Chapter 43

Family

MATAPOS malaman ng lahat ang totoong nangyari sa nakaraan, naliwanagan na ang apat sa kung ano ang totoong nangyari. Nasagot na ang lahat ng kanilang mga tanong na matagal na nilang gustong malaman.

Hindi rin sila makapaniwala sa kanilang nalaman kaya mas lalo silang nagulat at hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-si-sink in sa isip nila ang impormasyong kanilang nakalap.

"Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa inyo. Hindi no'n mabubura na minsan na rin akong nagpadalos-dalos sa desisyon ko. Hindi ako mag-e-expect na mapapatawad niyo ako nang gano'n kadali. Pero may isang bagay lang akong sisiguraduhin at 'yon ay mahuhuli ko si Daniel. Ngayon na nakalabas na siya ng kanyang lungga, sisiguraduhin kong makukulong siya nang panghabangbuhay..." Emosyonal na wika ng kanilang ina na si Elle. Ramdam nila ang sinseridad sa boses nito. Sobrang nahihiya ang kanilang magulang dahil sa nangyari sa nakaraan.

Nanatili namang tahimik sina Vee at Dash dahil sa kanilang apat, sila ang naapektuhan sa katotohanang kanilang nalaman.

Binigyan na lamang siya ng ngiti nina Zach at Yohan dahilan para maibsan ang lungkot na nararamdaman nito.

Mabigat ang atmospera ng hapagkainan habang kumakain ang buong pamilya. Sobrang awkward at kahit alam nilang kompleto na sila, ando'n pa rin ang nakakabinging katahimikan dahil sa biglaang pangyayari.

Na-k'wento ng kanilang ina na hindi totoong pulis ang naka-engkwentro nina Dash at Zach nang lumabas sila sa isang restaurant.

Nalaman din ng lahat na isa ang kanilang ama sa head ng organisasyong TIME. Kabilang ang kanilang ama sa higher officials na siyang taga-bigay ng solusyon sa pinaka-delikadong misyon na gagawin ng organisyon. Sila rin ang gumagawa ng paraan para may koneksyon ang kanilang nasasakupan sa ibang bansa. Sila rin ang namumuno sa mga misyong sobrang mapanganib.

Isa pa sa kanilang nalaman ay dating kaklase pala ng kanilang ina si Patricia na ina-inahan ni Vee, iniwan nila ito sa gate ng bahay nila at inampon naman ito ng mag-asawa. Habang si Zach naman ay iniwan ng kanilang ama sa cabin malapit kina Loren. Si Lolo Jeno na dating kaibigan ni Loren na naging nanay ni Zach. Kilala ng pamilyang Craxe ang mga Amarillo at sumakto rin na pauwi na ang mga Amarillo sa Mindanao kaya kinuha niya itong oportunidad upang ilapit ang sanggol na si Zach kay Loren. Alam nilang magiging mabuti ang kalagayan ng kanilang anak lalo na't isa si Loren sa pinakamabuting taong nakilala ng kanilang lolo.

Ang tinatawag naman na Mami ni Yohan ay kakilala ng kanilang ina, isa ito sa pinakasikat na personalidad dati. Kinausap nila ang kaniyang Mami at pumayag naman itong ampunin ang bata. Sadyang nagkaroon nga lang ito ng sakit sa pag-iisip at halos lahat ng ala-ala nito ay unti-unti nang nabubura. Habang si Dash naman ang hindi nila inaasahan sa lahat sapagkat siya ang bukod tanging na-kidnap ng mga kalaban at nasa bingit na ng kamatayan. Kalaunan ay nasagip din ito ng mga taong nakatira sa iskwater area at sila na rin ang nag-alaga sa kanya.

Silang apat ay lumaki sa iba't-ibang komunidad at paligid. May isang namuhay nang payapa sa isang probinsya, ang isa naman ay namuhay sa harap ng camera at maraming tao habang namuhay naman ang isa sa sulok ng kanilang mansyon at ang isa naman ay namulat sa pait ng reyalidad.

K'wento ng magkakapatid na pinaghiwalay ng pagkakataon pero pinaglapit din ng tadhana.

Ngayon na nasa iisang lamesa silang lahat, sobrang saya dahil nakompleto na silang buong pamilya ngunit may mga puwang pa rin sa kanilang puso na hindi nila maipaliwanag.

Natapos ang hapunan, nasa garden ang apat na magkakapatid. Malamig ang hangin at rinig nila ang mahinang pagsayaw ng mga puno sa kanilang likod bahay.

Hindi rin sila makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Waring kay bilis na nagpakilala ang kanilang mga magulang. Nakilala na rin nila ang kanilang mga kapatid pero hindi pa rin sila mapakali dahil sa nangyayari sa kanilang paligid. Nandiyan pa ang kanilang kalaban na p'wedeng umatake at ang kaligtasan ng pamilya nina Yohan, Zach at si Paslit.

