Chapter 44
Father
HUNI ng ibon ang unang narinig ni Zach dahilan para magising ito. Agad bumungad sa kanyang paningin ang loob ng isang bahay na simpleng gawa sa kahoy at semento. Gawang semi-concrete ang bahay, ang sahig na gawa sa tabla ng kahoy at ang dingding na abot ng dalawang metro mula sa sahig ay gawang semento.
May isang maliit na kabinet sa unahan, lamesa at tatlong upuan malapit sa may kitchen sink. Nasa sala ang magkakapatid na nakatali sa malalaking poste ng bahay. Walang busal ang bibig pero nakatali ang mga paa nang sobrang higpit.
Napatingin si Zach sa kanyang paligid at dito na napansin ang iba sa kanyang kapatid na nakatali rin pero wala pa ring malay. Iginiya pa nito ang kanyang paningin sa paligid at hindi na siya nagulat nang mapansin ang hilerang bomba sa mga dingding na kung isabit ay parang mga Christmas lights lang.
"Dash! Yohan! Vee! Gising. Mukhang sasabog tayo nang wala sa oras," sambit ni Zach sabay galaw ng kanyang paa.
Ilang segundo lang nang dahan-dahang imulat ng kanyang mga kapatid ang kanilang mga mata. Nagulat ang mga ito sa kanilang mga nakikita lalo na't may bombang nakalambitin sa mga dingding.
Vee repeats, "Shit, another thing that will destroy us, but now that we're complete, we're complete.". Sinamaan siya ng tingin nina Yohan at Dash kaya bigla ulit itong natahimik.
"Harhar! Super funny, Mr. Real. So, paano tayo makakaalis sa pagkakagapos dito?" Yohan asked while struggling to move his feet.
Napatingin ang lahat sa kanilang paligid. Zach's eyes stopped when he spotted the glass vase atop Dash's head.
"Dash! Above you. Galawin mo 'yong cabinet at hayaan mong matumba 'yong vase papunta sa'yo," utos ni Zach na agad namang ginawa ni Dash.
Malakas niyang sinipa ang cabinet na katabi lang ng binata. Nahulog ang vase pero taliwas sa kanilang inexpect ang nangyari.
Imbes na mabasag ay tumalbog lamang ito at nagpagulong-gulong sa sahig. Sabay-sabay na napamura ang apat na magkakapatid sa kanilang mga isip.
"Kurimaw naman, oh! Akala ko vase ang punyeta! Plastik pala!" Galit nitong sambit sabay sipa muli sa cabinet nang malakas. Muling gumalaw ang cabinet pero hindi man lang ito natumba o nahulog ang mga drawers nito.
"It seems like all things here are fake," Yohan said while gazing his eyes around the place. "There are bombs and I guess all those furnitures are not real," he added.
"And right after, matutunaw ang paligid natin at kasama tayo sa matutunaw. Tama ba?" Pang-aasar ni Zach at napangisi pa kahit na nasa delikado silang sitwasyon.
"So, any plans on how to escape?" Vee asked.
Kahit casual lang kung mag-usap ang kambal pero sa loob-looban ng kanilang sarili ay kinakabahan na talaga sila sa mga nangyayari. Nagawa mang magbiro ngunit mahihimigan sa kanilang boses ang kabang gusto nilang pakawalan.
"I think I'll do my plan B," Zach said. He extended his tied feet in Vee's direction since he was closest to his location. "Vee, sa loob ng sapatos ko may makukuha kang lighter diyan. Remove my shoes then throw the lighter in my direction," Zach commanded.
Vee started to move his body in Zach's direction. Matapos niyang gawin ito ay agad niyang pinagitnaan ng kanyang sapatos ang isang sapatos ni Zach. Matapos mahulog lighter sa sahig, agad itong sinipa ni Vee nang sobrang lakas patungo sa direksyon ng kambal.
Gamit din ang paa ni Zach, agad niyang inilapit sa kanyang direksyon ang lighter. Sa galing ng galaw ng kanyang katawan agad napunta sa kamay ni Zach ang lighter pero bago pa man niya ito hawakan, bumukas ang pintuan sa may front door.
Napatingin ang apat at biglang nanlaki ang kanilang mga mata sa kung sino ang pumasok.
Suot nito ang kanyang kupas na maong, lumang sapatos na kulay brown na gawang leather, kulay asul na button down shirt at ang salamin nito. Kahit sobrang pormado ng taong kaharap nila ay mababakas pa rin sa hitsura nito ang katandaan.
A smirk can be seen on the old man's face can be seen. As he watched them from the doorway, he looked like he was having a good time.
