Chapter 40

University

WALA pang limang minuto nang marating ni Zach ang eskwelahang sinasabing may bomba. Tahimik ang buong paligid ng university na isang palatandaan na nasa kanya-kanyang klase ang mga estudyante.

Sa lamig na dala ng hangin at katamtamang sikat ng araw, bukod sa magandang pintura at istruktura ng eskwelahan. Sobrang nakakaakit din ang mga halaman sa paligid nito.

Mabibilis na kamay ang nagmama-mani obra sa manibela. Agad namang pinark ni Zach ang kanyang kotse sa parking lot at dali-daling tumakbo papuntang gate. Akmang papasok na sana siya nang humarang ang isang malaking mama na may suot ng uniporme.

"Hindi po namin pinapayagan na pumasok ang kung sino-sino kung hindi estudyante o magulang ng aming estudyante. Kaya umalis na lang po kayo, sir," pananakot ng guwardiya rito.

Bukod na laging busangot ang hitsura ng guwardiya, mapapansin sa kanya ang kanyang malaking katawan at ang bilogan nitong tiyan.

Agad namang inilabas ni Zach ang kanyang wallet na may lamang pekeng ID ng kapulisan.

"I am SPO1 Zach Matias Reyes. May nag-tip sa amin na may estudyante rito na gumagamit ng droga. I'm having an investigation here," he lied. Nakapamaywang pa ito para mas lalong kapani-paniwala ang kanyang gagawin.

Makailang beses na pabalik-balik ang tingin ng guwardiya sa mukha ni Zach at sa ID'ng hawak nito.

Tumabi ang guwardiya at binuksan pa lalo ang gate, "SPO1 Zach Reyes. Sa oras na may mangyaring masama ay ikaw ang pagbibintangan ko," pagpapaalala ng guwardiya bago tuluyang makapasok ang binata na may nag-aalalang hitsura.

Mabilis na tumakbo si Zach at hinablot ang kanyang telepono.

"Mikki-boi, nasa'n ang bomba?"

"Pumunta ka ng gawing kaliwa pagpasok mo sa gate. Diretso ka lang tapos sa unahan may makikita kang malaking yellow room. Isa 'yong banyo ng babae, nandoon ang bomba. Be careful, banyo ng babae ang papasukin mo! Bilis!" Sagot ni Mikki na nasa headquarters ngayon.

Wala nang sinayang na segundo si Zach at humarurot na ito nang takbo. Wala naman itong problema sa kanyang daan dahil walang katao-tao sa pathway ng university.

Nang sandaling nakita nito ang sinasabing yellow room, agad naman siyang napatigil nang mapansin ang paglabas ng dalawang babae sa labas ng comfort room.

Tila nahihiya ito nang maalala na makakasalamuha niya ang mga babae sa loob ng isang pribadong lugar. Namumula na ang kanyang mukha sa kahihiyan pero naalala niya na nasa isang misyon ito.

Dali-dali itong pumasok ng banyo at hindi inaasahan ang kanyang nabungaran. May tatlong babaeng nakaharap sa salamin habang nag-kokolorete ito ng kanilang mga mukha.

Parehong nagulat ang tatlo at kasunod nito ay ang sunod-sunod na sigawan ng tatlong babae.

"Tulong! May manyak!" Sigaw ng babaeng may hawak ng lip gloss.

"Help! May namboboso!" Sunod na sigaw ng babaeng may hawak naman ng lipstick.

"Wahh! Ang g'wapo ng manyak!" The girl with a pink comb exclaimed.

Sunod-sunod nilang tili dahilan para magpanic ang mga ito.

"Sorry, Miss. I need to check the CR. May nakaplanta rito!"

Parang natauhan ang mga babae sa sinabi ni Zach. Dali-dali silang nagsitakbuhan habang nakapasok na ng tuluyan ang binata sa loob ng banyo.

Isa-isa niyang tiningnan ang loob ng cubicle. Nang sandaling nabuksan niya ang huling pintuan, dito na siya nagulat at hindi makapaniwala sa kanyang nakita.

Isang babaeng may suot ng salamin ang nakagapos sa inidoro at may bombang nakakabit sa kanyang katawan. Nakabusal ang bibig nito dahilan para hindi ito makahingi ng tulong. Basang-basa na rin ito dahil sa pagpapawis at iyak na hindi na matigil-tigil.

