Chapter Twenty-Nine
PARANG tumigil ng literal ang hininga ko sa narinig mula kay Troy. He's looking at me intently as if he's piercing me daggers minus the rage. Napalunok ako ng mariin at naging malikot ang galaw ng aking mga mata. Trying to look somewhere else just to protect my thoughts dahil sa takot na Baka totoo nga ang sinasabi nito.
"S-She's here?" kinakabahan kong tanong sa kanya at tuluyan nang hindi makatingin sa kanya.
Grabe ang tahip ng aking dibdib dahil sa takot na alam na nga ng binata na ako at si Serena Angeles ay iisa. Kung gano'n man, ano ang gagawin n'ya sa'kin? He would be mad, obviously. As in, mad like rage to the point that he'll shout at me and throw hurtful words because I know that I deserve it. Kasi niloko ko s'ya. Nagpanggap akong ibang tao sa kanya.
"Serena!" napalingon ako sa likuran ni Troy nang matanaw ko ang sumigaw na si Maria. Her face was serious.
Hindi ko alam kung tama ba ang naging pagdating ni Maria o ipagpapasalamat ko dahil maiiwasan ko si Troy sa kasalukuyan naming topic.
"E-Excuse me," agad kong turan dahil baka magbago pa ang isip ni Maria.
Maria looking at me that way means that there's something serious that has happened. Maria won't use that look on me if she's not.
Nang malagpasan ko si Troy ay napairit ako nang bahagya nang maramdaman kong may humila sa'kin. Nanlalaki ang mga mata kong binaling ang aking tingin kay Troy na ngayo'y seryoso pa ring nakatingin.
"Serena! C'mon! It's urgent!" Muling sigaw ni Maria.
Ngiwi kong tiningnan si Troy at pilit na pinapabitaw ng hawak sa'kin sabay sabing, "I'm sorry, it's urgent."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito at mabilis na tumakbo papunta kay Maria. Habang natakbo ay hindi ko alam na ilang minuto ko rin palang pinigilan ang sarili kong huminga. Ang kabang nararamdaman ko ay sobra sobra. Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko kung makatambol 'yon ng malakas.
He knew! No, he might not. But there's a possibility, right? Gusto ko pa man din sanang kompirmahin 'yon pero bigla akong natututop na gawin lalo na't hindi ko alam kung matatanggap ko ba ang magiging reaksyon ng binata.
"What happened?" I asked Maria nang makalapit ako sa kanya.
Seryoso pa rin ang tingin na pinupukol nito sa'kin ngunit nang umiwas ito ng tingin ay bigla akong nanghina sa 'di malamang dahilan.
Mabilis kaming bumalik sa Drunken Bar. Nang makarating ay agad akong hinila ni Maria sa isang madilim na parte na 'di kaagad kami makikita.
Sinilip ko ang nangyayari. May mga armadong lalaki ang nakapaligid sa entrance area ng Bar at kitang kita ko mula rito na may mga baril ito sa kanilang mga baywang. They're guarding the area and we are trying our best not to be noticed.
"Are they..." hindi na natapos ang tanong ko nang magsalita si Maria.
"I'm calling someone outside to get a better reception when they came." Untag ng dalaga.
"Nasaan sila Yvette?" Nag-aalala kong tanong.
"They're still inside." Then Maria tried to reach for her phone while still looking at the goons. Tapos ibinigay niya sa'kin ang isang text galing kay Yvette. "She sent me this."
Bahagya akong napasinghap sa nabasa. It's a Morse code pertaining to Guns.
"Kailangan natin silang tulungan." Mariin wika sa nagtatagis ng bagang. "Their revenge on us are getting out of hand."
"And I thought you've settled it before you came back here." May pang-aakusang wika ni Maria.
I scoffed. "I did! Sadyang may tutubo pa ring masamang damo kapag 'di mo binunot ang ugat. I should have killed the roots and now it's sprouting like hell."
"Ayokong isisi sa'yo pero parang gano'n na nga." Inirapan ko ang babaeng 'to nang dahil sa komento niya.
"Let's not talk about it here. We have to help them first." Suhestyon ko.
"The question is how," Maria replied. "They know our faces, ilang sandali nalang at makikilala na sina Yvette doon."
