Chapter 35

Triple

Jeremiah Dashielle Narvaez

KATATAPOS lang namin maghapunan kasama ang pamilya Amarillo at mga barkada ni Zach. Ubos lahat ng ulam at kahit kanin nila dahil sa sobrang takaw naming tatlo sa pagkain. Kaya ang ilan sa kanila ay konti na lang ang kinain dahilan para humingi kami ng tawad sa pamilya.

Nagpapahinga pa rin si Manang Loren habang kaharap namin ang mga barkada ni Zach. Nagliligpit na ng pinagkainan ang kambal.

Kanina pa kami tinitingnan ng masama ng tatlo na parang gusto ko nang tirisin ang mga mata sa paraan ng paniniitig nila.

"Gusto niyo bang pagdudukutin ko 'yang mga mata niyo---aray!" Sigaw ko nang isang hampas sa dibdib ang nakuha ko mula kay Yohan na katabi ko lang sa pagkain.

"Grabe, 'no? Isang hulmahan lang talaga kayong apat ni Zach. Siguro sa buhok at posisyon ng nunal lang kayo nagkakatalo," komento ni Catherine na kanina pa namamangha sa aming tatlo.

"So, sino kaya sa kanila ang pinaka-talented. Mind if you can share your skills, gentlemen?" Wika ni Sarinna na nakapatong ang baba sa likuran ng kanyang palad.

"I can sing," sagot ni Vee sa mababang tono.

"Well, I am an actor," proud na sabi Yohan, may pa kaway-kaway pa siya ng kamay niya na parang nag-Miss Universe.

"Wow! Ang galing! Ano nang mga pelikula o series ang pinagbidahan mo?" Tanong ni Catherine.

"Well, kaunti pa lang ang projects ko since baguhan pa ako sa industry. Pero ilan na sa mga projects ko ay Midnight Flower which is nag-cameo lang ako. Yesterday Is A Promise of Tomorrow and I got a supporting role there. And 'yong latest kong movie, As The Winter Melts, supporting lang din ang nakuha ko pero okay na 'yon since kasisimula ko pa lang sa pag-a-arte," paliwanag nito na siyang ikinatuwa ng tatlo.

Napakamot tuloy ako sa aking likod ng aking tenga dahil sa galing ng dalawa kong kapatid. Ako lang ata ang kulelat sa aming apat. Siguro magaling sa pagnanakaw, 'yon ang meron ako.

"Ikaw ba, Dash? Anong talent meron ka?" Nang-iinis na tanong ni Dabid.

"Mambatok. Kung 'yang mukha mo hindi mo mabago-bago baka mabatukan kita!" Inis kong sagot din dito. Nagtawanan silang apat habang napakamot na lang sa kanyang batok si Dabid.

"Actually, Dash is proficient at combat. He is the one who saves us from those bad guys. If he's not there, maybe we're already dead by now," gulat akong napatingin kay Vee nang sabihin niya 'yon.

Corny mang pakinggan pero sobrang saya ko dahil may taong nakaka-appreciate sa pagiging barumbado ko.

Ngayon ko lang ata naranasan na ma-compliment sa isang bagay na alam kong iilan lang ang nakaka-appreciate.

Matapos ang usapan ng namin ay napagdesiyonan ng tatlo na umalis na dahil may pupuntahan silang trabaho nila habang naghahanda naman ang kambal para sa pagpunta sa palengke.

Kahit na may nangyari kahapon, kailangan pa rin nilang kumita dahil wala na silang maasahang pagkunan ng pera.

At dahil wala naman kaming gagawin, sumama na kaming tatlo sa kambal. Habang sasamahan naman si Manang Loren ng kapitbahay nila na kumausap sa amin kahapon.

Bago kami sumama ay nagpalit muna kami ng damit at hiniram ang natitirang damit ni Zach na hindi niya nadala.

Nang makapasok kami sa loob ng kanyang k'warto ay kita namin kung gaano ito kalinis at ka-organisado. May mga art materials din siya sa isang lamesa na sobrang ganda ng pagkakanay sa isang tabi.

May nakasabit din na mga painting at sketches sa dingding nito na puro portraits ng kanyang pamilya. May mga scenery paintings din siya na sa tingin ko ay ang bukid na nasa harapan ng kanilang bahay. May imahe rin ng talon, gubat at ulog na siyang ikinamnagha namin dahil sa detalye nito.

"Wow, he seems to have gotten into the arts. We have sketched portraits and painted scenery. He's really awesome!" Manghang sabi ni Vee na ngayon ay nakatingala na sa pader.

"Sinabi mo pa. He should sell these paintings. P'wede niya 'tong pagkakitaan," rinig ko pang suhestiyon ni Yohan.

