Chapter Eight

I yawned after I realized that I'm not in my condo. The ceiling is different from mine. Iyong ceiling ko kasi ay may pictures ng crushes ko at iyon ang libangan ko kapag nakakauwi ako ng maaga. Gano'n kasi ako sa US.

Walang basagan ng trip.

I screamed a bit when I felt a massive arm wrapped around my waist. Doon ko napagtantong may katabi ako. My eyes went wide when I realized who it was.

Troy is sleeping soundly. Bahagyang nakabuka ang bibig at magulo ang may kahabaan nitong buhok. His black earring on his right ear is glistening with coolness. Bagay na bagay iyon sa binata. His jaws are perfectly sculpted kaya hindi masyadong masagwa para sa binata ang nakakanganga habang tulog. Ang hot pala tingnan ng loko.

I immediately shook my head with my comments. I'm praising this pervert man. I can't believe myself!

Sinubukan kong umalis dahil ayaw kong maabutan niya akong nasa kama niya. Mamaya husgahan pa ako nitong ni-rape siya.

Nakadagdag sa pagiging kampante ko ang maramdamang suot ko pa rin kung ano ang suot ko kagabi. Akala ko may nangyari sa amin.

I was about to remove his muscled-arm when he flinched. Medyo nataranta ako when his arm became stronger holding my waist as if he doesn't want me to leave the bed.

I don't want to be rude. It's morning. Kahit nakaka-badtrip ang buong katauhan niya, tao pa rin naman ito kahit papaano. Ayaw naman nating mabigwasan ng binata kapag nasira ko ang gising niya hindi ba?

"Troy," tawag ko sa kanya, trying to wake him up.

Umungot lang ng mahina ang binata. His eyebrows met in one line because of what I did. He also snorted and I find it super cool and manly. Napalabi ako nang maramdaman ko ang buong init sa katawan ko ay nalipat sa aking mukha. Shocks, hindi ito maganda. Hindi pala magandang ideya ang nagkakalapit kami ng husto. Pakiramdam ko kapag nagpatuloy ito ay mapupuri ko na siya ng hindi ko inaasahan.

Yinugyog ko siya upang magising na. Pero wala pa rin. Mas lalo lang nito hinigpitan ang pagkakayakap sa akin at halos mamula na talaga ang mukha ko nang maramdaman ko na ang hininga ng binata sa kanang bahagi ng leeg ko. If someone would be seeing us, mapagkakamalan kaming mag-asawa sa paraan ng aming pagkakadikit.

Mas lalo akong naging pursigidong makawala sa yakap ng binata pero nang mas lalo akong nawalan ng pag-asa nang maramdaman ko ang kanang binti ng binata ay nakapatong na sa akin.

Ginawa pa akong tandayan!

"Don't move." Natigilan ako nang magsalita si Troy. His tone is still sleepy but very husky. I groaned mentally, napupuri ko na naman ang ito! Stop it, Serena!

"I need to go home, Mr. Monteverde." Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal sa pagsagot sa kanya. Pero mas nananalangin pa ako na sana hindi niya maramdaman ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay naririnig pa niya ito sa sobrang lapit namin. Mas lalong hindi ko na siya masasagot kapag tinanong nito kung bakit ang bilis niyon tumibok.

"It's just Monday. Let's sleep more." Anyaya nito sa akin.

I scoffed from his reason. It's just Monday? Like for real?

"Yes, It's Monday, Mr. Monteverde. And I need to move now. Baka nakakalimutan mong hanggang alas-tres lang ako sa opisina mo dahil may pasok pa ako after no'n?" Medyo may pagkairitang tugon ko sa kanya and tried to wiggle.

"Then, take overtime."

Napapikit ako ng mariin. Alam mo iyong pakiramdam na iniiwasan mong mabadtrip sa umaga para hindi masira ang buong araw mo pero ang kuya niyo, ang galing galing talaga.

"Troy, please. Don't ruin my morning." I pleaded but I think it's a wrong move.

I felt his grin on top of my neck. Napalayo ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Ruin your morning? Why? Being on my bed gives you a good morning and good vibes? Wow, this is the first na natuwa ako sa sinabi mo, Serena-- fuck!"

Siniko ko ang tagiliran ng binata dahilan upang makawala ako sa kanya at ginamit ang pagkakataon na iyon para makatayo bitbit ang comforter ng kama. Pero, I did a wrong move again dahil halos nanlaki ang mata ko sa postura ni Troy sa kama.

