang talaga si Mommy ngayon. I'll buy you toys, if you want." I even bargained para lang mabaling ng bata ang atensyon sa ibang bagay.

Umiling si Gabriel. "I still have toys po na bigay ni Tita Aurora. She's pretty po pala, by the way." Asik ng anak-anakan ko at nagulat pa ako na nag-blush pa ang magkabilang pisngi nito.

Mabilis kong tiningnan ng masama si Aurora na nasa harapan ko lang at nakikinig sa aming dalawa. She immediately went here matapos namin siya makausap sa cellphone. Pinipigilan naman ni Maria ang tawang gusto nitong ilabas dahil sa narinig.

"Matindi pala kamandag mo sa mga toddlers, Aurora." Mahina asar ni Maria sa dalaga. Pinamulahan naman ang inaasar.

"I'm not d-doing anything. Sinusunod ko lang ang utos ni Lady Elle."

"You got company, Mom?" nagtatakang tanong ni Gabriel sa'kin habang nakakunot ang noo nito.

Ngayon ko lang napansin, the kid's looks has similarity with Troy. Yung kapal ng kilay, yung shape ng mukha. Tangos ng ilong. At dahil bata pa, his skin is still fair unlike sa kulay ni Troy na moreno. Hindi kaya anak niya talaga 'to? Pero ang sabi niya ay hindi naman daw. Dapat ko bang paniwalaan 'yon? Given his reputation to fuck any girls? Baka may nakalusot.

Pero kung ilalagay ko yung sarili ko sa mga malalanding nang-aakit kay Troy, if gano'n nga, hindi ko iiwan ang bata sa puder ni Troy. Those whores who want him would be glad na naanakan sila ng lalaking 'yon. Baka nga pikutin pa nila ang binata para pakasalan.

And imagining him marrying a woman who's not me made my blood boiled. What kind of thought was that, Serena?

Maria, Aurora and Jorgy was already at my back waiving at Gabriel. Actually, si Maria ang humila sa dalawa. OA ang pag-Hi nina Maria at Jorgy tapos ay nahihiya naman ang itsura ni Aurora sa camera.

Nabanggit ko na sa kanila ang patungkol kay Gabriel bago ko pa man tinawagan ang bata. Ayokong bigla nalang magugulat ang mga 'to na may tumatawag sa'kin na Mommy. At gaya ko, nahabag rin sila sa nangyari kay Gabgab. Sa kung papaano ito inabandona.

"They're all... pretty." Nakatulalang bulong ng anak ko pero narinig namin iyon.

Napailing iling nalang ako. Kaunti nalang at maniniwala na akong anak 'to ng Troy na 'yon. Bata palang ramdam mo nang magiging chikboy paglaki 'eh.

Duro duro naman ni Maria ang bata habang nakatingin sa'min nang nakangisi. "Magaling tumingin 'to. Very honest. Like ko na 'tong anak mo, Serena."

Umiling iling nalang ako tapos ay muling hinarap ang bata sa cellphone. "They're your Ninangs because they're my friends, Gabgab. Say hello."

"Hello po." Nahihiyang bati ni Gabriel sa kanila. Kapwa malalawak ang ngiti nina Maria, Jorgy at Aurora pero tipid lang na ngiti ang binigay ni Yvette. Oh yeah, she's not fond of kids nga pala. "Balik n'yo po si Mommy, ah."

Natawa naman kami nang bahagya sa naging habilin ng anak ko sa mga kaibigan ko.

"Nako, Hijo. Patinuin mo muna ang tatay—" mabilis kong siniko ang tagiliran ni Maria. I gave him a warning look to stop talking. Kung anu-anong lumalabas sa bunganga nito at talagang balak pang siraan ang imahe ng ama nito sa bata. Nakuha naman agad ni Maria ang warning ko at awkward na ngumiti sa batang nakakunot noo na. "—Yep, uuwi s'ya. Don't worry, kiddo."

At bago pa kung ano ang masabi ng mga 'to sa tunay na nangyayari sa amin ni Troy ay sumingit na ako. "Sige na baby, we're going to sleep na rin. Sleep ka ng maaga, huh? Don't forget to ask your Yaya about your milk. And..."

"... and don't tell Daddy that we are talking because you're preparing a surprise for him. Noted, Mom!" napangiti nalang ako dahil ito na mismo ang nagtapos ng gusto kong sabihin patungkol sa isa ko pang habilin sa kanya.