"Malakas ang loob nila dahil hindi matao at hindi sila makakakuha ng atensyon. Kaya kung kikidnappin nila tayo, walang magiging problema." Anang ko.
"Then..." napalingon ako kay Maria. Bumalatay roon ang ngisi sa kanya. "I know someone who could help us."
Maria navigated her phone and tried calling someone. Medyo nahirapan ito ng sandali nang dahil sa signal ngunit napa-Yes ng mariin ang dalaga nang may sumagot na sa linya.
"Hey, Mariposa. You want a scoop, right? Yes, of course! This is the juiciest one that you could ever have. Balita ko nandito ka rin sa Coron 'di ba? Hays, you're in a perfect timing bakla. Do you know that the Great Lady Elle of Fontanilla de Royale and the Bachelor of Monteverde have been spotted here in the Drunken Bar? Yes! Definitely! Go get your people! Now!" Then Maria hung up the phone.
"Bakit parang ayaw ko sa pinaplano mo?" may nahihimigan akong kakaiba rito sa babaeng 'to.
"Girl, as much as I want to stan the both of you now, hindi pwede. We have to save our girls. Kaya kung ako sa'yo, lapitan mo na uli si pogi nang ma-picture-an ko kayo. That old fucking Mariposa won't believe me. He needs proof. Now, off you go!"
Napairit ako ng bahagya nang itulak ako na babaeng 'to. Mabuti nalang at may sumali sa'kin na kung sino. Nang lingunin ko kung sino ay gayon nalang ang panlalaki ng mata nang si Troy iyon.
His face was unreadable and drop-dead serious. Natulos ako ng ilang segundo ngunit agad na nagbalik sa sariling diwa dahil sa tunog ng camera phone ni Maria.
"Hey, Troy. Try to be sweeter, c'mon!" anas ni Maria sa binata na kinabaling ni Troy rito. Kunot ang noo at seryoso pa rin ang mukha.
"What's happening?" he asked, and his baritone says that we should reply immediately.
"There's no time to ask. We need your help. Our friends inside the bar are in great danger." Paikling paliwanag ni Maria habang patuloy pa rin sa pagpipicture sa'ming dalawa.
Troy made me stood up properly with care. Ramdam ko ang pag-iingat ng braso nito habang nakaalalay sa baywang ko.
"They're holding guns, stay here." Wika ni Troy sa'ming dalawa pero parang mas para sa'kin ang utos na iyon kesa sa aming dalawa ni Maria.
He left us there wondering. Paano niya nalaman kaagad na may mga hawak na armadong armas ang mga taong nasa bar na 'yon? Nagkatinginan kami ni Maria. We don't have any plans of staying here lalo na't baka mapahamak rin ang binata.
We followed nang medyo makalayo layo na si Troy. Both of us are looking at him carefully para 'di niya kami mahuling nasunod sa kanya. Ngunit ilang minuto lang ay napatigil kami ni Maria sa paglalakad nang makarinig kami ng tunog ng baril.
Parehas na nanlaki ang mata namin ni Maria at napamura. "Sa likod tayo dumaan." Untag ko matapos makitang malapit na si Troy sa entrance area ng lugar.
Nakita pa naming nakikipagbuno ito sa mga armado. I saw how good he fights. His moves are precise and calculated. He doesn't attack frequently but when he gives off his punches, he made it sure that it's all solid.
"Serena!" sigaw ni Maria sa'kin. Huli na para mailagan ko ang isang lalaking hinampas ang hawak nitong baril sa mukha ko.
Napatinuod ako sa buhanginan habang sapo ang kaliwang pisngi at labing napuruhan. Mabilis akong dinaluhan ni Maria.
Hindi ako nagsayang ng panahon. I grabbed a handful amount of sand on my hand then I threw it away on the man's face. Napadaing ito sa sakit at ginamit ko ang maikling oras na iyon upang atakihin ito. I kicked in a three-sixty degree move that made him stumbled and fell on the sand. I quickly took his gun and gripped his neck habang nakaturo sa sentido nito ang hawak kong baril.
"Sige, subukan niyong kumilos at 'di ako mangingiming kalabitin ang gatilyo."
Ngunit hindi naapektuhan ang tatlo pang lalaking kasama nitong bihag ko. They continued to move with precaution. Maria is on the wall adjacent to them. Nag-iintay ito ng hudyat ko. Nang sobra nang lapit ng mga lalaking nakatutok ang baril sa'kin ay mabilis akong kumindat. A sign to let Maria move as fast as she can.