Patuloy kami sa pagtingin sa mga gamit sa loob ng kanyang k'warto hanggang sa matunton namin ang cabinet niya na may mga pictures ng celebrities na nakaguhit sa polaroids. Kadalasang nakadikit dito ay mga banda gaya ng 5 Seconds of Autumn, The Vampps, Once Direction at marami pa.

Fanboy pala ang isang 'yon.

Tiningnan namin ang kanyang mga gamit para may masuot.

Mahilig sa jogging pants si Zach kaya 'yon din ang suot naming tatlo. Manipis naman na long sleeves na kulay marooon ang pang-itaas ni Vee habang large size na damit naman na kulay grey ang suot ni Yohan at ako naman ay isang itim na sando.

Na-flex tuloy ang napaka-maskukado kong braso.

"Tapos na kayo?" Tanong ng isa sa kambal.

Lumabas kami ng k'warto at humarap na parang bata sa kambal.

Akala namin ay matutuwa sila pero ang nangyari ay sabay-sabay silang napatakip sa kanilang mga bibig.

Kasunod nito ay naging emosyonal ang dalawa na alam ko na ang rason ng pinaggagalingan nito. Alam ko naalala na naman nila ang kapatid nilang hindi nila kasama ngayon bagkus ang kasama nila ay ang totoong kapatid ng kapatid nila.

Lumapit si Yohan sa dalawa at binigyan ito ng mahipit na yakap.

"I know we've been in tough days, but it's always remember that at the end of the day, there's always hope that awaits us."

***

NANDITO na kami ngayon sa palengke dala-dala ang sako na puno ng gulay. Tatlong sako lang dala ng kambal para ibenta dahil hindi gano'n nabebenta ang gulay. Kaming tatlo naman nina Yohan at Vee ang may dala ng sako.

'Di ko sukat akalain na magdadala si Yohan ng isang sako dahil minsan ay malambot ito kung gumalaw. Wala naman akong narinig na angal mula sa kanya simula kanina.

Napapatingin naman sa amin ang mga taga-palengke dahil sa tangkad at tikas naming tatlo.

"Rashelle, sino naman 'yang mga kasama mo? Pakilala mo naman kami!" Halatang kinikilig ang dalawang babae na nadaanan namin.

"Ah, Ate Meling, 'di ba hindi ka pa bayad do'n sa utang mo sa amin? Baka gusto niyo pong unahin 'yon kaysa malaman ang pangalan nila," napa-oh ako sa aking narinig.

Ang savage talaga minsan ni Ate Rashelle.

"'Eto naman. Damot! Papakilala lang ayaw pang sabihin," pagmamaktol nito sabay balik sa kanyang p'westo.

Nang marating namin ang p'westo ay agad na kaming nag-set-up para makapagsimula nang magbenta. Tumulong kaming tatlo sa pagpuno sa lagayan ng gulay kaya mabilis lang din kaming natapos.

"Talaga bang tutulungan niyo kami sa pagtitinda?" Tanong ni Ate Reshelle.

"We just want to help you po since you let us into your house. And this help that we lend to you is not enough for letting us stay while we're figuring out the truth," sagot ni Vee na paupo na ngayon sa isang monobloc.

Napatingin naman ako sa paligid dahil kanina pa ako nakakaramdam ng bigat na hindi ko mawari.

Pero iwinaksi ko na lamang 'yon sa aking isipan dahil baka nag-o-overthink lang ako.

Nagsimula na kaming magtinda, sigaw nang sigaw si Yohan habang umalis muna saglit ang kambal dahil bibili muna sila ng gamot ni Manang Loren.

Nakaupo lang si Vee sa isang tabi habang ako naman ay panay linga sa buong paligid.

"Sitaw! Kalabasa! Patatas! Upo kayo riyan!" Sigaw ni Yohan.

"Guys do you really think that we escaped the Sandovals? They have a lot of connections. Maybe they already know that we're here," natigilan si Yohan sa kanyang ginagawa nang marinig ang sinabi ni Vee.

"Siguro nga. Sa yaman ng pamilyang 'yon, baka ngayon ay alam na nila kung saan tayo nagpunta. 'Di na ako magtataka kung mahahabol at mahahabol nila tayo rito," komento ko dahilan para malungkot ang dalawa.

"So, anything clue about our parents, Vee?"

"Ah, about that. I overheard Mr. Christopher tell someone that our parents own a university. I don't know where it is, but I'm pretty sure that it's a known institution," says Vee.

"Wow, mayaman pala pero bakit tayo pinaghiwalay?"

Hindi ko alam pero no'ng narinig ko ang sinabi ni Vee ay bigla na lang kumulo ang dugo ko. Mayaman pala sila tapos 'eto nangyayari sa mga anak nila.

Anak ba talaga ang turing nila sa amin?