"Sigurado ka na ba sa plano mo, Lady Elle?" takang tanong sa akin ni Aurora nang maibaba ko ang tawag. "I h-heard news kasi about kay Mr. Monteverde..."

Kinunutan ko siya ng noo to hide my interest sa chika na mayroon siya. "What about him?"

Hesitant pa sana si Aurora na sabihin sa'kin pero minata ko na agad siya para mapilitang sagutin ang tanong ko.

"He's firing randomly without prior notice. Lahat raw ay sinisigawan at palaging galit. He's not even eating properly. Laging lango sa alak at nakatambay sa Los Solteros Bar."

Does that make me feel okay from what happened? Tsk. Slight.

"Paano mo naman nalaman iyang mga 'yan? Ano? Dinaig mo na sa chismisan si Maria?" mataray kong tanong rito habang nakahalukipkip. My eyes want to roll simultaneously dahil sa mga narinig. Nairita lang lalo ako.

"Hoy bruha ka! Huwag mo akong agawan ng role shuta ka!" angil ni Maria kay Aurora habang naririnig niya ang usapan naming dalawa. "Role ko 'yan, hanap ka ng others."

I just rolled my eyes and looked back at Aurora. Halata sa mukha nito na parang gusto na nitong umalis sa lugar dahil sa hirap kung paano sasabihin ang sagot na gusto kong marinig mula sa kanya.

Ganoon ba kahirap sagutin ang tanong ko? O baka naman...

"Kay... L-luke."

Maria, Yvette and I gaped at her with our wide eyes. Kunot noo naman ang pinakita ni Jorgy na halatang 'di gets kung bakit.

"Malandi ka!" Maria exaggeratedly reacted.

"Maharot." Mahinang komento ni Yvette habang nakahalukipkip.

"Ang lantod mo." Sunod kong reaksyon dahil hindi ko talaga inaasahan na galing sa kaibigan ni Troy na mismong Fiance ng babaeng 'to ang balitang sinabi niya sa'kin patungkol sa nangyayari sa gagong Monteverde na 'yon.

Hindi na makatingin sa amin ngayon si Aurora at halata sa maputi nitong pisngi ang pag-blush.

So, both of them are in good terms now, huh. The last time I checked kay Luke siya pa ang lumapit sa'kin para lang ipakita sa magulang niya na ayaw nito magpatali kay Aurora. What changed his mind...? Or... heart, perhaps?



"NAKO, SERENA NAMAN! Bakit ngayon mo lang kami kinontak?!" rinig kong eksaheradang tanong ni Cardona. "Alam mo bang baka malagas na kami rito lahat bruha ka?"

Napangiwi ako sa naging singhal niya sa'kin pero ramdam ko sa tono nito ang kaba at pangangatog sa mga nasabi.

"Malalagas? Bakit? Ano bang nangyayari?" I asked, pretending that I didn't know the news.

I heard a few conversations on the other line. Parang nag-aagawan pa sa cellphone and Stella won.

Stella replied. "Jusko, girl! Ang init lagi ng ulo ni Sir magmula ng mag-AWOL ka. Halos laging galit at mainit ang ulo. Kaunting pagkakamali lang ang marinig niya'y sinesante niya!"

"Bakit ka ba kasi nag-AWOL bruha ka?! Kapag talaga kami ang sinunod na mapaalis rito sisiguraduhin kong aahitan kita ng kilay diyan!" rinig kong sigaw ni Cardona.

"Bakit ka nga ba biglang 'di nagpakita?" tanong muli ni Stella.

I rolled my eyes before I replied. "I'm just a part-time employee to help out. A temporary secretary nang matanggal yung dati niyang sekretarya. Now that the contract has been done, malamang ba't pa ako babalik d'yan?"

"Without waiting for someone to replace you? Para i-turn over ang mga dapat i-turn-over?" Stella rebutted.

Natahimik ako ng ilang sandali dahil hindi lusot ang rason ko.

"Bruha ka, that was so unprofessional!"

Bumuga ako ng hangin as I rolled my eyes again.

"Or was it because of Yvonne, Serena?" biglang singit ng isang binata na nakilala kong si Jason.

May iba pa palang nakikinig sa tawag na 'to?

Hindi ako nakasagot sa naging patutyada ni Jason dahil tama s'ya. Kailangan ko pa bang i-deny?

