Chapter Five

NAKAPILA AKO NGAYON sa may ARO entrance dito sa PUP. Last step na ito sa enrollment at kukunin ko na lamang ay ang Registration Form. Lumapit ako sa isa sa mga counter nang tawagin ang pangalan ko. "Magandang hapon po." Bati ko.

Kinuha sa akin ang mga papel na ipinaayos ko kay Aurora at s'ya ko namang binigay.

"Serena Angeles Fontanilla. Kaanu-ano mo ang mga Fontanilla dito sa Manila, ineng?" Medyo natigilan ako sa tanong ng ginang sa akin. Pero ibinalik ko ang aking ekspresyon at sumagot.

"Nako, hindi ko ho sila kaanu-ano. Coincidence lang po siguro." I lied.

Mabuti na lang at hindi ako masyadong kilala bilang tunay na ako. I'm currently wearing typical clothes, tulad ng simpleng jeans at isang plain t-shirt na medyo hindi hapit sa akin. Ternuhan pa ng madalas kong suotin na reading glasses dahil malabo na rin ang aking mga mata kapag hindi iyon suot.

At isa pang mas nakakahinga ng maluwag ay ang pangalan na gamit ko sa madla. I'm not using usually my full name. In business world, I was known to be Lady Elle. Kahit ang mga pamilya ko sa side ng mga Fontanilla ay 'yon ang mas tumatak kaya 'di ako nangangamba ngayon.

"Ganoon ba ineng? Sorry akala ko lang. Sige na pirma ka na dito bilang katunayan na nakuha mo na ang Registration Form mo."

I nodded and I signed the papers. Hinahanap ko pa ang aking pangalan pero agad ko rin naman iyon nahanap at pinirmahan na.

Pagkalabas ng kwartong iyon ay naghanap ako ng makakain. Hindi rin biro ang pagpila ko ah. Naalala ko tuloy ang mga nakikita kong sikat na memes sa Facebook patungkol sa mga ganitong scenario. Iyong Pila Ulit Pila. I chuckled a bit upon realizing that I was able to experience it. And I feel great!

Nilibot ko ang gitnang bahagi ng eskwelahan. Sa gitna kasi nito ay may pabilog na daanan paitaas na ginagamit minsan ng mga estudyante dahil mistulan itong isang giant slide. Sa aking pag-ikot ay aking napansin na nahahati sa apat na wing ang buong gusali. May North, South, East, at West. Tatlo rin ang pasilyo sa ground floor na pinagtayuan naman ng dalawang mahabang canteen. Sa loob nito ay may ni-re-renovate, not sure for what pero kasalukuyan 'yon inaayos. Habang ang isang pasilyo naman ay animong ginawang isang computer laboratory sa dami ng computer. Pumasok ako do'n saglit pero agad ring lumabas dahil sobrang init pala roon.

I decided to buy food 'cause I'm really damn hungry.

I bought their famous FEWA. Tinignan ko muna iyon. Sa una, parang isa lang siyang simpleng footlong sandwich. Pero habang pinagmamasdan ko kung paano ito niluto ay medyo nakadama ko ng paglalaway. Buti na lamang at napigilan ko iyon. So, baboy.

Hindi ko na pinansin kung malinis ba ito o hindi. She's not here to be maarte. She's here to study and try to live the simple life that she used to experienced before. Saka hindi naman sila magbebenta ng gano'n right? Like hello?

I bit a little and chewed it. Maya-maya nagliwanag ang mga mata ko dahil nasarapan ako sa lasa. Bumili na rin ako ng isang mango shake bilang terno nito at lumakad papunta sa labas.

Sa labas ng canteen ay napansin kong may lugar na tinatawag na Linear Park. Pumasok ako roon at napagtanto kong isa pala iyong mahabang lugar na animo'y isang tambayan. Makikita rito 'yung mga maliliit na barko sa may ilog at may mga kargo. Kahit medyo 'di kaaya-aya ang amoy ay natuwa naman ako.

Napabuga ako ng hangin. At last, naranasan ko na uli ang normal na oras at araw.