She quickly grabbed the first man's arm near her at mabilis iyon binalian dahilan para mahulog ang baril nitong hawak.
I used the distraction Maria did para paputukan ang dalawa pa. I pulled the trigger at walang mintis iyong bumalatay sa kani-kanilang mga binti and screamed in pain.
Sabay naman naming tinutok ang baril sa hawak ko pa ring bihag.
"Sabihin mo sa amo mo, sa susunod na tangkain niya pang hulihin kaming lima, magpadala siya ng batalyon. Dapat alam niyang hindi ako ganoong madaling mapapatumba ng mga simpleng gaya niyo lang sa lugar na 'to." Mariin kong mga wika tapos ay binaril ko rin ang binti nito.
The man screamed but Maria immediately spanked him on the neck para mawalan ito ng malay.
"Maria! Serena!" rinig naming sigaw ni Yvette. Kasama nito sina Aura at Jorgy. "Are you guys okay?"
Nagkatinginan kami ni Maria at parehas na napangisi. Then, I looked at them and grinned. "Napatunayan namin ni Maria na 'di pa kami kinakalawang."
Yvette rolled her eyes. Jorgy immediately went to us para yakapin. Nakasunod rito si Aura na may bahid rin ng galos ang gilid ng labi.
"Serena!" napalingon ako sa lalaking tumawag sa may 'di kalayuan. Humahangos hangos itong tumatakbo sa lugar kung nasa'n kami.
Nang makarating ay hingal itong napalapit sa'kin. He immediately put his hand on the side of my lips. Naging madilim ang mukha nito and his breathing became savage. "Who did this?" tanong nito.
"She tried to save me, Papa Troy." Isang nakangising Maria ang biglang sumingit sa'ming dalawa. "She saved me from the goons kaya nasaktan s'ya."
Tiningnan ni Troy ang apat na lalaking tumba sa may likuran namin. Tapos ay binalik niya ang tingin sa'kin. "You should have stayed where I left you!"
Napatulala ako at tumaas pa ang dalawa kong kilay. Hindi ko inaasahan ang pagsigaw nito sa'kin. Na maging ang mga kasama ko ay natulala at halata sa mukha ang pagkagulat.
"I'm okay, s-saka tinulungan ko nga ang kaibigan ko. Alangan namang wala akong gawin, Mr. Monteverde."
"Then you should have told me who to save first! Hindi 'yong pinapain mo ang sarili mo sa kapahamakan!"
I gulped, one real hard. Muli na namang nagbalik ang kabang naramdaman ko kanina lang bago ko siya iniwanan sa dalampasigan. Naiwaglit ko kanina sa aking isipan ang posibilidad na pagkakaalam nito sa totoong ako. Dahilan para mas magregudon ng sobrang lakas ang pintig ng puso ko.
"B-Bakit ka ba... n-nakasigaw? I said I'm fine. Just a scratch but I'm fine. Don't worry too much as if you're my father!"
I saw how his nose flared with my rebuttal. Halatang may gusto itong ibato sa'king mga salita pero napigilan nito ang sarili. Kita iyon sa pag-igting nito ng panga. I should have calmed because I don't know what he was about to say but at the same time, I'm fucking nervous because he should have said kung anuman ang nasa isip nito. Mas lalo tuloy nadagdagan ang kaisipan sa utak ko.
"I'll call people to help us get out of here... and I'm not going to say no for an answer. Sabay sabay tayong aalis rito at dadalhin ko kayo sa mas ligtas na lugar." May pinalidad na wika ni Troy na agad pa kami inunahan sa pagtangka naming pagtanggi.
Troy excused himself at nagsimulang tumipa sa cellphone nito upang gumawa ng tawag.
"Aray ko!" daing ko nang maramdaman ko ang hapdi ng kurot ni Maria sa tagiliran ko. Binigyan ko siya ng masamang tingin sa ginawa nito.
"Ikaw ang harot harot mong malandi ka!" angil nito habang minamata ako. "Akala ko ba hindi niya alam na ikaw si Serena Angeles?"
"Dapat hindi." Iyon lang ang naisatinig ko habang hinihimas ang nakurot na tigiliran. Malakas pa namang mangurot ang babaeng 'to.
