Chapter Six

WE are currently walking in the crowded street of Divisoria because of this man beside me. Minsan hindi ko malaman ang kasaltikan ng gagong ito dahil hindi ako natuloy sa lakad ko dahil halos halikan ang kalsada na pinagtatayuan namin nang maalala niyang wala pa siyang gamit na kahit na ano sa apartment na kinuha nito.

Alam mo iyong may schedule akong date sa isang prominanteng businessman tapos napapayag ako ng damuho na ito?

Pasalamat itong gagong ito na hindi ko trip ang makaka-date ko at mas trip ko pang mamasyal kesa ang makipag-plastikan ng ngiti at exchanging of sweet words sa taong nirereto sa aking ng step-mom ko.

"Akala ko ba gamit ang kailangan mong bilhin? 'Eh bakit puro damit iyang pinupulot mo?" Masungit kong sita sa kanya habang natingin ito ng mga damit na maporma.

"Wala akong ibang damit na maayos kasi, Serena. Ito naman parang damit lang. Ililibre nalang kita ng makakakain mamaya. Don't worry." Anito nang hindi ako tinitingnan at busy sa paglagay ng damit sa harap ng dibdib nito. "Ano? Bagay ba?"

He picked a polo-shirt na gray and dark blue ang combination ng kulay. It has a very inspiring message na halos magpagulong ng mata ko sa sahig.

It states, "Anghel na saksakan ng pogi."

At sino poncho-pilato naman kaya ang nakaisip ng napaka-corny na statement shirt na iyan? Sinira niya lang ang essence ng polo shirt. Okay na ang kulay pero nagpapangit naman ang statement na nakaburda.

"Nako Ser! Ang puge puge ho nenyo! Haru josko! Mudel ka ba hijo?" Ani ng ginang na kanina pa pisil ng pisil sa malabatong braso ni Enrico.

"Gusto mong tamaan ng kidlat?" Wika ko sa binata pero natamaan din yata ang ginang sa sinabi ko. Huwag siyang asyumera. Gilitan ko pa siya dyan gamit ng mga electrical wirings nila dito eh.

"Grabe ka naman mang-insulto dito! Ayos naman ah!" Reklamong parang bata ng baby damulag na ito.

I squinted my eyes at him and I raised the ten plastic bags that I'm handling right now.

"Hehehe, sabi ko nga bibili na tayo ng gamit." Anito sabay balik sa sampayan ng damit na sinukat.

"Marunong ka palang pumili." Puri ko sa kanya nang mapansin ang paraan ng pagpili nito ng mga gamit na pangluto, panglinis at kung anu-ano pa na kailangan nito. I'm impressed.

"Sa probinsya kasi, madalas maraming ganitong tindahan kapag napapadaan ako sa bayan sa tuwing sinasamahan ko ang mga trabahador kong ipagbenta ang mga naani sa lupain namin. It's better na pumili ng pangmatagalan. Kahit pa na hindi original o branded basta alam mong pumili ng tatagal." My lips quivered and my eyebrows raised at the same time from his remarks. Nice. Sana ganito ang Troy Monteverde na iyon.

Troy is an expensive type of a businessman. Base sa mga nakuha kong papers, signed proposals and projects, masyadong magarbo ang mga pinipirmahan nito. Isang bagay na nagpapangiwi sa akin sa tuwing naalala ko iyon.

From then, alam ko na ang rason ng Don kung bakit niya ako ang gustong maka-partner ng anak niya sa isang special project na makakapagpadala sa kompanya nila sa international market. Hindi dahil walang tiwala ang Don sa anak nito'y bagkus, mas gusto pa nitong mapaturuan si Troy sa mga bagay na dapat pa nitong malaman.

And yes, I should say that he really has a lot to learn. We just need to go back to basic.

"Pero may isang bagay ang hindi ko sinasaalang alang ang quality kung tatagal ba o hindi... Ale! Ito nga ho, kukunin ko!" Napatingin ako sa gawi ni Enrico and he looked at me after he confirmed to get the item that he's checking at.

"Ano?" I asked.

