Chapter Thirteen
HALOS gusto ko nang magtanong kung ano ang nangyayari. Nakataas ang dalawa kong kilay at pakurap kurap sa dinatnan ko sa office Biyernes ng umaga. Hindi ko alam if namamalikta ba ako or what.
"Ms. Serena, thank you po talaga sa inyo. Hindi ko po alam na ganyan po kayo kabait." Wika ng isang may katandaan nang ginang sa akin. Halos kulang nalang ay sambahin ako dahil sa isang bagay na hindi ko alam na ako ang may gawa.
Teka. Ako? Mabait? Kailan pa?
"Oo nga po, kung'di dahil sa'yo marahil ay marami na ho ang nagsi-alisan na empleyado ngayon." Wika ng isang clerk habang naiiyak iyak pa.
"Hindi na ho kasi namin talaga kaya ang magtrabaho rito pero malaking bagay po ang ginawa ninyo noong isang araw." Wika naman ng isang lalaki na kaunti nalang ang buhok at malaki pa ang tiyan.
Pilit akong ngumiti sa kanila nang magsimula nang magdagsaan ang ilan pang empleyado na alam yata ang pinagsasasabi ng tatlong tao na ito. Ang iba naman ay usyusero lang.
"Kung anuman ho iyon, walang anuman." Tugon ko kahit na pilit. Like hello, I don't even know what they're thanking about. "I need to go up now. Ma-le-late na po ako."
Magalang akong umalis sa harapan nila at nagmamadaling pumunta sa elevator. I'm getting goosebumps all of a sudden coming from the creepy looks that I'm getting from the employees I'm facing with.
Para yata akong na-chismis sa buong kompanya.
Napasinghap ako ng marahas nang maisip ang isang dahilan kung bakit sila ganyan. Pero agad agad akong umiling.
No, hindi naman siguro.
Maingat naman akong 'di kami mahuhuli 'eh.
P-Pero... nakita kaya nila ako na kasama ni Troy kahapon? Tapos... tapos... nakita nila akong sumama sa condo niya?
Shocks! No! Hindi pwede! Hindi naman siguro 'yon do'n. Bigla tuloy akong kinabahan ng todo.
Nang tumunog na ang elevator ay mabilis akong pumasok nang lumabas na ang mga lulan no'n. Even those people are looking at me the same. Napangiwi nalang ako sa kaba at pangamba.
Jusko, halata ba sa lakad ko na para akong pinasukan ng malaking troso? Ang hirap pa rin kasi ang maglakad gawa ng ginawa naming kababalaghan niyang si Troy. Humirit pa kanina ng isa kaninang paggising.
Pagdating sa floor kung sa'n naroon ang desk ko ay nanghihina akong umupo sa upuan ko. My mind has been clouded by the employees stares. I don't want to overthink that they might know something that Troy and I did yesterday. Kasi kung 'yon nga. Wala na akong mukhang maihaharap pa.
"Serena! Hey!" Napapitlag ako sa gulat when someone snapped his fingers in front of my face.
"S-Sir!" Gulat kong bati tapos ay tumayo pa ako para harapin siya. Nakadukwang kasi ang binata sa station ko.
"Are you okay? You seem not in the right posture to work." I can sense his worry from here. When he was about to touch my forehead, I immediately covered it with my hands.
"O-Okay lang a-ako." Gusto kong magmura dahil halata ang pagkautal ko.
"Maputla ka. Kumain ka naman kanina sa condo ko—" mabilis pa sa kambing ang ginawa kong pagtakip sa bibig ni Troy dahil sa gusto nitong sabihin.
Jusko! Maaga akong magkakasakit sa puso sa sinasabi niya, kainis!
Nagpalinga linga pa ako sa paligid dahil baka may tao at may nakarinig ng sinabi niya.
He forcefully removed my hands on his lips and gave his questioning look. "What's the problem?"
I hissed then whispered, "Huwag ka ngang maingay na galing ako sa condo mo kagabi."
"Why? You're with me—" I hushed him right away.
"Just... don't. Please!" Pagmamakaawa ko. "The employees are suspecting already. Halos lahat ata sila'y nakatingin sa akin kapag dadaan ako."
Isang ngisi naman ang binigay nito sa'kin na pinagtaka ko. "What?"
"They don't think of it. They're clueless about what happened to us." Medyo napangiwi dahil tahasan niya talaga iyong pinaalala.
"'Eh bakit sila gano'n? Do you know why?"
Troy moved away and leaned on the nearest wall and crossed his arms on his chest.
Damn ang hot no'n!
"You tell me."
I rolled my eyes. "I'm asking because I don't know?"
"You just made the Chairwoman stumbled, Serena. They think of you as a hero of Monteverde Group of Companies."
Napanganga ako sa sinabi niya. What? Just because I talked back to Adrianna?
"Paano namang kumalat 'yon?"
Troy just shrugged. "Gossips are pretty much normal in an organization. Minsan they know better than us in the Management. And gladly, you saved a tons of people who are planning to resign yesterday. If the news didn't reach their ears, we probably lost them completely. And we can't afford to lose anyone now."
