Chapter 6
Party
Jairus Zachary Amarillo
I ALWAYS think about what my life would be like if I died. It's either of the four. I'll be sent to heaven or hell first. Second; I'll be staying in purgatory and third; I'll be a ghost who can't move on from my death and lastly; I'll be lost forever and no one ever knows my existence.
All of it was forgotten once I saw a light on the ceiling. Napahinga ako ng maluwag nang sandaling makita ang kisame, makinang naka-konekta sa akin at amoy ko pa rin ang kemikal na hindi ko talaga gusto dahil nanunuot sa aking ilong.
I roamed my eyes around the four corners of this room and I was quite surprised when I saw Miss Jennie and Sir Renz sleeping on the coach. He was leaning on his mother's shoulder. May ilang bandages pa sa ulo't braso si Sir Renz dahil natamong sugat sa bar.
Napangiti ako nang makita ang mag-inang nagkasamang muli. Marahil sa tagal nang hindi nila pagsasama ay na-miss nila ang isa't-isa. Sana nga lang hindi na aalis ni Miss Jennie sa tabi ni Sir Renz.
Sana nga.
Nanatiling nakadilat ang mga mata ko sa loob ng ilang oras. Mabuti na lang at wala na rin akong nararamdamang kakaiba sa aking sarili. Hindi ko na nararamdaman ang kirot sa aking batok. Hindi na rin nanlalabo ang aking paningin kaya masasabi kong mabuti na ang lagay ko.
As I ventured here in Manila, I experienced quite a few unexpected things. I was looking for answers about my identity, but my expectations were so different from reality.
Akala ko ay makikilala ko na kung sino ang totoo kong pamilya kapag tumuntong ako ng Manila... ngunit ang layo ko pa pala sa katotohanan na makita man lang ang isa sa kanila. Malaki ang Manila, maraming pasikot-sikot na minsan ay mahirap tandaan. At tanging ang k'wintas... lampein... basket... at ang phone number lang mayroon ako sa ngayon.
And I'm still doubting the name Jarvee dahil baka edited lang din 'yong photo na nakita ko. But I can't really believe that I heard his name before I collapsed. Is it possible that he just visited someone? Or is he a patient here?
Posible kaya?
***
"Zach, you don't need to do it. Alam mo bang napaka-delikado ng ginawa mo? You just risk your life for this jerk..."
Nag-aalalang saad ni Miss Jennie habang masamang tinitingnan si Sir Renz. Alam kong nagbibiro lang ito pero masama rin ang tingin na ipinukol ni Sir Renz kay Miss Jennie.
"Mom!" Pag-angal ni Sir Renz.
"What? Totoo naman, ah. Kung hindi ka lang nambulabog ng mag-jowa. Edi sana walang ma-o-ospital sa inyong dalawa. Minsan kasi, kung mag-ba-bar, iinom lang. Huwag ng gagawa ng kung ano." Halata kay Miss Jennie na na-i-stress siya sa kalokohan ni Sir Renz.
"I know, Mom. I'm sorry, pinag-alala ko kayo... and also to you, Zach. I put you in danger." He said honestly.
"Okay lang naman 'yon, Sir Renz. Ganyan naman ako sa mga kaibigan ko." Saad ko dahilan para magtaka ang mukha nito.
"K-Kaibigan? So you mean, you didn't treat me as your boss?" Hindi makapaniwalang saad nito.
"Sir Renz, kahit hindi mo man sabihin. Kaibigan na ang turing ko sa'yo. Sadyang kailangan ko lang magpaka-bodyguard since 'yon ang ipinangako ko kay Miss Jennie," I said gladly while smiling at him.
Sir Renz smiled while Miss Jennie looked at us. I'm really comfortable with Sir Renz's presence kahit na may pagkasuplado ito. At kahit minsan ay hindi ko pa naririnig kay Sir Renz na may kaibigan na ito.
"Promise 'yan, ah. Magkaibigan na tayo!" I really find him weird sometimes. At the time, he was too serious until he became childish in front of his mother.
"Promise!" I assured him.
Ngayon masasabi kong ito na ata ang pinakamagandang nangyari sa akin nang tumuntong ako ng Manila. Dahil ang mag-ina ay nagkaayos na...
***
Lumipas ang ilang araw at wala pa rin akong nahahanap na lead kung sino ang magulang ko. At sa ilang araw rin na 'yon ay sobrang daming nagbago. Tinaggal na ako ni Miss Jennie sa pagiging bodyguard ni Renz kaya malaya na akong makakapaghanap sa buong ka-Maynilaan.
Sobrang hirap maghanap sa gitna ng malawak na lugar. I even asked the hospital staff if they had a visitor or a patient named Jarvee Marcellius Real. Pero lahat sila ay walang kilalang gano'ng pangalan.
Maybe I just heard it wrong or it was a product of my hallucination. Pero hindi ako p'wedeng magkamali, narinig ko ang buong pangalan niya no'ng time na 'yon. Tanging siya lang ang nag-iisa kong lead sa ngayon dito sa Maynila.