Umupo ako sa isang tabi at doon ko nginata ang pagkaing binili ko. Sa kalagitnaan ng akinng pagkain ay naramdaman kong may tumabi sa akin.

"May katabi ka ba, Miss? Sorry, ito lang kasi ang mas convinient na area dahil doon sa bandang dulo ay masangsang na iyong amoy."

Hinead to foot ko ang binatang nagsalita. Napaangat ng bahagya ang dalawa kong kilay nang mapansing may itsura ang lalaki.

Moreno ang binata, match with his perfect sculpted arms, ay tila gusto niyang lumunok ng mariin. Yummy s'ya in fairness.

"Sure, okay lang." tugon ko habang finofocus ang sarili sa kinakain na FEWA at hindi na s'ya pinansin.

"Ayos ka lang? It's seems like... you're enjoying too much munching your food."

Muntik na akong mabulunan dahil pinapanuod pala n'ya ako. Nilingon ko ang binata at binigyan s'ya ng isang awkward na ngiti at tumugon. "Yeah, I really am. First time ko kasing matikman 'to. Ang sarap pala talaga."

This man was obviously a son of a wealthy family in a province. The way he pronounced the words he conveyed and the accent. Mukhang galing ito ng ibang bansa at nag-settle na rito sa Pilipinas.

Ang tanong at bakit ito narito? Gusto rin ba nitong bumalik sa normal na buhay kagaya n'ya?

Saglit kong pinasada ang mata ko sa kanyang kabuuan. He's wearing all branded clothes at mahahalata 'yon kung ang taong titingin sa kanya at mitikuluso sa damit kagaya ko.

"Eh ikaw? Ayos ka lang? Mukhang nahihirapan kang simulang kainin iyang kinakain mo, ah. Ayaw mo? Hindi mo bet?" I asked.

"Uh, 'eh, first time lang kasi ako makakakain ng ganito." tugon nito sa kanyang tanong. If he's pretending to be normal just like what she's doing, then he needs to be more careful with his words. Madali itong madulas.

"Ohh, talaga? Rich kid ka yata." I teased.

"H-Huh?" I smirked with his obvious reaction. Gotcha! "Hindi, ah."

"Talaga? Kasi ako first time ko rin kainin iyang FEWA pero hindi naman ako nagdalawang isip na kainin. Iyong sa'yo para yatang lalangawin na, hindi mo pa nasisimulang kainin." Pagpapaliwanag ko habang nag-aayos na ako ng aking sarili. I love teasing him.

"Mayaman ba kaagad kapag ito ang first time kumain ng ganito? Judgemental mo naman, Miss."

Tumayo na ako at kinuha ang aking backpack tapos ay tinapunan ng tingin si pogi.

"Pogi, sobrang dali lang estimahin ang pagkakaiba ng isang tao. The way you walk, the way you talk with a good accent. Matching with your strong perfume? Mayaman ka. Hindi kita hinusgahan kung katotohanan naman ang sinabi ko. Now, if you'll excuse me."

Hindi na ako lumingon rito ngunit pansin ko ang paninitig nito sa akin. Nakakalimang hakbang pa lang ko when I heard he said something unexpected.

"Then you came from a rich family as well!" gusto ko siyang pang-ikutan ng mata pero waste of energy and time na s'ya for me. I tilted my head a bit and looked at him as his words were pretty much normal for me.

"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan." Then I smirked while walking away. Hindi ko na ito tinapunan pa ng tingin. Again, aksaya sa energy. I couldn't afford to waste any amount that I have for a very long day ahead. I need it than giving it away for someone like him.

Medyo napatigil ako sa paglalakad nang maalalang I'm being the Lady Elle again. Sabi ko susulitin ko ang oras na 'to sa Pilipinas 'di ba? Ano ba 'tong ginagawa ko kung gano'n? Kaya ako naaasar ng mga kakilala ko sa amerika kung bakit wala pa akong boyfriend ay dahil sa ugali kong ito. I'm shooing away every possible man na lalapit sa'kin. I groaned.

"Hey!-- Hey, Miss Sungit!"

Napatigil ako sa aking malalim na pag-iisip at paglalakad dahil sa sinabi ng talimpadas na iyon. I looked at him with dismay and the man immediately stepped aback when he saw my deadly stare.