Malalim ang iniisip ng bawat isa, pare-parehong nakakaramdam ng kaba. Hindi nila sukat akalain na ganito kabilis ang lahat para sa kanila.

Humugot ng buntong hininga si Dash sabay lagok ng beer na hiningi pa niya sa mga katulong. Inilapag niya ito sa lamesa sabay punas sa kanyang labi.

"Guys, anong plano natin? Mukhang wala kasing plano sina mama na hulihin si Daniel. Baka umatake 'yon isang araw? May solusyon kayo?" Mahihimigan ang takot at pangamba sa boses ni Dash.

"Yeah, we've been thinking the same thing. It feels like everything happens fast. Did you know? Someone knocked on our door and kidnapped us. Then they brought us here," wika ni Vee sabay lapag ng hawak na bote ng Coka-Cola sa lamesa.

"After naman namin habulin si Daniel, paglabas namin ng restaurant. May mga fake police na sumundo sa amin. Then they arrested us and brought us here. "And everything here sounds weird," Zach blurted out to himself.

Yohan sighed, "I know you two, Zach and Dash got emotionally drained no'ng nakilala natin ang nagluwal sa atin. But I really got the opposite feeling. Hindi ko gusto 'tong nangyayari sa atin dito. Ewan ko pero kanina pa ako nakakaramdam ng kaba."

"This night will not end until I find out what's really happening here," Zach said seriously.

"Stop being a hero, Zach. Let us also do our investigation. "This is a family matter, not just about you," Vee responded.

"Fine, Mr. Let's all find out what's really happening here," Zach replied. "And I'll be having my rest," he added, walking out of the garden.

Naiwan naman ang tatlo na mas lalong napalalim ang pag-iisip. Napagtanto nila na bigla na lamang nagbago ang kanilang nararamdaman sa posibleng mangyari sa kanilang paligid.

"Let's call this a night and be alert, guys," Vee suggested and made his exit.

The two left and took a look around. They make sure that no one is watching them. Umupo malapit si Dash kay Yohan.

"Yoh, ano bang nangyayari sa inyo? Bakit niyo pinagdududahan ang lahat?"

"Gano'n talaga 'pag may nararamdaman kang kakaiba sa paligid mo. Imagine, normal day lang kanina na nasa hotel kami ni Vee tapos may biglang dumating at dito kami dinala. 'Di ba parang ang awkward no'n," Yohan said in disbelief.

"'Di ba nga, ika nga nila life is full of surprises. May mga gano'ng bagay naman talaga. 'Yong boring at normal day may biglang nangyayaring plot twist na lang bigla minsan," depensa pa ni Dash.

Napatingin naman si Yohan sa kanya sabay sipat ng kanyang noo.

"Is this really you, Dash? Bakit parang may lagnat ka---" agad nitong hinawi ang kamay na nakalapat sa kanyang noo.

"Tigil mo nga 'yan. Hindi ka na nakakatuwa," Dash stopped him.

"Ang alam ko kasi hindi ganyan si Dash na kilala ko. Si Dash kasi na kilala ko ay nag-iisip muna bago sabihin ang gusto niyang sabihin. What happened to you ba?" Maarteng tanong ng kapatid.

Nangunot pa lalo ang noo ni Dash at mas piniling tumahimik na lang. Pero hindi pa rin mawaglit sa isip nito ang sinabi ng kanyang mga kapatid.

Napahawak naman sa kanyang baba si Dash dahil napalalim lalo ang kanyang pag-iisip.

Medyo may duda na rin ito sa mga nangyayari.

Simula't sapul pa lang ay lagi na lang silang hinahabol ng tadhana. Kabilaang takbuhan at ilang beses na pagtakas sa kamay ni Kamatayan.

Lahat ng 'yon ay napagdaanan na nila noon pa man. At ngayon na may nagpakilala na sa kanilang pamilya ay mas lalo lamang silang nalilito sa mga nangyayari.

Mula sa kanilang inuupuan, nakatanaw sa dalawa si Zach na nasa bintana. Nasa ikalawang palapag ito ng kanyang k'warto at kanina pa binabantayan ang dalawa dahil hindi pa rin ito natutulog.

Naging mapagmatyag din siya sa mga nangyayari dahil hindi na siya natutuwa. May kung ibang ibig ipahiwatig ang kanyang nararamdaman.

Natigil lamang siya sa pagbabantay nang bumukas ang pinto at doon lumabas ang isang taong alam niyang espesyal sa kanya.

"Sorry for not knocking. I thought you were sleeping," she said with a smile on her lips.

"Nah, don't bother po. Come in," pilit na ngumiti si Zach.

"It's already late. Hindi ka pa ba matutulog?" Ellia asked and she sat on the edge of the bed.