So, ang pagsangkalan ko sa buhay ko kay Adrianna ang nakapagsalba sa empleyado niya?
I scoffed sarcastically. I must be a Hero then. Ang tanong, tutulungan ba ako ng pagiging grateful nila sa oras na gumalaw na ang demonyitang Ate nito sa'kin? No one. For sure.
"You're famous now." Troy added and he received a glare from me. "The first human who made my sister stepped back from her cavalry."
I just rolled my eyes at him. I was about to say something more when the elevator opened and a bunch of men entered the floor's premises.
"And where's your famous secretary, Troy Monterverde? I would love to see her and have a picture with her. May I?" A man with a blonde hair, has a strong jaw and has a goofy attitude uttered. Then he looked at me with his wide smile. "Is she the one?"
Nagulat ako nang kaharap ko na ang likod ni Troy.
"Why are you all here?" Tanong ng binata sa apat nitong kaibigan na sa pagkakatanda ko ay kasosyo rin niya sa Bar kung sa'n niya sinundo ang lalaking 'to isang gabi.
"We're here to see you, mate." I think I remember him with his name Erik Angelo Ramirez.
"Cut the bullshit," I can sense that Troy is mad. Hindi ko alam kung bakit. Mga kaibigan naman niya ito.
"Erik Angelo's the name, Ms. Awesome!" Wika nito bago nagtaas ng kamay kay Troy.
Troy covered me with his back even more.
Uhm, Kuya. Naiipit ako? Baka pwedeng umusod?
"Just leave, dorks." Troy said rudely.
"Nakupo, grabe ka naman, Par. Ganyanan na ba? Gusto lang naman namin makita uli ng personal ang kauna-unahang babaeng bumangga sa Ate mo nang walang takot."
Gusto kong tusukin ng hairpin ang mata nitong si Travis. Todo acting naman ang hinayupak kong kapatid. Pero akala mo kung sinong takot nang malaman ang nangyari.
"You saw her now. You may now all leave." Mas rude na sabi ni Troy sa kanila.
Ano bang problema nito?
"What's wrong with you, brother? Grabe ka, na-miss ka rin namin. Masyado kang busy 'eh. Baka na-mi-miss mo rin kami kaya kami naparito." The blonde man spoke. If I'm not mistaken, he's Luke Francis Rodriguez.
"You're all giving me a fucking cringe." Nakangiwing wika ni Troy sa kanila na siyang kinatawa ng apat na binata.
"Ikaw naman masyado kang maramot. Sa'yo na ba?" Makahulugang wika ng isa pang binata na may clean-cut na buhok. He's Ethan Jake Asturia, I'm sure.
"I want your wine, brother. C'mon let's go!" Rinig naming wika ni Luke nang magsipagpasukan ang mga ito sa loob ng opisina ni Troy.
Troy then finally faced me. I'm seeing a ghost of a madman on his face and I just couldn't fathom why.
"You're not safe here. Umuwi ka muna." Sabi nito na nagpalaki ng mata ko sa gulat.
"Baliw ka ba? May work ako baka nakakalimutan mo." Sabi ko sa kanya na akala mo turista lang yata ako rito.
"Take an Emergency Leave then. Basta huwag ka muna rito." Pangtataboy niya sa'kin na mas nagpataka sa'kin.
"Bakit ba? I'm safe here. Paanong 'di ako safe? Saan? Sa mga friends mo? They look... harmless." I think.
"Harmless is not on their vocabulary, baby. Basta, umalis ka muna rito. O kung gusto mo, buy me food." Tapos naglabas siya ng card "Here, buy me the most expensive lunch in the Metro. Ayoko na ng food dito sa BGC. Sa may QC ka bumili. Marami do'n."
"Uy teka, sandali l-lang naman." Tinutulak na kasi ako halos ng deputang 'to. Inabot pa niya sa'kin yung bag ko.
"Mas maganda kung mag-commute ka nalang. Take your time." Iyon nalang ang huli kong narinig sa kanya bago nagsara ang pintuan ng elevator.
I was left dumbfounded and clueless. Ano'ng problema ng gagong 'yon? Clearly, he wanted me to be gone for a while. Pero for what reason? Ang sabi ng mga kaibigan niya na-miss raw siya ng mga ito.
May gagawin ba sila o pag-uusapang dapat wala ako ro'n? Well, kung mayro'n man, he doesn't need me to do some errands outside. Soundproof ang opisina ng binata so bakit?
Hindi kaya babae ang pag-uusapan nila at mga pang-chi-chicks?
A sudden thought of that made my mood changed. I feel sour and... mad?
Tsk! Maybe 'yon na nga. Knowing their looks and reputation to girls. They can talk anyone and plan how they're going to get them.
I grabbed my phone and texted someone.
Trav, let me know what you guys are discussing.
Nagulat ako nang mabilis na nag-reply ang ungas kong kapatid.
Girls. What else should we need to talk about? 😏
Napamura ako ng may kasamang emoji ang reply ni Travis. 'Di mo alam kung nang-aasar o ano 'to 'eh. Munggago.