"Ang mapapangasawa ko. Hinding hindi ko hahayaang hindi ibigay sa kanya ang lahat. Kahit gaano pa kamahal. Basta mahalin niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya."

I blinked for a couple times as I was stunned from his answer.

Nang makahuma'y tumikhim ako nang mapansin ang bigat ng pagtingin nito sa akin.

"Korni mo." Naiusal ko na lamang at siya'y aking tinalikuran.

"Sweet ko 'di ba?" Pagmamayabang nito habang sinusundan ako.

"Ikaw na loverboy." Asar ko rito but my voice has the sound of annoyance.

"Anakng, sungit na naman?!" Histerikal nitong wika sa akin tapos ay tiningnan niya ako ng kanyang nanlalaking mata.

Mabilis kong nilamukos ang mukha niya at tinulak iyon. "Lumayo layo ka nga't ang baho mo!"

"Huy, masakit kang magsalita, ah! Sabihan mo na akong pangit o hindi kagwapuhan pero huwag na huwag ang mabaho!" Ang OA naman nito. "Amuyin mo pa iyan, oh!"

Mabilis nitong inangat magkabilang braso tapos ay inilapit iyon sa aking mukha. Namilog ang aking mata sa ginawa nito at hindi agad ako nakaiwas.

"Ano ba! Ang bastos mo!" Pero infairness, ang bango nga. Kahit pawis na ay ang bango pa rin. Nagpapaturok ba ito sa kili kili para bumango ang amoy ng pawis?

"Bawiin mo yung sinabi mo!" Para itong batang nag-demand.

"Oo na!!! Jusko, hindi na mabiro." Nakabusangot kong wika sa kanya. Nang tingnan ko ang binata ay nakangiti na muli ito at bigla na naman akong inakbayan.

"Good." Anito at naglakad na kami habang nakaakbay pa rin siya sa akin.

Naghihintay kami ng jeep ilang lakad mula sa gitna ng Divisoria nang mag-ring ang cellphone ko.

Siniko ko ang binata nang ayaw nitong tanggalin ang braso sa balikat ko dahil nahihirapan akong kunin ang nagwawala kong telepono.

"Wow, makalumang phone. Trying to get back the old and usual phone, huh." Komento sa akin ni Enrico nang mapansin ang cellphone kong de-keypad.

"Takaw mata ang touchscreen. This is much better than using my real phone." Komento ko tapos ay sinagot na ang tawag.

"Oh." Bati ko sa kabilang linya.

"Wow, so cold." Komento ni Travis— ang damuho kong kapatid.

"Wala akong pera. Just in case na mangungutang ka." Bored kong sagot tapos ay hinila ako bigla ni Enrico nang may parahin kaming jeep.

Nawindang ako ng kaunti dahil nagdagsaan ang mga sasakay sa wala pang laman na jeep. Que horror! Ano ang nangyayari?! Artista ba itong jeep?

"Hey, Sis! Are you okay?" Hindi ko napansing may sinasabi pa ang kapatid ko sa kabilang linya. I focused myself of getting us inside the jeepney. I somehow realized the reason why.

Mukhang madalang ang dumating na jeep na maluwag sa parteng ito ng Divisoria. Iyong may four-cornered overpass. And technically it's already fifteen minutes before six in the evening so most likely, rush hour na.

"Woooh! Sa wakas nakasakay rin." Komento ni Enrico sa tabi. "Ayos ka lang Serena?" He asked me.

"Sino iyan, Gabrielle?" Napapitlag ako nang marinig ko ang mariin pero may pinong tanong ni Travis sa kabilang linya.

Shit! Hindi ko pala na-end ang call. I signaled Enrico to shut up while I'm wiping the sweat I got para lang makasakay kami.

"Trav, he's a friend. Sorry, nasa Divisoria kami. Ba't ka nga pala napatawag?"

Way to go, Serena. If Travis is calling her by her second name that means, he's gullible brother is nowhere to be found as of the moment. He's worried.

"What the fuck?! Bakit nandiyan ka?! Delikado ang lugar na iyan at mausok! Baka manakawan ka pa!"