"Shit," he whispered.

He grabbed the girl's shoulder and checked everything about her. May tali ang kanyang mga paa't kamay. Habang ang bomba naman ay nakapulot sa dibdib nito. May iba-ibang kulay ng wires at nasa gitna ang timer nito halos sampung minuto na lang ang natitira.

"Okay, miss, let's cut this crap. Wait, don't move," paalala niya rito na agad namang ginawa ng babae.

Dahan-dahang tinaggal ni Zach ang nakabusal na duct tape sa bibig nito. "Sir, 'yong babaeng may hawak ng suklay at lipstick ang may gawa nito!" Natatarantang wika ng babae dahilan para manlaki ang mga mata ni Zach.

Kung titingnan ay normal na estudyante lamang ang mga ito. Hindi niya sukat akalain na sila rin pala ang mga taong huhulihin niya. Pero mas importante ang buhay ng taong nasa kanyang harap ngayon.

"Mamaya na 'yan. Kailangan mong makatakas," kinakabahang saad ng binata. Inilabas nito ang kanyang swiss knife at isa-isang pinutol ang gapos sa kanyang kamay at paa. "Huwag kang gagalaw, puputulin natin 'tong strap sa katawan mo."

Walong minuto.

Numerong rumehistro sa timer. Tiningnan naman ng binata ang nakapulupot sa babae at agad pinutol ang strap.

"Saan 'yong track and field niyo rito?"

Nagtaka man ang babae pero sinagot niya na lamang ito.

"Paglabas mo ng banyo, kumaliwa ka. Sundan mo ang pathway hanggang sa makalampas ka ng dalawang building. Nandoon ang track and field namin," she answered. Zach just nodded and ran as fast as he could.

Tagaktak na pawis nito at humahangos na rin dala ng pagkataranta at nanginginig na rin ang kanyang tuhod sa kabang dala.

Nang malampasan niya ang isang building ay nagulat ito nang sandaling tumunog ang malakas na bell ng eskwelahan.

Mas lalo siyang kinabahan nang sandaling nagsisimula nang maglabasan sa kanilang silid ang mga estudyante.

Kung kailan na may dala akong bomba, do'n pa naglabasan ang mga estudyante. Saad niya sa kanyang isip at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo.

Narating niya ang track and field na wala pang gaanong estudyante ngunit limang minuto na lang ang natitira sa kanyang oras.

Inilatag niya ang bomba sa damuhan at mabilis na nagtipa ng numero sa kanyang telepono.

"Hello, Mikki? Nakuha ko na ang bomba. Ano nang gagawin?" He said in rush. Humahangos ito dala ng pagod at hindi na mapakali sa nangyayari.

As soon as he captured the bomb's image, he immediately sent it to his comrades.

"It's a typical bomb, gaya no'ng nakikita sa mga teleserye. Cut the red wire. 'Yong vibrant---'yong tipong parang hinog na mansanas ang kulay!" Mikki answered proudly.

"Are you joking? Eh, lahat dito puro matitingkad ang kulay. Tiningnan mo ba ang larawan. Para siyang shades of red. Eh, halos limang kulay ang magkakapare-pareho rito, ah," inis na sa tugon ng kasama na mas lalong na-pressure nang makita ang apat na minuto.

"Just cut the brightest color!"

"Eh, hindi ko nga alam!"

"Tingnan mong maigi. 'Di ba mahilig ka sa arts? Eh, bakit hindi mo ma-distinguish ang brightest red sa ibang uri ng red? Color blind ka ba?" Pang-aasar pa nito kaya mas lalong naloka si Zach na kinakabahan na sa mga susunod na mangyayari.

"Yawa ka talaga minsan!" Nanggigil nitong saad, nilapag niya ang telepono sa damuhan at inilapit ang mukha sa wiring ng bomba.

Inisa-isa niya itong hinawakan at tinimbang kung alin ang pinaka-matingkad ang kulay.

Sa pamamagitan ng swiss knife, pinutol na lang ni Zach ang wire na sa tingin niya ay ang pinaka-matingkad sa lahat. Pigil ang hininga nito nang sandaling naputol na niya ang wire na sa tingin niya ay tamang kulay.

