Chapter Thirty-Eight

The next morning, to get away from all the dramas that I experienced last night, pumasok ako sa PUP. It's a good thing I have to submit my term paper as well since the end of the semester is also near.

Nakapangulumbaba ako sa isa sa mga stoned-tables sa loob ng Intramuros wall. 'Di ko na rin ata mabilang kung pang-ilang ulit na ako napabuntunhininga.

"Dzai, andyan ka pa ba? Pakigalaw naman ng baso." Napakurap kurap ako nang biglang nag-snap ng daliri sa mukha ko mismo si Tina.

Naalala kong kasama ko nga pala ito at maging si Enrico. I glared at her and annoyingly grabbed the juice they bought for me.

"Laki 'ata ng problema mo ngayon, girl. Wala kang hada?" Tina bluntly asked me. Pero dahil alam kong masyadong bulgar ang salitang ginamit ng dalaga ay umani ito ng pagsuway kay Enrico.

"Your words, Tina!" Enrico hissed. Bakas sa mukha nito ang biglang pamumula ng mukha kahit na moreno ang kutis ng binata.

"Oh, bakit? Nalilibugan ka naman kapag ganito ako magsalita ah!"

"T-Tina! Tone down your voice!" Enrico hissed annoyingly.

"Bakit? Totoo naman ah! Libog na libog ka nga sa mga ungol ko--" mabilis na tinakpan ni Enrico ang bibig nito habang napatingin sa akin ng may bakas ng pagkapahiya.

"W-Wala kang narinig," angil ng binata sa'kin na inukutan ko nalang ng mata habang kinakagat ang pang-limang FEWA na binili ko.

"Tina!" angil muli ni Enrico nang dilaan ni Tina ang palad na nakatakip sa bibig ng dalaga.

"Hayup ka, kakagaling mo lang sa banyo tapos bigla mong ipangtatakip 'yang kamay mo sa bibig ko. Pakababoy mo!"

"Hehe, sorry na. Ikaw kasi, ang ingay mo."

"Aba talagang kasalanan ko pa talaga--"

"Iiwan ko ba muna kayo rito?" I asked sa mababang energy habang nakatulala sa kinagatan kong parte ng FEWA.

Natigilan naman ang dalawa kapagkuwa'y pasimpleng inutusan ni Enrico si Tina na bumili ng panghimagas. Maarte at masungit na inirapan naman ni Tina ang binata pero sinunod pa rin. Tina took another glance at me with worry plastered on her face.

"Ang sabi ko lang sa'yo, Enrico, ikaw na bahala ang pumrotekta sa kanya pero sa pagkakatanda ko, hindi kasama ro'n ang sipping-an si Tina." my eyes squinted at this man while saying those words at him.

Mukhang inaasahan naman ng binata na bubungangaan ko siya dahil rito. 'Di naman nito tinanggi ang mga ginamit kong salita at nako subukan lang nitong tumanggi at mapuputulan ito sa'kin ng kaligayahan.

"Hehe, p-pasensya ka na Serena. Sinubukan ko namang umiwas sa mga advances niya pero--"

"Pero libog is life?" ako na ang tumapos sa gusto nitong sabihin.

"H-Hindi naman,"

"Ibig sabihin ba niyan, magjowa na kayo?" nilihis ko nalang ang topic sa isa pang tanong na dapat kong malaman sa lalaking 'to.

Napansin ko naman agad ang pamumula ng pisngi nito dahil sa tinanong ko.

"H-Hindi pa,"

"Pero may balak ka?" tanong ko rito, this time mas malalim at mas may diin na ang tingin ko sa kanya.

"U-uhh, n-napagkasunduan naming dalawa na... i-enjoy nalang muna ang nangyayari sa'ming dalawa. We'll cross the bridge when we get there."

I sighed. Hindi na ako eepal sa mga desisyon nilang dalawa. They are both adults already. Alam kong ayoko lang mapasama ang kabababata ko at masaktan sa katulad nitong mga angkan ni Adan pero sino ba ako para pigilan sila sa ginagawa nila 'di ba?

