Chapter Three
PINAGHANDAAN KO ANG araw na ito. Hindi ako papayag na ginagago at binabastos ako ng kahit na sino kahit ang pinakamataas na tao pa ng gobyerno 'yan. No one ever talked to me like what that dickhead did last night. Gusto n'yang tikman ko ulo n'ya sa baba? I scoffed. Baka mas malaki pa ang ulo n'ya ro'n kesa ang nasa taas.
I needed information. Aurora-- my secretary gathered all the information that I need especially ang papalitan kong sekretarya ni Troy. And guess what I have found out?
Troy and his current secretary have a secret affair and they're almost a year now. I scoffed hard once more upon knowing that. Akalain mo nga namang may nagtatagal do'n? What kind of relationship they have anyway? FUBU type? For almost a year? How disgusting.
I'm walking inside of the Monteverde Group of Companies building wearing my simplest formal attire na isang sekretarya. Naka-blazer akong itim, naka-blouse na blue sa loob, nakapang-formal skirt na tinernuhan ng isang four inches black wedge shoes. Tinali ko naman ang buhok ko na medyo magulo at magmumukha akong haggard agad. I'm also wearing black-colored contact lens para itago ang natural kong berde na mga mata at nagsuot pa ako ng isang malaking salamin para kumpletuhin ang get-up.
I am now Serena Angeles. The simplest human form of my true-self. I don't know if I should be glad because this is what I planned before this favor erupted. I was actually thinking to disguise most often here in the Philippines, so I think, kahit paano magiging tahimik ang buhay ko.
Ang Troy lang na 'yon siguro ang makakasira sa plano kong bakasyon.
Pinagtitinginan ako ng mga empleyado sa ground floor. It seems like they memorized each of them kaya madali nilang napapansin ang bagong salta. I'm smiling at them and with matching bow effect. Kung gusto kong hindi makilala ninuman, kinakailangan ko ring palitan pansamantala ang ugaling kong maarte, cold, at nakakatakot na mga mata sa aking sistema.
I stopped in front of the elevator. Nag-inhale exhale ako at pilit na ini-internalize ang ugaling dapat kong ipakita sa ilan. Nangamgamba kasi akong makapagtaray sa iba lalo pa't natural ko 'yong ugali.
PINAGMASDAN KO ANG floor kung sa'n okupado ni Troy ang buong palapag. My lip was twitching because I like the ambiance and color used. Office vibe talaga s'ya, though, medyo darken lang ang atmosphere.
Ngunit napuna ako ng isang babae. "Miss, bawal po ang magsight-seeing dito. Opisina po ito at hindi tourist destination."
Napangisi ako sa loob loob ko nang mapagtanto kung sino ang babaeng nagsaway sa'kin.
Yvonne Abad-- Troy's current secretary and... his girlfriend.
Well, she looks decent sa suot nitong office attire. Medyo wavey ang buhok. Sexy rin siya kahit paano pero mas sexy pa rin ako syempre. Katamtaman ang laki ng dibdib. Kapantay ko na halos hanggang sa napansing kong nakasuot pala ito ng isang signature shoes.
Napataas bahagya ang gilid ng labi niya nang makita na puro mga signature clothes at brand pala ang mga gamit ng dalaga.
"Is there any problem?" tanong ni Yvonne sa'kin.
"Oh nothing... I was just wondering kung paano nakaka-afford ang isang sekretarya na tulad mo na makabili ng mga signature clothes and bag." Sabay nguso ko sa isang Chanel bag na nakapatong lang sa ibabaw ng mesa nito.
"Pinag-iipunan syempre." Yvonne replied.
So, that's her attitude towards to other people. Paano kaya ang ugali n'ya sa harap ni Troy? Well, hindi na kailangan ng Deduction skills ni Sherlock Holmes para lang basahin ang ugali ng babaeng 'to.
She's a certified bitch in disguise. My nose never failed me.