Ngunit nang sandaling mapatingin siya sa timer ay gano'n na lang ang pagkataranta niya nang mapansin na mas bumilis ang paggalaw ng numero.

"Mikki, maling wire ang naputol ko. Bumilis ang oras! Peste!" Sigaw nito dahil sa inis.

"Paktay, itapon mo na lang ere o 'di kaya iwan mo sa walang taong lugar. Bilis!"

Nang banggitin ni Mikki ang kanyang huling salita, nanlaki pa ang mga mata ni Zach nang hindi namalayan na may sampung segundo na lang siyang natitira.

Agad niyang hinablot ang bomba at bum'welo nang pagkalakas-lakas sabay tapon ng nasabing bagay sa ere. Mabilis na hinablot ni Zach ang kanyang telepono sabay takbo ng mabilis.

Boom!

Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong eskwelahan. Napasigaw ang ilan sa mga estudyante at kinabahan naman ang ilan sa kanila. Nagkulay itim ang langit dahil sa usok dala ng sumabog na bomba, may ilan pang nasunog na parte ng bomba ang lumiyab sa damuhan.

Napatingin din ang ilang estudyanteng kalalabas lang ng kanilang classrooms kay Zach na ngayon ay nakadapa na sa damuhan.

Napaangat ng tingin si Zach at mabilis na tumayo nang mapansing pinagtitinginan na ito ng mga estudyante.

Mula sa malayo, dumating naman ang babaeng tinulungan niya kanina kasama ang guwardiya ng university. Lumapit ang mga ito kay Zach.

"Anong nangyari rito?" Takang tanong ng guwardiya nang mapansin ang pag-usok at bahagyang pagliyab ng damo sa track and field.

"Sorry, sir. I tried to diffuse the bomb pero pasabog na ito kaya tinapon ko na lang sa ere," hinihingal na pagk'wento ni Zach.

"Sir, totoo po 'yon. He helped me with the bomb," pagtanggol sa kanya ng babae.

"At dahil diyan, sir, p'wede ka bang sumama sa akin for interrogation?"

"Nah, I can give statements to my colleagues. You can spray those burning grasses and fallen debris. I'll go," wika nito at dali-daling tumakbo papalayo ng track and field.

"Thank you, handsome! By the way, Oreo!" Pahabol na sigaw ng babae.

Lumingon muli si Zach sabay kaway rito.

"Jai by the way!" Zach replied and took his exit.

He reached into his pocket and pulled out his phone. Agad siyang nagtipa sa kanyang telepono.

Dahan-dahan itong naglakad papalabas ng gate. As he waited for someone to answer the phone, he smirked when he saw someone leaning against his car from afar and answering his call. This gave him a smirk.

"We got some fish, brother. What kind of cooking do you prefer? Fried food? Stew? Or grilled?" Nang-aasar na tanong nito.

He then ended the call and entered the van.

***

SA ISANG madilim na k'warto, nakatali ang dalawang babae na suot ang kanilang uniporme. Mula sa maalikabok at nangangamoy patay na dagang silid, marami ring maririnig na tunog na galing sa mga insekto't hayop.

Tanging ilaw lang mula sa kanilang ulohan ang nagsisilbi nilang tanglaw sa madilim na k'warto.

Nagising ang mga ito dala ng amoy ng kanilang paligid.

Nang imulat nila ang kanilang mga mata ay gano'n na lang ang kanilang gulat nang mapansin ang pagtalon ng palaka sa kanilang harapan.

"Ahhh! Frog! Fuck! My gosh!" Sigaw nito ngunit hindi ito makagalaw dala ng mahigpit na pagkakatali sa upuan.

"Rita, please, kick that frog from me! Nakakadiri! Help! My gosh! Ahhh!" Napapatiling tugon ng isa.

Makailang beses na nagpupumilit ang dalawa na maputol ang pising nakagapos sa kanilang mga katawan pero wala rin itong silbi.

"We need to cut the crap! And please exert some effort. Ikakamatay ko ang place na 'to! Sobrang baho! Like, oh my gosh!" Tili nitong wika.

"Stop shouting! Nakakarindi ang boses mo!"

"Then do your job! Move your body, bitch! Huwag kang---"

"Good thing you're alive," napatigil ang dalawa nang sandaling umalingawngaw sa buong silid ang boses ng isang lalake. Nag-echo pa boses nito dahilan para may dalang kilabot sa kanila.