I rolled my eyes from his sudden reaction. Bayagan ko 'to.

"I'm safe, brother. My new found friend is with me and don't worry. Matino naman ito. Hindi ako pipili nang bangag, childish at mayabang." Wika ko habang nakangising nakatingin kay Enrico.

Enrico is squinting his eyes on me. Tila hindi niya gusto ang pagpaparinig ko tungkol sa kanya.

"Want me to pick you up?" Trav asked.

"Nope. Kaya ko naman. I'll go home na rin. Bakit ka nga pala napatawag?"

Buti nalang talaga at hindi mamahaling phone ang dala ko at gamit ngayon. Kung hindi kanina pa ako nadukutan rito.

"Oh, yeah. Oo nga pala. I was just wondering if have you seen Troy today or somewhere?" He asked me with curiousity. But there's something malicious from the way he asked the question. Para bang binabantayan niya ng maigi at handa itong analisahin ang sasabihin ko.

I put the things Enrico and I bought on his lap. Medyo mainit kasi. Wala namang reklamo ang binata kahit halos kahalikan na nito ang mga platong binili nito.

Gosh, how I missed riding a jeepney. I missed the sense of having small spacious area lalo na kung maliit ang sasakyan.

"I'm— I mean, hindi ko sure kung nakita ko siya. Pero parang hindi. Bakit mo natanong?" I replied and asked casually.

I corrected myself as I kept on seeing the people with us na nakatingin sa akin at tila nawiwirduhan. I realized I'm talking to my brother in english and it's something that will contradict my get-up. Mamaya may mga sanggano pala kaming kasama rito tapos napansin niyang may kaya ako dahil sa paraan ko ng pananalita.

We know how the society works. We can imagine and conclude anything that we want and we are going to believe only of what we want to believe.

"Oh! Nothing, Sis. I'm just wondering because he's here in CM Bar and currently drowning himself. It's unusual that he's here this early."

"And so?" Hindi ko napigilang magtaray. Ano? Pati ba naman whereabouts niya kailangan ko pang malaman? I'm his secretary not a bodyguard.

"Just prepare yourself." Napataas ang dalawa kong kilay sa sinabi ng kapatid. "I might call you for a back-up."

Ngayon isang kilay nalang ang nakataas sa akin.

"What do you mean—" bago ko pa matanong kung bakit ay naputol na ang linya.

Tarantadong ito. Binabaan ako ng tawag!

"Okay ka lang? Baka gusto mong tanungin din ako if okay lang ako." Rinig kong wika ni Enrico sa tabi ko. Napamulagat nang makalimutan ko na tinutulungan ko nga pala siya.

"Sorry." I apologized while I'm getting back the light things na kaya kong dalhin.

He insisted na ang dalhin ko nalang ay ang mga pinamili niyang mga damit. Kesa sa ang dalhin ko ay ang mga kawali at kung anu-ano pang mabibigat.

How thoughtful. Pero pinagbuhat pa rin ako. Punyemas ito.

"Thank you." He whispered when I felt his head on my shoulder blade. Sisikuhin ko sana ang damuho but I felt and heard that he's now snoring, tanda na nakatulog ito.

Aba akalain mong nauna pang natulog sa akin. Dahil na rin siguro sa pagod na kakalakad namin kanina. Kahit tulog ay kita ko naman ang higpit ng hawak niya sa mga pinamili niya. I insisted to pay our fare. Ako ang mas may kayang magbayad at mag-abot dahil kaunti lang naman ang dala ko.

Nang makabayad ay nilinga linga ko ang sarili sa loob ng jeep. Some of them are sleeping as well. Halata sa mga mukha nila ang pagod dahil sa isang araw na naman na nagdaan ng pagtatrabaho.

Napangiti ako when I remember the days when I'm starting as a clerk sa Firm ni Dad sa Los Angeles. They didn't treat me there as the Heiress of their Boss. Talagang alila kung alila. Actually, hiniling ko iyon kay Dad. I told him, if he really wants me to handle the firm in Los Angeles then I should work there from scratch. No one should know that I'm his daughter for me to learn fast. He disagreed at first but when enlightened him the possible result and outcome of my plan, that I will learn in a short period of time, then, he agreed.