Sarili ko ngang puso 'di ko pa nasosolusyunan kung paano makakawala sa mga sakit na nararamdaman nito tapos makikiepal pa ako sa relasyon ng iba.

"You better be, you must remember that your world is different from hers." I only reminded him that it causes his face to turn serious. He knew what I meant to that.

"How's the operation?" paglihis ko ng topic.

"We are almost there," iyon lang ang tanging nasabi ng binata and I didn't pry anymore. It's his mission.

"May balak ka bang sabihin sa kanya? Na pagkatapos ng misyon mo ay babalik ka na sa mundo mo?" tanong ko pa rito.

Bakas sa mukha ng binata ang pagkatigil at 'di pagka-react agad sa naging tanong ko. Enrico was about to answer when Tina popped up. "Babalik? Sinong aalis?" inosenteng tanong nito habang may hawak na ice cream. Iyong ice cream na hindi branded na nakalagay lang sa maliit na container.

Bakas sa mukha ni Enrico ang pagkataranta and I only sighed at the sight of it. "Ako, aalis ako later para bumalik sa pinagpart-time-an ko."

"Ahh, okay. Oh, eto ice cream, nang lumamig naman 'yang ulo mo. Alam ko kasing lamig niyan ang puso mo ngayon." Abot ni Tina.

"'Eh kung pasak ko bibig mo 'to? Mapanakit ka, ah!" irita kong wika rito. Nananakit 'e.

"Ah, so lalaki nga ang problema mo kaya ka ganyang katamlay?" Wow, Tina got me there. I'm shocked.

I only rolled my eyes at inis na kinuha ang ice cream na bigay nito at nilamutak iyon.

The three of us are walking on the PUP catwalk nang may makabanggaan ako. Matutumba sana ako sa sahig nang may humablot sa'kin at para ako'y iligtas. Nagawi agad ang tingin ko sa bumangga but I only saw a man wearing a jacket, black face mask and a cap na sunod sunod ang pagtango na tila nagbibigay ng paumanhin pero agad ring umalis.

Aba't hindi man lang nag-sorry ng maayos! Gago 'yon 'ah!

"Be careful," doon ko palang napansin ang lalaking sumalo sa'kin and I was stunned upon recognizing his voice. Dahan dahan kong tiningnan ang lalaki para kumpirmihan kung tama ba ang rinig ko sa nagmamaay-ari ng boses na 'yon. "But I caught you."

Ilang sandali akong natigilan habang nakatitig sa mukha nitong hinulma ng maayos noong ginawa. His deep eyes are screaming worry and seem apologetic. My heart went erratic because of his touch-- a familiar emotion.

"Ano? Nag-f-film kayo ng pelikula?" doon palang bumalik ang ulirat ko nang marinig si Tina na nakapamewang pa sa tabi ko. I immediately pushed Troy away and composed myself by standing properly. Inayos ko pa ang nagulo kong buhok at malaking salamin. "'Kala ko may nag-f-film ng pelikula 'eh, nakakahiya naman sa mga single sa paligid."

"Uhh, mauna na kami ni Tina, Serena. Kita nalang tayo sa may SM Sta. Mesa."

"Huh? Anong mauuna? Iiwan natin 'tong babaeng 'to na warak ang puso sa lalaking 'to?"

"Halika na--"

"Aba hindi pwede 'yon. Mukhang ito ang nanakit sa kababata ko 'eh. Oo nga tama, ito nga siguro. Aba hoy kuyang saksakan ng pogi! Kahit para kang binagsak ng langit dahil sa kagwapuhan mo, kung ginagago mo lang 'tong kaibigan ko ay mag-isip isip ka! Marami akong tropa sa Tondo at paabangan kitang pakyu ka!"

"Halika na sabi..."

Gusto kong lamunin ng lupa bigla. 'Di ko alam kung dapat ba ako mainis sa dalawang 'to kasi iiwan ako sa gagong lalaki na 'to o hahayaan kong manatili si Tina at hahayaang marinig ang mga litanya nitong nakakahiya. Nag-eeskandalo pa!