"Speaking of that devil, I heard na dumaan rito ang babaeng 'yon wearing her office attire at may hawak na folder. Para siyang nag-a-apply at sana h'wag naman." Stella interjected.

Malalakas na pagsinghap ang binitawan ng mga nasa kabilang linya and it's pretty obvious why.

"What the fuck? Trulalu ba?! Babalik ang demonyitang 'yon? Mag-r-resign nalang ako!" Cardona suddenly made his own decision.

"She'll be returning there anyways, ano pa bang silbi ko d'yan?" tugon ko, got a good alibi not to go back.

"Oh god, please, bumalik ka nalang utang na loob. Malalagas kami rito for sure!" dugtong ni Cardona.

I wouldn't be surprised. Ugh, I rolled my eyes.

"C' mon, Serena! At least mag-handover ka lang ng tasks mo sa magiging new secretary, let's say, two weeks?" Stella negotiated.

"Huwag namang two weeks bakla ka, gawin mo nang one month." Sunod na negosasyon ni Cardona.

"It's more like a thirty days render period, Cardona," I stated blandly.

"'Eh 'di ba dapat gano'n nga? You need to render bago ka lumayas."

'Di ko alam kung nakailang ikot na ako ng mata. Nakakapagod pala. "I'm not a regular employee. So, ba't ako mag-r-render?"

All of them on the other line groaned in frustration. Ramdam na ramdam kong ayaw talaga nila na makabalik si Yvonne.

"Please, Serena? Kahit one week." Huling tawad ni Jason.

Napabuntunghininga ako. These people, even though we're not that close enough, I know to myself that my conscience won't take the repercussion if Troy would fire them because of his unethical mood in the office. Ayoko rin namang danasin nilang muli ang paglaganap ng epidemya ni Yvonne at mas lalong 'di ko yata masisikmura ang kaisipan na muling magbabalik ang babaeng 'yon sa MGC.

Having her back on her original throne was not a good visualization in my head. Sa oras na makabalik 'yon ng tuluyan, panigurado akong isasampal na naman niyang nagtagumpay siyang bawiin kung ano ang kanya noon.

She succeeded with Troy. Might as well don't let her get again the position where she only uses to show authority to the employees.

"I'll think about it." Iyon nalang ang naisagot ko sa kanila matapos ang mahaba haba nilang pamimilit sa'kin. Stella and Jason settled on my temporary decision but Cardona's case was different. He's really persistent na huwag nalang akong umalis ng kompanya.

"Babalik ka, no questions nor validation needed." Napalingon ako kay Yvette na mukhang kararating lang mula sa refrigerator dahil may nakapasak na yakult sa bibig nito.

I sighed. "You think it's a... safe idea?" I asked.

"Girl, kung ikaw na nga ang sinisinta niyang si Papa Troy. Bumalik ka na." Umikot na naman ang mata ko nang marinig ang boses ni Maria. Here she goes.

"Is that about work again?" napalingon ako sa hagdanan nang marinig si Jorgy. She's wearing her favorite flamingo pajamas while holding her favorite teddy bear on her chest. Inaalalayan ito ni Maria pagbaba.

I gave a knowing look at Maria. She only shrugged at me then mouthed that Jorgy can't sleep. Nasa pinakalikuran ng dalawa si Aurora na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang tablet nito at seryosong nakatingin ro'n.

"Let me know Lady Elle if when do you plan on going back at MGC so I can reschedule some meetings and gatherings that you've signed up to."

"Hoy loka ka, gabing gabi na trabaho pa rin? Bitawan mo nga 'yang tablet mo, bato ko 'yan sa panga mo." Anas ni Maria nang bahagyang mairita sa kalagayan ni Aurora. "Work-life-balance tayo hoy."

"So?" Yvette asked.

Isang buntunghininga pa ang muli kong pinakawalan bago tuluyang inirapan silang lahat.

"Babalik... but!" mabilis kong segunda nang magsimulang mag-react ang apat na babaeng 'to. "... I'll be just there to recruit someone to replace me and turn over the works."

Iling iling naman ang ibinigay ni Yvette sa'kin pero may multo ng ngisi ang labi nito. Tila hindi naniniwalang 'yon lang ang dahilan ko.

"And... make-up sex with Papa Troy." Nanlaki ang mata kong tiningnan si Maria na kasalukuyang hawak ang magkabilang tainga ni Jorgy. She really made sure na maisisingit pa niya 'yang sinabi niya.