"Bakit parang asta niya kanina 'eh, alam niya?" nahihiwagaan ring tanong ni Yvette.
"Aba malay ko!" depensa ko. "Plano ko ngang supresahin s'ya 'di ba? But that would only happen as soon as I came back to Manila."
"Pero parang alam na po n'ya, Ate Serena. He looks so... worried of you po." Nakangusong komento ni Jorgy habang naka-cross-arm pa habang hawak ng hintuturo nito ang mga nakausling mga labi.
"Maybe... a courtesy because both of you have the same name?" komento naman sa gilid ko ni Aura.
Mabilis na sinabunutan ni Maria ang dalaga na s'yang kinadaing nito nang bahagya. "Bakla ka, panira ka rin ng mood 'eh. Nasa langit na utak ng hitad na 'yan ta's sesegway ka ng negative d'yan."
"She has a point, Maria." Pagsang-ayon ko. "That's a good thought."
"Or maybe he's just testing you...?" Yvette countered.
I hissed at her. Iyon na nga ginagamit kong sagot sa tanong na 'yon bigla naman 'tong hihirit ng gano'n. "Imposible, we were just talking about her... I mean, the other me. And it looks like that guy is really drawn to her."
"Oh 'eh bakit may pagbuntung-hiningang kasama yung sinabi mo?" intrimidang tanong ni Maria.
"Kasi hindi naman talaga si Serena Fontanilla ang kinahuhumalingan niya. It's the other her."
Napatingin kaming lahat kay Aura sa naging tumpak nitong sagot sa kung ano talaga ang naiisip ko at nararamdaman. We eyed her suspiciously.
Nang mapansin nito ang katahimikan ay do'n palang nagawi ang tingin nito sa amin at nagulat pa ang gaga dahil naabutan niya kaming minamata s'ya.
"Bakit ang laki ng hugot mong bakla ka?" Maria asked.
"H-huh? W-wala a-ah. I w-was just... assessing her situation." May kabang kasamang wika ni Aura.
"Which is based on... you?" I probed to hit a spot.
At 'di nga ako nagkamali nang bigla itong napatungo. Yvette, Maria and I clenched our fist because I know what she's trying to imply.
"If you think you're not happy with Luke, let us know... kami nang bahala sa kanya." May pagbabantang hatid ni Yvette.
"I'll ruin his image if you want. You know how gossips can change people's life. Just say the magic word, girl. I'll do my magic." Maria offered.
Mabilis na inangat ni Aura ang parehas nitong mga kamay at winagayway nang sunud-sunod para sabihing huwag na. "No, please don't."
"Don't be submissive towards him, Aura. Binalaan na kita. I warned you about that engagement. You gave me your word na kapag nasasaktan ka na ng sobra, you'll set yourself out. Huwag mo nang palalain 'yang katangahan mo sa kanya." Mas seryoso kong banta sa kanya.
"I'm just here, Ate Aura." Jorgy with her consoling soul walked towards Aura and hugged her tight.
Malungkot na ngumiti si Aura then she looked at us one by one. "I may be a submissive type of woman, but you also know my other side. I'm just waiting for this angelic façade to be tired so the devil would take over once I can't handle it. Let me handle this, please."
Sabay sabay kaming bumuntunghininga at tumango tango sa kanya then we all hugged her too.
"We are just here for you," Yvette said.
Bigla tuloy tumama sa'kin ang mga sinabi ko kay Aura. Pagpapakatanga ba ang gagawin ko na huwag munang sabihin kay Troy na ako si Serena Angeles kapag napatunayan kong 'di pa s'ya nakakahalata na iisa lang kami ng katauhan? Pagpapakatanga ba kung hahayaan kong maging Serena Angeles muli dahil sa narinig ko mula sa mga labi ni Troy kanina?
He publicly announced that he already has a woman in her life. Something that he hasn't done from his past flings or relationships. Should I believe that?
Kung totoo nga, ano ang pipiliin mo Serena? Ang magpatuloy na magpanggap? Or let the truth speaks what will happen for both of you?
"I SAID I'M fine, Mr. Monteverde. Tama na ang paglagay ng gamot sa mukha ko." Naiirita ko nang wika dahil sa pagpupumilit ng lalaking 'tong gamutin ang nasugatan kong labi. "It's just a scratch, my god!"
