Chapter 37
Drown
Jeremiah Dashielle Narvaez
NAKARAMDAM ako ng lamig nang sandaling nagkamalay ako. Putangina! Sobrang sakit ng ulo ko. Gusto kong mahiga sa malambot na kama pero mukhang malabong maigalaw ko ang aking katawan. Sobrang bigat ng nararamdaman ko.
Teka, sandali!
Napadilat ako ng aking mga mata nang maalala ang huling nangyari kanina. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang kinalalagyan ko.
Putek! Bakit nasa loob ako ng a-aquarium?
Napatingin ako sa aking paligid at pilit inaayos ang aking paningin dahil hindi ko pa masyadong nakaka-klaro ang kabuoan kung saan man ako ngayon.
Nang sandaling luminaw na ang aking nakikita ay doon ko lang napagtantong nasa loob nga ako ng aquarium. Nasa isang warehouse kami dahil may mga tools na nakaimbak sa aming paligid at may mga lumang sasakyan pa akong nakikita na kinakalawang na.
Pinilit ko ang aking sarili na tumayo kahit na nahihilo pa rin ako dala ng gamot na tinurok sa amin.
Nanginginig ang tuhod ko habang inilalapit ang aking sarili sa kasunod na aquarium.
May lamang tubig ang kinalalagyan ko na abot hanggang tuhod kaya basang-basa na rin ako na waring naliligo lang sa isang pool.
Napahawak ako sa salamin at sinubukang hampasin ito sa abot ng aking makakaya ngunit kahit gasgas ay hindi ko man lang nabahiran.
"Vee..." Sigaw ko rito pero alam kong hindi gaano kalakas ang aking pagsalita. "Yohan..." Ulit ko pa pero gano'n pa rin ang boses na meron ako.
Mahina akong napakatok sa salamin nang ilang beses kahit alam kong malabo nang magising ang mga kapatid ko.
Shuta! Mamatay na ba kaming nakasilid sa aquarium. Tapos makikita na lang katawan namin na nalulunod? Hindi ko ma-imagine hitsura ko kung makikita pa kami ng mga awtoridad. Nakalutang sa loob at namumuti ang balat sa matagal na pagkakababad.
Tae! Naiisip ko pa lang parang gusto ko nang magpakamatay.
"Dash... Vee..." Bulong ko sa hangin.
Pero napatigil ako sa pag-se-senti nang mapansin ang pagpasok ng mga taong naka-suot ng puting PPE. Mukha silang astronaut dahil sa balot na balot silang lima na parang may eksperimento silang gagawin.
Ngayon ko lang napansin na may mga malalaking hose na nagkalat sa paligid na naka-konekta sa isang malaking makina.
Hindi ko alam pero kinakabahan na ako sa mga susunod na mangyayari.
Napatingin ako sa kabuoan ng aking kinalalagyan at doon napansin ang isang malaking butas sa taas na parang may p'wede i-konekta rito. Gulat akong napatingin muli sa hose at nagulat nang makita ang hitsura nito.
Gagi... kung tama hinala ko, 'yong hose ay i-ko-konekta do'n sa butas sa taas at sa makina naman manggagaling ang p'wede nilang i-fill-up sa aquarium na 'to hanggang sa mamatay kaming tatlo.
'Di ko alam pero gumagana talaga utak ko tuwing nalalagay na ako sa panganib. Nakakatawa lang dahil mukhang magkakasama na kaming apat pero bilang mga espirito na. Sayang, hindi man lang kami makukumpletong apat...
Napatigil ako sa pag-iisip nang lumapit sa gawi ko ang dalawang astronaut habang bitbit ang isang gawa sa bakal na hagdan. Kinabit ng isa ang dulo ng hagdan at dahan-dahang umakyat dito habang ang isa naman ay iniabot ang hose sa nakatungtong sa hagdan.
Dito na ako kinabahan dahil may dalawa pang lumapit sa direksyon niva Vee at Yohan. Nagtaka pa ako dahil sa gawing baba ang butas sa aquarium na nilalagian ni Yohan habang nasa gitna naman kay Vee.