"What did you just say?" My temper is nearly beyond elastic. Kaunti nalang at mapuputol na iyon.

Nagulat ako nang bigla ako nitong akbayan. The man even whispered at him.

"You know what? Maganda ka sana 'eh. Kaso ang pasensya mo, ang ikli ikli. Stop being grumpy, they're looking at us."

Doon ko napagtanto ang sinasabi n'ya. I looked around for a bit and I can see confusion and dreamy look from several girls. I wanted to scoff and roll my eyes when I thought they're looking at them. Halata namang itong lalaking ito ang tinitingnan at hindi ako kasama.

Marahas akong bumitaw sa binata at inayos ang kasuotan at buhok na bahagyang nagulo. Kung makaakbay naman kasi ito akala mo lalaki rin ang inaakbayan.

"Ipagpapasalamat ko ba iyang compliment mo?" mataray kong tanong sa kanya. "And they're not looking at me. They're looking at you."

Feed his ego nang matapos na ang kabargasan nito sa'kin.

The man smirked at me— ah no, it's a not a smirk. He somehow smiled, iyong tipong pang-matinee idol.

Feeling gwapo... oo na, gwapo na!

"I don't mind, hanggang tingin na lang naman sila. Ikaw ang maswerte kasi nahahawakan mo ako."

I scoffed from his boldness and arrogance. Kakaiba din talaga ang lalaking ito. Halatang playboy. I distorted my face showing how disgusting his words were. "You're a walking disaster. Stay away from me!" angil ko sabay lakad uli palayo sa kanya.

Mabuti nalang at sanay na ako sa mga ganitong klase ng lalaki. I've met worst than him in America.

"Your words are too harsh, young lady. Nakakasakit ka ng damdamin." Anas nito sabay umakto na tila nasaktan talaga.

"Batuhin pa kita ng totoong bato nang magkatotoo iyang pananakit na inaarte mo." Ani ko sabay lakad muli.

"Ito naman hindi na mabiro." Anito sabay muling akbay sa akin habang sinasabayan niya ako maglakad. "By the way, ano pala pangalan mo?"

Bahagya ko itong tiningnan at tinaasan ng kilay.

"Galing din ng mga galawan mo. Hindi masyadong halata." Komento ko. "Are we even friends para akbayan mo ako?"

Tiningnan n'ya rin ako sabay nginisian, showing his white perfect set of teeth. "The moment you didn't move away my arms, it means you're fine considering me as your friend."

Well, fine. For some unknown reason, I feel fine with his presence. I just don't know why.

"Whatever,"

"Why are you pretending?" napalingon ako sa kanya nang magtanong ito. Dahil may katangkaran ang binata ay tila ang tayog ng tingin ko sa kanya.

"What's your name?" I asked leaving his question hanging.

"You didn't answer my question." Anas ng binata sa akin.

"You want me to answer your question and yet I don't even know your name. Paano pala kung malaking sikreto pala ang sabihin ko sa'yo, ba't kita pagkakatiwalaang sabihin sa'yo ang sagot?" I reasoned out.

"You have a point." He commented.

Oh yes, of course!

Napatigil ako sa paglalakad at tila nagtaka ang binata sa aking inasta. I'm looking straight on the open field area of PUP. Iyong may flagpole at sa hindi kalayuan ay ang isang mataas na poste na kung tawagin nila ay Obelisk.

"Ano iyon?" tanong ng binata sa'kin.

Hindi ko ito pinansin bagkus ay naglabas ako ng payong. Damn, buti na lamang at nagdala ako nito ngayon. Nabalitaan kong may mainit ang sikat ng araw today.

"Wow, ang arte." komento sa akin ng binata na nasa aking tabi.

"Mainit. Huwag kang mangialam diyan. Ikaw ba? Kaya mo ang init?" tanong ko.

"Oo naman! Madalas akong nasa bukiran kapag ganitong maganda at tirik na tirik ang panahon. Ganito iyong mga panahong masayang magtanim kasama ng mga magsasaka. Hindi ba halata sa kulay ko?" tugon nito sa kanya.