"Just fucking stay still! Kung galos nga lang 'yan then let me finish putting this ointment to you."
My eyes almost wanted to roll forever because of his pagiging makulit.
"C-Can't we just do this... privately?" this time binulong ko na.
"Why?" natigilan ito sa paglalagay at kunot noong nagtanong.
I scoffed because of his question. I cringed when I heard another set of camera clicks and flashes from the media people na nakarating na sa Hotel kung sa'n nag-s-stay si Troy. Matapos itong tumawag sa kung sino... Luke and the other members of Los Solteros arrived using their copters. Dito nila kami dinalang lima.
Okay lang sana pero he just let us sit in the hotel lounge where we can be seen publicly. Ta's dito pa niya piniling gamutin ako. We're definitely making a scene! Damn it!
"Like hello?" sinenyasan ko ang media sa paligid. "I'm not comfortable with them? Isn't it obvious?"
"Why didn't you say it right away?" he replied as if it's now my fault. Just wow!
He took a glanced on his armed men at nagbigay ng utos. "Remove the media here."
"B-but sir, some of them are guests of this hotel." Nag-aalangang sagot sa kanya ng tauhan.
"I'm one of the owners of this hotel, Gerard. Papiliin mo sila, aalis sila sa hotel na 'to? O babalik sila sa kani-kanilang kwarto? Make them choose then." Troy dismissed his guard and he looked back at me again. "Just endure a little more, they'll be gone."
"Mr. Monteverde and Miss Fontanilla, just answer our question po! Nasa isang relasyon na po ba kayong dalawa? Totoo po ba ang balita na kayo na matagal na? Nagbalik po ba si Miss Serena dahil nalaman niyang nagpaplano ang tatay mo na ipakasal ka sa iba kaya gusto na ring lumabas ni Miss Serena at isiwalat ang inyong relasyon?"
Troy made my head turned back on his face when I heard one media asking those... freaking questions. Like what the hell? What kind of story was that?
"Don't mind them. Just stay still." Mabilis kong iniiwas ang mukha ko sa kanya at binigyan s'ya ng masamang tingin.
"You're letting them get away with those eerie thoughts in mind, Troy! What the hell are you doing?"
"I said let them be, do'n sila magaling. Ang gumawa ng kwento. If we replied to them that this is nothing. Do you think maniniwala sila kapag sinabing we just saw each other here?" He replied.
"At least we tried! My god! Mas okay nang sinabi natin ang totoo kesa naman mag-isip sila ng kung anu-ano!"
Natigilan si Troy sa naging sinabi ko at mas lumalim ang pagtingin nito sa direksyon ko. "Mas okay nang magsabi ng totoo? Really? Gaano nga naman ka-okay na magsabi ng totoo, Serena?"
Natulos ako sa naging patutyada nito sa'kin. 'Di ako nakakilos kaagad at tila naumid ko ang aking dila sa naging tugon nito sa sinabi kong pagsasabi ng totoo.
So, it's really true? That he already knew? He... he won't say those words if he was not.
"W-What do you mean?" I nervously asked.
Ilang segundo n'ya ako pinakatitigan ngunit hindi ito sumagot sa aking tanong. Mas lalong nadagdagan ang kaba sa aking puso dahil sa antisipasyon.
Ano ba talaga, Troy? Alam mo na ba talaga? O hinuhuli mo lang ako?
"Who are they?" tanong nito na nagpakunot sa aking noo. The question was not really connected to the thoughts that I've been thinking a second ago.
"They?" I asked because I'm not sure if I'm getting what he meant— I stopped mid-air when I already realized it.
Bago pa man din ako makasagot sa tanong nito ay biglang sumulpot si Yvette sa likuran ni Troy. Seryoso ang mukha nito ngunit may halong pagkairita.
"Why are you covering it up?" tanong ni Yvette nang diretsahan.
Akala ko magiging slow ako sa mga oras na 'yon ngunit buti na lamang at mabilis kong nakuha ang tanong ng kaibigan ko kay Troy. Troy was covering up the incident that happened in the bar?
Hindi kaagad sinagot ni Troy ang katanungan bagkus ay inuna muna nitong ayusin at ligpitin ang first aid kit na nakakalat sa maliit na lamesita.