Pasimple tuloy akong napatingin sa paligid at tama ngang pinagtitinginan kami. Shit, ano ba 'to. Nakakahiya!!!

"L-Let's talk 'My. P-Please hear me out—"

I hissed at him tapos ay bigla ko itong hinila at mabilis na naglakad. I want to get out of this place first. Ano ba kasing naisip ng lalaking ito at dito pa napiling puntahan ako? In public pa!

Binitawan ko siya nang makatawid kami sa kabilang kalye. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng mabilis at tinatahak ang daan na shortcut papuntang SM. I could feel that he's following me but it still frustrates me dahil panay ang tingin ng mga nasasalubong namin sa lalaking 'to.

Papaanong 'di mapagtitingan kasi. Nakasuot ng three-piece suit! Maroon for both jacket and his trouser then white polo shift in the inside and an Armani Hindi ba 'to naiinitan? It's just three in the afternoon!

Hindi ako pinigilang maglakad ni Troy hanggang sa makatawid naman kami sa may V. Mapa street. Medyo mas maraming tao na ang nadadaanan namin at mas lalong dumarami ang tumitingin sa aming dalawa. Mas binilisan ko pa tuloy ang lakad at napapapikit kung minsan.

I gasped at the sound of a honk beside me. Parang tumigil bigla kabog ng dibdib ko dahil kamuntikan pa akong mabangga. I was saved by Troy that's now holding me from his behind.

"Magpapakamatay ka ba, Miss?!" Sigaw sa akin ng driver na kamuntikan pa akong mabangga.

"'Eh kung gawin ko sa'yo iyang sinasabi mo gago!" Ganting sigaw ni Troy na mas nagparami ng mga usyusero sa kalye. My face cringed because of this commotion kaya naman hinila ko nalang uli ang lalaking ito nang makaalis na kami.

"Ano? Makikipag-away ka ba? Iwan nalang kita rito." Angil ko rito na nagpatigil naman sa pagsugod nito sa driver at akmang aabahan pa sana.

I rolled my eyes at nagpatiuna na uli ng lakad. They were in front of the V. Mapa LRT station when Troy grabbed my arm and let me face him.

He looked so frustrated and tired. Mukhang 'di pa ito nakakapagpahinga ng ayos. "I can't take it anymore. Please talk to me, 'My. Hear me out please?"

We both ended up inside a coffee shop na nasa SM. Sta. Mesa. The music of the jazz song playing in the background didn't even help to ease my emotion that's building up. Hindi ko alam kung ano ba itong narararamdaman ko ngayon. A part of me doesn't want to see this man first but at the same time, I want us to talk. Pero sa tuwing tinitingnan ko ito sa mata na puno ng lungkot ay 'di ko mawari ay nakikita ko ang kapatid kong kakakilala ko lang sa kanya.

"I am sorry," iyon ang una nitong sinabi sa'kin. I don't know why I am being emotional but I immediately looked away and felt my tears were starting to blur my vision. "I—I, I can't give you any reason dahil alam kong magmumukhang nagdadahilan lang ako. Pero sana'y mapatawad mo ako when I used... when I used you at the very beginning."

My fists started to clench under the table.

"I am seeking revenge... and answers from the people who became unfair to her."

"You did everything... for her." It was not a question when it escaped from my lips.

"'M-My, yes it was—"

"And decided to fool me for someone I don't even know. It was all an act, I guess." Dagdag ko pa na tila iyon na ang naging pinal na kongklusyon ko sa nangyari.

"'M-My, please hear m-me out."

"Answer me," I demanded, habang nanlilisik ang mga mata ko sa kanya.

Troy gulped upon seeing my wrath. Nakailang buntunhininga ito pagkatapos ay tumango, answering my question.

I nodded and started to get my bag and started to leave.

"'My, p-please hear me out," pagpigil ni Troy sa'kin sa pamamagitan ng paghaklit ng braso ko bago tuluyan makatayo ng lamesa.