Well, oo nga naman. Ang binata ay moreno. Pero hindi iyong tipong sunog or iyong kulay kayumanggi. Katamtaman lang.

Kung hindi ko nga napagtantong anak mayaman ito ay baka napagkamalan ko itong kargador sa palengke o magsasaka. Bakit? Match with his Filipino toned skin ay ang pagkaka-toned din ng mga muscles nito sa braso. Halatang sanay sa gawaing labas na kailangan ng lakas.

"Ako na." Nagulat ako nang biglang hablutin ng binata ang payong at pinayungan ako.

"Ano namang paandar iyan?"

"Enrico." Natahimik siya sa sinabi nito. "Enrico Villalobo. That's my full name." Anito sabay tingin sa'kin with his cocky smile.

"Serena. Serena Angeles." I stated her name. Baka isipin kasi nito na pakipot pa siya sa pagbibigay ng pangalan lang.

"Beautiful name." Komento ni Enrico sa akin. "Can I call you mine?"

Natigilan ako sa narinig at kapagkuwa'y biglang umigkas ang aking kaliwang paa at tinisod ang binata.

Bumagsak ito sa lupa at kitang kita sa mukha nito ang pagkagulat.

"What the hell, Serena?! Bakit ka namamatid?! Ang sakit!"

Sinimangutan ko s'ya at sinipa naman ang isa pa nitong binti.

"Anakng!" namilipit pa ito sa sakit.

"Can I call you mine ka pang nalalaman, huh." Ani ko tapos ay inagaw sa kanya ang payong at naglakad na parang walang nangyari.

Ako pa talaga. 'Di ako nadadala sa mga ganyang paandar, sorry.

"Uy! Sandali! Sandali naman!" Rinig kong sigaw ni Enrico habang nagpupumilit itong makahabol. Ganoon ba kalakas ang sipa ko?

"Ito naman nagbibiro lang ako eh. Akin na nga 'yan." Anito sabay bawi muli sa'kin ng payong. "Ano tara kain tayo?"

"Kung trip mo ako, Enrico. Pwes, hindi kita trip. Ngayon kung nag-assume ako? At least nabigyan kita ng heads up."

I heard him scoffed from my words.

"Asyumera ka nga." Bulong nito.

"Libre mo akong fishball." Wika ko rito nang matapos na ang kanilang magbangayan.

"Huh?" Takang tanong nito. "Ano'ng libre?"

"Nag-aaya ka ng kain hindi ba?" Balik kong tanong sa kanya.

"So, pumapayag ka? Na kumain tayo sa labas?" Tila mangha pa nitong komento.

"May ilalabas pa ba itong kalsada?" I sarcastically asked and now it's my time to smirk.

"A-Ah, sige." Reaksyon nito tapos ay nag-iwas ito ng tingin sa'kin. "Pero huwag tayo d'yan. Hindi malinis ang pagkain."

Hindi ko s'ya pinansin at saka tumakbo papunta sa isang stall ng may nagtitindang fishball.

"Ate, magkano po ang isa?" Tanong ko sa ginang na pawisan na dahil na rin sa init ng araw ngayon.

"Wanpipti sa pishbol ineng. Tapos dos naman sa kikiam. May kalamares din dito pili ka na. Halika't kumuha ka na."

I immediately grabbed a stick and I picked my favorite fishball but I highly prefers those slightly burnt. Nang makalima ay inabutan ako ng ginang isang plastic cup at doon nilagay ang mga nakuha. Pagkatapos ay nilagyan ko ng matamis na sauce ang mga napiling fishball.

I started munching those I picked and my eyes closed with every bite and I could take.

It's been so long when I was able to eat this kind of street food again. Grabe sobrang nakaka-miss.

"Uhm, gusto mo?" Anyaya ko habang ngumunguya pa sa harap ni Enrico na ngayon ay nakangiwi sa kinakain ko.

Tumusok ako ng isa at minwestra ko ito sa bibig nito.

"Kainin mo, dali." Wika ko pero walang ginawa ang binata at tiningnan niya lamang iyon.

Napairap na ako sa kaartehan nito. Kalalaking tao ang selan sa pagkain.