He's just wearing a fucking boxer brief! And this man, he flaunts it on me and grinned even more.

Mabilis akong napalingon sa ibang lugar ng makita kong may troso yatang naninigas sa ilalim ng kasuotan na iyon.

"M-Magsuot ka n-nga ng damit, Monteverde!" nauutal ko nang wika at gusto kong magpalamon sa lupa.

"You went back calling be by my surname, Serena. You called me Troy. Was it hard... if you call me, Troy? And you like what you see?" He mischievously asked.

Sarap sapakin ng animal. May pagtingin pa sa ibabang parte niya bago tinapos ang tanong! Alam ko iyang gusto mong iparating pero huwag ako! Marunong akong magpigil.

"I think I'd preferred calling you, Davis. And unfortunately, it's gross. You're gross!" I mocked then I threw the comforter at him. Masyado kasing nag-e-enjoy sa ginagawang pag-m-model sa harapan ko.

Mabilis akong tumakbo sa banyo niya habang naririnig ko ang paraan ng pagtawa ng binata. I scoffed when I realized he woke up with a good vibes and he threw at me his bad vibes. That arse!

"What do you like?" I stopped fixing my hair and my big eyeglasses when I heard Troy asked me. Napatingin ako sa kanya.

What a sight. He's now wearing something... decent? I'm not sure if it's decent but for me it's not. Wearing a fitted sando and a pink boxer short doesn't amplified his intimidating hotness. Kung normal akong babae, naglalaway na ako ngayon. Mabuti nalang talaga at masyadong matibay ang pagpipigil at orasyon na ginagawa ko sa loob loob ko.

Sa dami ng lalaking nakikita kong topless sa mga fashion show na inoorganisa ko ay ngayon lang ako naapektuhan. At sa Troy pa na ito. Sanay na ang mata ko sa mga ganitong klase ng tanawin. Pero pagdating sa siraulong nakangisi sa akin ngayon, hindi ko alam pero napapatid na nito ang pagtitimpi na mayroon ako.

I was taught being firm and with class. Using the learnings that I've had gave me the title of being the Lioness of business industry. Kung ano man ang pinapakita ko sa kanila outside ay iyon ang dapat nila makita. Pero kung ano man ang nasa isipan ko, iyon ang totoong ako. Mahirap magpanggap na maging iba sa lahat. Lalo na if you really need to intimidate them para hindi ka nila pagtulungan at tratuhin na parang basura. Nang makilala ko ang lalaking ito, pakiramdam ko lumalabas ang totoong ako. Pinapalabas ng lalaking ito ang taong tinatago sa lahat ng tao.

"I prefer eating in the office." Masungit kong tugon sa binata. I should get a grip. Kahit na nagpapanggap lamang ako sa katauhan ni Serena Angeles, kailangan ko pa rin ipakita kung hanggang saan lang ang lalaking ito. If I need to make him feel The Serena Gabrielle Fontanilla? Then, so be it.

Tila napakiramdaman ng binata ang biglaan pagpapalit ko ng mood. Halata iyon sa paraan ng pagkunot nito ng noo. Now, the jester looking smile has gone.

"I cooked the breakfast, Serena. Let's--" hindi ko na ito pinatapos ng sasabihin.

"I said, I'm going to eat my breakfast in the office. Look at the clock. We're running late. Oh! Yeah, I forgot. Pwede ka nga palang ma-late. Pero ako, hindi. I'll go ahead." Every words I spitted have it's own cold knife to make him feel that I'm serious.

Please, stop this Troy Monteverde. Don't even start. I might give this a different meaning. You, cooking our breakfast.

I was about to open his door for me to leave when I felt his cold hand on my arm. He gripped it as if I'm required to look at him but I decided not to.

I heard his deep breath before saying something.

"It's just a simple breakfast invitation, Serena. Don't make me regret wasting my time cooking our food. Let's be formal if we're in the office. Just not now. Huwag nating talikuran ang grasya." Malamig nitong wika.

Hindi ko na napagilang tingnan siya sa paraan ng pagkakasabi nito. I felt guilty because I think I stepped on something from him. I secretly gulped wearing my usual facade.

I looked at the table. He cooked a simple breakfast. Bacon fried strips, fried rice with sunny-side-up and two hot coffee. Mula dito ay makikita mo nang pinaghirapan ng binata ang ginawang pagkain.