Matapos nila itong ikabit ay muling bumalik sa p'westo ang anim pero hindi iyon rason kung bakit ako napatitig sa direksyon nila. Kundi nandito ang isang tanginang tao na gustong-gusto ko nang mawala sa mundong 'to.
Naikuyom ko ang aking kamao at ramdam ko ang pag-init ng aking dugo habang nakikita ang matandang nakangiti lang.
Dahan-dahan itong naglalakad sa direksyon ni Vee na nasa kasunod ko lang na p'westo. Sa kanyang paglipat ay marahan niyang hinawakan salamin ng aquarium nito.
Mahina itong napatawa. Kita ko ang pagsandal ni Vee sa salamin, walang laman ang loob nito at parang lantang gulay tingnan ang kabuoan ng kapatid ko.
Gustohin ko mang basagin ang salamin para iligtas sila ngunit sobrang tibay nito na kahit bala ng baril ay hindi tatalab dito.
"Craxe! Craxe! Craxe!" Napa-tsk pa ito at pabalik-balik ang lakad sa harapan ng aquarium. "Such a shame dahil hindi na kayo maliligtas ng mga magulang niyo. At bago kayo mawala sa mundong 'to, here's a thing about your parents." Balak ko sanang sagot-sagutin siya pero lamang kuryosidad ko na malaman ang totoong pagkatao naming apat. Kaya hahayaan ko muna ang gurang na 'to na magsalita.
Tumikhim ito bago muli magsalita, "Sina Janellia Myrtille and Jernelle Manyer Craxe ay parehong masaya sa kanilang buhay. They might not be the wealthiest couple, but at least they lived happily. At ang anak kong si Daniel October Sandoval ay ikakasal sana sa bestfriend ni Ellia na si Sharlette Zell Villalubos. At ang lolo niyo na ama ni Ellia ay malaki ang utang na pera sa anak ko dahil sa sugal. Hindi niya ata alam na kahit sino ka pa, kapag nangutang ka ng pera kay Daniel ay pera rin ang kailangan mong ibalik pero hindi eh," tumigil ito at nagsimula na siyang maging emosyonal. Tsk! Ganyan ba talaga mag-drama ang isang Christopher Sandoval? Parang tanga lang.
"'Yong lolo niyo, ayaw magbayad kaya ang ginawa ni Daniel ay idaan na lang sa sapilitang pagbibigay. At dahil wala ngang pera, mas maganda 'pag ibang bagay na lang ang kunin at isa na roon ang buhay ng umutang. Hinabol ni Daniel si Lolo niyo at hindi namin sukat akalain na pinatay ng mga magulang niyo si Sharlette dahil kakampi nito si Daniel. That shit happened to my daughter-in-law. Napaka-walang hiya ang ginawa ng magulang niyo kaya hinding-hindi ako titigil hanggang sa mamatay ang lahi niyo!" Sigaw nito na halos maputol na ang kanyang litid.
Wala ring silbi kung sasagot-sagutin ko pa siya. Nakakapanghina na sa pakiramdam na makita siya tapos magwawaldas pa ako ng enerhiya para sagutin siya sa mga kasinungalingan niya? Pch! Gago ba siya? O malubha na ang saltik na sa ulo niya? Siya na ata ang nakilala kong taong wala nang ginawa kundi maghasik ng kasakiman. Nakaka-tangina presensya niyang matanda siya. Sagad na sagad ang galit ko sa kanya.
Sana lang mabuhay pa kami at nang ako na ang gagawa nang paraan para magantihan man lang namin ang matandang 'yon.
Rumehistro sa kanyang labi ang isang nakakalokong ngiti na kinasusuklaman ko. Grabe, sa lahat ng ngiti na nakita ko. Sa kanya talaga ako nandidiri.