"Ang laki laki ng katawan mo, ang arte mo. Hindi hamak mas marumi naman ang putik na tinapakan mo sa bukid kung makapag-inarte ka d'yan. Hala sige buksan mo bibig mo!"

Walang nagawa si Enrico nang tingnan ko na ito ng masama.

Mas sinamaan ko s'ya ng tingin nang hindi ito ngumuya. Moments later, I'm seeing Enrico's twinkling eyes.

"Masarap hindi ba?" Nangingiti kong tanong.

Tumango tango lamang ito at kapagkuwa'y sumundot pa ng ilang batch ng fishball, kikiam at kalamares.

Umorder naman ako ng samalamig at pinagmasdan lamang ang binata sa pagnguya nito ng kinakain. Nang matapos ay hawak hawak ng binata ang tiyan nito at nagbayad ng kinain. Mabuti nga't sinama na rin nito ang mga kinain ko.

"Grabe ang siba mo." Komento ko sa kanya.

"Masarap pala siya. Aba sorry naman." Anito sabay tawa.

We're currently walking in the infamous catwalk of PUP. A road where all the things that you need are here. From computer shops, food stalls, photocopying shop and retail shops.

"It's quite refreshing to see again this kind of ambiance." Komento ko sa aking sarili pero nakaabot sa panrinig ni Enrico.

"I agree. Sa probinsya, especially on our area, puro kapunuan ang makikita at malamyos na simoy ng hangin ang malalanghap mo." Pagsang-ayon nito sa akin. "Pero hindi ko naman na sinasabing alam mo na, na hindi hamak mas okay sa probinsya kesa sa ganitong tanawin."

Napanguso na lamang ako sa winika nito.

I've been here in this kind of place before. Magmula nang kupkupin ako ng tunay kong ama ay inalis ako kaagad sa ganitong lugar at pinaranas ang marangyang pamumuhay.

Napangiti ako sa mga alaalang muling nagbabalik sa'kin. Hinding hindi ko pagsisisihan ang buhay na dati kong nakagisnan. Dito ako namulat ng maaga sa maagang responsibilidad at dito nabuo ang tapang at confidence na mayroon ako ngayon.

"Saan ka sasakay? Gusto mo hatid na kita? Nako teka, huwag mo akong pag-isipan ng masama sa alok ko, huh. It's just that ikaw ang una kong nakausap kanina. I mean kausap na alam ang itinatago ko." Alok at depensa nito.

"Wala namang akong sinasabi." Tugon ko sa pagiging depensa ng binata. "May pupuntahan pa ako sa Ortigas na mahalagang lakad."

"Sige, kita nalang tayo sa school. Kailan ba start date mo?"

Tinasaan ko ito ng kilay sa anyaya nito. "At talagang magkikita tayo sa school, ah." I commented.

"Oh, bakit? Friends naman tayo." Wika nito na may seryosong tono.

"Sa lunes pa naman, night class ako."

"Oh? Night class din ako. Tara sabay nalang tayo kumain ng tanghalian kung sakali." Anyaya nito sa'kin.

I squinted my eyes on him. Trying to check if he's hitting on me but she ended up looking for nothing.

Mukhang harmless naman ang binata.

"Fine. Let me know—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay nasa harap ko na ang cellphone nito.

"Put your number and I'll text you."

Aba aba aba at isa pang... aba.

"Alam mo kung hindi ka mukhang sanggano, iisipin kong type mo ako." Wika ko habang tinatype sa cellphone nito ang number ko.

"Type kita. Pero ayoko sa amazona— arekup! Masakit!" Daing nito dahil agad ko s'yang sinipa sa paa. "See? Tangina, ang sakit mong manipa."

Inikutan ko na lamang ito ng mata tapos ay iginawi nalang ang aking tingin sa paligid para makahanap ng masasakyan. Upon roaming my eyes, it landed on a car just few meters away from where I am standing.

Nakaramdam ako ng kaba nang ma-realize kung sino ang binatang nakasilip sa bintana nito at masamang nakatingin sa'kin. Pero mas nanaig ang aking pagtataka. Lalo na nang umalis ito at dumaan sa harapan ko.

Why the hell are you here, Troy?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top