"What's there to listen to, Troy? Iyon lang naman ang gusto kong malaman from you." You are such a liar, Serena. "And thank you for being honest, I appreciate it. At least you know how to accept your mistake."

"P-Please, it's your s-sister too." Tila parang nagpanting ang tainga ko sa sinabi ng lalaking 'to.

I glared at him while slowly whispering my rage as I don't want to create a sin here. "I don't have a sister," I harshly said.

Pagkatapos no'n ay hinaklit ko rin ang braso ko at nagmamadaling umalis ng coffee shop.

Troy did everything for her... everything just... for that sister of mine that I don't even know! Lahat ng nangyari sa'min ay arte lang. Something that I shouldn't take seriously right? Even those sex! Those are just part of his benefits in doing these. How dare he?!

Pasakay na dapat ako ng jeep sa harap ng SM Sta. Mesa when a car stopped in front of me. Akala ko kung sino pero nakita ko agad si Tina sa passenger seat at si Enrico naman ang nagpapatakbo. I immediately went inside of it.

They didn't say anything especially when tears started to fall on my cheeks. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang hinahayaang tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Akala ko wala na akong iiiyak pa kagabi pero mayroon pa rin pala. If last night, almost half of my being were crying because of my family, ngayon parang sinagad naman 'ata nang dahil lang sa lalaking 'yon!

"Papabugbog ko na ba 'yon, Beshy?" Tina tried to lighten up the atmosphere since sobrang tahimik ng kotse maliban nalang sa nag-p-play na kanta na para nanadya pa 'ata kasi tungkol sa heartbreak ang tema.

"T-Tina, let her—"

"No, I'm fine Enrico. Thank you for picking me up." I told them then I looked at Tina in the rear mirror na nanlilisik ang mata sa'kin.

"Alam kong gwapo at mayaman ang itsurahin n'ya pero alam mo ang moral nating mga taga-Payatas. Hindi tayo nagpapatalo sa mga nang-aapi sa'tin. Kaya sabihin mo lang at tatanggalan ko 'yon ng patilya, nyeta s'ya!"

Napangiti naman ako kay Tina when I heard those words from her. She's still the one who protects kahit na alam nitong agabrayado ito, basta mapangtanggol lang nito ang kaibigan at pamilya ay gagawin talaga ng dalaga.

"At paano mo naman gagawin 'yon? Napakayaman no'n na tao, mamaya ano pang gawin sa'yo." Pagpigil naman ni Enrico sa dalaga.

"Ay bakit? Walang maya-mayaman sa mga taong inaapi. Ano? Dahil lang sa mas marami silang pera kesa sa'kin? Ulol nila mga pakyu sila! Hindi sila d'yos para maging antatsabol." I guess she meant untouchable? "At bakit mo ba ako pinipigilan? Siguro tropa mo 'yon ano? O nagtatrabaho ka ba do'n? Umamin ka na ngayon palang dahil ayoko sa lahat ay yung pinagsisinungalingan ako!"

Parehas kaming natahimik bigla ni Enrico sa naging pasaring ni Tina. Mabilis pang napatingin sa rear mirror si Enrico para siguro manghingi ng tulong sa'kin pero inirapan ko lang s'ya.

"A-Ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Ang OA mo n-naman, oo na sige na, 'di na kita pipigilan." Angil ni Enrico tapos ay bumulong, "Para namang hahayaan kitang mapahamak."

"Good— ano'ng sabi mo?!"

"W-Wala! H'wag ka nang manigaw. Daig mo pa si Serena na dapat s'ya ang nagsisisigaw rito 'eh."

Bumuntunhininga nalang ako dahil kahit paano nakalimutan ko saglit yung pain na naramdaman ko kanina, I was really suffocating at hindi pa ako umalis kanina ay baka nakita pa ako ng Troy na 'yon na humahagulgol. I should at least save my face from him.

"Let him be," iyon nalang ang tanging naiwika ko at tinuon nalang ang atensyon sa cellphone ko. Gamit ko iyong pangalawang phone ko dahil paniguradong tawag ng tawag si Troy kanina sa isa kong cellphone kaya pinatay ko nalang.