"Well, say your prayers, boys. Because this is the remarkable day for me!" Sigaw nito, kasunod ay tumawa ito nang malakas na parang demonyo. Binalik ang tingin nito sa gawi namin kasabay nito ay may pinindot siya sa makinarya. "'Cause this is the day na hindi na kayo masisikatan ng araw! Bye, Craxe!"
Tawa ito nang tawa habang umaalis kasabay ng kanyang mga astronaut.
Nataranta naman ako nang magsimula na ang pag-iingay ng machine. Napatingin ako sa aquarium ni Yohan at nanlaking mata nang makita na ang pagbulwak ng basang semento papasok sa butas ng aquarium. Nagsimula na ring magpanic si Yohan.
"Guys, wet cement is filling my tank! Help! Help!" Sigaw nito. Napapahampas na rin si Yohan sa salamin. Nasa gawing corner ito ng aquarium habang umiiyak.
Basang semento? At ano naman kay Vee?
Halata sa mukha ni Vee ang lungkot, wala na itong imik at nagtungo na rin sa gawing gilid ng aquarium sabay yakap sa kanyang tuhod. Nagsimula na ring magbagsakan ang bu-butil-butil sa kanyang paanan. Naagaw naman ng atensyon ko nang bumulwak sa hose ang malamig na tubig.
Kung kay Yohan ay pupunuin ng semento ang kanyang tanke, kay Vee naman ay buhangin habang sa akin naman ay tubig. Sobrang ingay ng patak ng buhangin na siyang naririnig ko, ang pagbulwak ng tubig at ang sigaw ni Yohan ang siyang maririnig sa buong sulok ng k'wartong 'to.
"Don't force yourself. We c-can't survive in this thing," nanghihinang wika ni Vee. Ang dating abot tuhod na lebel ng tubig ay hanggang bewang ko na. It's been like I'm a caged bird for y-years and I guess I'm gonna die like a bird drowned in sand grain." Bulong ni Vee sa hangin pero naririnig namin ang mga sinasabi dahil sa nag-e-echo ito sa loob ng tanke.
"Guys, mukhang may baklang magiging r-rebulto sa atin," naiiyak na saad ni Yohan. Umabot na sa kanyang tuhod ang basang semento.
"At may magiging sea creature sa atin," pagsalita ko.
"And you'll see me buried alive," habul pa ni Vee.
Habang tinitingnan ko sila ay nakakapanghina na ring mabuhay. Gusto lang naman namin mamuhay nang kompleto't magkakasama pero si Tadhana, grabeng laro ang ginawa. Mukhang mamatay ata kaming hindi man lang makikita ang aming mga magulang.
Mabigat sa damdaming napatingin ako kina Vee at Yohan. Si Yohan na abot bewang na ang taas ng semento habang nasa bewang na rin ang kay Vee at hanggang dibdib na sa akin. Mukhang sa aming tatlo ay ako ang unang lulunurin.
"Dash! Dash! Bakit ang bilis mapuno ng sa'yo?" Kita ko ang pag-alala sa hitsura ni Yohan. "Dash, teka lang!"
Mabilis ang pag-apaw ng tubig dahilan para umabot na sa aking leeg ang lebel nito.
"Yohan, Vee... cheesy and corny mang pakinggan... pero mahal ko kayo! Sana lagi niyong tandaan, sobrang saya ko na nakilala ko kayo. At hinding-hindi ako---magsasawang---" halos maabot na ng tubig ang aking bibig. Sa abot ng aking makakaya, naghahanap ako ng paraan para makausap sila kahit na katiting na lang ng space sa aquarium ang meron ako.
"Dash! Dash!"
"Dash! Please! Don't give up!"
"---- sabihin sa inyo na mahal ko k-kayo!"
At tuluyan na ngang napuno ang tangke'ng kinalalagyan ko. Wala na akong kawala at wala na rin akong mapagkukunan ng oxygen. Pumapasok na ang tubig sa loob ng aking ilong.