"Have a pleasant day, Craxe!" He greeted. "You look all hilarious in that state. Would it be alright if I came in?" Pang-aasar ng matanda pero hindi nagpatinag ang mga ito.
"Nakapasok ka na. So welcome, hukluban," ganting asar ni Dash at hindi man lang mababakas sa mukha nito ang kahit anong ekspresyon.
Christopher chuckled, "Nakakatawa talaga kayo mga Craxe. I'm glad to see you here. Complete and ready to burn---I mean, you're liable to melt if those tiny bombs explode."
Mahinang napatawa si Zach, "I really don't get it. You're growing up and yet hindi mo kayang pakawalan ang nangyari sa nakaraan? How can you not move on from all those shits, sir?"
The old man rolled his eyes, "Kid, you didn't understand the parent's grief..." May diin sa kanyang salita habang sinasariwa ang nangyari sa nakaraan, "...knowing that your children were in deep grief before. Hindi ikaw ang nakasaksi sa malapit na pagkitil ng anak ko sa aking harapan..." Hindi namalayan ng matanda na napapa-k'wento na pala ito. "He's holding a gun that time when he learns he's the one who killed the love of his life. Now tell me, kid, why can't I move on? Dahil sa oras na hindi ko ibigay ang gusto ng anak ko. Baka siya lang din ang papatay sa sarili niya. I don't want to lose a child. Not again..."
Dito na mas lalong nagtaka ang apat sa tinuran ng matanda.
"Po? What do you mean? You won't lose a child ever again?" Kinakabahang tanong ni Yohan.
"Daniel March Sandoval and Veracio Kiel Fuentes - Sandoval. M-Magkapatid sila. Anak ko sa labas si Kiel, tinanggap ko siya sa pamilya namin. Pero against siya sa mga ilegal naming gawain. We arranged a marriage for Daniel but things didn't work out according to plan. S-Si Sharlette... ang gusto niya ay si Kiel at hindi si Daniel..." Tila namumuo na ang luha sa mata ng matanda.
Napatingin ang matanda sa kanila, "All those time na magkasama si Daniel at Sharlette ay parang wala lang. Nagalit nang husto si Daniel no'ng araw na 'yon. Nalaman din niya na alam pala ng mga magulang ninyo ang pasekreto nilang relasyon... kaya sobrang lala ng galit ni Daniel no'ng araw na 'yon. He also discovered that Jeno had a huge debt in our casino na sobrang tagal nang hindi nababayaran," he continued.
"... 'Yon ang rason kaya niya hinunting ang limang 'yon. Saktong pinanganak kayo no'ng araw na 'yon. Hindi raw siya tumigil kahahabol sa mga magulang niyo at sa mag-sing irog. Daniel became obsessed with killing your bloodline. I was in shock no'ng umuwi si Daniel na nakatutok ang baril sa kanyang ulo. Siya na rin ang nagk'wento sa mga nangyari. Aminin ko, nagalit ako no'ng panahong 'yon dahil sa pagkitil niya sa buhay ng kanyang kapatid," the old man recalled with sorrow what had happened in the past.
"Daniel becomes more aggressive sa kanyang paligid. He can't even accept Sassy as her sister since she's adopted."
Nanlaki ang mga mata ni Vee dahil sa kanyang nalaman. Hindi niya sukat akalain na hindi pala tunay na anak ni Christopher Sandoval ang isang Sassy July.
"From time to time, Daniel is not the same as before. He's becoming a monster. And the crazy part, he stole my identity throughout these past months. I know you encountered my face at a different time. Doing some manipulations but let me tell you this... " Humugot nang malalim na buntong hininga ang matanda at dito na namlambot ang mukha nito. Rumehistro ang pagiging inosente ng kanyang mukha. "That Christopher you met these past few months ay hindi ako 'yon."
Dito na mas lalong nalito at naguluhan ang apat sa sinabi ng matanda.
"W-What do you mean?" Vee asked in shock.
"Kids, Daniel stole my identity. He locked me in a room. He pretended that I was his comrade and chased you, right? I know all of these dahil nalagyan ko pa ng mini camera ang mga damit niya. Alam ko lahat ng ginawa niya, he even used prosthetics to be someone else..." He explained. Mas lalong naliwanagan ang apat sa sinabi ng matanda.
"He has also been my best friend for a long time, Loro. He died years ago and I know that he tricked you with it. Wala kaming inilabas na statement sa police tungkol sa kamatayan niya. The truth is, he died of cancer. Nagulat na lang ako no'ng narinig ko 'yon sa mismong bibig ng anak ko no'ng kaharap niya kayo sa slaughter house. Daniel faked everything he said to you." Christopher confessed.