"Psh, don't say that. Hindi pa nga tayo nagsisimula sa k'wento hinusgahan mo na agad. That's why we need to know the whole truth before we ---"

"Tao po!" Naputol ang sasabihin ni Yohan nang isang dalaga ang nagtitingin sa mga paninda. "Ay, iba na pala may-ari ng stall na 'to? Nasa'n na po si Nanay Loren?"

Napatingin ako kay Yohan at kita ko ang pagsipat nito mula ulo hanggang paa.

"Ah, si Manang Loren po ay nagpapahinga pa sa ngayon. May problema po kasi siya sa katawan. May bibilhin po ba kayo?" Ako na ang umasikaso ng bumibili.

Napaangat ng tingin ang babae at nang makita niya kami ay gulat na gulat ito sa kanyang nakita.

"Duling na ba ako? Bakit magkakakparehong---oh, my gosh!" Gulat siyang napatakip sa kanyang bibig. "Zach? T-Teka, sino si Zach sa inyo?"

"Ah, actually, wala ni isa po sa amin ay si Zach. Mga kambal po niya kami," pagsagot ni Yohan.

"So, where is he? It's so cute seeing quadruplets like this."

"He's gone po," nanlaki ang mga mata ng babae kasabay nito ay ang paninigas niya dahil sa kanyang narinig.

Ramdam ko ang kalungkutan sa aking paligid. Bakit ba kasi kailangan na may mawala sa aming apat? Kung p'wede nga lang ako na lang sana.

"O-Oh, s-sorry..." Pansin kong gustong ibahin ng babae ang topic dahil napansin niyang ang awkward na ng nangyayari sa amin. "Ah, uh--- p-pabili na lang ng tatlong kilong patatas," saad nito.

Ako na ang nag-timbang ng patatas. Natameme ata silang dalawa dahil sa tanong ni Ate.

"Salamat," saad nito at dali-daling umalis.

"Hello, brothers!" Isang masiglang bati ang bigla naming narinig dahil andito na sina Ate Reshelle at Ate Rashelle. "Anong nangyari? Bakit busangot kayong tatlo?" Nagtatakang tanong ni Ate Rashelle.

"Nothing. It's just we remembered something," sagot ni Vee.

"Oh, siya. 'Eto, bumili kami ng sioami sa kanto. May dala rin kaming banana que, puto with cheese at binaki!"

Nilapag ni Ate Reshelle sa may lamesa ang mga pinamili nila. Kita ko naman ang biglaang paglapit ni Vee sa lamesa.

"Wow, can I have them all?" Parang bata pag-asta ni Vee.

"No problemo, senyor¡ You can have them all?" Sagot ni Ate Reshelle.

Alam naming hindi pa gaanong pamilyar si Vee sa pagkaing ibinebenta sa bangketa.

Hinayaan lang namin siyang mauna sa pagkain. Una niyang nilantakan ang siomai, sunod naman ang puto, banana que at binaki. Ngayon lang namin nakita si Vee na sobrang laki ng ngiti. First time niya atang kumain ng gano'ng klase ng pagkain dahil hindi naman siya gaanong nakakalabas ng kanilang bahay dati.

Matapos naming mag-snack ay doon pa lang dumagsa ang mga mamimili. Hindi na magkakaundagaga ang mga tao kakapili ng gulay na bibilhin. May ilan pang pasimpleng kinuhanan kami ng larawan.

Sobrang saya namin na wala pang tanghali ay naubos na ang aming paninda. Sobrang saya rin ng kambal dahil ngayon lang nagkagulo sa harap ng stall namin.

May ilan pang nagpapa-picture pero si Vee na ang ipinain namin dahil nakaupo lang naman siya't nagkakahero.

Nagkakasiyahan kaming lahat dahil naubos ang aming paninda.

"At dahil diyan, bibili tayo ng gusto niyo!" Sigaw ni Ate Rashelle kaya naman sobrang laki ng ngisi si Vee.

"Can we buy some siomai again?" Tanong nito. Napangisi kaming lahat dahil medyo may halong kulet ang pagkasabi niya nito.

Nagtawanan kami habang inisa-isang niligpit ang mga gamit namin.

Wala pang ilang minuto nang may napansin akong malaking lalake na papunta sa aming direksyon.

Kinabahan ako nang sandaling makilala ko ang mga taong 'yon. Sa laki palang ng katawan nila, alam kong nandito silq dahil sa isang bagay.

Natunton na nila kami. Nang sandaling magtagpo ang mata ng nasa unahang lalake, mas lalo akong nanigas.

"Vee, Yohan... Kailangan na nating tumakbo..." Saad ko habang nanatitiling nakatitig sa lalake.

"What? What do you mean we need to run---" hindi na natapos ni Vee ang kanyang sasabihin nang sandaling sumilip siya tinitingnan ko.

"Fuck! We should, brothers!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top