"Pinag-iipunan? Gaano katagal? C'mon girl..." Kita niyang nagpipigil na ng inis ang babaeng ito. "Sa minimum wage na nakukuha ng mga secretary na tulad mo, three years pa ang bibilangin mo para lang makabili ka ng isang signature item. Pero ikaw? From head to foot and to bag? Puro signature brands? Mas iisip kong manggagamit ka o may relasyon sa isang D.O.M"
Nginitian ko siya ng nakakairita.
Yvonne's face screams irritation but she's trying so hard not to explode in front of me. Well, at least, she has professionalism. I can give her the credit.
Yvonne smiled at me. "Sino ho ba sila Ma'am?"
"I came here to see, Mr. Monteverde." Taas noo kong sagot.
"Do you have an appointment with him, Ma'am? As far as I know, busy ang schedule ng Boss ko today. So, he's not expecting someone."
"I don't have. And I don't need it." I shrugged my shoulder at dumiretsong pumunta sa pintuan ng opisina ni Troy. Ayaw ko manggaling sa'kin ang bad news ng buhay n'ya.
As expected, mabilis na rumesponde ang babae sa'kin. She held my arm to stop from pursuing. "Hindi ho kayo pwedeng basta basta pumasok ng walang appointment kay Mr. Monteverde. Kung magpupumilit ho kayo ay magpapatawag ako ng gwardya para sapilitan kayong ilabas."
I shoo away her hand then I glared at her. "Call him and tell her Serena Angeles is here."
Yvonne's left eyebrow twitched. "You're not my boss--"
"But he's your boyfriend I suppose?" I asked that made Yvonne stunned from where she's standing right now. Napangisi ako ng lihim sa inakto n'ya.
"H-How did you—"
"How did I know? I just assumed and yet you confirmed it."
Napahawak naman sa labi ang dalaga na mukhang nahulog sa bitag ko.
"Now, before I stubbornly spill your secret sa lahat ng taong nandito... tawagan mo s'ya ngayon din at sabihin mong nandito ako."
Isang buntung-hininga ang narinig ko mula sa kanya. Wala itong nagawa sa kagustuhan ko at mabilis na dinampot ang telepono sa lamesa nito at tinawagan si Troy.
"Sir, someone named Serena Angeles is looking for you. Should I let her in or call the guards--" natigilan ito ng bahagya tapos ay isang buntunghininga muli ang ginawa nito. "Yes, Sir."
Nang maibaba ang telepono ay nakangisi ko s'yang tiningnan. "You may now go inside, Ma'am."
I smiled at her with evil. Oh no, hindi pa tayo tapos. "Pwede mo ba akong samahan sa loob? Please? Besides, your Boss might want something from you."
"Okay, come this way," Yvonne said with a bored tone.
Tingnan natin kung ma-b-bored ka pa. Damay ka sa galit ka sa amo.
I saw Troy seating on his mini bar counter on the side of his office. Natigilan ito nang makita ako pero tuloy tuloy lang ang lakad ko sa kanya habang nakangisi.
"She's your visitor--" Ani Yvonne pero naputol 'yon sa ginawa ko.
I immediately hugged my both arms on Troy's neck and kissed him hard. Ramdam kong pagkatigil nito sa ginawa ko pero kalaunan ay natauhan and he returned my kisses. He's a good kisser I must commend. My body felt something ignited because of the physical contact that we both made.
Naramdaman kong napahapit ang mga kamay ni Troy sa aking baywang at hinila ako palapit lalo sa katawan nito. Nagitla naman ako nang may maramdamang isang matulis na bagay na bumubundol bundol sa may ibabang bahagi ng tummy ko.
I didn't expect that he's huge! I felt his lips moved upward na tila nagustuhan nito ang pagkagulat ko sa pinaramdam n'ya.
"What's the m-meaning o-of this?" garalgal na turan ni Yvonne sa nasaksihan.
Troy and I stopped from kissing and I caught my breath back.
"T-Troy?" napatingin ako sa nasasaktang itsura ni Yvonne. "Answer me." Napalapit na ang dalaga sa tapat ni Troy at hinawakan ang mga kamay nito.