Napaawang pa ang labi ni Yohan sa kanyang nalaman. Sa lahat pala ng pagkakataon na 'yon ay niloloko na sila ni Daniel at ang matandang kaharap nila ay inosente at ginamit lang din ng kanyang anak.
Naging ganid sa paghihiganti si Daniel na umabot ito sa pangloloko ng tao. Lahat ay parte lang ng kanyang plano na paglaruan ang quadruplets at kung hindi inamin ng matanda ang totoong nangyari baka ngayon ay naniniwala pa rin sila sa kasinungalingan ng kalaban.
Christopher grabbed a Swiss knife from his pocket and came closer to Vee. "Don't move, pakakawalan ko kayo."
Hindi alam ng magkakapatid kung maniniwala sila rito o hindi.
"Vee, watch out! He might fool us!" Paalala ni Yohan.
Christopher begins cutting the ropes that cannot be untied with his hands.
"Daniel has gotten crazy. He is obsessed with killing the Craxe blood line. He wants you to be dead after all those lies your parents did..."
Hindi na inalintana ng matanda kung hindi siya pagkakatiwalaan ng matanda. Ang alam lang niya ay gusto niyang pakawalan ang apat.
The ropes were difficult to cut but he continued cutting them. Ramdam nito ang hapdi ng palad dahil tumatama rin ang kanyang palad sa talim ng dalang kutsilyo. The old man endured the pain para hindi siya kaawaan ng magkakapatid.
"Daniel plans to kill you by bombing this fake house where your parents used to live. This is exactly the same place where it exploded before," the old man raised his right hand, holding the knife in front of him.
Blood dripped from his palm down to his wrist. Nanlaki ang mga mata ng magkakapatid at dito na rin tuluyang naputol ang pising nakagapos kay Vee.
"Mr. Christopher, are you okay?" Vee asked worriedly.
"I'm alright kid. Here," sabay abot nito ng kutsilyo sa binatang kaharap. "Cut the ropes." He added. Tumango naman si Vee sabay lapit kay Zach at mabilis na nilagare ang pising nakapulupot sa kanyang kamay dahil na rin sa kapal nito.
Kasalukuyang pinuputol ni Vee ang pagkakagapos ni Zach habang ang matanda naman ang nagtanggal ng pisi sa paa ni Vee. Tuluyan nang nakatakas si Vee sa pagkakagapos kaya sinunod nito ang tatlo pa kahit ang mga paa lang nila ang kaya niyang ibuhol.
"I'm telling you, Craxe. Handa na akong gawin ang tama ngayon. I won't allow him to do what he plans. Dahil gagawin ko na ang dapat matagal ko nang ginawa... at 'yon ay gawin ang dapat gawin ng isang ama," he said with conviction.
The four are freed from their shackles, and now they're ready for what will happen next.
"Here, take this." the old man offered them two guns. Zach and Dash took it. "Just run right through the woods. Makakakita kayo ng highway, makakahingi kayo ng tulong. And go!" He commanded.
Nagdadalawang isip pa ang apat kung iiwan ba nila ang matanda na ngayon ay tumungo na sa front door. Pero bago pa man ito tuluyang makalabas ay tinawag ito ni Zach.
"Sir Christopher March Sandoval, we're sorry for what happened to you. And I guess, sir, you're a great father but he never sees it 'cause he got blinded by hatred." Zach said, "Your father is great..." and the four left the house, leaving the old man seated in the doorway.
The sound of car engines entered the scene. The old man looked at them with rage in his eyes.
Isang nagmamadaling lalake ang dali-daling lumabas ng kotse. Hinihingal ito at nagmumukhang demonyo dahil sa hitsura nito ngayon.
Samantala, habang tumatakbo naman ang magkakapatid, napatigil ang mga ito nang makarinig ng ingay mula sa bahay na kung saan sila ginapos.
Pero hindi nila inasahan ang sumunod na nangyari. Isang malakas na pagsabog ang naging sanhi para lumiyab ang bahay na gawa sa plastik.
Nanlaki ang mga mata ng apat dahil mukhang alam na nila ang nangyari. Kasabay ng pagsabog ng bahay ay ang mag-amang may pinagdadaanan.
Isang hindi pa rin napatawad ang mga taong nagkasala sa kanya at ang amang handang pagbayaran ang ginawang kasalanan ng kanyang anak.
The father and son... the revelation... the quadruplets and the explosion.
But the biggest question is: are they safe from threat and danger?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top