"Would you answer me who the hell are they if I asked you?" balik na tanong ni Troy kay Yvette na siyang 'di nagustuhan ng dalaga.
"Travis might have told you that what I hate the most are those people who are throwing back the questions that I've asked. I asked you first, so, answer me directly." Yvette's bossiness is showing. Not sure if I should stop Yvette because I also want to know Troy's answer.
My feelings felt sour when I totally got Troy's plan. What happened in the bar a while ago can make some huge Rufus in our names kapag nalaman nilang involve kaming lima sa naging tangkang pag-kidnap sa'min ng mga armado lalaki. Regardless of Troy's being clueless about what's happening, he took the initiative to take advantage of Maria's initial plan when he saw her taking us pictures. Iyon ang pinakita niya sa madla kaya nandito kami ngayon sa area kung sa'n makikita kaagad kami ng media.
I scoffed mentally when I realized I have been used. Ganito pala ang pakiramdam ng ginagamit ka para sa isang bagay na 'di mo alam na kasali ka sa isang cast ng show.
"Don't make this such a big deal for the man who helped you to cover the intention of those motherfuckers why they want you all. My men are still securing all the perimeter and even each floor of this building before we head you over to your respective rooms."
Nagkapalitan kami ng titig ni Travis dahil sa mga sinabing paliwanag ni Troy. I'm not sure if he got my question.
"You should be thankful at least, I covered up the truth." Muli naumid ang dila ko nang ibaling ni Troy sa'kin ang tingin nito nang sabihin niya ang huling salitang paniguradong patama sa'kin.
"You don't need to do that, really. But if you really want to know why they want us, then take this meaningful advice from yours truly." Yvette leaned over as if she wanted to let Troy know her words only. "... stay away while you still can. Sometimes cats are being targeted to be killed immediately because of their curiosity."
Yvette then looked at me and her left brow arched upward dramatically. I sighed.
"Stop being so melancholy, Yvette. You're just giving him too many ideas already. It's not a big deal either." Segunda ko.
Marahas na napalingon sa'kin ang binata. "It was a big deal, Serena! Why are you taking this so lightly?"
I sighed because I'm too tired already. Ang hirap naman nitong kausap. Masyadong mausisa.
Kinuha ko sa kanya ang hawak nitong First Aid kit tapos ay binigyan ko siya ng isang ngiti to assure him that it's not really a big deal at all.
"Those men are just chasing us because of their Boss' ruined ego when we all crush them in a casino game before I went back here in the Philippines. We just forgot to bring our bodyguards because we thought that our location won't reach them. But yeah, I know, we thought wrong, okay?"
Then binigay ko sa isang tauhan nito ang Kit bago ko siya uling tiningnan. This time, I pat his shoulder. "Based on your facial expression, you're not buying it and I don't care. If you want to investigate it to validate my answer? Our information is all open for you. Would that suffice?"
Nakita ko ang marahan nitong pagtango na siyang kinangiti ko ng matipid. I am really tired and sleepy.
"Now, can you check with your men if our rooms are ready? We will take your offer for just a night because we still need to go back to Yvette's place."
Isang buntunghininga ang nilabas nito bago tumango sa isang tauhan ang binata.
"Secure the perimeter and their rooms for the whole night. That will make me at ease."
I inwardly sighed because he finally gave up.
"Sir Troy, kailangan ho kayo ng mga pulis sa labas. Nangako silang hindi na isasapubliko ang nangyari ngunit kailangan niyo pa rin pong magbigay ng statement." Anang ng dumating na babaeng parte ng security team ni Troy.
Tumango naman ang binata bago bumaling sa akin. "The staff here will assist you all in your respective rooms. Kindly wait for them here."
Sumang-ayon ako sa gusto niya bago sumingit ang kapatid ko. "Ako nang bahala sa kapatid ko, bro."
Troy pat Travis' shoulder as a sign of agreeing with him. Hinihintay ko nalang umalis si Troy nang magulantang ako nang bigla itong yumukod sa'kin at binigyan ako ng smack sa labi.
My whole body froze from what he did. Pati yata si Yvette at Travis ay nagulat sa naging galaw ng binata. Troy then moved towards my right ear and whispered...
"... your room is my suite, wait for me there. Susulitin ko ang ginawa kong eksena sa media kanina."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top