"Shit! Who are you? Let us go!" Galit na sigaw ng isang babae.

Mula sa isang sulok, ang pigura lamang na kanilang nakikita ay tuluyan na ngang lumantad.

"C-Craxe?" Gulat na tanong ng babaeng nakaharap ngayon kay Zach.

"Surprise! Hi, I'm Silicon. Nice to meet you both Ritare Segundo and Narrie Olasiman. How's your sleep?" Nang-aasar na boses ni Zach dahilan para mas lalong mag-init ang ulo ng dalawa.

"Fuck! Rita, alam na niya," tanging naibulalas ni Rita nang sandaling may na-realize ito.

"Yes," humablot ng isang maayos na monobloc chair si Zach sa isang tabi sabay lapag nito sa harapan ni Rita na ngayon ay kinakabahan na sa nga nangyayariZach smirked. "I know and maybe you also know what will happen if you don't tell me where he is." he asked.

"Hindi namin sasabihin. K-Kahit ikamatay pa n-namin. Hinding-hindi namin s-sasabihin!" Narrie answered while her voice was shaking.

"Ms. Narrie, mabilis lang ang lahat sa akin. Wala kayong magiging problema. Nasa'n na si Daniel Sandoval?" Seryosong tanong ni Zach at may halo na nang pambabanta sa kanyang boses.

"No! We won't tell you. Patayin mo man kami! Hinding-hindi namin sasabihin sa'yo!"

Umalis sa pagkakaupo si Zach. Ilang segundo lang nang bumalik ito na may dalang kahon na may lamang deadly arachnids a looob. May dala rin itong folder na may lamang mga papeles.

Gulat na napatitig ang dalawa rito na parang alam ba nila kanilang kamatayan.

Inilapag nito ang dalang kahon sa paanan nila. Muling umupo si Zach at naka-de-k'watro pa. Binuksan nito ang folder at isa-isang tiningnan ang mga babae.

"Ritare Darro Segundo. A former nurse at Luisiano Hospital. 32 years old, single and currently working at Liberty Crime Office? And guess what? You're arachnophobic!" Halata sa boses ni Zach ang pang-aasar at panggugulat nito. "Since you won't tell me where he is. We will give you death within a second."

Napapatili na si Rita na parang mapuputol na ang litid nito. 'Di na matigil ang kanyang pagsigaw.

"Tumigil ka, Rita! Nakakainis ka na, ah. Titili ka lang dahil sa gagamba!" Inis na wika ni Narrie.

"Shit, wala ka talagang alam! Bobita!" Napatingin si Rita sa hawak na kahon ni Zach at muling tumili nang remehistro ang takot sa kanyang mga mata. "Those are funnel-web spiders o Atrax robustus. Guinness World Records na mismo ang nagsabi, isa ito sa pinakadelikadong gagamba. May venom potency itong 0.2 mg/kg na kayang pumatay ng tao 'pag hindi naagapan. S'werte tayo 'pag babae na encounter natin since mas mababa ng anim na beses ang kamandag nito kumpara sa mga lalake!" Pagpapaliwanag nito na siyang ikinagulat naman ng isa pang babae.

Zach chuckled, "Funny thing you've done your research. And you're arachnophobic. Now let's play a game. Sasabihin niyo o hahayan kong gumapang ang mga ito sa mga katawan niyo?" Then he smiled like a devil.

"Fuck! Narrie ayokong mamatay sa kagat lang! Gusto kong sa ibang paraan!" Sigaw ni Rita na pabor sa kanya ang hitsura ng malalaking gagamba.

"Where is Daniel Sandoval? And since hindi niyo naman sinasagot ang tanong ko. Pakakawalan na natin si Atrax at hayaan sa silid na gapangan kayo. Bye, ladies!"

Zach smiled at them and opened the container. The spider slowly escaped from it. Mas lalo namang kinabahan si Rita at Narrie na naliligo na sa sariling pawis sa takot. Namumutla na rin ang mga ito na maari nang mag-collapse ano mang segundo.

"Sasabihin na namin! Sasabihin na namin! Nasa France, Paris siya ngayon!"

Then Zach's lips curve. Then he mouths, 'yes'.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top