"Ay ano beshy? 'Di ka man lang maghihiganti? Girl, 'di dapat gano'n! Mga moderna Pilipina tayo! Mga palaban! Kahit 'di ko alam 'yang problema n'yong dalawa ay 'di naman ako makakapayag na madedehado ka." Anas ni Tina na nilingon pa ako habang sinasabi ang mga iyon.

I gave her a faint smile. "Ayokong sayangin ang oras ko sa katulad n'yang irrelevant na sa buhay ko."

"Ay! Bet ko 'yang sinabi mo! Winner! Pangmalakasan 'yon!"

"Ignore their existence... that's the best revenge you could ever have." Anas ko habang binabasa ang isang text message sa'kin ni Travis.

Dad's in the hospital. Come here quick!

Bigla naman nataranta ang diwa ko sa binigay na mensahe ni Travis. Agad kong tinawagan si Travis para tanungin ito. "Anong nangyari kay Dad?" nag-aalala kong tanong.

"We'll know soon but it seems like he got a mild stroke," Travis replied and I cursed underneath.

"Text me the hospital address," utos ko rito saka binabaan ng tawag dahil nasa kabilang linya naman si Yvette.

"We are being summoned," maikling bungad ni Yvette na nagpapikit sa'kin.

Ba't naman ngayon pa?!

"Dad's in the hospital, can you be there and take over for the meantime? I'll be there, don't worry." Anas ko rito.

"Fuck, sure fine. I'll take over, send our regards to Tito. Do you need help?"

"Nah, I can manage. Give me updates." I replied then ended the call.

Agad kong kinausap si Enrico. "Makati Medical—"

"On it," tugon ng binata na nagpatigil sa'min ni Tina dahil ang bilis nitong nag-U-Turn.

"Thank you, pasensya na kung nakikigulo ako sa date n'yo." Wika ko.

"Ano ka ba? Tatay mo 'yon kaya oks lang, beshy. Mamaya pa naman kami magyuyugyugan dito sa kotse."

"Tina!" parehas naming suway rito dahil sa kabulgaran ng bibig.

"Pakaarte ampota," naibulong nalang nito.

Pagkarating ko sa ospital ay 'di ko na pinapaba ang dalawa. I told them to go on their date since andito naman for sure si Travis at ang step-mom ko.

Agad kong hinahanap ang private room na pinagdalhan kay Dad. May dalawang guard ang nakabantay sa pintuan ng room ni Dad pero may ilang guards din akong nakita na tila hindi sa'min nagtatrabaho. Napakunot ako dahil ro'n.

Hinarangan ako ng mga guards na 'di ko kilala na s'yang kinagulat ko, mabuti nalang at nakilala ako ng dalawang bodyguards ni Dad at sinabing anak ako. I forcefully removed the hand of the man and slapped him.

"How audacious," I spit.

I was about to open the room when I heard the people inside.

"Dad, mabuti nalang at okay ka na. Pinag-alala mo ako, kami ni Mommy."

"P-Pasensya ka na anak," tugon ni Dad.

"Akala ko naman masusundo n'yo ako sa airport tapos 'yon pala dito tayo magkikita kita."

"Honey, 'nak. We missed you, we really did miss you. You know that." It was my step-mom.

"Musta ka na ba bunso? Mas matangkad ka na sa'kin, ah."

Hindi ko narinig ang response ni Travis pero napahawak ako bigla sa dibdib ko. Bigla iyong bumigat dahil sa mga narinig sa loob ng kwarto.

I should get myself out of this equation but I didn't know why my hands touched the doorknob and opened it.

The scene almost reaped me apart. A smiling Dad and a crying Mom while hugging their legitimate and eldest daughter. Nakaakbay ang babae kay Travis na nakatalikod sa'kin

It was... a great picture to capture. This is something that I am most envious of. A complete family.