"I can't sleep po kasi. Nakakapanibago lang po kasi ang mga nangyayari," he answered. He turned his back on his mom and looked out the window at his brothers.

"Talaga namang nakakapanibago ang lahat nang 'to para sa inyo. Imagine, in a single day. Bigla na lang tayo nagkakakilanlan. And I'm sorry for that," mahihimigan ang lungkot sa boses ng kanyang ina.

"It's alright po. We know that all this time, you've been doing your best for us. "This is not the right time for us to accept the whole truth," Zach said almost whispering. Muli niyang ibinigay ang kanyang atensyon sa kanyang ina. Hinarap niya ito sabay ngiti.

"Alam kong matagal pa bago niyo matanggap ang lahat ng 'to. At sana kung darating man ang araw na 'yon, sana tuluyan na nating limutin ang lahat. Nang walang pag-aalinlangan at pagdudu--" she was cut off when the loud ringing of Zach's phone echoed in the room.

"Oh, sorry po. Can I just take this phone call?"

"Yes, you can," his mother answered.

Lumayo si Zach sa kanyang ina sabay sagot ang tawag mula kay Mikki na kanyang kasamahan. Nakatuon pa rin ang atensyon nito sa kanyang mga kapatid na nag-uusap pa rin hanggang ngayon.

"Hello, Mikki-boi? Is there a mission?" He asked confusedly.

"Nope. But you need to get out of there. You and your brothers are in danger!" Natatarantang sagot ng kanyang kasamahan.

"What do you mean? Nandito kami sa bahay ng pamilya namin. How is that possible? We're safe here."

"That's what you think. I tracked you and your brothers. You're in the Trillio Mansion. And when I searched for the owner, I found out that isa siya sa business partner ni Daniel Sandoval. I hacked the system there and did some sort of face recognition sa mga taong nandiyan. It turned out that some of the people there were dead, Mikki explained in a rush.

Zach then realized that this might be another trap for them. He gazed at his brothers, and his eyes widened at what he saw.

Nakaramdam siya ng kilabot nang makita niya ang kanyang mga kapatid na nanganganib. May dalawang lalake ang papalapit sa kanilang direksyon at may hawak na sako.

When Zach was about to open the window, he realized that he was with his mother. He slowly turned his head and was surprised when he saw Ellia holding a kitchen knife.

"Ah, m-ma... What's this?" His voice cracked and his hands kept trembling.

"Nothing, my child," sagot nito. Mas lalong kinabahan si Zach sa kanyang nakikita. Her mother was holding a knife and he was terrified by what he saw.

"Can you please be calm?" Zach whispered.

"What if I told you that I was not your mother?"

Parang binuhusan ang binata sa kanyang narinig. His instincts were correct, they would fall into another trap.

Habang umaatras si Zach kanina niya pa napansin ang figurine na kamay na gawa sa kahoy. Sobrang bigat din nito.

Hindi niya pinahalata na nakuha na ng kanyang kaliwang kamay ito. Napatingin muli siya sa kanyang mga kapatid at dito nakita na nakasilid sa sako ang ulo ni Yohan habang nakikipagbasag ulo naman si Dash sa nagtangkang umatake sa kanya.

Zach turned his attention again to his fake mother.

"Funny thing is, you're not my mother! Dahil kaya kitang saktan!" he shouted.

Walang ano-ano'y biglang tinapon ni Zach ang hawak na figurine sa babaeng kaharap at saktong natamaan nito ang kanyang ilong.

She groaned in pain. Napahawak ito sa kanyang ilong na dumugo.

"Fuck! Ang ilong ko!" She screamed. Galit nitong tiningnan si Zach. "Alam mo bang kaka-opera ko pa lang sa mukha ko, hayop ka!" Sigaw nito sabay atake kay Zach.

Hinanda ni Zach ang kanyang sarili. Agad niyang iniwas ang kanyang sarili sa hawak na patalim ng kalaban. Inipon nito ang kanyang buong lakas at binuhat ang babae sabay tapon nito sa kama.

Napadaing ang babae sa sakit kahit na malambot ang kama. Hindi na pinatawad ni Zach ang babae at binigyan niya ito ng malakas na suntok dahilan para bigla itong makatulog.

Umalis ito sa kama sabay pulot ng kutsilyo sa sahig.

Akmang tatakbo na sana siya nang maagaw nito ang pansin niya sa bulsa ng kanyang pekeng ina.

Agad niyang nakuha ang ID nito.

Nang kanyang tiningnan ang nakasulat dito, hindi niya sukat akalain kung kaninong pagkakakilanlan iyon.

Nanginig ang kanyang mga kamay at dali-daling tumakbo papalabas ng kanyang k'warto.

Nang mahulog ang ID sa sahig. Bumungad dito ang pangalan ng taong nagpahirap sa isa sa magkapatid.

'Patricia Real'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top