"'Eh ano na ang plano mo sa pag-reveal mo na ikaw si Serena Fontanilla? Not unless you plan on being you in MGC while doing your... reasonable stuff to go back." tanong ni Yvette.

We're all in the Patio of Yvette's rest house. It's already nine in the evening and the moon was shining beautifully as I looked at it.

"Well, bahala na! Babalik ako as Serena Angeles but this time they will witness the angst of a Fontanilla. Enough with playing as innocent and angelic kahit ang totoo'y, I'm really not."

"You go girl!" reaksyon ni Maria and she tossed her wine glass in the air. "Cheers to that!"

We all bumped our glasses. Yvette, Maria and I have the wine while Aurora with her ponkan juice and a glass of milk for Jorgy.

"Since babalik ka rin naman pala sa syudad, why don't we go in an Island Bar tonight? Sounds fun? Ngayon nalang uli tayo nag-reunion ng kumpleto tayo. Alam niyo naman laging MIA itong si Yvette." Maria suggested.

"Guilty." Wika ni Yvette, admitting Maria's accusation at nilingon si Jorgy dahil sa aming lima, alam niyo namang bata pa ang kaisipan ng babaeng 'to. "You okay to join us? You can sleep here."

Mabilis na umiling si Jorgy nang matapos nitong ibaba ang baso nito ng gatas. Nakabakas pa sa upper lip ng babae ang bakas ng ininom.

"Sama ako! Ayaw kong iwan rito. Baka may mumu po kaya."

"You know that we won't let you drink a drop of alcohol, Jorgy. You sure?" I confirmed.

She's being... different kapag nakakainom 'eh. Ugh! Naalala ko na naman tuloy ang huli nitong pag-inom ng alak nang hindi namin napansin.

"Ako nalang magbantay sa kanya para 'di makainom ng alak." Pag-suggest ni Aurora na kinatango namin. Much better.

"Sa oras na mahuli ka namin Jorgy, uuwi at uuwi agad tayo. Are we clear?" I warned her na kinatango tango naman ng dalaga.

She's somehow happy with the idea of partying.

"Alright! Noted, Ma'am Serena! Oh gosh, I'll be meeting new people again yehey!" tuwang tuwa na reaksyon ni Jorgy at nagsimula nang tumakbo pataas. For sure magpapalit na ng damit.

"That settled then, bitches! Let's go and party!"

    
DRUNKEN BAR

IT'S almost twelve in the morning when we arrived at the nearest bar in Coron. I'm wearing an oversize shirt beach dress na pinartneran ko ng maikling leggings. Nakalugay lang ang buhok ko na may kaunting kulot sa dulo. Not wearing any make up but only a lipstain to emphasize my lips.

Maria... well contradicting her name's classiness, she's wearing a strappy romper na sobrang nipis para sa figure niya. Nakapusod naman ang buhok nito as she wanted to emphasize her neck since it's one of her assets.

Yvette was wearing a strappy maxi dress naman na halos ilang dangkal nalang at aabot na ang damit nito sa lupa. She matched it by simply braiding only the right side of her hair.

Suot naman ni Jorgy ang isang long sleeved striped T-shirt dress na aabot lang hanggang sa mahaba nitong hita. We helped her to curl her ash brown hair. And Aurora's wearing a short sleeve dress crafted with a lightweight printed viscose dobby weave fabric, designed with a short length, and finished with open back knotted with ties.

People staring at us with awe and admiration. Yvette raised her hand to call for a waiter and was told to get a VIP area table for us.

Iginala ko ang paningin ko sa Bar. I'm actually fond of visiting Bars at doon tumambay. I'm quite impressed with what the bar had done in this area. The island vibe was still there. May tables sila outside of the bar itself. Inside the bar, I was astonished to see that the flooring was still sand. The walls were made out of roof materials, they used wooden tables and crafted chairs made out of Bamboos. The temperature of the area was fine too. They have aircons ready pero dahil Island bar 'to, their windows are open transparently to see the view outside too.

Sa may second-floor kami pinwesto ng waiter. It's actually wide and spacious. Then, instead of couches, they have hammocks and bamboo-made tables.

Maria started to jive along with Pop mixed music. Yvette's still wearing her expressionless face, Jorgy's head starting to move forward and backward while she's looking the entire place out of her curiosity. And Aurora's still looking on her phone at nakakunot ang noo. Seems like she's waiting for someone to reply?