And seeing them irritates my eyes because I didn't know that they would look so perfect in everyone's eyes. Travis and the woman really look a lot like my father and my step-mom. Their bond was... inseparable. Bakit bigla ako nakaramdam ng kakaiba na kapag lumapit ako ay baka masira ko ang pinaka-touching moment ng buhay nila? Isang bagay na 'di dapat ako kasama?

"S-Serena... anak," Dad called.

I gathered all my remaining pride to hide my pained face and smiled at him.

Napatingin naman sina Travis at si Step-mom sa gawi ko. Dad and my step-mom looked so relieved upon seeing me. My step-mom immediately went to me and hugged me tightly. Paulit ulit itong nag-s-sorry sa'kin na pakiramdam ko'y 'di naman dapat. Bakit biglang nakaramdam ako na ako ang epal sa istoryang ito? Na 'di dapat ako naririto dahil kahit ang presensya ko lang ay nagdudulot ng kasiraan sa kumpletong pamilyang mayroon sila.

"Come, anak. Let me take that." Step-mom said then she took the fruits that I brought and placed them on the table. She then went right away to this woman.

Hindi ko pinansin ang babaeng hindi pa rin ako nililingon. I went straight to my Dad and held his hand. Nang makuha ni Dad ang kamay ko ay mahigpit n'ya akong hinila para mayakap.

I didn't hug him back. My heart became cold all of a sudden. My mind went blank either.

No, mali Serena. Hindi ka na dapat pang pumasok rito. You are just a nuisance. They don't need you here. Their daughter is back and why do I feel like... they knew that she's still alive.

"M-Mabuti nakarating ka anak, nag-aalala ako sa'yo."

"Since when did you know that she's still alive?"

Iyon ang bumasag sa masayang pagkikita kita nilang apat.

"S-Serena, anak. Please listen to me." Dad tried to get my hands but it felt like hot water to me and I was immediately stung. Even the words he said. I just heard that from someone a while ago. It cringes me that even Dad said it too made me want to vomit.

"I demand an answer. A straightforward answer."

Mabilis na pumagitna si Travis at inilayo ako kay Dad. "Let's talk outside first, Ate." Anang pa ni Travis na kinalipat ko ng tingin sa kanya.

"You knew too, right?"

"S-Serena, darling. I know we are at fault. But can you please listen to us? Just... listen please?" Mom hugged me and almost gave up my swelling tears.

"I told them not to tell you... sister."

Ayoko man tingnan ng masama ang babaeng 'to pero huli na. "You told them? Why?"

"Because it's always been like that since I was young. You see, I was bedridden because my health is compromised. I asked them to continue treating me as if I didn't exist. And I asked not to tell anyone by the time that I'm getting better."

"Don't give me that answer—"

"And because I don't trust you." Natigilan ang lahat nang bigla iyon wikain ni Helena. And she said those words with her innocent smile as if it's just normal for her to say that. "You are a product of a sin, so why would I trust my existence to you?"

"Helena, Serena. Stop this." Pagpigil ni Dad sa'ming dalawa.

Helena doesn't trust me because what? I am a product of sin? My wrath is to the roof already and Travis felt that. Travis knows me when I'm mad. "Ate, relax. Don't do something—"

"I know," putol ko rito na kinabigla nito.

I inhaled and exhaled. For an eldest like her, she sure has the guts to be so straightforward. No wonder she's the eldest of this family.

I pushed Travis away but he refused na lapitan ko ang ate nito. "I'm not stupid, Travis. 'Di mo gugustuhing madamay sa nararamdaman kong poot ngayon."

Travis immediately moved away. Nilapitan ko si Helena at tinapatan ito. We are at the same height, and she's still smiling innocently at me.

Ramdam ko ang kaba sa mukha nina Dad and Step-mom.

I moved my hands in front of this woman.

"You have all the rights not to trust me... Helena. You made a wonderful decision."

Tiningnan lang ni Helena ang kamay ko, akmang kukunin n'ya ito nang hinila ko ito at yinakap.

"But I can see through you... sister." I whispered at her while grinning mischievously.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top