Wala na akong nagawa and I just walked through it. I scanned the whole table set up and I might say, Troy has a talent in cooking. Hindi ko pa man din natitikman pero tila naglalaway na ako sa lasang na-i-imagine ko. I sat on his small dining table. The wood-like design was perfectly paired with a wooden chair. I roamed my eyes again on the food. It's well-dressed and if I'm not mistaken, itong klase ng pagkain ay inihahain ng mga professional chefs.

"You cooked these?" I asked him without looking at him.

"Yeah," he simply answered but I felt the honesty there. Gusto ko lang kumpirmahin baka kasi nag-iinarte ito ng ganito pero hindi naman pala siya ang gumawa.

He served me a right amount of food on my plate. Gusto ko sana siyang pigilan pero hindi ko na nagawa dahil sa bilis ng ginawa nito.

"How 'bout the coffee? How do you like it?" he asked me with a very strange tone. Hindi ko alam if tama ba ang pagkaka-interpret ko sa tanong nito pero parang nananantya ito sa akin. Iyong tipong ayaw makitaan ng mali at gusto kang ma-impress.

"I like it with creamer." I replied.

"With creamer it is." Then he was about to scoop when he stopped mid-air and looked at me with his wary eyes. "How many scoop would you like?"

"Just two spoonfull will do." I shyly reverted.

I feel like I was in a dream... a very unusual dream where I can feel butterfly on my stomach. Gosh, what the hell am I thinking? Just eat and leave, Serena.

"Thank you." Wika ko nang matapos nitong timplahin ang gusto ko sa kape ko.

Nagsimula akong kumain. My eyebrows went upward when I tasted his food. Infairness... may laban. Bigla yata akong nagutom ng husto at napasunud-sunod ako ng subo.

"How was it?" Doon ako natigilan sa pagsubo nang magtanong ang binata. Muntikan pa akong mabilaukan ng husto, mabuti na lamang at maagap niya akong binigyan ng tubig.

Bigla akong nahiya sa sarili ko. Nagmukha akong hindi nakakakain ng ilang linggo.

"Are you okay?" he asked when he saw me calming down.

I nodded then I pursed my lips. I think I'm full. Liar!

"It's good. Thanks for the food, Monteverde." Pormal kong wika tapos ay napagdesisyunan ko nang tumayo.

Ngunit patayo pa lamang ako nang biglang hinaklit ni Troy ang braso ko dahilan para mapalingon ako sa kanya ng biglaan at bumungad sa akin ang mukha niyang sobrang lapit.

"Next time, I need you to eat more." He said when he's removing something on my lips. "I totally regret that I have cooked a little. You're so skinny, eat more. Alright?"

Nalagutan yata ako ng hininga sa kanyang ginawa. Literal na tumigil ang mundo ko habang nakatitig sa mukha ng maangas na binata. Kasabay niyon ang pagtriple ng lakas ng kabog ng dibdib ko.

I don't know what happened today. Pakiramdam ko lutang ako buong araw. Pero pakiramdam ko may biglang nag-iba sa akin. Napabuntung-hininga ako. Pang-ilan na ba ito? Pang-walo? I looked at my front to view where am I now. Ah, I'm currently inside my school, walking in the catwalk. Hindi naman ganoon kataasan ang araw pero pakiramdam ko ang init init pa rin. Lalo na kapag naalala ko ang nangyari sa condo ni Troy.

I screamed mentally and I held my hair with an utmost grip. Literal na sinabunutan ko ang aking sarili at nagpapapadyak padyak sa gitna ng maraming tao. Wala akong pakialam kahit masabihan man akong wirdo dahil hindi ko talaga kinaya ang nangyari.

Punyeta talaga iyang Troy na iyan. Isa siyang malaking balakid. He's melting the wall that I created and it's not good. Na-i-i-imagine ko palang ang kahihinatnan ng mga ganitong pangyayari ay parang gusto ko nang kumalas sa usapan namin ni Papa sa pagpapanggap na ito. Pakiramdam ko, I'm digging my own grave.

"Hoy babae!" I screamed in pain when I felt someone spanked my head from behind. I squinted my eyes on the girl who hurt me using my deadly glare. "Para kang timang diyan sa gitna ng kalsada. Masasagasaan ka na hindi mo pa nararamdaman."

Doon ko lang na-realize ang kotseng lumagpas sa akin at narinig ko pa ang pagmumura ng taong nasa loob niyon. Napabalik ang tingin ko sa babaeng kumausap sa akin.

"Bakit mo ako binatukan?" I asked her while glaring.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Para magising ka malamang sa katangahan. Iyang katangahan pa ang papatay sa'yo, bruha ka."