"The place is... nice." Puri ni Yvette. Kapag ang babae na 'to ang pumuri? You should believe her. Maarte ang babaeng 'to sa lahat ng bagay so kapag may pinuri 'yan? Quality as its finest talaga.

"Here's the menu, ladies." Anas ng waiter tapos ay binigyan kami ng dalawang malaking DIY crafted menu book.

I must say, maging sa Menu book nila ay effort kung effort. Para kang tumitingin ng photo collage book.

"Wow, is this a scrapbook? It's... amazing!" komento ni Jorgy using her pitchy tone.

"Do you want to give a good review Lady Elle for this place?" napalingon naman ako kay Aurora nang bigla niya akong tanungin. Her tone was serious and business-like.

Inikutan ko siya ng mata. "Aura, please, stop working for once. Masyado ka nang engross sa trabaho mo. Mukha ba akong nanghihingi or inuutusan kita ngayon? Loosen up."

Mukhang nagulat ko naman ang dalaga sa nasabi ko. Well, sino bang hindi. Lahat ng mga empleyado ko, they know me as a workaholic woman. Stirkta sa trabaho. I always want them to follow my commands or orders.

I guess, I learned a little bit? Working again in which I'm not the boss, helped me to reminisce what I was before. I've been on their shoe pero dahil siguro I want to be always on top and show how a Fontanilla woman should be liked, I forgot where I came from.

"Five serving of Martini for me. And one bottle of Cuervo gold." I ordered.

"Mojito, please." Maria's order.

"Moscow Mule, make it fast." Yvette's condescending tone.

"Can I have Four Seasons juice? Thank you po!" magalang na wika ni Jorgy.

Binalingan ko naman si Aurora dahil siya nalang ang hindi pa nakaka-order. "Aura?"

Nagulat naman itong napatingin sa'kin mula sa pagkakatitig nito sa cellphone nito. "U-uh, Melon juice lang ako, t-thanks!"

Muli kong binalik ang tingin sa waiter. Medyo natigilan ako ng kaunti nang mahuli itong titig na titig sa'kin. I just ignored it. "Pakidagdagan na rin ng Nachos yung orders namin."

"Coming right up, Ma'am." Tugon nito at umalis na.

Nakaalis na ang binata ngunit ang titig ko rito habang pababa na ng second floor ay hindi ko pa mabitawan. Why do I feel something different towards him? Something was... off.

"Okay!" Maria got our attention nang bigla itong tumayo matapos maisalin sa mga kopita ang tequila na in-order ko kanina. Only Maria, Yvette and I would drink this. Aura can join but she has to drink moderately kasi siya nga ang nag-aalalay kay Jorgy na huwag makainom ng alak. "Since we are all complete! Let's do our usual game before. You all in?"

Tumaas ang dalawa kong kilay at napatingin kay Yvette. She's also grinning with evil.

"The Great Serena is here so I guess you'll accept the challenge?" Hamon ni Maria sa'kin.

Nginisian ko lang siya bago tinungga ang inorder na Martini sa harap niya.

"Still remember this game, right? It's pretty common..." napairap pa si Maria nang mabanggit ang salitang common. "... but we will make it something different."

Napailing iling nalang ako sa kanya. We all know what game she's talking about.

"Kung noon, ang non-player ang mag-d-describe ng lalapitan ng player para sayawan... tonight, iibahin natin siya."

Yeah, the game is just simple. Lalapitan lang namin ang lalaking idedescribe ng non-player and the genre will be decided accordingly. And mind you, hindi ang lalaking sasayawan namin ang nakakakaba. Ang mas nakakakaba sa larong 'to, kung anong genre ang sasayawin. Ang huli kong tanda sa huli naming laro, Maria did a crumping dance sa mismong pinaka-crush niya noon. Imagine the reputation that we all have! My goodness.

Mas ipapanalangin ko yatang hindi mag-ballet o 'di kaya crumping dahil talagang masisira na ang reputasyon ko.

"Bumabawi ka lang Ate Maria kasi ang pangit ng crumping mo noon 'eh." Lahat kami maliban kay Maria ay tumawa ng malakas dahil sa sinabi ni Jorgy.

Kahit medyo dim ang lugar kung nasaan kami, paniguradong nag-init ang pisngi ni Maria.

"Tse! Talagang maghihiganti ako! So, going back to the game. Same process pa rin pero ang mababago ay kung paano pipili ng lalaki."

Nagkatinginan muli kaming mga nakikinig kay Maria. Anong pakulo kaya ang nasa utak ng babaeng 'to?