"Sabihin mo sa akin anong mayro'n, Honey?!" Yvonne was trying hard to make her tone normal but I heard her tone squeaked.
Nagulat naman ako sa pinapakitang reaksyon ni Troy sa dalaga. He's looking at her with his cold stare and nothing else.
"I just don't love you anymore. Sorry." Turan ng binata at napayuko.
Isang malakas na sampal naman agn biglang dumapo sa pisngi ni Troy.
Kitang kita ko ang mga luha na patuloy na umaagos sa mukha ni Yvonne.
Puno ng hinanakit. Puno ng sakit. Puno ng kalungkutan.
Ipinilig ko ang akingulo dahil ayaw kong may nakikitang emosyon. Kung ako siguro ang nasa posisyon n'ya ay gano'n rin ang gagawin ko. Harap harapan ka ba namang pinagtaksilan.
But this is the only way I think to save Yvonne from Alfonso. Kasama sa mga binigay na impormasyon ni Aurora kay Yvonne ay ang pagiging mainit ng matanda sa dalaga. Alfonso hates Yvonne to the pit of despair. Not sure why but he didn't approve their affair with Troy though. Wala na akong pakialaman ro'n. Pero nang malaman kong pinapasundan ni Alfonso si Yvonne ay ito nalang ang tanging paraan na nakikita ko. She needs to distance herself with Troy.
Hindi ko naman aagawin ang jowa n'ya. Pwede na silang magbalikan after two months kung gusto nila.
Kahit masama ang ugali ko, ayoko namang may mangyaring masama sa babaeng 'to lalo na't Alfonso has the power to ruin someone.
"Anong dahilan?!" tanong nito na pinipilit h'wag mabasag ang boses.
"I told you—" hindi siya pinatapos ng sagot ni Yvonne.
"Ano ba naman Troy, No'ng isang araw okay pa tayo, ah. Nakapag-date pa tayo at masaya tayo. Pero ano 'to? Ano 'tong nangyayari ngayon? Dahil ba 'to sa tatay mong 'di ako tanggap? Dahil ba 'to sa hindi ako pumapayag na makipag-sex sa'yo kapag nag-aayaya ka?" tapos bigla nitong binuksan ang blouse nito at kinuha ang kamay ni Troy.
"Ayan! Sige na! Iyon lang naman pala. Please make love to me just... just... don't leave me please!" Napaupo na sa sahig si Yvonne.
Tinignan ko si Troy. His face screams guilt. Sigurado akong guilt 'yon at hindi sakit ng nadarama. It was like he knew my plan to save her.
"Stand up." Matigas na utos ng binata.
"No! Please! No!" hinawakan na siya sa mga binti ng babae.
Pero naging matigas ang loob ni, Troy. Hinawi nito ang kamay ni Yvonne at hinapit ito upang itayo. "Just leave... and you're fired."
Iyon lamang at bumalik na sa desk nito si Troy. Leaving the girl still crying.
Napatingin naman sa kanya bigla si Yvonne ng masama. "You're a bitch!" she gritted.
She's mad as I can see. Girl, ano ba? H'wag kang mag-alala. Kapag natapos 'to, pwede na uli kayo.
"Magbabayad kayo. Tatandaan niyo iyan." Then she took her final walk out of the office.
Tiningnan ko naman si Troy na ngayo'y hawak ang sentido at tila problemado. He's sitting on his throne then he moved to face the glass window at his back.
"It's better this way, pwede naman kayong magbalikan after nitong set-up na gusto ng tatay mo." Sabi ko sa kanya, trying to light the atmosphere.
"Just leave," untag ni Troy sa akin na kinataas ng kilay ko.
Nilapitan ko s'ya at humarang sa view na tinitingnan nito. I replaced it with my right leg habang nakatapak ang paa ko sa isang side ng upuan nito.
His eyes ogled ridiculously on my leg. I even saw how he gulped discreetly.
Gosh, men.
"I'll be having a bad day today, but before I face it... hindi ko nakakalimutan ang sinabi ko sa'yo kagabi." Then, I sat on his lap facing him.
"Are you ready?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top