I was surprised to see Jarvee's picture when I first saw it because it looked like me. Maaring edited 'yong picture na nakita ko pero no'ng binisita ko ang timeline ng taong 'yon ay hindi nga mapagkakaila na magkaparehas kami ng mukha. At tanging Manila, Philippines lang ang lugar na nabanggit sa bio nito.
It's possible that he is a copy of me... but somehow, I wonder if he is just a copy of me.
And for now, I need help from some experts.
Nasa k'warto kami ni Renz ngayon, pinakiusapan ko siyang i-research si Jarvee. Kanina pa kami rito sa harap ng laptop niya, panay tipa ng mga posibleng pangalan ng mga lugar at tao na maaring maugnay sa kanya.
Kahit pala moderno na ang panahon ngayon ay medyo mahihirapan din pala akong hanapin ang taong ayaw magpahanap. He keeps on researching at wala talaga kaming mahanap. Napaka-limited ng infos at paulit-ulit lang ang lahat. Puro Manila lang ang nakalagay sa address at wala na. Ta's napagod pa si Renz dahil kanina pa siya sa harapan ng laptop.
Matapos lang ang ilang oras ay pinagpahinga ko na ito at minabuti na lang na samahan si Nanay Seliah sa kusina. Kanina pa ito nakatingin sa sipi ng saging na nasa harapan niya. Waring nag-iisip kung paano ito lutuin.
Dahil wala rin naman akong gagawin kaya nagpresenta na akong magluto ng merienda ngayong hapon. Simpleng luto ng saging lang ang niluto ko. Matapos itong kumulo ang tubig na may pinagbalatan ng saging ay nilagyan ko lang ito ng isang kutsarang asukal at mantika. Matapos lang ang ilang minuto ay luto na ang saging.
Habang naghahanda ng maiinom si Nanay Seliah ay napagpasyahan kong tanungin na lang ito.
"Nanay Seliah, may tanong po ako." Napatitig pa ako sa pagkain na nasa aking harapan.
"Ano 'yon, Zach?"
"May kilala po ba kayong Real ang apelyido?" Nangunot ang noo nito sa aking tanong ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay napataas ang hintuturo nito na parang may naalala.
"Real, Real, Real. Narinig ko na ang apelyidong Real pero hindi ko maalala kung kanino ko narinig. Basta, may kompanya silang pagmamay-ari na Real ang apelyido..." Napapapitik na lang si Nanay Seliah sa inis dahil parang naalala niya pero nakakalimutan din.
"Ah, sige salamat po---"
"Real ba kamo?" Napatingin kami sa kapapasok lang na si Kuya Lino. "Sila lang naman ang nagmamay-ari ng kompanyang Hades Inc. na kilala sa buong lugar ng Pasig. Bakit?"
"Ahh, Pasig po?" I asked him lalo na't medyo malayo-malayo pa naman ang Pasig.
"Oo, bakit?"
"Kilala niyo po ang pamilya nila?"
I really hope na may makukuha akong sagot kay Kuya Lino. Naalala ko na driver pala siya kaya baka sakaling alam niya ang pasikot-sikot dito sa buong ka-Maynilaan. Isa pa, matagal-tagal na rin siya rito kaya nakakasiguro akong kilala niya ang mga sikat na tao't kompanya rito.
"Hindi, eh. Pero ang alam ko lang ay may isa silang anak na hindi pa pinakilala sa publiko. Basta ipapakilala raw nila ito 'pag tumuntong na siya ng bente-uno." Sagot nito.
Napaisip ako sa naging sagot ni Kuya Lino. Posibleng si Jarvee nga 'yon ang anak ng mga Real. Pero bakit hindi pa inilalahad sa publiko kung gano'n? Napakalaking palaisipan. Anak si Jarvee ng isang kilalang tao pero limitado lang ang impormasyon na naitala sa internet. Posibleng gusto lang nilang protektahan si Jarvee sa publiko.
Pero anong malaking dahilan kung bakit ayaw nilang ipakilala ito?
Naputol ang iniisip ko nang magsidatingan ang mag-ina at matapos ang pag-uusap naming tatlo ay nag-meryenda na kami kasama si Miss Jennie at Renz.
I just smiled at them before starting eating.
***
"Kuya Lino, sa'n po kayo pupunta?" Tanong ko rito nang magsimula na niyang ayusin ang kanyang necktie. May bitbit din itong brief case na sa tingin ko ay kay Miss Jennie.
"May pupuntahan ako at sasama ka. Magbihis ka na." Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi.
S-Sasama ako? Bakit?
"P-Po?" Pag-ulit ko pa.
"Nakakatuwang bata. Ang sabi ko, magbihis ka ng pormal na damit dahil aalis tayo." Ulit niya. Dahil sa kanyang sinabi ay dali-dali akong tumakbo papuntang banyo.