"Kung noon, hahanapin ng taya sa laro ang lalaking idedescribe ng hindi taya." Segunda ni Yvette. And yeah, literal na boy hunting ang instruction noon. "... so, paano na kung babaguhin pala?"

Ngumisi naman si Maria sa akin at naglabas ng isang... eye mask.

"Thru this..." prepared si bakla ah. "... susuotin 'to ng taya tapos pupuwesto do'n sa gitna. Kapag sinabi naming tanggalin, ang unang lalaki na makikita niyo sa baba ang siyang lalapitan ninyo. And here's the catch! Hindi niyo pwedeng bitawan ang pagkakatitig n'yo sa lalaki. Meaning, nakatitig pa rin kayo sa kanya hanggang sa magkalapit kayo."

Wow, that's so... intimate?

"Paano ang genre ng music?" tanong ni Aurora na tila mas 'yon ang concern.

Ngumisi uli si Maria bago sumagot. "I've already coordinated that to the DJ. Sa oras na tanggalin niyo ang eye mask, mabilis niyang papalitan ang kanta ng buong bar ayon sa gusto niyang genre."

"Gaano ka-prepared, Maria?" nagugulat na tanong ni Yvette.

"Girl, ako ang nag-aya. Malamang kailangan itong game na 'to prepared ako, 'no. So, what result we must get from dancing with the man? You need to make sure that he'll get a massive boner. And with that? Your turn's done. Failure to accomplish the main agenda would merit a consequence."

Pare-parehas kaming nanlaki ang mata dahil sa purpose ng game. Seryoso ba s'ya diyan?

"At paano si Jorgy?" histerikal na tanong ni Yvette.

"Gets ko po yung way to win!" nakataas ang kamay ni Jorgy habang nakangiti sa amin ng maluwag. "Kailangan lang na tumigas yung p nis ng lalaki 'di ba?"

Aatakihin 'ata ako sa puso sa narinig sa babaeng 'to. I know she's innocent and somehow... slow in terms of understanding a complex discussion.

"Sa'n mo natutunan 'yan, Jorgy? At Maria, alam mo naman ang sitwasyon ni Jorgy 'di ba?!" sunod na sermon ni Yvette.

"Grabe ka naman Ate Yvette. I learned that from my anatomy class. And... it's normal naman po sa mga lalaki na maging enlarge yung reproductive organ nila. My professor said that their blood makes their tool becomes big and huge."

Napapaypay ako ng kamay sa aking sarili. Jorgy's taking it literally like... the knowledge itself. How pure and innocent this young lady.

Isang buntunghininga nalang ang nilabas ko tapos ay nagkusa na ako na ang mauuna. Yvette didn't say anything else dahil alam rin niya na iba ang pagkakaintindi ni Jorgy sa bagay na 'yon. Masyado lang berde ang isip namin siguro dahil nga... ang agenda, patigasin sila. Ugh, Maria! She's taking her revenge in a different level!

They cheered me when Maria handed over the eye mask.

Bigla akong sinugod ng kaba nang tuluyan nang nabalot ng eye mask ang mismong mga mata ko. Maria started guiding me towards the center of the second floor. Sa area kung saan tanaw ang bar's stage at ang iba pang customers.

"Are you ready, Bitch? Galingan mo. Kailangan yummy ang una mong makikita."

I let out an exasperated sigh bago ko kinurot ang tagiliran ni Maria. "Pasalamat ka nasa mood ako sumali."

"Wala ka rin naman magagawa. It's part of our party tradition."

When Maria left me there, she instructed me to remove it anytime that I want. 'Yon actually ang plano ko nang matapos na 'tong turn ko.

I don't know but I felt the people from below stopped from what they're doing at pakiramdam ko nakatingin na sila sa'kin ngayon. Nakaramdaman ako bigla ng pagkailang kaya naman biglaan kong tinanggal ang eye mask na suot ko.

The moment I regain my eyesight, my eyes darted below. Specifically sa isang bulto ng lalaki nakaupo sa bar stool. The man was sipping on his drink while looking at me intently. I don't know what happened but the way he stared at me sent a thousand shiver on my spine.

Both of us remained that way. Looking to each other... intently. His eyes were like telling me to come over. And that's what my body did. Napalunok pa ako nang pasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. He's only wearing a fitted sando that hugged his huge physique.

What the hell was he doing here?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top