"Are we that close to talk to me like that?" I asked her with temperance. Ang bastos ng bunganga ng babaeng ito.

Namaywang na siya sa akin ngayon. "Iisipin ko pa ba iyon? I hate seeing lifeless body in the middle of the streets. Oh, huh! Akala mo ikaw lang ang kayang mag-english!"

Bigla akong natigilan nang may mapansin sa dilag. She looks very familiar. The woman is for sure at my age. She has short blonde hair and has gray eyes. Pero hindi iyon halata dahil may suot itong glasses na halintulad kay Harry Potter. Her dress is a bit, revealing. Off-shoulder floral dress na kita na ang hita nito. She's also wearing a strapless heels showing her glorious legs and feet.

"Do I know you? Or have we met before?" I asked her directly. Para kasing kilala ko itong babaeng ito eh.

The woman flipped her short hair and fixed her not-so-dishelved bangs on the side while grinning. "Miss, akala ko hindi mo ako makikilala. Of course, dapat knowings mo ako. I'm pretty famous in PUP, like hello duh!"

I gasped when I realized who she is. The way she flipped her short hair, her glaring and p and f issues, at ang barok nitong ingles. Bakit hindi ko kaagad siya namukhaan?

"Christina Villegas?!" I blurted out. Para akong batang nakakita ng kakilala sa lugar na walang nakakakilala sa akin. "Oh my god! Ikaw nga!" Nabigla ko yata ito nang bigla ko itong sunggaban ng yakap. "Hindi kita nakilala!"

Nabigla ako nang bigla niya akong itulak paalis sa kanya. "Hoy! My god! Why are you making yakap yakap at me? Hindi kita knows!" kita sa mukha nito ang pagtataka at ang pagkairita.

I just can't stop from smiling. Wala itong pinagbago sa ugali pero ang pisikal nitong itsura ay ganoon pa rin.

"Hindi mo ba ako naalala? Ako ito, si Serena!" Pagpapakilala ko. Pero parang may tinubuan na kung anong mansanas sa utak ng babaeng ito at tila hindi siya maalala.

As I've said, hindi pa rin ito nagbabago. Pati ang utak ay ganoon pa rin. Nakupo.

"Serena? Wala akong kilalang lamang dagat." Pagtanggi nito at kung hindi ko lang siya na-miss ay mababatukan ko ito ng tabla kung makainsulto ng pangalan.

"Tanga! Serena at hindi sirena! Ako ito! Iyong kababata mo sa Payatas dati!"

"Ay grabe siya mga kababayan oh. Na-tanga ako. Akala mo perfect. Judger ito, pakitandaan ang mukha." Wika nito sa mga nadaang estudyante wearing a sarcastic stoic face. "Hoy, Miss. Hindi ako makakalimutin, FYI lang. Oo, medyo bobo pero dinadaan kasi iyan sa ganda. Saka wala naman akong naging friend sa Payatas--"

My smile grew even more when I think she finally remembered me. Lag pa rin pala ang utak ng babaeng ito, kung baka sa internet, may connection pero slow.

"Oh. My. Basura!!! Ikaw nga Serena! Natatandaan na kita! Ikaw iyong batang akala mo maganda pero dinaan lang sa puti ng kutis hindi ba? Saka iyong batang kinakabog ko minsan sa talent sa pagsayaw sa may Bayan tapos lagi kitang natatalo kasi alam mo na, ganoon talaga ako kahit dati pa. Maganda, talented. Mahal ng lahat. Kaya nga iniwan mo ako dahil nangabog ka sa ibang bansa."

Again, hindi ko siya sasaktan kung hindi ko lang siya sobrang na-miss kahit na kung makalait sa akin akala mo sobrang perfect.

"Okay na, sige na. Ano? Nalait mo na ako hindi ba? Saya?" I sarcastically said then we both screamed while we are hugging.

"Beshy, my god, ikaw nga! Bakit ngayon ka lang nagpakita? Kabog na kita sa ganda alam mo ba?" naiiyak nitong wika sa akin.

"Oo nga at malapit na kita masapak kapag hindi ka tumigil diyan sa kakalait mo sa akin."

"Asus, heto naman nagtampo kaagad. Joke joke lang syempre. Na-miss kita ng sobra. Ang tagal din nating hindi nagkita. Ano? May asawa ka na ba? Anak? Apo? Ano, sagot." sunud-sunod niyang tanong sa akin habang nakaupo na kami sa isa sa mga waiting shed ng open court ng PUP.