Hindi ko na ni-reply-an pa si Travis at nag-focus nalang dito sa byaheng ginagawa ko. I'm really going up to the North. Pero sa may Megamall nalang siguro. Sobrang layo naman kung sa QC pa ako bibili ng kakainin niya.
At halata mong nag-reason out lang si Troy dahil pinapabili ako ng lunch? 'Eh ten in the morning palang. Bungol din talaga ang lalaking 'yon.
I am currently on the line of getting my train ticket when someone is shouting nearby.
"Hoy kuya! Ako pa talaga ang may kasalanan ngayon? 'Eh kinain nga ng makina yung ticket! Anong nagdadahilan lang ako?"
I checked her from head to toe. I'm not sure if this woman is rich or yung normal na nagyayaman yamanan lang. Her physical feature is indeed a Filipina pero dahil sa kulay ng buhok nito na golden brown at ang naglalakihang earrings ay humihiyaw na mali ang una kong hinala. Malaki ang dala nitong Tote bag tapos medyo revealing pa ang kasuotan.
Pinagtitinginan siya mostly ng kalalakihan. Sexy kasi ang eskandalosa. Inignora ko nalang ang eksena dahil ako na ang sunod sa cashier.
Pero magsasabi palang ako kung anong istayon ako baba nang biglang may sumingit sa harapan ko at galit na nagsabi kung anong station sa bababa.
"Manang, Shaw nga po." Masungit nitong utos sa kahera habang nag-aayos ng sarili. I can hear her little rants as well. "Akala mo laging nagogoyo. Dahil ba 'di ako mukhang matino paghihinalaan na? 'Pag talaga ako nakakita ng mayamang lalaki na aasawahin, sisiguraduhin kong papatanggal ko 'tong mga kutung-lupa na 'to."
Hindi ko na napigilan ang sarili. "Ah, Miss. Ako ang nauna sa pila." Mahinahon ko pang wika pero sa loob loob ko, bwisit na ako. Samahan pa na sobrang init ngayon sa station area na 'to at ang dami pang tao.
"Pasuyo nalang muna, Miss. Nagmamadali kasi ako. Salamat!" Anito tapos ay inabot na ang ibinigay na train card ng kahera at nagmamadaling umalis.
I just rolled my eyes because of what she did. Tama ba 'yon? 'Di ba pwedeng makiusap ng ayos. Makikiusap kung kailan nasingitan na?
Napadaing ako sa sakit nang may biglang pumasok na babae sa isang bagon kung saan nakatayo na ako. Napangiwi ako kasi tumama sa matigas na bagay. Nang lingunin ko kung sino ang hindi nag-iingat ay gayon nalang ang gulat ko nang iyong babae na naman na sumingit ang bumangga sa'kin.
"Sorry po!" Pagpaumanhin niya then I saw how she rolled her eyes nang umiwas na ito ng tingin sa'kin.
I scoffed hard because of her attitude.
"Mag-ingat ka. Para 'di ka makasakit." Wika ko sa kanya at tinarayan ko rin. Ano? S'ya lang ang may karapatang magtaray?
"Kaya nga sorry 'di ba? Sinadya ba?"
Napapikit ako ng palihim sa pamimilosopo niya. Bigla yatang umakyat ang init ng dugo ko sa ulo dahil sa ugali niya.
"Ikaw na ang nakasakit ikaw pa ang may ganang magalit?" Wika ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan kami rito.
The woman's faced me again with her not-so-genuine humble look. "Pasensya na, Miss. Okay na?"
Muli akong napasinghap sa ugali niya. Ganito na ba ang ugali ng kababaihan ngayon? Kung hindi lang ako nahihiya sa mga tao rito baka nasapak ko na ang bunganga ng babaeng 'to.
Mas napapamura kaming dalawa nang magsimula nang magpunuan ang bagon. Nagkakairapan nalang kaming dalawa kapag nagkakabanggaan kami.
Tsk, sige sabayan mo kabadtripan ko, sasabayan lalo kita.
Habang bwisit na bwisit ako sa sikip ng tao sa train ay napagawi ang tingin ko sa labas. And there I saw the huge billboard of Troy Davis Monteverde. It's a magazine cover where he's looking at the camera impassively habang hawak nito sa balikat ang black coat tapos ang butones ng white polo shirt nito'y nakabukas na parang nagulo.
Kung 'di lang rin ako badtrip sa lalaking 'to, baka naglalaway akong nakatingin sa kanya ngayon.
"Sisiguraduhin kong magiging akin ka, Koya."
Napagawi ang tingin ko sa babaeng dumagdag sa kabadtripan ko dahil sa sinabi niya.
"Gagawin ko ang lahat para maakit ka." Nakangisi pa nitong wika.
Hindi ko alam kung bakit pero parang mas na-badtrip ako lalo sa kanya. We will never get a long with each other. That's for sure.
At anong sigurado kang makukuha mo si Troy? Do you even know kung sino ang pinakamatindi mong kalaban, girl? Me. Who else?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top