Mabilisang pagaligo at nagbihis ng disenteng damit dahil magsuot daw ako ng pormal.
I just wear a black polo and pants para komportable ako sa paggalaw. Matapos kong ayusin ang aking sarili ay nagmadali akong lumabas ng aking k'warto.
Nang nasa sala na ako ay nakakapagtaka nang may hawak na black suit si Nanay Seliah. Lumabas si Renz sa kanyang k'warto na suot ang damit na gaya ng hawak ni Nanay Seliah. Nakasuot naman ng black long gown si Nanay Seliah na may kumikinang pa na mga designs.
"'Eto, Zach, suotin mo 'to." Tukoy niya sa kanyang damit na hawak.
Hindi na ako nag-alinlangan pa at agad kong kinuha ang hawak ni Nanay Seliah. Mabilis ang galaw ko at nagmadaling nagbihis. Hindi ko alam kung saang lugar ba sila pupunta't bakit sobrang pormal pa ng susuotin namin. Dahil sa pagmamadali ko, hindi ko na natingnan ang aking sarili sa salamin. Malapit ko pangmasuot ang sneakers ko sa pagmamadali, lumabas ako ng k'warto na sinusuot ko pa ang aking tictac.
I gave them smiles. Lahat nga kami ay pormal na pormal sa aming mga suot. Halos magkaparehas lange ng damit sina Nanay Seliah at Miss Jennie p'wera nga lang sa design at hugis nito.
Napatingin ang lahat sa akin. Napabalik-balik naman ang tingin ni Miss Jennie kay Renz at sa akin.
"Wow, you all look gorgeous and handsome!" Pagpuri ni Miss Jennie sa aming mga hitsura.
"Ikaw rin, Miss Jennie. Ang ganda niyo po," saad ko sabay ayos ng buhok dahil medyo magulo ito.
"Thank you, son!"
"Ma!" Angal ni Renz nang lumapit ito sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Yinakap ko na rin siya nang mahigpit kasunod nito ay sumali na si Renz, Kuya Lino at Nanay Seliah sa amin.
Umalis din kami matapos lang ang ilang minuto. Nasa front seat sina Kuya Lino at Nanay Seliah, nasa next row naman ang mag-ina habang nasa likuran naman ako. Mag-da-dapithapon kaya magakahalong kulay kahel at asul ang kalangitan.
Tahimik lang kami habang nasa pero panay ang pag-iingay ng radio speaker na nagpapatugtog ng mga upbeat na mga music.
Matapos lang ang ilang oras na biyahe ay nakarating na kami sa isang magarang hotel. Sa labas pa lang ay may mga mamahaling fountain na sa bawat gilid na nag-iiba ng kulay. Sobrang engrande kahit sa entrance pa lang at may mga guwardiyang nakakalat sa paligid na todo kung magbantay. May mga magagarang kotse rin sa parking lot na ang kikintab.
Halatang pang-mayaman ang party'ng 'to.
"Okay since we're here, here are these!" Miss Jennie exclaimed as she presented an elegant mask. May dalawang mask na kulay fuschia at buhok ng peacock sa isang gilid. May mga white bead din ito sa bawat gilid na parang diamond kung kuminang. 'Yon ang sinuot nina Miss Jennie at Nanay Seliah. Habang magkakaiba naman kaming tatlo. Simpleng black na mask lang kay Kuya Lino na nagmukhang Zorro sa kanyang hitsura habang kay Renz naman ay may tatlong magkakaibang laki ng itim na balahibo sa gitnang itaas ng mask habang may white beads ang bawat gilid. At 'yong akin ay pinuno ng maliliit na beads ang buong mask na sobrang kintab 'pag natatapatan ng ilaw.
Matapos naming suotin ang aming mga mask ay kanya-kanya kami ng labas ng sasakyan papasok sa venue.
May inabot si Miss Jennie sa bantay at tinaguan lamang kami nito pagkatapos ay pinapasok.
Laglag ang panga ko nang itapak ko ang aking paa sa loob. Sobrang ganda na waring matatawag ng palasyo ng hari. Mula sa carpet na kulay pula, mga gamit na kulay ginto at naglalakihang chandelier. Lahat ay bago sa aking paningin kaya panay ang paglilibot ng aking mata sa paligid. Para akong inimbitahan ng kamahalan para sa isang pagdiriwang.
Hindi ko sukat akalain na makakadalo pa ako ng ganitong uri ng party sa tanang buhay ko.
Sa paglilibot ng aking paningin ay laking gulat ko nang may mag-flash na mukha sa isang malaking screen na sobrang pamilyar sa akin.
Inatake ako ng aking kaba habang nakatingin sa kanyang larawan. Hindi ako nagkakamali. Siya nga 'tong nakikita ko sa malaking screen
Ibig sabihin ay nandito siya?
"Please help me welcome Mr. Jarvee Marcelius Real!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top