Lumangoy ako papalapit sa direksyon ng dalawa. Habang tinititigan ko sila ay parang nag-slow-mo ang lahat. Parang bumabagal ang paghampas nina Vee at Yohan. Ultimo pagbukas ng kanilang bibig ay napakabagal at ang pagtulo ng kanilang mga luha ay parang huminto sa ere.
Nanlalabo na ang aking paningin. Mas lalo ko pang nilapit ang sarili ko sa salamin at idinikit ang aking dalawang palad dito.
Tangina! Naiiyak ako habang nakikita silang dalawa na hinahampas ang salamin habang sinigaw ang pangalan ko.
Huwag naman kayong mag-iyakan, oh. Ayaw kong makita kayong umiiyak nang dahil sa akin. Dito na tuluyang bumigay ang aking katawan. Binigyan ko sila ng matamis na ngiti at tuluyan na ngang bumigat ang pakiramdam ko.
Dahan-dahan ding bumibigat ang talukap ng aking mga mata.
Mga kapatid ko... Huling naibulalas ko at tuluyan nang ngang nandilim ang aking paningin.
***
WALANG tigil kasisigaw sina Yohan at Vee habang hinahampas ang salamin kahit alam nilang malabo itong mabasag. Yohan has been crying while shouting Dash's name.
Lahat ng dasal ay nasabi na ata nila habang nakatanaw sa nalulunod na katawan ng kakambal na hindi na humihinga.
Kitang-kita ang hitsura ni Dash na nakatihaya sa loob ng tangke na walang malay.
"Dash! Wait for me! I'm gonna revive you!" Palahaw na sigaw ni Vee at dumudugo na ang knuckles nito sa walang tigil na pagsuntok sa salamin.
Hindi nila inalintana ang pagtaas ng lebel ng semento't buhangin na abot na hanggang dibdib nila. Pero napatigil silang dalawa nang isang palaso ang biglang dumikit sa aquarium ni Dash. Walang kaalam-alam ang dalawa kung saan ito nanggaling. May kung anong tunog itong nilikha at kasunod nito ay ang biglang sumabog ang aquarium sa kinalalagyan ni Dash. Inanod ang katawan nito hanggang dalhin ito sa isang tabi kasama ang mga babasaging salamin ng aquarium.
Nanigas sa kanilang p'westo sina Yohan at Vee. Hindi nila sukat akalain ang biglaang paglitaw ng pana na siyang sisira sa salamin.
"Vee, lumayo ka sa salamin!" Utos ni Yohan nang mapansin ang isang itim na pigura na may dalang palaso't pana.
Tumira ng dalawang palaso ang pigura na tumama sa aquarium ng kambal. Katulad no'ng kay Dash, sumabog din ito at nagkalat sa buong paligid ang buhangin at semento.
Hindi na nag-aksaya pa ang dalawa at agad na dinaluhan ang walang malay na si Dash.
Inalog-alog ito ni Vee, "Dash! Gising! Please wake up, brother!" Humahagulgol nitong sabi.
"Tabi," saad no'ng pigura na nakabalot ang mukha dahil sa suot nitong itim na face mask at bonet. Naka-full black attire rin ito gaya ng mga spy at agents sa mga palabas. May mga baril sa katawan nito at itim na bagpack na hindi basta-basta mapapansin.
Ginawa niya ang CPR kay Dash. Ilang beses niyang ginawa ang pushes sa kanyang chest and checks on his breathing.
"Shit! Gumising ka, Dash! Hinahanap ka na ni Paslit."
Natigilan si Yohan at takang napatingin sa lalake.
'Paano niya nakilala si Paslit' turan nito sa kanyang isipan.
Ilang segundo pa nang iniluwa ni Dash ang tubig mula sa kanyang pagkakalunod. Umubo-ubo na rin ito pero hindi pa rin nito dinidilat ang kanyang mga mata.
"Dash! My gosh! You're alive!" Naisigaw na lang ni Yohan dahil sa sobrang pag-alala.
"Thanks, mister. By the way, who are you?" Vee asked.
The guy removed his bonet and mask. The two were shocked when they saw the face of the guy who helped them.
"I'm agent 0050!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top