"Dapat iyan ang tanong ko sa'yo dahil alam kong malandi ka mula noon pa man." Pangbabara ko sa ka-OA-han ng tanong niya sa akin.

"Ay grabe, judger ka masyado."

Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Talaga ba? Oh, 'eh bakit kindat ka ng kindat diyan. Kausap pa kita. At talagang dito tayo naupo, huh."

"Ang sakit mong magsalita, Beshy huh."

Being with your long-lost childhood friend ay nakalimutan ko kahit papaano ang iniinda kong kabaliwan. Tina and I decided to meet in the well-known Intramuros-like area. Kung minsan nag-chi-chikahan kami at nagkakamustahan pero mas madalas yata na busy kami sa pagpipictorial.

Ako ang photographer at siya ang model. Lukaret talaga ang babaeng ito pero hinayaan ko na lamang na tratuhin niya akong taga-picture niya dahil kahit paano naman ay hindi napuputol ang tsikahan naming dalawa.

"Talagang pati railings papatusin mo babae ka?" hindi ako makapaniwala sa trip nang babaeng ito. Pati ba naman sa railings ay gustong doon magpapicture kahit na kaunting mali niya sa balanse ay mahuhulog ito sa maliit na sapa ng lugar.

"Girl, huwag ka nang mareklamo diyan. Sulitin ko nang magaling kang kumuha ng pictures saka bet ko ito kaya huwag kang hassle sa tropa."

Napailing iling na lamang ako sa kabaliwan ng babaeng ito.

While I'm taking pictures, I can hear few murmurs nearby. Kapag tinitingnan ko kung saan galing ay nawawala iyon bigla at ang estudyanteng naririnig ko ay biglang naalis.

Kung anumang bulong iyon? Bigla akong nalungkot at nagalit.

"Kababaeng tao ganiyan kung magpapicture. Masyadong malaswa."

"Ano ba tingin niyan sa school natin? Nude agency?"

"Hindi nalang mag-aral nang sa gano'n ay maka-graduate na."

"Pang-ilang year na ba niyan dito at hanggang ngayon ay narito pa rin. Papalit palit kasi ng course."

"Paanong hindi makaka-graduate eh gabi gabing laman ng mga exclusive bar. If I know..."

I gripped the camera with rage. Hindi ko na napigilan ang sarili at isa-isang tiningnan ang mga estudyanteng nagpatuloy pa sa pagbubulung-bulungan.

"Prelims na at mag-aral nga kayo do'n! Mga istorbo!" saway ko sa kanila.

Naramdaman ko biglang inagaw ni Tina ang camera-ng hawak ko at tiningnan ang mga kuha ko sa kanya. Napatingin ako ng malalim sa mukha nito.

She looks unaffected outside but I can read emotions through eyes. And her eyes state otherwise.

"Huwag mo na silang pag-aksayahan pa ng laway, Serena. Wala ka nang magagawa sa mga mentalidad ng mga taong makikitid ang utak. Tutal, hindi naman ako affected na. Sanayan lang iyan, girl." utas nito sa akin at patuloy pa rin ang pagtingin nito sa aking camera. She's not looking at me.

She's trying so hard not to show how hurt she was. Magkababata nga kaming dalawa. Hulma kami ng lugar kung saan kailangan mong maging matapang para hindi ka tapak-tapakan ng ibang tao. I was able to conquer that but I think Tina hasn't achieved it yet. She has the braveness to show but I can still see how fragile she is.

Pang-ilan na niyang taon rito? It doesn't mean na narito ka pa rin ng higit sa apat na taon ay wala nang laman ang utak.

Tina is smart. Hindi mahina ang utak niya. Slow lang kung minsan but we have the same level of IQ. Her reason why she's still here? Hindi ko pa alam, but I won't ask her that. I respect her reason of still being here in PUP.

Why she has this independent side where she's too open and liberated? I don't know. She has reasons to tell. But I want her to open up willingly at me.

Someday, malalaman ko rin iyon. I just have to know her more.

Naputol ang pagmumuni-muni ko habang nakatitig sa seryosong mukha ni Tina nang biglang nag-ring ang cellphone ko.

Nasagot ko iyon nang hindi tinitingnan kung sino ang tumawag. Nang marinig ko ang taong nasa kabilang linya, muli na namang nanumbalik ang pagkabog ng dibdib ko ng sobra.

"Serena, I need you. I'm in front of your school." Troy said without even saying hello.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top