From then on, I managed the botique of my Stepmom and I achieved my dream as a fashion designer. My stepmom made me change the name of our leading fashion botique from our surname to Lady Elle. Halos kahanay na niyon ang mga leading clothing brand in US and in Europe. From our combined efforts of my stepmom, I established and was able to franchised our botiques all over the globe.

Well, thanks to my alter-ego. The fierce business instinct of Lady Elle myself.

Sinubukan kong tingnan ang labas ng jeep habang ito'y umaandar matapos ang matagal na pagkakahinto dahil sa stoplight.

The temperature really indeed changed the whole metro. It's already six thirty in the evening and yet mainit pa rin ang atmospera ng kapaligiran. Kahit na walang araw ay para pa rin kaming tinutupok sa init.

I wiped the sweats on my neck and forehead once again. Mabuti na lamang at nagpalit ako ng sleeveless blouse at nag-short na lamang ako ng maiksi. At least hindi ako malulunod sa sarili kong pawis.

The lights coming out from the posts and buildings are quite magnificent to see. Maging ang mga batang masayang naglalaro sa isang kalsadang hindi na nadadaanan ng sasakyan, mga aleng nag-iihaw ng mga barbeque? Mga lalaking mga naka-topless at mga halatang kakagaling lang sa larong basketbol ay nasisiyahan kong makita. Everything is natural for me. This is indeed the Philippines. And I missed this kind of environment.

Philippines may not have stupendous streetlife, the same from America or any country. I can still imagine myself still choosing this environment where people are just smiling and enjoying life as if they don't have any problems.

"Thank you, Serena. I really appreciate your help today. Promise, I will treat you once we saw each other in the campus. Or might as well, I'll text you. Yeah, that's better."

I rolled my eyes sa kaartihan nitong lalaking ito. Ang drama drama. But I still smiled back at him and I heard him groaned when he saw my reaction.

"What makes you feel better." I only responded.

"Hatid na kita. Seryosong nahihiya na ako sa tulong mo kanina so let me look for a taxi for you. I know your brother is worried. Kaya hindi kita hahayaang sumakay ng jeep uli para mapanatag din ako." Seryoso nitong alok.

Aww, infairness, na-touched ako. Tao pa rin pala ito kahit papaano.

"Fine. If you insist." Then he guided me on the side of the road.

While waiting for a taxi, my phone rang on my pocket.

It's Travis.

"Trav, I'm already on my way—" natigil ako sa pagsasalita when I heard his worried tone.

"Serena! Fuck! Please help us!— Tangina! Hoy!!! Itali niyo nga iyan!" Nailayo ko ang cellphone sa lakas ng sigaw ng kapatid ko and I heard some cracking glasses and bottles on his line.

"Trav? Hey, are you okay?" I asked, worried. Baka napaaway na ito.

"Yeah! Fuck!— sorry, yeah, I'm fine. P-Pumunta ka nalang dito please sa CM Bar. O talagang baka malagutan na ako rito ng buhay."

Nabuhay naman ang kaba ko sa sinabi ng kapatid. "Trav? Hey! Ano ba kasing nangyayari diyan? Go to a safe place, I'll be there in a minute."

"Oh damn please, Serena! Fuck! Tame this fucking drunk monster!!!"

I ended the call at saktong may nakuhang taxi si Enrico.

"Is he okay? Gusto mo bang samahan na kita?" Tanong nito sa akin.

Umiling iling ako. "No need, Enrico. I can handle it." I assured him. Ngunit kita ko pa rin ang pag-aalala sa mukha nito. I smiled at him when I get inside the car. I gave him one last smile and I said, "It's nothing too serious. Ayusin mo nalang mga gamit mo. See you!"

Then I closed the door.

"Manong, CM Bar tayo." I informed the driver and I started to contact someone.

I tried calling Troy. Alam kong ito ang tinutukoy ng kapatid ko.

Ano na naman kaya ang dahilan at nagwawala ito sa bar nila?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top